12
GROUP 4’s LP TEMPLATE Quarter No. First Topic: Kolonisasyon Time Frame: 2 weeks Stage 1 DESIRED RESULT Content Standard: Pamantayan para sa Unang Taon: Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga pangunahing kaisipan at mga napapanahong isyung pangkasaysayan at pampamahalaan ng Pilipinas gamit ang mga kasanayan at pagpapahalaga tungo sa pagpapatatag ng pagkabansa, sistemang demokratiko, pagkakaisa at mabuting mamamayan. Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag- aaral ang pag-unawa sa pagkabuo ng Pilipinas bilang isang bansa mula sa pagkakaisa ng adhikain at pagpupunyagi ng mga Pilipino. Performance Standard: Ang mga mag-aaral ay nakapagpapahayag at nakapaghihikayat sa patuloy na pagsasagawa ng mga gawaing kapakipakinabang sa pamayanan sa pamamagitan ng isang malikhaing akda o proyekto tulad ng isang mural na sumasalamin sa iba’t- ibang anyo ng nasyonalismong Pilipino noon at sa kasalukuyang panahon. Essential Understanding: 1.) Ang pagnanais ng mga Kanluranin ng mapalawak ang kanilang kapangyarihan ay nagbigay-daan sa kanilang pagsakop sa mga lupaing katulad ng sa Pilipinas na nagpabago sa pamumuhay ng mga Pilipino. 2.) Ang marubdob na pagtutol ng mga Pilipino sa pananakop ng mga Espanyol ay ipinamalas sa pamamagitan ng pag-aalsa at pagsulat tulad ng isinagawa ng mga Pilipinong Propagandista at mga Essential Question: Paano ipinakita ng mga Pilipino ang pagtutol sa pananakop ng mga dayuhan?

INSET G4AP

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Group 4 INSET Sample LP

Citation preview

Page 1: INSET G4AP

GROUP 4’s LP TEMPLATE

Quarter No. First Topic: Kolonisasyon Time Frame: 2 weeksStage 1 DESIRED RESULTContent Standard:Pamantayan para sa Unang Taon: Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga pangunahing kaisipan at mga napapanahong isyung pangkasaysayan at pampamahalaan ng Pilipinas gamit ang mga kasanayan at pagpapahalaga tungo sa pagpapatatag ng pagkabansa, sistemang demokratiko, pagkakaisa at mabuting mamamayan.

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagkabuo ng Pilipinas bilang isang bansa mula sa pagkakaisa ng adhikain at pagpupunyagi ng mga Pilipino.

Performance Standard:Ang mga mag-aaral ay nakapagpapahayag at nakapaghihikayat sa patuloy na pagsasagawa ng mga gawaing kapakipakinabang sa pamayanan sa pamamagitan ng isang malikhaing akda o proyekto tulad ng isang mural na sumasalamin sa iba’t-ibang anyo ng nasyonalismong Pilipino noon at sa kasalukuyang panahon.

Essential Understanding:1.) Ang pagnanais ng mga Kanluranin ng mapalawak ang kanilang kapangyarihan ay nagbigay-daan sa kanilang pagsakop sa mga lupaing katulad ng sa Pilipinas na nagpabago sa pamumuhay ng mga Pilipino.2.) Ang marubdob na pagtutol ng mga Pilipino sa pananakop ng mga Espanyol ay ipinamalas sa pamamagitan ng pag-aalsa at pagsulat tulad ng isinagawa ng mga Pilipinong Propagandista at mga Katipunero.

Essential Question:Paano ipinakita ng mga Pilipino ang pagtutol sa pananakop ng mga dayuhan?

Prior Knowledge:1.) Dahil sa pagsakop ng mga dayuhan, nahubog ang ating

pagkamakabayan.2.) Walang magandang naidulot ang kolonisasyon sa ating

bansa.

Transfer:Mapagyaman ang ating pagkamakabayan sa pamamagitan ng pagtulad sa mga ipinakitang halimbawa ng ating mga bayaning Pilipino.

Students will know:1.) Kahulugan ng kolonyalismo at ng mga epekto nito.2.) Mga bansang sumakop sa bansang Pilipinas.

Students will be able to do:1.) Pagpapaliwanag ng mga naganap sa panahon ng

kolonisasyon.

Page 2: INSET G4AP

2.) Pagsusuri sa naging sanhi at epekto ng kolonisasyon.

Stage 2 ASSESSMENT EVIDENCEProduct or Performance Task: Paggawa ng panayam tungkol sa panahong kolonyal at pagsasagawa ng isang dokumentaryo patungkol sa panahong ito at paguulat sa klase sa anyong pagbabalita.

Isa sa mga ginawang pagtutol ng mga Pilipino sa pananakop ng mga dayuhan ay ang pagtatatag nila ng iba’t-ibang samahan sa bawat panahon upang ipakita ang masidhing pagtutol sa pananakop ng mga dayuhan. Kaya noong ika-12 ng Hunyo, 1898 nang iwagayway ni Hen. Emilio Aguinaldo ang bandila ng Pilipinas kaalinsabay ng pagpapahayag ng kasarinlan ng Pilipinas mula sa mapaniil na pananakop ng mga Kastila. Ang pangkasalukuyang pamahalaan ay nagpalabas sa telebisyon ng isang patalastas hinggil sa pagkakaroon ng malaking pagdiriwang na magaganap sa Luneta na katatampukan ng mga kinikilalang bagong bayaning sina Rona Mahilum, Efren Reyes, Efren Peñaflor at Manny Pacquiao.Isa ka sa mga kasapi na nangangalap ng impormasyon tungkol sa kalayaan at mga

Evidence at the level of understanding:1. Pagpapaliwanag (naipaliliwanag

ang mga pangyayaring naganap noong panahong kolonyal)“Interview”

2. Interpretasyon (umunawa sa mga nakaraang pakikipaglaban ng mga Pilipino noong panahong kolonyal).“Discussion Grid”

3. Aplikasyon (gumawa ng isang dayorama ng nagpapakita ng paghihirap ng mga Pilipino sa kamay ng mga kolonyalista).“Storyboard”

4. Paglalapat (pakikipag-ugnayan sa mga samahang nagsusulong ng kalayaan).“Pakikpagtalastasan sa mga Pro-Freedom organizations”

5.) Perspektibo (paghahambing ng panahon ngayon at ng panahong kolonyal).“Picture Analysis”

Evidence at the level of performance:Formative Assessments:

1. Pagbibigay ng guide question sa pakikipanayam gamit ang fish bowl.

2. Pagsusuri ng isang larawan gamit ang picture analysis at worksheet.

Page 3: INSET G4AP

bayaning nakilala sa mundo dahil sa kanilang galing at talino. Matapos itong gawin, ikaw ay maguulat sa iyong organisasyon kung anong mga pangayayari ang naganap noong pagdiriwang ng ika-110 anibersaryo ng kalayaan. Ito ang gagamitin nila upang magkaroon sila ng ideya para sa gagawin nilang dokumentaryo sa pagkakaiba ng mga bayani noon at ngayon.

Stage 3 LEARNING PLAN

Teaching / Learning Sequence: Use of Three IsIntroduce Essential Question:Ang mga mag-aaral ay makikinig ng masusi sa kantang “Bayan Ko”.

Mga Prosesong Tanong:1.) Anu-anong mga salita o liriko ang inyong napakinggan na nagpaparamdam ng damdaming makabayan?2.) Bakit nag-alab ang damdamin ng mga Pilipino at nagkaisa upang makamit ang minimithing kalayaan?3.) Paano nagsimula ang digmaan sa pagitan ng mga sumusunod:

3.1 Pilipinas at Espanya3.2 Pilipinas at Estados Unidos3.3 Pilipinas at Hapon

4.) Paano hinubod ng kolonyalismo ang pagkamakabayan ng mga sinaunang Pilipino?5.) Paano ipinakita ng mga Pilipino ang pagtutol sa mga dayuhan?

Interactions with Different Resources to Answer E.Q. Aalamin natin kung paanong ang kolonyalismo ay naging malaking epekto sa pagyabong ng pagkamakabayang Pilipino. Ang mga mag-aaral ay gagawa ng iba’t-ibang aktibitis sa silid-aralan.

A. Batuhan ng Pananaw o Ideya (Debate).Pagtatalunan ng mga mag-aaral kung may maganda bang naidulot ang kolonyalismo o wala.

Page 4: INSET G4AP

Matapos ang debate, maaari ng talakayin ang transpormasyon ng sinaunang Pilipino sa pagpasok ng kolonisasyon.

B. Dayorama. Ang mga mag-aaral ay aatasang gumawa ng isang dayorama na nagpapakita ng mga senaryo kung paano lumaganap at nakaapekto sa pamumuhay ng mga tao ang panahong kolonyal. Ipapakita din sa dayorama ang sinaunang kultura at pamumuhay ng mga Pilipino bago dumating ang mga dayuhang mananakop. Gagamitin ng guro ang pamantayan (RUBRICS) sa pagbibigay ng marka sa mga mag-aaral. Maaari ng talakayin kung paano lumaganap at nakaapekto sa pamumuhay ng mga tao ang panahong kolonyal.

RUBRIC PARA SA DAYORAMA

Batayan Katangi-tangi (4 pts) Mahusay (3 pts) Katamtaman (2 pts) Nagsisimula (1 pt)

1. Maayos at malinis ang pagkakagawa.

2. Naipakita ng maayos ang kolonyalismo.

3. Naipakita ang mga pamumuhay ng mga tao bago dumating ang mga kolonyalista.4. Naipakita ang epekto ng kolonyalismo.

C. Picture Analysis. Magpapakita ang guro ng mga larawan ng iba’t-ibang pamumuhay ng mga Pilipino sa kamay ng mga mananakop.

Mga Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang mapapansin sa mga larawang ipinakita?

Page 5: INSET G4AP

2. Paano ito nagkakaiba-iba? 3. Saan may kaugnayan ang mga larawang ipinakita? 4. Paano nakapukaw ang mga larawan sa damdaming pagkamakabayan? 5. Paano ipinakita ng mga Pilipino ang pagtutol sa pananakop ng mga Espanyol?

D. Pananaliksik Tungkol sa Ilang Bayaning Nakipaglaban sa mga Dayuhan. 1. Lapu-lapu 2. Jose Rizal 3. Andres Bonifacio

Pwedeng gamitin ang website na ito: http://www.Philippine_history.org. Kung walang internet, papuntahin ang mga mag-aaral sa silid-aklatan.E. Historical Field Trip sa Kawit, Cavite. Mag-organisa ng isang educational field trip para ipakita sa mga mag-aaral ang kaganapan ng deklarasyon ng kalayaan ng Pilipinas. Pupunta ang mga mag-aaral sa bahay ni Hen. Emilio Aguinaldo upang makita ang orihinal na watawat ng Pilipinas na ginamit sa pagwagayway noong Hunyo 12, 1898.

Mga Pamprosesong Tanong: 1. Saan sa Cavite makikita ang bahay ni Hen. Emilio Aguinaldo? 2. Anu-ano ang mga kagamitang makikita sa bahay ni Hen. Emilio Aguinaldo? 3. Ilarawan ang orihinal na watawat ng Pilipinas. 4. Bilang isang mag-aaral, ano ang kahalagahan ng deklarasyon ng kalayaan ng Pilipinas? 5. Paano naipakita ang nasyonalismo sa panahong kolonyal? 6. Paano nabago ng deklarasyon ng kalayaan ng Pilipinas ang pamumuhay at kultura ng ating bansa?

Sasabihin ng guro: Bumuo tayo ng isang concept map para matukoy natin ang ating kaalaman tungkol sa kolonyalismo.

Integration of Findings with E.U. and Application of E.U.

1. Pagbuo ng Concept Map Ang mga mag-aaral ay bubuo ng isang concept map kung saan ito’y magpapakita ng mga naidulot ng kolonyalismo sa ating bansa.

KOLONYALISMO

Mga Ginawang Pagtutol ng mga Pilipino Laban sa mga Dayuhan

Page 6: INSET G4AP

““

Mga Sinaunang Pagaalsa “Insureksiyon“ Kilusang Gerilya Kilusang Propaganda Katipunan 2. Pagsasagawa ng Case Study. (GRASPS)

Isa sa mga ginawang pagtutol ng mga Pilipino sa pananakop ng mga dayuhan ay ang pagtatatag nila ng iba’t-ibang samahan sa bawat panahon upang ipakita ang masidhing pagtutol sa pananakop ng mga dayuhan. Kaya noong ika-12 ng Hunyo, 1898 nang iwagayway ni Hen. Emilio Aguinaldo ang bandila ng Pilipinas kaalinsabay ng pagpapahayag ng kasarinlan ng Pilipinas mula sa mapaniil na pananakop ng mga Kastila. Ang pangkasalukuyang pamahalaan ay nagpalabas sa telebisyon ng isang patalastas hinggil sa pagkakaroon ng malaking pagdiriwang na magaganap sa Luneta na katatampukan ng mga kinikilalang bagong bayaning sina Rona Mahilum, Efren Reyes, Efren Peñaflor at Manny Pacquiao.

Isa ka sa mga kasapi na nangangalap ng impormasyon tungkol sa kalayaan at mga bayaning nakilala sa mundo dahil sa kanilang galing at talino. Matapos itong gawin, ikaw ay maguulat sa iyong organisasyon kung anong mga pangayayari ang naganap noong pagdiriwang ng ika-110 anibersaryo ng kalayaan. Ito ang gagamitin nila upang magkaroon sila ng ideya para sa gagawin nilang dokumentaryo sa pagkakaiba ng mga bayani noon at ngayon.

RUBRIC PARA SA CASE STUDY NG MGA BAYANI NOON AT NGAYON

Batayan Katangi-tangi (4 pts) Mahusay (3 pts) Katamtaman (2 pts) Nagsisimula (1 pt)1. Pagkilala sa mga bayani noon at ngayon.

2. Pagsusuri sa mga katangian ng mga bayani.

Laban sa mga Espanyol Laban sa mga HaponesLaban sa mga Amerikano

Paghihimagsik

Page 7: INSET G4AP

3. Pagtukoy sa mga bagay o mga dahilan na nagbunsod sa kanila upang maging mga bayani.4. Pagpapahalaga ng mga bayani sa panahong kolonyal.5. Pag-aambag ng kanilang mga nagawa.

I. PRESENTASYON1. Maayos, malinis at madaling unawain na pagkakasulat.2. Gumamit ng mga salitang madaling unawain ng mga mambabasa.II. DATOS1. Ang mga datos ay isinulat at inilahad sa maayos na pamamaraan.2. Ang mga datos ay magkakaugnay sa bawat isa.3. Ang mga datos ay isinulat sa madaling unawain tulad ng

a. Isinulat sa buong pangungusap.b. Isinulat o ipinirisinta sa pamamagitan ng table.III. PAGLALAHAD O PAGUULAT

Page 8: INSET G4AP

1. Maayos ang pagsasalita.2. Malinaw, maayos ang paraan ng paglalahad at pagpapaliwanag ng mga datos.

Ang iyong output ay huhusgahan batay sa mga pamantayang ito: A. Pagkikilala sa kahalagahan ng kalayaan na ipinagtanggol ng mga bayani. B. Pagsusuri sa mga impluwensiya ng mga bansang sumakop. C. Pagpapanatili ng pagkamakabayan na minana natin sa ating mga bayaning Pilipino.

Pagpapahalaga: Gagamit ang guro ng PMI (Plus, Minus, Interesting) upang malaman ang kahalagahan ng impluwensiya ng mga bansang sumakop.

PLUS MINUS INTERESTING

Sa pamamagitan ng PMI, dito isusulat ng mga mag-aaral ang kasagutan ng mga positibo at negatibong impluwensiya maging ang mga kaaya-ayang pangyayari kaalinsabay ng panahong kolonyal.

Gawain: Gagamit ang guro ng Fish Bowl strategy.Mga Panuto: 1. Gamit ang Fish Bowl at ilang piraso ng papel na may katanungan.

Page 9: INSET G4AP

2. Ang mga mag-aaral ay bubunot ng isang papel na may katanungan mula sa Fish Bowl at malaya niyang sasagutin ang nakasulat na tanong sa papel. 3. Kapag natapos na ang lahat ng mga mag-aaral, ang guro ay magbibigay ng huling salita na naglalaman ng kabuoan ng mga tinalakay.

Closure: Halos lahat ng bansa sa mundo ay nakatikim ng pagmamalupit ng mga dayuhang mananakop. Subali’t hindi ibig sabihin na wala itong magandang naidulot. Masama man o maganda, gawin natin itong inspirasyon upang mapagyaman natin ang ating pagkamakabayan na ipinamalas ng ating mga bayani. Ipagpatuloy natin ang pagpapanatili ng ating pagkakakilanlang Pilipino, huwag itong kalimutan at ipagmalaki natin ito.