9
MGA ALA-ALANG HINDI MAKAKALIMUTAN NG PANANAKOP NG MGA HAPONES SA PILIPINAS

Mga Ala-alang Hindi Makakalimutan ng Pananakop ng mga Hapones Sa Pilipinas

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Mga Ala-alang Hindi Makakalimutan ng Pananakop ng mga Hapones Sa Pilipinas

MGA ALA-ALANG HINDI MAKAKALIMUTAN NG PANANAKOP NG MGA

HAPONES SA PILIPINAS

Page 2: Mga Ala-alang Hindi Makakalimutan ng Pananakop ng mga Hapones Sa Pilipinas

INTRODUCTION

Nakaranas na ba kayo ng panahon kung saan ang mga ala-ala na ayaw mo na

balikan ay nananatili pa rin sa isip mo? Para bang isang bata na ayaw umalis ang

kanyang ina kahit papasok na siya sa paaralan?

Yan ang nararamdaman ng mga beteranong Pilipino na namuhay noong Ikalawang

Digmaang Pandaigdig. Ang nakaraan ay para bang hinahabol at tinatakot pa rin sila

ngayon. Tuwing sila’y pumipikit lumalabas ang mga larawan na nagpapakita ng

pagdurusa , pagpapasakit, at kamatayan. Tila hindi sila papatahimikin ng mga ito

hanggang sa kani-kanilang kabao.

Ang mga sumusunod ay ang mga ginawang pananakit ng mga Hapon sa mga

Pilipino noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Page 3: Mga Ala-alang Hindi Makakalimutan ng Pananakop ng mga Hapones Sa Pilipinas

KINULATA

Ang paghampas ng mga Hapones

sa katawan ng mga nahuling gerilya

gamit ang kabilang dulo ng baril.

Marami ang napilayan, nabalian ng

buto, at habangbuhay nakahilata sa kama.

Page 4: Mga Ala-alang Hindi Makakalimutan ng Pananakop ng mga Hapones Sa Pilipinas

PINAGSASAMPAL

Ang paglapat ng kamay ng Hapones

sa mukha ng mga Pilipino hanggang

sa mamula at magdugo ito kapag

tinatanong tungkol sa mga

Pilipinong hindi sumusunod

sa kanilang mga batas.

Page 5: Mga Ala-alang Hindi Makakalimutan ng Pananakop ng mga Hapones Sa Pilipinas

COMFORT WOMEN

Ang sapilitang pagkuha sa mga

kababaihan upang dalhin sa mga

bahay-aliwan para gahasain.

Ito rin ang dahilan kung bakit

maraming dalagang Pilipina ang

nag-asawa ng maaga noong panahon ng

mga Hapon para sa kanilang proteksyon.

Page 6: Mga Ala-alang Hindi Makakalimutan ng Pananakop ng mga Hapones Sa Pilipinas

PINUGUTAN

Ang pinakanakakasindak sa lahat ng nakakasindak..

Ito ang pagputol sa ulo ng mga inakalang mga

gerilya gamit ang matalim na samurai.

Page 7: Mga Ala-alang Hindi Makakalimutan ng Pananakop ng mga Hapones Sa Pilipinas

TINUBIG

Papilit na pinapasok ang tubig sa ilong at bibig ng

mga gerilya gamit ang tubo hanggang lumobo ang

tiyan at papaluin hanggang sumuka ng tubig at

dugo.

Page 8: Mga Ala-alang Hindi Makakalimutan ng Pananakop ng mga Hapones Sa Pilipinas

ZONA

Ikinukulong ang mga kalalakihan sa mga

eskwelahan at simbahan at hindi pinapakain, inom,

tulog at magsalita.

Page 9: Mga Ala-alang Hindi Makakalimutan ng Pananakop ng mga Hapones Sa Pilipinas

CONCLUSION:

Lahat ng mga ginawa ng mga Hapones sa atin ay

brutal at walang awa. Halos lahat ng mga pilipino ay

hindi sila kayang patawarin sa lahat ng kanilang

ginawa. Pero dahil sa ating mga moral, natanggap na

din natin ang lahat ng ginawa nila. Hindi lang natin

sila pinatawad ng Sali-salita lang, ngunit pinatawad

din natin sila ng buong puso. Ngunit hindi pa rin

natin makakalimutan ang mga trahedya na dinulot

ng mga Hapones sa atin.