2. Fertile Crescent Tumutukoy sa nakalatag na matabang lupain
sa pagitan ng ilog Tigris at Euphrates. Ito ay nakalatag paarko
mula Persian Gulf hanggang Mediterranean Sea.
3. Mesopotamia Ito ay lupain sa pagitan ng dalawang ilog.
Naging lunduyan ng mga sinaunang naging kabihasnan ng mga Sumerian,
Akkadian, Babylonian, at Assyrian.
4. Ang mga Sumerian Ang unang pangkat ng tao na nanirahan at
nagtatag ng kanilang mga lungsod Estado sa masaganang lupain ng
Sumer. Theocracy tumutukoy sa pamahalaan na pamumuno ng puno ng
simbahan. Patesi- pinunong pari ng mga Sumerian. Ang namamahala sa
sistemang iregasyon at pinakamakapangyarihang tagapamagitan sa mga
tao sa kinikilala nilang diyos.
5. Apat na antas ng tao 1. Pari at hari 2. Mga Artisano 3. Mga
Magsasaka 4. At mga Alipin Polytheism- uri ng pananampalataya ng
mga Sumerian na naniniwala sa isang Diyos. Anu- diyos ng kalangitan
Enlil- diyos ng mga lupa at hangin Ea- diyos ng tubig at baha
6. Ziggurat Ang harapan nito ay gawa sa makikintab at makukulay
na ladrilyo. May patag na tuktok at dalawa hanggang pitong baiting
na pababa. Ito ay walang loob na karaniwang hugis kuwadrado o
parisukat. Ito ang tirahan ng mga diyos ng mga Sumerian.
7. Cuneiform Ito ang pinakaunang uri ng Sistema ng pagsusulat
na binubuo ng higit 500 na pictograph at mga simbolo na nakasulat
sa tabletang luad gamit ang stylus.
8. Ang mga Akkadian Ito ay pangkat ng mga taong semitic na
pinamumunuan ni Haring SARGON I. siya ang nagtatag ng unang imperyo
sa daigdig. Sakop ng kanyang imperyo ang kalakhang bahagi ng
Fertile Crescent mula Elam, isang kaharian sa silangang Tigris.
NARAM SIN, hari ng ika-apat na bahagi ng daigdig. Apo ni Sargon I
na pumalit sa kanya nang siya ay namatay.
9. Ang mga Babylonian Ang mga Amorite ay nagtatag ng
sentralisadong pamahalaan sa Babylonia sa ibabang bahagi ng
Mesopotamia. Nagpagawa ng mga kanal at dike para sa lungsod
estado.
10. Code of Hammurabi Ang pinakamahagang ambag ng mga
Babylonian na may prinsipyong mata sa mata, ngipin sa ngipin .
Saklaw nito ang pampolitika, panlipunan, at pangkabuhayang
organisasyon sa Babylonian.
11. Uri ng tao sa lipunan Mga maharlika o pari at hari
Manggagawa at mangangalakal Pangkaraniwang magsasaka at alipin
MARDUK - pangunahin at pinakamakapangyarihang diyos.
12. Ang mga Assyrian Ang kultura ng mga Assyrian ay pinaghalong
kultura ng Sumerian at Babylonian. Kinilala sila bilang
pinakamalupit, pinakamabagsik,at mapanghamok sa lahat ng sinaunang
pangkat ng tao. ASHUR ang pangunahing diyos.
13. Mga namumuno TIGLATH PILESER I kauna unahang mandirigma ng
mga Assyrian. ASHURBANIPAL- malupit at marahas ngunit napakahusay
na administrador.