Bahagi, Ayos at Kayarian ng Pangungusap

  • View
    3.027

  • Download
    14

Embed Size (px)

Text of Bahagi, Ayos at Kayarian ng Pangungusap

  • Inihanda ni: Vaneza E. Tuvida

  • Ang paksa ay bahagi ng pangungusap napinagtutuunan ng pansin sa loob ngpangungusap.

    a. Maaaring tao, hayop, bagay, lugar o pangyayari na gumaganap ng kilos o pinagtutuunan ng diwang isinasaad sapandiwa.

    Hal.

    1. Nag-aalaga si Inang ng baboy at manok.

  • b. Mayroon din namang paksa na sa

    kahulugan ay siyang layon ng kilos na

    isinasaad ng pandiwa.

    Hal.

    2. Inaalagaan ni Inang ang mga baboy at

    manok na iyan.

    3. Pinakain ng masarap na pagkain ng mga

    taga nayon ang mga turista.

  • Maari ring ang paksa ay lugar o pook na

    ganapan ng kilos sa pandiwa.

    Hal.

    Pinagpaksiwan ni nanay ang bagong

    palayok.

  • Buong Paksa ito ay bahagi ng

    pangungusap na pinag-uusapan kasama

    ang mga salitang umuuri rito.

    Hal. Ang ating mga bayani ay nagmahal sa

    bayan.

    Payak na paksa ito ay ang

    pinakamahalagang salita sa buong paksa.

  • Ang paksa ay maaring Payak o Tambalan. Ito ay may dalawang payak na paksa.

    Hal.

    1. Sina Quezon at Quirino ay nagingpangulo ng ating bansa.

    2. Ang mga aklat at pahayagan ay dapatbasahin.

    3. Ang paaralan at tahanan ay magkatulongsa paghubog ng kaugalian ng kabataan.

  • MGA URI NG PAKSA

    1. Paksang Pangngalan

    Hal.

    a. Sumulat ng talambuhay ang pinuno.

    b. Naghihintay ng ulan ang mga magsasaka.

    2. Paksang Panghalip

    Hal.

    a. Kami ay delegasyon ng Pilipinas.

    b. Sila ay gumagawa ng mga sasakyang

    pangkalawakan.

  • MGA URI NG PAKSA

    3. Paksang Pang-uri

    Hal.

    a. Hinahangaan ang mga matatalino.

    b. Kapuri-puri ang mga masisipag.

    4. Paksang Pang-abay.

    Halimbawa

    a. Ang dito ay maghintay muna.

    b. Ang doon ay pasulungin agad.

  • MGA URI NG PAKSA

    5. Paksang Pandiwa

    a. Huwag mong gambalain ang

    nananalangin.

    b. Mahuhusay ang mga namumuno.

    6. Paksang pawatas o batayan ng pandiwa.

    Halimbawa

    a. Hilig niya ang magtinda.

    b. Kinalilibangan ko ang magbasa.

  • PANAGURI

    Ang panaguri ay ang bahagi ng

    pangungusap na nagbibigay kaalaman o

    impormasyon tungkol sa paksa.

    Ang buong panaguri ay bahagi ng

    pangungusap na nagsasabi ng tungkol sa

    paksa na kasama pati ang mga salitang

    umuuri rito.

  • PANAGURI

    Halimbawa:

    1. Siya ay bumibigkas ng isang tula.

    2. Siya ay lumahok sa pabilisan ng

    pagtakbo.

    Ang payak na panaguri ay ang

    pinakamahalagang salita sa buong

    panaguri. Kalimitan ito ay mga

    pandiwa(verb)

  • MGA URI NG PANAGURI

    1. Panaguring Pangngalan

    a. Luntiang Rebolusyon ang paksa ng

    pulong.

    b. Tungkol sa pagbabayad ng buwis ang

    editoryal ngayon.

    2. Panaguring Panghalip

    a. Siya ang puno ng barangay.

    b. Kayong mga kabalat namin ang aming

    inaasahan sa kilusang ito.

  • MGA URI NG PANAGURI

    3. Panaguring Pang-uri

    a. Malinamnam ang manggang hinog.

    b. Mainam sa kalusugan ang klima saPilipinas.

    c. Nasa Banaue ang mga salay-salay nataniman ng palay.

    4. Panaguring Pandiwa

    a. Nagsasaka siya.

    b. Nagsasaka sa gilid ng bundok ang mgaIpugaw.

  • MGA URI NG PANAGURI

    5. Panaguring Pang-abay

    a. Bukas ang alis ng mga turista.

    b. Ganito ang pagluluto ng paborito nitong

    ulam.

    6. Panaguring Pawatas

    a. Magbasa (ng komiks) ang kinalilibangan ng

    Lola.

    b. Manggagamot ang naging trabaho niya sa

    nayon.

  • Pangungusap

    Ang Pangungusap ay lipon ng

    mga salita na nagpapahayag

    ng isang buong diwa.

  • Ang Simuno ay ang

    paksa o pinag-uusapan sa

    pangungusap.

    Simuno

  • Ang Panaguri ang

    bahagi ng pangungusap na

    nagbibigay kaalaman o

    impormasyon tungkol sa

    paksa.

    Panaguri

  • Pangungusap Pangungusap

    Paksa PanaguriPanaguri Paksa

  • Ang karaniwang ayos ng

    pangungusap ay nauunsa ang

    panaguri kaysa simuno/paksa.

  • Halimbawa:

    Watak-watak Kami

    Panaguri Simuno

  • Ang di-karaniwang ayos ay

    kung nauuna ang paksa at

    ginagamit ng panandang ay.

  • Halimbawa:

    Ako ay isa sa marami

    Simuno Panaguri

  • Tukuyin kung Karaniwan oDi-Karaniwan Ayos angPangungusap.

  • a. Payak na paksa at Payak napanaguri.

    Mabuting tao ang nakatirasa bahay na iyan.

    Sumunod na sila sa kanilangmga magulang sa London

  • b. Payak na paksa at Tambalang

    panaguri

    Si Rica ay sasayaw at aawitsa palatuntunan bukas.

    Talagangmapagkakatiwalaan at maaasahan.

  • c. Tambalang paksa at payak na

    panaguri

    Sina Leah, Nena at Ben ay magkaklase noon.

    Nakita ko ang ate at kuya mo sa kahapon.

  • d. Tambalang paksa at tambalang

    panaguri

    Sina Tina, Ana at Lucia ay manonood ng sine at magsyasyaping.

    Ang aking kapatid at ako ay magtatrabaho sa umaga at mag-aaral sa gabi sa daratingna pasukan.