Upload
sophia-marie-verdeflor
View
5.821
Download
22
Embed Size (px)
Citation preview
ARALIN 1.2
KAKAPUSAN
Gawain 1: T-CHART Suriin ang mga produktong nakalista sa hanay A at B sa T-chart. Ihambing ang dalawang hanay at sagutan ang mga pamprosesong tanong.
Hanay A Hanay B
Bigas Gasoline
Isda Ginto
Gulay Nickel
Bawang Tanso
Ang mga bagay na nakatala sa Hanay A ay masasabi kong mga produkto ng ating bansang Pilipinas at ang mga ito ay iba’t-ibang klase ng pagkain samantalang ang mga bagay naman na nasa Hanay B ay ang mga produktong maaaring galing mismo sa ating bansa o hindi kaya ay inaangkat natin galing sa ibang mga karatig bansa at ang mga ito ay kabilang sa mga yaman at mineral na tinataglay ng Pilipinas. Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang iyong napuna sa mga magkakasamang produkto sa Hanay A at Hanay
B? Ang aking napuna sa mga magkakasamang produkto sa hanay A at hanay B
ay sa mga produktong nasa Hanay A ay lahat sila ay mga iba’t-ibang klase ng pagkain samantalang ang mga produkto naman na matatagpuan sa Hanay B ay mga yaman at mineral na matatagpuan sa Pilipinas.
2. Ano sa palagay mo ang dahilan kung bakit magkakasama ang mga produkto sa iisang hanay? Ipaliwanag. Sa aking palagay, ang mga produkto sa iisang hanay ay magkakasama sa
kadahilanang ang mga produktong ito ay magkakapareho ng paraan ng paggamit at pamamahala, halimbawa, ang mga nasa Hanay A, ang mga ito ay ginagamit upang kainin ng mga mamamayan at ang mga nasa Hanay B naman ay ang mga kayamanan ng bansa at makatutulong din ito sa pag-unlad ng bansa.
Gawain 2: PICTURE ANALYSIS
Suriin ang larawan sa ibaba at bigyan ito ng sariling interpretasyon.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang nakikita mo sa larawan?
Ang aking nakikita sa larawan ay ang isang kantina na may tindera at batang
bumibili ngunit kapansin-pansing mukhang kinakabahan ang bata na nasa larawan
dahil siguro sa kulang ang kanyang pera na dala-dala na ipambabayad sa tindera
para sa kanyang nabili/binibili/ bibilhin at tila wala na siyang madukot pa na pera
sa kanyang bulsa.
2. Ano ang ipinahihiwatig nito?
Ang ipinahihiwatig ng nasa larawan ay ang kakapusan at kakulangan, kung ating
ihahalintulad ang kahulugan nito sa ekomiks, ang kakapusan ay ang hindi
kasapatan ng pinagkukunang-yaman samantalang ang kakulangan naman ay ang
kaganapan na kung saan hindi kayang mapunan ng dami ng malilikhang produkto
ang dami ng pagkonsumo ng tao. Kung kaya, dito sa larawan na ito, ang nangyari
ay isang kakapusan sapagkat hindi sapat ang perang kanyang dinala at kinapos
Gawain 3: KNOWLEDGE GAUGE Ang gawaing ito ay susukat sa iyong paunang kaalaman kung paano maipakikita ang kaugnayan ng kakapusan sa pang-araw-araw na buhay, at kung bakit maituturing na isang suliraning panlipunan ang kakapusan.
KAUGNAYAN NG KAKAPUSAN SA PANG-ARAW-ARAW NA BUHAY Ang aking paunang kaalaman sa kakapusan ay katulad ng isang pamilyang kapos sa perang pampamilya dahil sa kahirapan at dahil doon, hindi matugunan ang mga pangangailangan ng bawat miyembro ng pamilya. Ito ay nagpapakita ng kaugnayan ng kakapusan sa pang-araw-araw na buhay.
BAKIT MAITUTURING NA ISANG SULIRANING PANLIPUNAN ANG KAKAPUSAN?
Sa aking palagay, tinaguriang suliraning panlipunan ang kakapusan sapagkat marami itong maaaring maging masamang resulta. Dahil sa walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng mga mamamayan, patuloy na nauubos ang mga pinagkukunang-yaman, at dahil dito, magreresulta ito ng iba’t-ibang uri ng suliraning panlipunan.
Bakit maituturing na isang suliraning panlipunan ang
kakapusan?
Gawain 4: PRODUCTION PLAN Suriin ang production plan sa ibaba. Iguhit ito sa graph at lagyan ng interpretasyon at kongklusyon ang punto A, F, at C.
PUNTO INTERPRETASYON KONGKLUSYON A Labinlimang sako ng palay
kumpara sa zero na bilang ng mais.
Punto A, kung saan maaaring gamitin ang lahat
ng salik ng produksiyon upang makalikha ng
labinlimang sako ng palay kaya walang magagawang
mais. F Limang libong sako ng mais
kumpara sa zero na bilang ng palay.
Punto F, kung saan maaaring gamitin ang lahat
ng salik ng produksiyon upang makalikha ng limang sako ng mais kaya walang
magagawang palay. C Dalawang libong sako ng
mais kumpara sa labindalawang sako ng
palay.
Punto C, makalilikha ng dalawang libong sako ng mais at makagagawa ng
labindalawang libong sako ng palay.
Gawain 5: OPEN ENDED STORY Lagyan ng maikling katapusan ang kuwento. Iugnay ang kuwento sa suliraning panlipunan na nagaganap dahilan sa kakapusan. Tingnan ang rubrik sa ibaba at gamitin itong batayan sa iyong pagsusulat.
1. Nagkaroon ng brownoutsa Barangay Madilim dahilan sa walang mabiling gasolina na
ginagamit upang mapaandar ang mga planta ng kuryente
Kaya naubusan ng gasolina na magagamit ang Barangay Madilim sa pagpapaandar ng mga planta ng kuryente ay dahil sa kakapusan, hindi sapat ang pinagkukunang-yaman partikular na ng gasolina habang patuloy ang pagdami ng mga nangangailangan nito. Nang dahil sa kakapusang ito, ang mga mamamayan ng Barangay Madilim ay sobrang nahirapan sa kanilang pamumuhay sapagkat malaking kawalan para sa kanila ang kuryente, may ibang mga nagkasakit nang dahil sa
Gawain 6: CONSERVATION POSTER
Gumawa ng poster na nagpapakita ng konserbasyon sa mga yamang
likas at mga paraan kung paano mapapamahalaan ang kakapusan.
Gamitin ang rubrik bilang pamantayan ng iyong paggawa.
RUBRIK NG PAGMAMARKA
Kriterya Napakagaling
3
Magaling
2
May
Kakulangan
1
Impormatibo Ang nabuong
poster
ay
nakapagbibigay ng kumpleto,
wasto,
at mahalagang
impormasyon
tungkol sa
konserbasyon ng
yamang likas at
kung
paano
malalabanan
ang kakapusan.
Ang nabuong
poster
ay
nakapagbibigay ng wastong
impormasyon
tungkol sa
konserbasyon
ng yamang
likas at kung paano
malalabanan
ang kakapusan.
Ang nabuong
poster ay
kulang ng
impormasyon tungkol
sa
konserbasyon
ng
yamang likas at
kung paano
malalabanan
ang kakapusan.
Malikhain Nagpakita ng
pagkamalikhain
at napakagaling
na disenyo ng poster.
Malikhain at
magaling ang
elemento ng
disenyo ng poster.
May
kakulangan ang
elemento ng
disenyo ng poster.
Gawain 7. KNOWLEDGE GAUGE
Ang gawaing ito ay katulad ng Gawain 3 na may layuning
mataya ang iyong
kaalaman tungkol sa kaugnayan ng kakapusan sa pang-araw-araw na
buhay, at kung bakit itinuturing ang kakapusan na isang
suliraning panlipunan. Ngayon naman ay muli mong sasagutan ang
tanong sa ibaba upang maipakita ang pag-unlad ng iyong kaalaman.
KAUGNAYAN NG KAKAPUSAN SA PANG-ARAW-ARAW NA BUHAY
Base sa mga konseptong itinalakay dito sa module na ito, ang sa
tingin kong magandang halimbawa upang maipakita ang kaugnayan ng
kakapusan sa pang-araw-araw na buhay ay ang isang lipunan na
limitado lamang ang pinagkukunang-yaman na hindi kayang matugunan
ang lahat ng produkto at serbisyo na gusto at kailangan ng mga
mamamayan.
BAKIT MAITUTURING NA ISANG SULIRANING PANLIPUNAN ANG KAKAPUSAN?
Para sa akin, ang dahilan sa likod ng pagtaguri sa kakapusan
bilang isang suliraning panlipunan ay dahil sa mga iba’t-ibang uri ng suliraning panlipunan na maaaring maging resulta ng kakapusan,
ang mga halimbawa nito ay ang kahirapan, pagkalat ng mga sakit,
pagkakaroon ng mga away at gulo, at marami pang iba.
Bakit maituturing na
isang suliraning
panlipunan ang
kakapusan?
Gawain 9: GAUGE POD Ngayon ay muli mong sasagutan ang tanong na nasa susunod na pahina tungkol sa paano maipakikita ang kaugnayan ng kakapusan sa pang-araw-araw na buhay, at kung bakit itinuturing ang kakapusan na isang suliraning panlipunan. Inaasahan sa bahaging ito na wasto ang iyong mga kasagutan at handa ka nang ito ay isabuhay.
KAUGNAYAN NG KAKAPUSAN SA PANG-ARAW-ARAW NA BUHAY
Maaari nating iugnay ang kakapusan sa at ing pang-araw-araw na buhay bilang isang lipunan na limitado lamang ang
pinagkukunang-yaman na hindi kayang matugunan ang lahat ng produkto at serbisyo na gusto at kailangan ng mga mamamayan. Possible ring ihalintulad ang kakapusan sa isang pamilya na walang kakayahang maibigay ang mga
pangangailangan ng bawat miyembro na bumubuo sa isang pamilya. Sa pagkakataong ito, masasabi kong ang isang
pamayanan ay katulad din ng isang pamilya na kung saan hindi rin maibibigay ang lahat ng mga pangangailangan at kagustuhan ng mga taong bumubuo rito.
Bilang halimbawa, sa isang pamayanan, may isang kalamidad na naganap nang hindi inaasahan at dahil dito, maraming
mamamayan ang naperwisyo, nawalan ng tahanan, at naghihirap na dahil sa perwisyong dala ng nasabing kalamida d, sa pagkakataong ito, ang tanging mapaghihingan ng tulong ng mga taong -bayan ay ang gobyerno na namamalakad sa isang
lugar ngunit sa kasamaang palad, hindi lahat ng mga taong naperwisyo ay kayang matugunan ng tulong at pansin ng
pamahalaan kung kaya’t marami pa rin ang mga nasaktan at naghirap, at naipakita dito ang konsepto ng kakapusan.
Bakit maituturing na isang suliraning panlipunan ang kakapusan?
Pagdating naman sa isang pamilya, ating maipapakita ang konsepto ng kakapusan sa simpleng pangyayari na ang mga anak na nag-aaral sa isang pamilya ay nangangailangan na makapag-aral nang sa gayon ay magkaroon ng magandang kinabukasan tungo sa tagumpay ngunit nang dahil sa kahirapan ng buhay na t ila umabot na sa
puntong wala ng ni isa sa mga miyembro ng pamilya ang makakapag-aral dahil walang sapat na pera ang mga magulang na pampaaral sa mga anak, ang pangyayaring ito ay ang mga kadalasan nating naririnig sa mga dahilan
ng mga magulang o ng mga bata kung bakit hindi sila nag-aaral sa paaralan, at dahil dito, ang mga batang inaasam na makapag-aral ay napipilitang magtrabaho sa murang edad pa lamang upang kumita ng pera nang sa gayon ay makakain ng tatlong beses sa isang araw at kung minsan ay basta maibsan lang ang kumakalam na sikmura ay masaya na sila, at sa kabilang dako, may mga pamilya pa rin na kulang na kulang talaga ang perang
pampamilya.
BAKIT MAITUTURING NA ISANG SULIRANING PANLIPUNAN ANG KAKAPUSAN?
Ang kakapusan ay tinagurian bilang isang suliraning panlipunan ngunit kailangan natin malaman ang kadahilanan sa likod nito. Sa aking palagay, ang kakapusan ay tinguriang isang suliraning panlipunan sapagkat ang
pangangailangan at kagustuhan ng mga tao ay tila walang katapusan samantalang ang pinagkukunang-yaman ay limitado lamang at dahil sa kalagayang ito, ang kakapusan ay posibleng magdulot ng iba’t -ibang suliraning
panlipunan. Ang nakakalungkot na katotohanan ay habang lumilipas ang panahon, maaaring maubos ang mga pinagkukunang-yaman habang patuloy na lumalaki ang dami ng populasyong umaasa sa mga ito. Magdudulot ito
ng matinding kahirapan at lubhang pagkakasakit ng mga mamamayan. Maaari rin itong maging dahilan ng pagkakaroon ng sigalot, kompetisyon, at pag-aaway-away. Kung nais na masolusyonan ang kakapusan, nararapat na sumailalim sa matalinong pagpapasya o pagdedesisyon sa kung ano, paano, para kanino at kung gaano karami ang dapat na magawang mga produkto. Malaking tulong din ang pagkakaisa at pagtutulungan ng lahat ng mga mamamayan habang isinasakatuparan ang magkaibang layunin upang makamit ang katahimikan at kasaganahan ng pamumuhay. Kailangan ang isandaang porsyento ng kasiguraduhan na ang mga likas na yaman na may
limitasyon ay magagamit ng mahusay nang sa gayon ay ito ay angkop sa pangangailangan ng mga tao.