Upload
ners-iraola
View
1.894
Download
32
Embed Size (px)
Citation preview
Department of Agrarian Reform (DAR)
Kagawaran ng Repormang Pansakahan (KRP)
Current Secretary: RAFAEL MARIANO
Tungkulin:
Ipatupad ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP)
Magsagawa ng pagpapaunlad sa lupa sa loob ng takdang panahon
Magsagawa ng mga programang naaayon sa nasasakupan ng kagawaran at maghanap ng mga makikinabang sa mga programang ito
Ipatupad ang hustisya sa mga kaso na pang agraryo
Department of Agriculture (DA)
Kagawaran ng Pagsasaka (KPS)
Current Secretary: EMMANUEL PIÑOL
Tungkulin: Siguraduhing may sapat na panustos na pagkain at mga
pangangailangan mula sa sektor ng agrikultura at pangingisda
Palaguin ang sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng paglalaan ng mga patakaran, pampublikong pamumuhunan,
at mga serbisyong kinakailangan para sa lokal at pandaigdigang kalakalan Palaguin ang produksiyon mula sa agrikultura, mabigyan ng paraan upang magkaroon ng
kita ang mga magsasaka at mangingisda Maengganyo ang iba pang sektor ng lipunan sa pagpapalago ng agrikultura Magpalaganap ng mga sistemang pang agrikultura na pinapahalagahan ang hustisya,
kasaganaan at pangmatagalang paghawak sa likas yamang pang-agrikultura.
Department of Education (DepEd)
Kagawaran ng Edukasyon (KEd)
Current Secretary: LEONOR BRIONES Tungkulin:
Bumubuo, nagpapatupad at nag-uugnay ng mga plano, programa at proyekto sa aspeto ng pormal at di-pormal na
edukasyon Mangasiwa sa elementarya at sekundaryong institusyon ng
edukasyon kabilang na ang mga pribado at pampublikong eskuwelahan at iba pang alternatibong sistema ng edukasyon
Sustentuhan ang kumpleto at magkakaugnay na sistema ng edukasyon na naaayon sa adhikain ng pambansang pag-unlad
Department of Budget and Management (DBM)
Kagawaran ng Pagbabadyet at Pamamahala (KPP)
Current Secretary: BENJAMIN DIOKNO
Tungkulin: Manguna sa pamamahala ng pampublikong paggasta para
masiguro ang pantay, nararapat, malinaw at maayos na pananagot sa paglalaan at paggamit ng pondo ng publiko para sa ikaaangat ng kalidad ng buhay ng mga Pilipino
Gumawa ng istratehiya na naaayon sa planong pang-ekonomiya ng gobyerno Gawin ang plano ng paggasta na nakasaad ang programa Gawin ang taunang plano ng paglalaan sa mga gastusin Gawin at isakatuparan ang pambansang sistema ng pananagutan sa pondo
at pagpapahalaga ng pamumuhunan Pamahalaan ang pagbayad sa gobyerno Bantayan ang mga operasyong pinansyal ng mga lokal na pamahalaan at mga kumpanya
na hawak ng gobyerno
Department of Energy (DOE) Kagawaran ng Enerhiya (KEn)
Current Secretary: ALFONSO CUSI
Tungkulin:
Maghanda, mamahala at pag-ugnayin ang mga plano, programa at gawain ng gobyerno na may kinalaman sa
paghahanap, pagpapaunlad, paggamit, pamamahagi at pagtitipid ng enerhiya
Department of Environment and Natural Resources (DENR)
Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Kayamanan (KKLK)
Current Secretary: REGINA LOPEZ
Tungkulin: Siguraduhing may nakalaang likas-yaman na magagamit,
napapalitan at mapagkukunan Pasaganahin ang likas yaman para sa pangangailangan ng
publiko ng mga yamang gubat, mineral at lupa Palakihin ang ambag ng likas-yaman sa pagkamit ng pag-unlad ng lipunan at ekonomiya Siguraduhin ang pantay na pagkakaroon ng likas-yaman para sa iba’t-ibang sektor ng
lipunan Panatilihing ligtas ang natatanging likas-yaman na kumakatawan sa pambansang kultura
at bilang pamana sa susunod na henerasyon
Department of Finance (DOF)
Kagawaran ng Pananalapi (KNPN)
Current Secretary: CARLOS “SONNY” DOMINGUEZ III Tungkulin:
Bumuo ng mga plano sumasaklaw sa pangangalap ng
mapapagkunan ng yaman ng gobyerno maging ito ay pribado o publiko, lokal o sa labas ng bansa
Bumuo ng mga patakaran at mangasiwa sa pagbubuwis Pangalagaan at mangasiwa sa pera ng gobyerno Mangasiwa sa utang ng gobyerno sa loob at labas ng bansa
Pag-aralan, makipag-ugnayan at magmungkahi sa mga institusyong pinansyal ng gobyerno
Department of Foreign Affairs (DFA) Kagawaran ng Ugnayang Panlabas (KUP)
Current Secretary: PERFECTO YASAY JR.
Tungkulin:
Itatag ang interes ng Pilipino at gobyerno sa mundo Ipatupad ang mga polisiyang pang-banyaga Isulong ang maayos na relasyon sa iba’t-ibang bansa, rehiyon at organisasyon ng mga
bansa Paunlarin ang kooperasyong pang-rehiyon at pandaigdigan sa kapakanan ng
katahimikan, kaunlaran at katatagan
Pangalagaan at protektahan ang karapatan at kapakanan ng mga Pilipino sa ibang bansa
Department of Health (DOH)
Kagawaran ng Kalusugan (KNKL)
Current Secretary: DR. PAULYN JEAN ROSELL UBIAL
Tungkulin:
Siguraduhin ang pagkakaroon ng pantay at de-kalidad na kalusugan para sa lahat ng Pilipino
Gumawa ng mga plano at alituntunin sa kalusugan Pangasiwaan ang lahat ng mga serbisyo at produktong
pangkalusugan Magbigay ng tulong sa mga manggagawang pangkalusugan
Department of the Interior and Local Government (DILG) Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (KIPL)
Current Secretary: ISMAEL SUEÑO
Tungkulin: Tumulong sa Pangulo na mangasiwa sa lokal na pamahalaan Magtalaga ng mga patakaran sa pangangasiwa ng batas at
kaayusan Pangasiwaan, bantayan at palakasin ang lokal na pamahalaan at
komunidad Bumuo ng mga plano at programang nakatuon sa mga sakunang natural o gawang-tao
Magtalaga ng sistema ng pakikipagtulungan sa pagitan ng tao, lokal na pamahalaan at departamento sa epektibong pagbigay ng saligang serbisyo sa publiko
Magbigay sanay sa PNP, BJMP at BFP Pababain ang krimen
Pag-ibayuhin ang pangangasiwa sa mga kulungan at proteksyon sa mga sunog
Department of Justice (DOJ)
Kagawaran ng Katarungan (KNKT)
Current Secretary: VITALIANO AGUIRRE II
Tungkulin:
Mangasiwa sa sistema ng hustisya para sa mga krimen kabilang na ang pag-iimbestiga, pagpapataw ng parusa at pagpapatawad
Legal na tagapagtanggol at tagapayo ng gobyerno Mangasiwa sa mga batas ukol sa pagiging mamamayan o banyaga
Pangalagaan ang pandaigdigang kooperasyon kabilang na ang legal na interes ng ibang bansa sa loob ng bansa
Pakikipagtalakayan sa mga kasunduang pangkalakalan at mga hanganan ng bansa sa
karagatan Pagbigay ng libreng tulong-legal sa mga mahihirap at nangangailangan Gampanan ang iba pang tungkulin ng DOJ ayon sa batas at iba pang executive orders
Department of Labor and Employment (DOLE) Kagawaran ng Paggawa at Empleyo (KNPE)
Current Secretary: SILVESTRE “BEBOT” BELLO III
Tungkulin: Bumuo ng mga patakaran, mangasiwa sa mga programa at
manilbihan bilang tagapag-ugnay ng pamahalaan sa larangan ng
paggawa at empleyo Mabigyan ang mga Pilipino ng pagkakataong
makapagtrabaho Pangalagaan ang kapakanan ng mga manggagawa
Pangalagaan ang kaligtasan at kapakanan ng mga industriya
Department of National Defense (DND)
Kagawaran ng Tanggulang Pambansa (KTP)
Current Secretary: DELFIN LORENZANA Tungkulin:
Magtanggol laban sa panloob at panlabas na banta sa pambansang kaligtasan
Pangalagaan ang kapakanan ng mga sundalo at mga beteranong sundalo Suportahan ang kaunlarang panlipunan at pang ekonomiya
Panindigan ang kapangyarihan at teritoryo ng Pilipinas
Department of Public Works and Highways (DPWH) Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (KPBL) Current Secretary: Mark Villar
Tungkulin:
Magplano ng mga pampublikong imprastraktura Magdisenyo, bumuo at pangalagaan ang mga pambansang
kalsada, tulay at mga sistemang pang-baha Siguraduhing ligtas, mahusay at mataas ang kalidad ng mga
pampublikong imprastruktura
Department of Science and Technology (DOST)
Kagawaran ng Agham at Teknolohiya (KNAT)
Current Secretary: FORTUNATO DELA PEÑA
Tungkulin: Bumuo ng malawakang plano pang-agham at teknolohiya
Paunlarin ang pananaliksik sa agham at teknolohiya lalo na sa ikauunlad o kapakinabangan ng bansa
Paunlarin ang lokal na teknolohiya at iangkop ang teknolohiya mula sa labas ng bansa at gamitin ito hanggang sa antas na pang komersiyo at pakikipag -
ugnayan ng pribado at pampublikong sektor Gawing kapaki-pakinabang ang resulta ng mga pananaliksik sa mga nangangailangan
nito Gawing accessible ang impormasyon mula sa agham at teknolohiya sa mga pribado at
pampublikong sektor Gumawa at mangasiwa ng mga programa para sa pagpapalakas ng kakayahan ng agham
at teknolohiya sa pamamagitan ng pagsasanay at pagbuo ng mga imprastruktura
Pag-ibayuhin ang kamalayan ng publiko sa agham at teknolohiya
Department of Social Welfare and Development (DSWD)
Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad (KKPP)
Current Secretary: Judy Taguiwalo Tungkulin:
Pababain ang antas ng kahirapan Mamahagi at mag-ugnay ng mga serbisyong panlipunan
Proteksiyunan ang mga dukha, nangangailangan at may kapansanan
Department of Tourism (DOT)
Kagawaran ng Turismo (KNT)
Current Secretary: WANDA CORAZON TEO
Tungkulin:
Mangasiwa sa lahat ng programa ng kalakalan na may kinalaman sa turismo
Pangunahan at suportahan ang pag-unlad ng kalakalan at
mga programang humihikayat sa mga turista na bumisita sa bansa
Department of Trade and Industry (DTI)
Kagawaran ng Kalakalan at Industriya (KKI)
Current Secretary: RAMON LOPEZ
Tungkulin:
Siguraduhin ang kakayanan ng bansa sa pandaigdigang paligsahan sa larangan ng industriya at mga serbisyo
Pag-ibayuhin ang mga negosyo, pagiging produktibo, kahusayan at kapakanan ng mga mamimili
Makalikha ng maraming trabaho Pataasin ang kamalayan ng mga mamimili sa kanilang mga karapatan at katungkulan
Palaguin ang pagluwas ng kalakal, pamumuhunan, MSME (malilit hangang sa di -kalakihang mga negosyo)
Department of Transportation (DOTr)
Kagawaran ng Transportasyon (KNT)
Current Secretary: ARTHUR TUGADE
Tungkulin: Mangasiwa sa mga plano, programa, makipag-ugnayan at
isakatuparan ang mga sistema ng transportasyon Paunlarin at itaguyod ang mabilis, ligtas, mahusay at maaasahang
serbisyo ng transportasyon
Department of Information and Communications Technology (DICT)
Kagawaran ng Teknolohiyang Pang-Impormasyon at Komunikasyon (KTIK)
Current Secretary: RODOLFO A. SALALIMA Tungkulin:
Mangasiwa sa mga plano, polisiya at pagpapabuti ng public access sa impormasyon at sistema ng komunikasyon
Paunlarin at itaguyod ang mabilis, ligtas, mahusay at maaasahang serbisyo ng komunikasyon