12
MASAYANG MUNDO NG FILIPINO Preparatory

Masayang Mundo ng Filipino - Preparatory

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Masayang Mundo ng Filipino - Preparatory•Activities are designed to motivate pre-schoolers to express themselves using short, simple sentences in Filipino•There will be songs, rhymes, poems and stories for children

Citation preview

Page 1: Masayang Mundo ng Filipino - Preparatory

MASAYANG MUNDO NG FILIPINOPreparatory

Page 2: Masayang Mundo ng Filipino - Preparatory

Masayang Mundo ng FilipinoPreparatoryBatayang Aklat

Karapatang-ari 2010 ng DIWA LEARNING SYSTEMS INCReserbado ang lahat ng karapatan

Ang pangangasiwa sa editoryal, layout, at disenyo ay isinagawa ng

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring gamitin o sipiin sa anumang anyo at pamamaraan nang walang nakasulat na pahintulot mula sa tagapaglathala.

Tanging tagapamahagi angDIWA LEARNING SYSTEMS INC4/F SEDCCO 1 Bldg.120 Thailand corner Legazpi StreetsLegaspi Village, Makati City, PhilippinesTel. Nos.: (632) 893-8501FAX: (632) 817-8700

ISBN 978-971-46-0143-7

Raquel B. Bunag (May-akda)

Si Raquel B. Bunag ay kasalukuyang kumukuha ng Doctor of Education major in Educational Management sa De La Salle University–Dasmariñas, Cavite. Nagtapos naman siya ng kanyang Master of Education major in Educational Management sa nabanggit ding unibersidad at ng kanyang Bachelor of Elementary Education (cum laude) sa Philippine Normal University (PNU). Siya ay kasalukuyang nagtuturo sa Don Bosco Technical Institute–Makati.

Mona R. Alagar (Konsultant)

Nagtapos si Mona R. Alagar ng kursong Bachelor of Science in Psychology sa St. Paul College–Quezon City. Siya ay kasalukuyang Preschool area coordinator sa Poveda Learning Center.

Page 3: Masayang Mundo ng Filipino - Preparatory

Paunang Salita

Narito ang bagong aklat sa Filipino na sadyang inihanda para sa inyo. Layunin ng aklat na ito na malinang ang inyong kakayahan at kasanayan sa mabisang pakikinig, pagsasalita, pagbabasa, at pagsusulat.

Hinati-hati sa apat na yunit ang aklat na ito. Ang bawat yunit ay binubuo ng mga kawili-wiling tugma, awit, diyalogo, at kwento. Maging ang mga pagsasanay ay inihanda na tiyak na inyong kasisiyahan. Ang mga ito ay makatutulong upang malinang sa inyo ang kahalagahan ng katangian ng tunay na Pilipino tulad ng mabuting pakikipag-ugnayan sa inyong mag-anak, pagmamalasakit sa inyong mga kaibigan sa paaralan, at mahusay na pakikitungo sa mga namumuno sa pamayanan.

Inaasahang mapahahalagahan ninyo ang bawat aralin na makatutulong sa inyong pag-unlad bilang isang mabuting mamamayan. Gawin ninyong kawili-wili ang inyong pagtuklas sa mga bagay na nasa inyong paligid sa tulong ng aklat na ito.

Mahalin at ingatan sana ninyo ang aklat na ito. Ugaliin ang pagiging palabasa dahil ito ang magpapayaman sa inyong kaalaman.

Mabuhay ka!

Halinang magbasa!

Page 4: Masayang Mundo ng Filipino - Preparatory

Para sa mga Guro

Ang makabagong aklat na ito para sa mga preschooler ay sadyang inihanda upang mabigyan ng makabuluhan at kawili-wiling pagsasanay ang mga mag-aaral. Layunin ng aklat na ito na malinang sa mga bata ang kanilang kasanayan at kakayahan sa pakikinig, pagsasalita, pagbabasa, at pagsusulat. Isinasaalang-alang din na sa tulong ng mga larawan, awitin, tugma, diyalogo, at kwento sa aklat na ito ay malilinang sa mga mag-aaral ang kawilihan sa pagtuklas ng mga bagay sa kanyang paligid

Inaasahan na huhubugin ang kakayahan ng mga bata ng mga aralin na kinakailangan upang maging handa sila sa susunod na antas at tungo sa mas malawak pang gawain.

Nakapaloob sa aklat na ito ang mga sumusunod na kasanayan: Pagtukoy sa pagkakaiba at pagkakatulad ng mga hugis at anyo; Pagkilala at pagbasa sa Alpabetong Filipino; Pagbasa sa mga pantig, salita, parirala tungo sa pangungusap; Pagsasagawa ng mga gawaing humuhubog sa kabutihang asal; Pagkagiliw sa mga tula, awit, at kwento.

Inaasahan na sa masusing pagsubaybay ng guro ay makakamit ng mga mag-aaral ang mga kinakailangang kasanayan. Gawing kawili-wili ang pagtuturo ng mga aralin upang ito‛y maging matibay na sandigan sa pagkatuto ng mga kinakailanagang aralin sa pakikinig, pagsasalita, pagbabasa, at pagsusulat.

Maligayang pagtuturo!

May-akda

Page 5: Masayang Mundo ng Filipino - Preparatory

Talaan ng Nilalaman

Yunit 1 Ang Aking SariliAralin 1 Ako ay Natatangi ........................................................................2Aralin 2 Ako ay Batang Magalang ...........................................................7Aralin 3 Mga Bahagi ng Aking Katawan ...............................................12Aralin 4 Mga Bagay sa Aking Paligid ................................................... 20Aralin 5 Sari-saring Tunog sa Aking Paligid ...................................... 29 Aralin 6 Ang Aking Tito at Tita ........................................................... 40Aralin 7 Mga Regalo sa Aking Kaarawan ............................................ 47Aralin 8 Ang Aking Lolo ......................................................................... 52

Yunit 2 Ako at ang Aking Mag-anakAralin 1 Ang Aming Masayang Mag-anak ........................................... 58Aralin 2 Tumutulong Ako sa Aking Mag-anak ................................... 65Aralin 3 Mga Bahagi sa Loob ng Aming Tahanan .............................. 73 Aralin 4 Halina at Maglinis ng Ating Tahanan .................................. 80Aralin 5 Sa Loob ng Aming Tahanan ................................................... 87Aralin 6 Hiram na Salita ........................................................................ 94 Aralin 7 Sa Tahanan Simulan ang Pag-aaral .................................... 108 Aralin 8 Mga Regalo Namin Kina Nanay at Tatay ........................... 112

Page 6: Masayang Mundo ng Filipino - Preparatory

Yunit 3 Ang Aking PaaralanAralin 1 Sa Silid-aralan ........................................................................ 118 Aralin 2 Ang Aking Guro ...................................................................... 125Aralin 3 Ang Aking mga Kamag-aral .................................................. 133 Aralin 4 Sa Paaralan .............................................................................. 141Aralin 5 Tayo nang Magkulay .............................................................. 148Aralin 6 Tayo nang Magbilang ............................................................ 154Aralin 7 Mga Ngalan ng Araw ............................................................. 160 Aralin 8 Tayo nang Umawit ................................................................. 165

Yunit 4 Ako ay Bahagi ng Magandang Pamayanan at DaigdigAralin 1 Sa Aming Pamayanan .................................................... 172 Aralin 2 Gusto Ko Maging ..................................................................... 181Aralin 3 Ang Paborito Kong Pook-pasyalan ..................................... 188 Aralin 4 Ikaw, Ako, at ang Ating mga Bayani ................................ 196 Aralin 5 Handa Akong Tumulong sa Aking Kapwa! .........................205Aralin 6 Si Maria Makiling .................................................................. 214 Aralin 7 Ang Buwaya at ang Manok .................................................. 219 Aralin 8 Si Haring Kalikasan ..............................................................227

Page 7: Masayang Mundo ng Filipino - Preparatory

1YUNIT

Ang Aking Sarili

Page 8: Masayang Mundo ng Filipino - Preparatory

Masayang Mundo ng Filipino–Preparatory2

Aralin

1

Ako ay Natatangi

Sa mga Magulang: Gabayan pa ang inyong anak sa wastong pagpapakilala ng kanyang sarili.

Pagpapahalagang Pilipino: Dapat na maging magalang sa kamag-aral na nakikipagkilala o nagpapakilala ng kanyang sarili.

Ako po si Nica Alcantara. Limang taong gulang na po ako. Ang aking mga magulang ay sina Lito Alcantara at Marivic Alcantara. Ako po ay nakatira sa Lungsod ng Parañaque. Magaling po akong kumanta.

Ako po si Jesus Delgado. Anim na taong gulang na po ako. Ang aking mga magulang ay sina Raul Delgado at Teresa Delgado. Ako po ay nakatira sa Cavite. Mahilig po akong sumayaw.

Makinig nang mabuti sa pagpapakilala ng dalawang bata sa kanilang mga sarili.

Page 9: Masayang Mundo ng Filipino - Preparatory

Ang Aking Sarili 3

Magkwento ka tungkol sa iyong sarili. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Ano ang pangalan mo?

Ilang taon ka na?

Ano ang pangalan ng iyong ama?

Ano ang pangalan ng iyong ina?

Ano ang hilig mong gawin?

Page 10: Masayang Mundo ng Filipino - Preparatory

Masayang Mundo ng Filipino–Preparatory4

Basahin ang mga usapan ng mga bata.

Liza, anong ginagawa mo

rito?Kinukulayan ko ang aking

aklat.

Sa akin ang payong na iyan.

Maraming salamat sa iyo.

Siya si Russell. Binigyan niya ako kanina ng

tinapay.

Siya si Mina. Kamag-aral ko siya. Mahilig

siyang magbasa.

Kaninong payong ito?

Page 11: Masayang Mundo ng Filipino - Preparatory

Ang Aking Sarili 5

Sundin ang mga pamantayan sa wastong pagsusulat o pagkukulay.

Ilatag nang maayos ang papel kung magsusulat o magkukulay.

Hawakan nang wasto ang lapis kapag nagsusulat at ang krayola kapag nagkukulay.

Umupo nang tuwid.

Page 12: Masayang Mundo ng Filipino - Preparatory

Masayang Mundo ng Filipino–Preparatory6

____ ____ ____

Pagsunud-sunurin ang mga larawan gamit ang mga titik a hanggang c.

1. pinakamaliit hanggang sa pinakamalaki

2. pinakamalaki hanggang sa pinakamaliit

3. pinakakaunti hanggang sa pinakamarami

4. pinakamatangkad hanggang sa pinakamaliit

____ ____ ____

____ ____ ____

____ ____ ____