17
Aralin 9 Pagkonsumo at ang Mamimili Inihanda ni: Arnel O. Rivera www.slideshare.net/ sirarnelPHhistory

Aralin 9 pagkonsumo at ang mamimili

Embed Size (px)

DESCRIPTION

 

Citation preview

Page 1: Aralin 9 pagkonsumo at ang mamimili

Aralin 9

Pagkonsumo at ang MamimiliInihanda ni: Arnel O. Rivera

www.slideshare.net/sirarnelPHhistory

Page 2: Aralin 9 pagkonsumo at ang mamimili

Balik-aral:

• Ang ekonomiks ay nakatuon sa pinakamahusay na paggamit ng pinagkukunang-yaman sa kabila ng walang katapusang kagustuhan at pangangailangan ng tao.

Ano ang mangyayari kung hindi matutugunan ng tao ang kanyang kagustuhan at pangangailangan?

Page 3: Aralin 9 pagkonsumo at ang mamimili

Ano ang Pagkonsumo?

• Pagbili, paggamit at pakinabang sa mga kalakal at serbisyo.

• Ang isang produkto at serbisyo ay ginagamit dahil ito ay may pakinabang.

• May pakinabang ang isang kalakal o serbisyo kung ito ay nakatutugod sa ating mga pangangailangan at kagustuhan.

• Kapag natutugunan ng tao ang kanyang pangangailangan at kagustuhan, siya ay nakakaranas ng kasiyahan (satisfaction).

Page 4: Aralin 9 pagkonsumo at ang mamimili

Uri ng Pagkonsumo

Tuwiran – kung agad na nararamdaman ang epekto ng paggamit ng kalakal o serbisyo.

Produktibo – kung ang isang kalakal o serbisyo ay nakakalikha ng panibagong produkto na nagbibigay ng higit na kasiyahan.

Maaksaya – kung ang produkto o serbisyo ay hindi nagdudulot ng kasiyahan o kapakinabangan.

Mapaminsala – kung ang produkto o serbisyo ay nakasasama sa mamimili o sa lipunan.

Page 5: Aralin 9 pagkonsumo at ang mamimili

Pagkonsumo batay sa Marginal Utility

• Ang kasiyahang nakukuha ng tao mula sa isang kalakal o serbisyo ay tinatawag na utility. Ito ay nasusukat sa pamamagitan ng marginal utility.

• Ayon sa Law of Diminishing Marginal Utility, ang pakinabang o kasiyahang nakukuha mula sa isang kalakal o paglilingkod ay bumababa sa patuloy na pagkonsumo.

Page 6: Aralin 9 pagkonsumo at ang mamimili

Sino ang mamimili?

• Tumutukoy sa mga taong bumibili at gumagamit ng mga produkto at serbisyo upang matugunan ang pangangailangan at magkaroon ng kasiyahan.

• Tinatawag din sila bilang konsyumer.

Page 7: Aralin 9 pagkonsumo at ang mamimili

Mga Katangian ng MATALINONG mamimili

Mapanuri

Naghahanap ng mga Alternatibo

Hindi Nagpapadaya

Makatwiran

Sumusunod sa Badyet

Hindi nagpapadala sa Anunsiyo

Page 8: Aralin 9 pagkonsumo at ang mamimili

Mapanuri

• Masusing namimili sa mga pagpipilian.

• Tinitignan ng mabuti ang mga sangkap, presyo at kalidad.

Page 9: Aralin 9 pagkonsumo at ang mamimili

Naghahanap ng mga Alternatibo

• Marunong humanap ng kapalit na produkto na makatutugon din sa pangangailangan.

Page 10: Aralin 9 pagkonsumo at ang mamimili

Hindi Nagpapadaya

• Alerto at laging handang itama ang mga pagkakamali ng nagtitinda.

Page 11: Aralin 9 pagkonsumo at ang mamimili

Makatwiran

• Pagsasaalang-alang ang presyo at kalidad ng isang bagay. Isinasaisip din ang kasiyahan na matatamo sa pagbili ng produkto.

• Hindi nagbibigay ng presyo nang wala sa katwiran.

Page 12: Aralin 9 pagkonsumo at ang mamimili

Sumusunod sa badyet• Hindi nagpapadala sa popolaridad ng

produkto.• Tinitimbang kung kinakailangan niya ito

o hindi.

Page 13: Aralin 9 pagkonsumo at ang mamimili

Hindi nagpapadala sa anunsiyo

• Ang kalidad dapat ang tinitignan hindi ang kagandahan ng pagaanunsyo.

• Hindi nagpapanic-buying.

Page 14: Aralin 9 pagkonsumo at ang mamimili

MGA KARAPATAN NG MAMIMILI • Karapatan sa pagpili - The

customer is always right• Karapatan sa tamang

impormasyon - dapat hindi nakakalinlang

• Karapatan na magkaroon ng pangunahing pangangailangan - kinakailangan na may sapat na suplay ito

• Karapatan na magtamo ng kaligtasan - kailangang ligtas ang mga mamimili

Page 15: Aralin 9 pagkonsumo at ang mamimili

Mga Batas na Nagbibigay Proteksyon sa Mamimili

Consumer Act of the Philippines - mga karapatan at kaligtasan ng mamimili.

Revised Penal Code - pagbabawal sa pangagaya ng tatak, at itsura ng isang produkto.

Civil Code of the Philippines - pananagutan ng prdodyuser na panatilihin ang kaligtasan ng

mamimili.

Batas sa Price Tag - dapat maglagay ng price tag sa mga bilihin.

Page 16: Aralin 9 pagkonsumo at ang mamimili

• Bakit mahalaga na maging isang matalinong

mamimili?

• Alin sa mga karapatan ng mga mamimili ang higit na

dapat na bigyang pansin ng pamahalaan?

PAGPAPAHALAGA

Page 17: Aralin 9 pagkonsumo at ang mamimili

References:• Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan (Ekonomiks)

Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House• Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto, Applikasyon at

Isyu, VPHI• Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto at

Aplikasyon (2012), VPHI • De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong at Pag-

unlad, VPHI