25
GLOBALISASYON Konsepto at Perspektibo Inihanda ni: MR. EDWIN PLANAS ADA Teacher I, Dasmariǹas West NHS

Globalisasyon week 1 paunlarin

Embed Size (px)

Citation preview

GLOBALISASYON

Konsepto at Perspektibo

Inihanda ni:

MR. EDWIN PLANAS ADA

Teacher I, Dasmariǹas West NHS

Layunin

• Inaasahan sa bahaging ito na iyongmauunawaan ang globalisasyon bilang isyungpanlipunan. Nilalayon din na matapos angaralin ay iyong maipaliliwanag kung paano nitobinago at binabago ang pamumuhay ng tao sakasalukuyan.• Sa paksang ito, tatalakayin ang mga kaisipangmay kinalaman sa globalisasyon partikular angmga pananaw tungkol sa pag-usbong nito.

GLOBALISASYON

Pagbibigay kahulugan sa salitang:

G L O B A L I S A S Y O N ?

G L O B A L I S A S Y O N• ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mgatao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibangdireksiyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig.(Ritzer, 2011) Sinasalamin nito ang makabagong mekanismoupang higit na mapabilis ng tao ang ugnayan sa bawat isa.• Itinuturing din ito bilang proseso ng interaksyon atintegrasyon sa pagitan ng mga tao, kompanya, bansa omaging ng mga samahang pandaigdig na pinabibilis ngkalakalang panlabas at pamumuhunan sa tulong ngteknolohiya at impormasyon.

G L O B A L I S A S Y O N

1. Ano-anong produkto at bagay ang mabilis nadumadaloy o gumagalaw? Electronic gadgets, makina oproduktong agrikultural?

2. Sino-sinong tao ang tinutukoy rito? Manggagawa batulad ng skilled workers at propesyunal gaya ng guro,engineer, nurse o caregiver?

3. Anong uri ng impormasyon ang mabilisang dumadaloy?Balita, scientific findings and breakthroughs,entertainment o opinyon?

G L O B A L I S A S Y O N4. Paano dumadaloy ang mga ito? Kalakalan, Media o iba

pang paraan?

5. Saan madalas nagmumula at saan patungo angpagdaloy na ito? Mula sa mauunlad na bansa patungongmahihirap na bansa o ang kabaligtaran nito?

6. Mayroon bang nagdidikta ng kalakarang ito? Sino?United States, China, Germany, Japan, Argentina, Kenyao Pilipinas?Isyu nga bang maituturing angglobalisasyon? Bakit?

G L O B A L I S A S Y O N

EPEKTO ?

G L O B A L I S A S Y O NPalitan ng Kalakal

G L O B A L I S A S Y O NPamumuhunan

G L O B A L I S A S Y O NSerbisyo

G L O B A L I S A S Y O NMigrasyon

G L O B A L I S A S Y O NNoon at Ngayon

Thomas FriedmanKung ihahambing sa nagdaang panahon, ang

globalisasyon sa kasalukuyan ito ay higit na ‘malawak, mabilis,mura, at malalim’. Ayon sa kanyang aklat na pinamagatang‘The World is Flat’ na nailathala noong taong 2006, ‘Any job-blue or white collar- that can be broken down into a routineand transformed into bits and bytes can now be exported toother countries where there is a rapidly increasing number ofhighly educated knowledge workers who will work for a smallfraction of the salary of a comparable American worker.’

G L O B A L I S A S Y O NKapitalismo at Terorismo

G L O B A L I S A S Y O N

Bakit itinuturing na isyung

panlipunan ang GLOBALISASYON?

G L O B A L I S A S Y O N

Maituturing na panlipunang isyu ang globalisasyon

sapagkat tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon angpamumuhay at mga perennial institusyon na matagal nangnaitatag.

Perennial institutions ang pamilya, simbahan,pamahalaan at paaralan sapagkat ang mga ito aymatatandang institusyong nananatili pa rin sa kasalukuyandahil sa mahahalagang gampanin nito.

G L O B A L I S A S Y O NPERSPEKTIBO AT PANANAW5 perspektibo o pananaw tungkol sa kasaysayan at simula ng globalisasyon.

Una ay ang paniniwalang ang ‘globalisasyon’ ay taal o nakaugat sabawat isa. Ayon kay Nayan Chanda (2007), manipestasyon ito ngpaghahangad ng tao sa maalwan o maayos na pamumuhay na nagtulak sakaniyang makipagkalakalan, magpakalat ng pananampalataya,mandigma’t manakop at maging adbenturero o manlalakbay.

Ang pangalawang pananaw o perkspektibo ay nagsasabi na angglobalisasyon ay isang mahabang siklo (cycle) ng pagbabago. Ayon kayScholte (2005), maraming ‘globalisasyon’ na ang dumaan sa mga nakalipasna panahon at ang kasalukuyang globalisasyon ay makabago at higit namataas na anyo na maaaring magtapos sa hinaharap. Mahirap tukuyin angpanahon kung kailan nagsimula ang globalisasyon kaya higit namahalagang tingnan ang iba’t ibang siklong pinagdaanan nito.

G L O B A L I S A S Y O NPERSPEKTIBO AT PANANAW5 perspektibo o pananaw tungkol sa kasaysayan at simula ng globalisasyon.

Ang pangatlong pananaw ng globalisasyon ay naniniwalang mayanim na ‘wave’ o epoch o panahon na siyang binigyang-diin ni Therborn(2005).

Panahon KatangianIka-4 hanggang ika-5 siglo (4th-5th Century Globalisasyon ng Relihiyon (Pagkalat ng Islam at Kristiyanismo)

Huling bahagi ng ika-15 siglo (late 15th century) Pananakop ng mga Europeo

Huling bahagi ng ika-18 siglo hanggang unang bahagi ng ika-19 nasiglo( late 18th-early 19th century)

Digmaan sa pagitan ng mga bansa sa Europa na nagbigay-daan saglobalisasyon

Gitnang bahagi ng ika-19 na siglo hanggang 1918 Rurok ng Imperyalismong Kanluranin

Post-World War II Pagkakahati ng daigdig sa dalawang puwersang ideolohikalpartikular ang komunismo at kapitalismo.

Post-Cold War Pananaig ng kapitalismo bilang sistemang pang-ekonomiya. Nagbigay-daan sa mabilis na pagdaloy ng mga produkto,serbisyo, ideya, teknolohiya at iba pa sa pangunguna ng United States.

G L O B A L I S A S Y O NPERSPEKTIBO AT PANANAW5 perspektibo o pananaw tungkol sa kasaysayan at simula ng globalisasyon.

Hawig ng ikaapat na pananaw ang ikatlo. Ayon dito, ang simula ng globalisasyon

ay mauugat sa ispesipikong pangyayaring naganap sa kasaysayan. Sa katunayan, posiblengmaraming pinag-ugatan ang globalisasyon. Ilan dito ang sumusunod:

oPananakop ng mga Romano bago man maipanganak si Kristo (Gibbon 1998)

o Pag-usbong at paglaganap ng Kristyanismo matapos ang pagbagsak ngImperyong Roman

o Paglaganap ng Islam noong ikapitong siglo

o Paglalakbay ng mga Vikings mula Europe patungong Iceland, Greenland at Hilagang America

o Kalakalan sa Mediterranean noong Gitnang Panahon

o Pagsisimula ng pagbabangko sa mga siyudad-estado sa Italya noong ika-12 siglo

G L O B A L I S A S Y O NPERSPEKTIBO AT PANANAW5 perspektibo o pananaw tungkol sa kasaysayan at simula ng globalisasyon.

Ang huling pananaw o perspektibo ay nagsasaad na angglobalisasyon ay penomenong nagsimula sa kalagitnaan ng ika-20 siglo.Tatlo sa mga pagbabagong naganap sa panahong ito ang sinasabing maytuwirang kinalaman sa pag-usbong ng globalisasyon.

> Pag-usbong ng Estados Unidos bilang global power matapos angIkalawang Digmaang Pandaigdig.

> Paglitaw ng mga multinational at transnational corporations(MNcs and TNCs)

> Pagbagsak ng Soviet Union at ang pagtatapos ng Cold War

G L O B A L I S A S Y O NGawain 3. Tilamsik Kaalaman

Punan ang graphic organizer na Balangkas- Kaalamanbatay sa iyong naunawaan sa binasang teksto. Isulatsa unang kolum ang pananaw tungkol sa pag-usbongng globalisasyon at sa pangalawang kolum namanang mahahalagang kaisipan kaugnay nito. Isulat saikatlong kolum ang mga susing salita o esensyal nakaisipan sa bawat pananaw.

G L O B A L I S A S Y O NGawain 3. Tilamsik Kaalaman

Pamprosesong mga Tanong1. Ibigay ang iyong sariling pagpapakahulugan sa salitang globalisasyon.2. Bakit sinasabing matagal nang may globalisasyon? Naniniwala ka badito? Ipaliwanag ang iyong sagot.3. Sa mga pananaw at perspektibong inihain, alin sa mga ito ang sa iyongpalagay ay katanggap-tanggap? Pangatuwiranan.

G L O B A L I S A S Y O N

Gawain 4.Window ShoppingPumunta sa isang sari-sari store o grocery store, canteen at mga kauri nito.Maglista ng mga produktong kanilang ipinagbibili. Pumili ng lima sa mga produktoo serbisyong ito na sa iyong palagay ay makikita o ipinagbibili rin sa ibang bansa.Isulat ang mga ito sa talahanayan sa ibaba.

PRODUKTO/ SERBISYO KOMPANYA BANSANG PINAGMULAN

1.2.3.4.5.

G L O B A L I S A S Y O N

Pamprosesong Tanong

1. Ano-anong produkto at serbisyo ang iyong natuklasan naipinagbibili hindi lamang sa loob ng ating bansa kundi maging sa iba pangbansa?

2. Sa anong mga bansa nagmula ang mga produkto o serbisyongnabanggit?

3. Paano kumalat ang mga produktong ito sa iba’t ibang panig ngdaigdig.

4. Sa iyong palagay, nakatutulong ba ang mga produktong ito saatin? Pangatuwiranan.

Gawain 4.Window Shopping