Upload
arnel-bautista
View
502
Download
55
Embed Size (px)
Citation preview
ARALIN 9: MGA SALIK SA
MABUTING PANGANGASIWA
Ano ang kahulugan ng mabisang pangangasiwa?
Ang Mabuting Pangangasiwa: - ay laging isinasaisip ang kabutihan at kapakanan ng bawat kasapi ng mag-anak.
Pag-usapan ang paraan ng pangangasiwa ng tahanang kinabibilangan ninyo:A. Buhay pa ang nanay at tatay at sila ang
nangangasiwa ng tahanan.B. Buhay pa ang mga magulang pero yaya ang
nangangasiwa ng tahanan.C. Ulila at kinupkop ng
lola/guardian/nakakatandang kapatid/kamag-anak.
Sagutin ang mga tanong:1. Natugunan ba ng tama ang mga pangunahing
pangangailangan? Bakit?2. Angkop ba sa kakayahan, kalusugan at gulang
ang gawaing iniatas sa bawat kasapi ng grupo? Patunayan.
3. May sapat bang panahon ang bawat kasapi ng mag-anak sa pagsasagawa ng tungkulin sa tahanan?
Mga Salik sa Mabuting Pangangasiwa:1. Layunin o hangarin - ay adhikain, hangarin, o mithiing nais makamit ng isang tao, mag-anak o bansa. - lakas na nagtutulak upang sikaping umunlad ang buhay at matupad ang mithiin. - isang hamon upang magpatuloy ang tao sa paggawa at paglutas ng mga suliraning kinakaharap sa buhay hanggang sa marating ang tagumpay.
Dalawang Uri ng Layunin:1. Pansariling layunin - iisang tao ang nag-iisip, nagbabalak, at naglalayon para sa kanyang pansariling kapakanan.2. Layuning pangmag-anak - lahat ng kasapi ng mag-anak ang nagbabalak, nag-iisip, at nagkakaisa sa paggawa para sa kanilang ikauunlad.
Layuning Pangmadalian - kailangan lamang ang ilang oras o araw upang ito ay matupad. Halimbawa: * pagsasaulo ng tula para sa isang palatuntunan * magbalik-aral para sa isang pag-uulit * paghuhurno ng cake para sa kaarawan
Layuning Pangmatagalan: - layunin na inaabot ng buwan, o taon bago matupad. Halimbawa: * pagtatapos ng pag-aaral, kurso * makabili ng lupa at bahay para sa mag-anak at iba pa.
1. Pangangailangan - mga bagay na kailangan ng tao upang mabuhay. - nagtutulak sa tao upang magtiyaga, magtiis, at magpakatatag sa pagharap sa pagsubok sa buhay. - nagbubunsod upang ang tao ay magpakabuti o magpakasama, magtagumpay o mabigo.
Halimbawa: pagkain, tirahan, pananamit, gamot2. Kagustuhan - mga bagay na ninanais ng tao o mag-anak upang maging madali o maalwan ang kanilang pamumuhay. - ito ay mga bagay na mayroon man o wala, patuloy pa ring mabubuhay ang mag-anak.
Halimbawa: kotse, stereo, telebisyon at iba pang bagay.3. Pagpapahalaga - ay mga bagay na binibigyang halaga ng isang tao nang higit kaysa ibang bagay.Halimbawa: * dangal kaysa salapi, * karangalan kaysa katanyagan,
* makapag-aral kaysa luho ng katawan * payak ngunit tahimik na pamumuhay kaysa marangya ngunit magulong buhay4. Pinagkukunan - mga bagay na ginagamit ng tao omag-anak upang mapaayos at mapabuti ang pamumuhay. - ginagamit ng tao upang matupad ang
kanyang mga layunin.Halimbawa: *salapi, dunong, lakasKahalagahan ng Mabuting Pangangasiwa sa Tahanan:- Mapanatili ang kaayusan at katiwasayan sa
pamumuhay.- Maiiwasan ang inggitan, alitan at di
pagkakaunawaan.
Mga Dapat Tandaan sa Paghahati-hati ng mga Gawain sa Tahanan:1.Pangangailangan2.Kakayahan3.Gulang4.Kalusugan5.Panahon
Hakbang ng Gawaing Pamamahala:1. Pagbabalak - masusing pag-aaral ng anumang gawaing ninanais upang maging matagumpay ang layunin o adhikain sa paggawa nito.2. Pagbubuo at Pagtatakda ng Tungkulin - ang gawaing binabalak ay dapat
isaayos upang makagawa ng tamang hakbang upang makamit ito. - ang mga gawain ay dapat itakda sa bawat kasapi upang maiwasan ang sisihan at di-pagkakaunawaan. Mahalaga na hati-hatiin ang mga gawain ayon sa gulang, kasarian at kakayahan ng bawat kasapi upang matiyak na maisasagawa ang mga ito.
3. Pagsasagawa at Pagpapatnubay - ang masusing pagsubaybay ng isang tagapangasiwa sa pagsasakatuparan ng binalak na gawain ay nararapat upang matiyak na naisagawa ito ng maayos. - dapat bigyang pansin ang pamamaraan sa pagsasagawa nito upang mapagbuti o mapaunlad pa kung kinakailangan.
- Makatutulong ng malaki ang pagsubaybay sa mga gumagawa upang mapaunlad ang kanilang pagkatao, matuklasan ang kanilang layunin, at makagawa ng pansariling pagbabalak at pagpapasya.
4. Pagpapahalaga - ay kailangan sa anumang gawain upang malaman kung ito ay naging matagumpay o bigo nang sa gayon maging batayan ito sa mga balakin sa hinaharap.
Pagdebelop ng Valyus: Kung kayo ay bibigyan ng pagkakataong mangasiwa sa inyong tahanan, ano ang gagawin ninyo para maiwasan ang sisihan, inggitan at di-pagkakaunawaan ng mga kasapi ng mag-anak?
TANDAAN:1. Ang pagpapahalaga ay ang higit na pagtingin
ng isang tao sa isang bagay, paniniwala o gawain.
2. Ang layunin ay adhikain o hangarin na nais marating ng isang tao o mag-anak na nagtutulak upang magsikap, magtiyaga at makibaka sa hamon ng buhay upang maging maunlad at matagumpay.
Ebalwasyon:1. Bakit di-natugunan nang tama ang mga
pangunahing pangangailangan ng mag-anak?
2. Kailan pa maaring makatulong sa pangangasiwa ng tahanan ang isang maliit na bata?
3. Bakit nakatutulong ang kalusugan ng mag-anak sa mabisang pangangasiwa?
4. Ano ang maaaring mangyari kapag di-napangasiwaan nang husto ang mga pinagkukunan ng mag-aaral.
TAKDANG ARALIN: Paano pinapangasiwaan ng inyong mga magulang ang inyong tahanan?