12

Click here to load reader

Aralin 33 AP 10

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Aralin 33 AP 10

MGA OFW AT ANG KONTRIBUSYON NILA SA EKONOMIYA

Page 2: Aralin 33 AP 10

1. Nababanggit ang mga lugar sa daigdig kung saan

matatagpuan ang mga manggagawang pilipino.

2. natutukoy ang mga papel na ginagampanan ng mga OFW

sa pag papaunlad sa bansa.

3. Nailalarawan ang tunay na kalagayan ng manggagawang

pilipino sa ibang bansa.

Page 3: Aralin 33 AP 10

Mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga pilipinong nag

hahanapbuhay sa ibang bansa o overseas Filipino worker sa

ekonomiya ng Pilipinas. Ang mga salaping ipinapadala o

remittance dito sa Pilipinas ay tumutulong sa pag papatatag ng

ating pambansang ekonomiya. Sa harap ng mga panganib at

suliraning kinakaharap ng mga mang gagawang pilipino sa

ibang bansa, patuloy pa rin ang kanilang pagpupunyaging

itaguyod ang kapakanan ng kanilang mag-anak. Dahil sa

malaking tulong na ibinibigay ng mga OFW sa ekonomiya, sila

ay binansagang mga “Bagong Bayani” ng bansa.

Page 4: Aralin 33 AP 10

Dahil sa mas mataas na pasahod sa ibang bansa, maraming mga

pilipino ang nahihikayat na mangibang bayan at

makipagsapalaran. Sa kabila ng daranasing pangungulila mula sa

mga mahal sa buhay, marami sa mga pilipino ang napipilitang

umalis ng bansa upang matustusan ang pangangailangan ng mag-

anak. Ang karamihan sa manggagawang ito ay sa sektor ng

pangangalaga, teknolohiya, pangingisda at pagtuturo.

Page 5: Aralin 33 AP 10

Noong 2006, may 317,680 na naitalang OFWang bagong pasok

o new hires. Ito ay nagpapakita na 9.55% na pagbabago mula

sa taong 2005 na mayroon lamang 289,981 OFW. Sa kanlurang

asya matatagpuan ang pinakamaraming OFW at

pumapangalawa dito ang iba pang bahagi ng asya. Karamihan

sa mga OFW ay namamasukan bilang mga domestic helper sila

ay malimit na nagtatrabaho sa Hongkong, Taiwan, mga bansa

sa kanlurang asya, Great Britain at United States.

Page 6: Aralin 33 AP 10

Lumalawak ang kanilang kasanayan sa ekonomiya ng bansa.

Pagtaas ng remittance na pumapasok sa bansa dahil sa paglaki ng

bilang ng mga OFW na nagtatrabaho sa mga sektor na nagkakaloob

ng mataas na pasahod.

Ang salaping ipinapadala ng mga OFW sa Pilipinas ay tumutulong sa

pagpapanatili ng katatagan sa ekonomiya ng bansa.

Pinasisigla rin nito ang kalakalang panloob lalo na sa mga espesyal

na okasyon tulad ng kapaskuhan.

Page 7: Aralin 33 AP 10

Una, dahil sa pagbilis ng globalisasyon ng pandaigdigang

ekonomiya.

Ang kawalan ng sapat na oportunidad upang

makapaghanapbuhay sa sariling lupain ay isa ring mahalagang

salik na nagtutulak sa mga pilipinong mangibang bayan.

Page 8: Aralin 33 AP 10

Noong Oktubre 2003, itinakda ng pamahalaan ng Hongkong

ang pag babayad ng halagang HK$ 400 para sa mga employer

na siya namang ibabawas sa mga sahod ng mga pilipinong

katulong.

Nagiging mabilis an rin ang pagpasok ng ilang mga dayuhang

manggagawa dito.

Noong 2004, ipinagbawal ng pamahalaan ang pagtungo ng mga

pilipinong manggagawa sa Iraq dahil na rin sa panganib na

maaaring idulot ng digmaan sa bahaging ito ng asya.

Page 9: Aralin 33 AP 10

Pagkaantala ng kanilang sahod.

Pagkukumpiska o pagtatago ng kanilang amo ng mahalagang

dokumento tulad ng pasaporte.

Pang-aabuso lalo na sa mga kababaihang OFW.

Pag mamalupit ng kanilang amo.

Page 10: Aralin 33 AP 10

PHILIPINE OVERSEAS EMPLOYMENT

ADMINISTRATION

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

Bilang tulong sa mga OFW, nagtalaga ang pamahalan ng mga

embahada sa iba’t ibang panig ng daigdig upang may

mapuntahan ang ating kababayang pilipino at maipaabot o

maidulog ang kanilang mga suliranin.

Page 11: Aralin 33 AP 10

Ang mga salaping ipinadadala ng mga OFW sa Pilipinas ay

lubhang nagpapalakas o nagpapatatag sa ekonomiya ng bansa.

Dahil sa penomenon ng globalisasyon at kawalan ng

hanapbuhay sa Pilipinas, maraming mga manggagawang

pilipino ang tumutulak papalabas ng bansa upang

makipagsapalaran at magtrabaho sa ibang lupain.

Ang pagtaas ng remittance na pumapasok sa bansa ay dulot ng

patuloy na pag laki ng bilang ng mga OFW na nagtatrabaho sa

mga sektor na nagkakaloob ng mataas na sahod.

Page 12: Aralin 33 AP 10

Pangunahin sa mga bansang pinagmumulan ng mga salaping

ipinapadala ng mga OFW ay ang United States, Saudi Arabia,

Japan, Great Britain, Hongkong, Singapore at UAE.

Tunay na kinikilalang mga bayani ng bansa ang mga OFW. Sa

katunayan may mga ugnayan ang ahensyang tulad ng DOLE,

POEA at DFA sa pagsugpo ng mga katiwaliang nagaganap dito.

Inihahanda ng mga ahensyang ito ang mga programang

isinasaalang-alang ang kalagayan at kapakanan ng mga OFW.