8
ARALING PANLIPUNAN UNIFIED QUARTERLY EXAMINATION Araling Panlipunan I Pre-Test/Post Test Panuto: isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel. 1. Ang Pilipinas ay isang arkipelago na matatagpuan sa bahagi ng pangkapuluang Timog Silangang Asya. Bakit tinawag itong arkipelago? A. Ito ay binubuo ng mga isla na napaliligiran ng dagat sa lahat ng direksyon. B. Ito ay napaliligiran ng dagat sa hilaga at timog. C. Ito ay isang pulo na napaliligiran ng tubig. D. Ito ay isang makipot na lupain na kinakikitaan ng mga bundok at tubig. 2. Ang Pilipinas ay may klimang tropikal sapagkat malapit ito sa ekwador, ano ang katangian ng klima nito? A. maalinsangan at maulan C. maulan at mahalumigmig B. maaraw at maulan D. maulan at mainit 3. Kung ang tao ay naninirahan malapit sa karagatan, ang karaniwang hanapbuhay niya ay pangingisda. Kung siya ay nananinirahan sa lugar na may malawak na kapatagan, ano kaya ang pangunahing hanapbuhay na maaariniyang pagkakitaan? A. pangangaso C.pagsasaka B. pagmimina D. pakikipagkalakalan 4. Ang sumusunod ay suliraning dulot nang pagkakahiwa-hiwalay ng mga pulo ng Pilpinas, maliban sa A. mabagal ang sistema ng transportasyon B. nakaaapekto sa pagpili ng mga mamumuno sa bansa C. kahirapan sa pangangasiwa at pamamahala sa kapuluan19 D. kawalan ng pagkakaunawaan ng mga Pilipino dulot ng maraming wika 5.Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong sa pagpapanatili at pangangalaga ng mga likas na yaman ng atingbansa ? A. Makiisa sa programang nagtataguyod ng pangangalaga sa mga kapuspalad. B. Maghanap ng aangkat ng likas na yaman ng ating bansa. C. Sumama sa mga programang naglulunsad ng clean and green. D. Kalakalin ang mga likas na yaman upang magkapera. 6. Ang Araling Panlipunan ay: A. pag-aaral ng tao bilang taong sosyal. B. ang agham panlipunan na pinagaan para sa gawaing pedagohikal. C. bahagi ng kurikulum na nauukol sa pamumuhay ng tao. D. lahat ng mga naturan A B C

Ap 1 pre test post test(first yr)

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ap 1 pre test post test(first yr)

ARALING PANLIPUNAN UNIFIED QUARTERLY EXAMINATION

Araling Panlipunan IPre-Test/Post Test

Panuto: isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ang Pilipinas ay isang arkipelago na matatagpuan sa bahagi ng pangkapuluang Timog Silangang Asya. Bakit tinawag itong arkipelago?

A. Ito ay binubuo ng mga isla na napaliligiran ng dagat sa lahat ng direksyon.B. Ito ay napaliligiran ng dagat sa hilaga at timog.C. Ito ay isang pulo na napaliligiran ng tubig.D. Ito ay isang makipot na lupain na kinakikitaan ng mga bundok at tubig.

2. Ang Pilipinas ay may klimang tropikal sapagkat malapit ito sa ekwador, ano ang katangian ng klima nito?

A. maalinsangan at maulan C. maulan at mahalumigmigB. maaraw at maulan D. maulan at mainit

3. Kung ang tao ay naninirahan malapit sa karagatan, ang karaniwang hanapbuhay niya ay pangingisda. Kung siya ay nananinirahan sa lugar na may malawak na kapatagan, ano kaya ang pangunahing hanapbuhay na maaariniyang pagkakitaan?

A. pangangaso C.pagsasakaB. pagmimina D. pakikipagkalakalan

4. Ang sumusunod ay suliraning dulot nang pagkakahiwa-hiwalay ng mga pulo ng Pilpinas, maliban sa

A. mabagal ang sistema ng transportasyonB. nakaaapekto sa pagpili ng mga mamumuno sa bansaC. kahirapan sa pangangasiwa at pamamahala sa kapuluan19D. kawalan ng pagkakaunawaan ng mga Pilipino dulot ng maraming wika

5. Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong sa pagpapanatili at pangangalaga ng mga likas na yaman ng atingbansa ?

A. Makiisa sa programang nagtataguyod ng pangangalaga sa mga kapuspalad.B. Maghanap ng aangkat ng likas na yaman ng ating bansa.C. Sumama sa mga programang naglulunsad ng clean and green.D. Kalakalin ang mga likas na yaman upang magkapera.

6. Ang Araling Panlipunan ay:

A. pag-aaral ng tao bilang taong sosyal.B. ang agham panlipunan na pinagaan para sa gawaing pedagohikal.C. bahagi ng kurikulum na nauukol sa pamumuhay ng tao.D. lahat ng mga naturan

7. Sa pamamagitan ng magaling at epektibong pagtuturo ng Araling Panlipunan nalilinangsa mga mag-aaral ang kagalingang sibika at sumusunod maliban sa

A. kagalingang pangkatawanB. pang-unawang panlipunanC. kasanayang manaliksikD. Kasanayan sa pag-iisip

8. Pangunahing layunin ng Araling Panlipunan na matulungan ang mga mag-aaral sa:

A. pagsasaayos ng mga babasahin sa agham panlipunan.B pagtalakay ng mga aralin sa agham.

A B C D

Page 2: Ap 1 pre test post test(first yr)

C. pagsasagawa ng mga gawain sa tahanan.D. pagpapamalas ng damdaming makabansa bilang mga mamamayang Pilipino at mamamayan ng daigdig

9. Ang kasaysayan ay hango sa salitang Griyego na HISTORIA. Ito ay nangangahulugan ng:

A. Paglalarawan sa katangiang pisikal ng isang lugar ayon sa anyong lupa at tubigB. Pagsisikap ng tao na matugunan ang pangangailangan batay sa sapat na mapagkukunanC. Pagtalakay sa pulitika na bahagi ng pagtatatag sa sariling pamahalaanD. Pananaliksik sa mga di nakasulat at nakasulat na tumutukoy sa mahahalagang pangyayari

10. Ano ang katangian ng Soberanya bilang isa sa mga elemento ng Estado?

A. Paraan ng estado upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayanB. Tirahan at nasasakupan ng isang estado kung saan kinukuha ang mga likas na kayamananC. Tumutukoy sa pangkahalatang bilang ng mga tao na naninirahan sa isang lugarD. Pagkakaroon ng kapangyarihan na mapasunod ang mga tao sa pamamagitan ng batas at patakaran

11. Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na Batayang Primarya bilang matibay na ebidensya sa pagsulat ng kasaysayan?

A. Batayang aklat sa pag-aaralB. Buto ng sinaunang tao at mga “artifacts”C. Opinyon at kuru-kuro sa radyo at telebisyonD. Paskil sa paaralan tulad ng sa bulletin board

12. Ang “Oral Tradition” ay isa sa mga batayan sa pagsulat ng kasaysayan, itoay tumutukoy sa:

A. Paggaya ng mga kagamitan mula sa original na ebidensyaB. Pagkukwento ng mga alamat, epiko, kwentong bayan, mitolohiya at awitC. Pagpapamana ng mga kagamitan at ari-arianD. Pagsusuot ng mga katutubong kasuotan sa isang pook at okasyon

13. Ang sumusunod ay mga naging bunga ng paglalakbay ni MagellanA. Ito ang kauna-unahang pag-ikot sa mundo.B. Natuklasan ang bagong daigdig o Amerika.C. Nagbigay daan ito sa pagsakop.D. Natuklasan na karagatang Pacific ang pinakamalawak.

14. Kung alkalde ang tawag sa pinuno ng bayan sa kasalukuyan, ano ang naman ang tawag sa pinuno ng pueblo noong panahon ng Espanyol?

A. gobernadorcillo C. alcalde mayorB. cabeza de barangay D. corregidor

15. Ang sistema ng pagbubuwis noong panahon ng mga Espanyol ay tinatawag na:

A. pangangaso C.pagsasakaB. pagmimina D. pakikipagkalakalan

16. Ang unang pangkat ng mga misyonero na dumating sa Pilipinas ay ang mga ____________.

A. RecoletosB. HeswitaC. kalakalang galeonD. monopoly ng trabaho

17. Ang polo o sapilitang pagtatrabaho ay ginanap sa lahat ng mga sumusunod maliban sa ____________

A. pagpuputol ng kahoy o pagtrotrosoB. pagtatrabaho sa opisina o pamahalaanC. pagpapatayo ng simbahanD. paggawa at pagkukumpuni ng mga daan

Page 3: Ap 1 pre test post test(first yr)

18. Anong pamahalaan ang ipinalit ng mga Espanyol sa dating pamahalaang barangay n gating pinuno?

A. komonweltB. demokratikoC. sentralisadoD. parlamentaryo

19. Sa labanan sa Mactan, napatunayan na:

A. ang mga Pilipino ay taksilB. hindi pa lubos na napalaganap ang KristiyanismoC. ang mga Pilipino ay matapangD. hindi lahat ng mga Pilipino ay sang-ayon na mapasailalim sa kapangyarihan ng Spain

20. Ito ay tumutukoy sa sapilitang pagtatrabaho ng mga lalaking Pilipino para sa pamahalaan sa loob ng isang linggo ng bawat taon.

A. poloB. tributoC. bandalaD. encomienda

21. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng damdaming makabansa?

A. pagbatikos sa bawat gawain ng pamahalaanB. pagsunod sa mga pinaiiral na batasC. pagsisikap na makatapos sa pag-aaralD. pakikipagpalitan ng kuro-kuro o opinion sa anumang isyu

22. Ang pagbabayad ng buwis ng mga Pilipino sa mga Espanyol ay nangangahulugan ng:

A. pagbatikos sa bawat gawain ng pamahalaanB. pagsunod sa mga pinaiiral na batasC. pagsisikap na matapos sa pag-aaralD. pakikipagpalitan ng kuru-kuro o opinion sa anumang isyu

23. Ang bansang may monopolyo sa mayamang kalakalan ng mga rekado na matatagpuan lamang sa Moluccas ay ang _____________.

A. VeniceB. PortugalC. ConstantinopleD. Spain

24. Ang Colegio de Santisimo Rosario na itinatag ni Miguel de Buenavidez noong 1611 ay ginawang _________

A. Colegio de San Ildefonso B. Colegio de ManilaC. Escuela Pia o Ateneo de ManilaD. Colegio de Santo Tomas o Unibersidad ng Santo Tomas

25. Ang proklamasyong Benevolent Assimilation na ipinahayag noong ika 21 ng Disyembre, 1898. Ang Kauna-unahang proklamasyong ipinahayag ng bansang Amerika sa Pilipinas na nagpapahiwatig ng kanilang gagawing pamamalakad sa Pilipinas. Ang pangulo ng Amerika na nagpahayag ng patakarang ito ay si _____.A. Mc KinleyB. EisenhowerC. WilsonD. Roosevelt

26. Ang uri ng pamahalaang itinatag ng mga Amerikano sa Pilipinas matapos isuko sa kanila ng mga Espanyol.A. diktadoryal B. demokratiko C. military D. Sibil

27. Ang kauna-unahang partido pulitikal sa panahon ng mga Amerikano ay ang ________________.

Page 4: Ap 1 pre test post test(first yr)

A. Progresista C. DemorataB. Nacionalista D. Federal

28. Ang batas na nagtatag ng Asemblea ng Pilipinas ay ang_________________.

A. Batas Tydings- Mc DuffieB. Batas ng Pilipinas ng 1902C. Batas Hare- Hawes- CuttingD. Batas Jones

28. Alin sa sumusunod ang pangunahing dahilan sa pananakop ng United States sa Pilipinas?

A. Bigyan ng matibay at matatag na pamahalaanB. Ikalat ang kanilang relihiyon sa PilipinasC. Mabantayan ang paglakas ng Japan bilang pwersang militarD. Magsilbing pagkukunan ng hilaw na sangkap at pagluluwasan ng mga yaring produkto

29. Tumibay at bumilis ang Pilipinisasyon sa panunungkulan ni _________________.

A. Francisco HarrisonB. Dean WarcesterC. Jacob SchurmanD. William Howard Taft

30. Ang pinakamahalagang ambag ng United States sa Pilipinas ay:

A. demokrasyaB. kabuhayanC. wikaD. relihiyon

30. Lubhang naging maingat at diplomatiko ang mga Amerikano sa pakikitungo nila sa Muslim. Dahil sa kanilang hangarin na makamtan ang pagtitiwala ng mga ito, lumagda ang mga Amerikano ng isang kasunduan sa Sultan ng Julo na nagsasaad na ang Muslim at Amerikano ay kapwa mamumuhay nang mapayapa. Ang kasunduang ito ay tinawag na _______________.

A. kasunduan sa ParisB. kasunduan sa Biak-na-BatoC. kasunduang BatesD. kasunduang Pangkalakalan

31. Ang wikang napiling gawing basihan ng wikang pambansa.

A. EspanyolB. EnglishC. TagalogD. Bisaya

32. Ang naging ambag ni Padre Diego Cerra sa larangan ng sining?

A. spolariumB. organong kawayanC. azoteaD. bahay na tisa

33. Tinaguriang ” Ama ng mga Pintor na Pilipino”?

A. Juan LunaB. Felix HidalgoC. Damian DomingoD. Fernando Amorsolo

34. Noblela ni Rizal na inihandog bilang parangal sa tatlong paring martir.

Page 5: Ap 1 pre test post test(first yr)

A. Noli Me Tangere B. El FelibusterismoC. Mi Ultimo AdiosD. A la Juventud Filipina

35. Ang pangalang panulat ni Dr. Jose Rizal bilang manunulat ng La Solidaridad.

A. PlaridelB. Taga-ilogC. Laong -laanD. Tikbalang

36. Itinadhana ng batas na ito ang pagtatag ng unyon upang pangalagaan ang karapatan ng mga manggagawaA. Magna Carta of laborB. Parity RightsC. FACOMAD. NARRA

37. Sa panahon ni pangulong Macapagal naitatag ang samahang MAPHILINDO na binubuo ng tatlong bansa.A. Malaysia, Peru, at IndonesiaB. Malaysia, Pilipinas, at Indonesia C. America, Pilipinas, at Japan D. China, Indonesia, at Malaysia

38. Ang pangalawang panunungkulan ni Pangulong Marcos ay nagdulot ng:

A. unti- unting paglalaho ng kapayapaan at katahimikanB. mabuting pamahalaan na walang katiwalian at kasamaan C. maayos na sistema ng edukasyon

39. Ang sumusunod ay mga palatuntunan ni Ferdinand Marcos maliban sa:

A. pagpaparami ng mga pananim upang makasapat sa pagkainB. paglilipat ng araw ng kalayaan mula sa Hulyo 4 tungo sa Hunyo 12C. mahigpit na pagpapairal ng reporma sa lupaD. pagpapaunlad sa pamayanan

40. Ano ang tawag sa pagkamamamayan sa panahon ng kapanganakan kung sa Pilipinas na siya ipinanganak?

A. Jus SolisB. Jus SanguinisC. NaturalisasyonD. Dayuhan

41. Pook ng kapanganakan ng tao ang batayan ng pagkamamamayan.

A. Jus SoliB. Jus SanguinisC. ExpatriationD. Repatriation

42. Batayan ng pagkamamamayan ay ang relasyon sa dugo

A. Jus SoliB. Jus SanguisC. ExpatriationD. Repatriation

43. Pormal na proseso ng batas upang ang isang dayuhan ay ituring na mamamayan ng bansang nais niyang panalagian

A. NaturalisasyonB. Pagkamamamayan

Page 6: Ap 1 pre test post test(first yr)

C. MamamayanD. Dayuhan

44. Kusang-loob na pagtatakwil ng pagkamamamayan.

A. Jus SoliB. Jus SanguinisC. NaturalisasyonD. Expatriation

45. Pagiging kasapi ng tao sa isang lipunang pulitikal.

A. PagkamamamayanB. MamamayanC. RepatriationD. Dayuhan

46. Taong naninirahan sa isang organisadong lipunan

A. MamamayanB. Jus soliC. RepatriationD. Dayuhan

47. Mga mamamayan ng ibang bansa tulad ng turista o negosyante

A. Repatriation B. DayuhanC. Dual citizenshipD. Natural-born

48. Ang isang tao ay may dalawang kinasasapiang bansa

A. Repatriation B. DayuhanC. Dual citizenshipD. Natural-born

49. Ang sumusunod ay ang mga kasunduang pinagtibay ni Pangulong Roxas maliban sa:

A. Treaty of General RelationsB. Military Bases AgreementC. Military Assistance AgreementD. Magna Carta of Labor

50. Ito ay isang kapisanan ng mga magsasaka sa Gitnang Luzon na naging kilabot na pangkat ng mga gerilya noong panahon ng pananakop ng Japan.

A. AFPB. HUKBALAHAPC. MILFD. MNLF