63
Pag-uulo ng Balita Inihanda ni: Sydel Camille Lazaro Delos Reyes

Pag uulo-ng-balita

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Pag uulo-ng-balita

Pag-uulo ng Balita

Inihanda ni:Sydel Camille Lazaro Delos

Reyes

Page 2: Pag uulo-ng-balita

• Ito ay dapat na maliwanag at madaling maunawaan• Sa unang tingin pa lamang ng babasa ay matawag agad ang kanyang pansin• Kinakailangang mailahad ang

Page 3: Pag uulo-ng-balita

buod o diwa ng balita at maipakita ang kahalagahan ng bawat balita sa pamamagitan ng laki ng ulo

Page 4: Pag uulo-ng-balita

Tuntunin sa Pag-uulo ng Balita

1. Gamitin ang kuwit sa halip na pangatnig at pantukoy.

Page 5: Pag uulo-ng-balita

Halimbawa: Alo at Perez ang nanguna sa talumpatian

Alo, Perez, nanguna sa talumpatian

Page 6: Pag uulo-ng-balita

2. Iwasang gumamit ng salitang may dalawang kahulugan.

Page 7: Pag uulo-ng-balita

Halimbawa: Hindi pantay na tubo, pinag-awayan ng magkapatid

Hindi pantay na kita, pinag-awayan ng magkapatid

Page 8: Pag uulo-ng-balita

3. Huwag puputulin ang salita sa dulo ng linya.

Page 9: Pag uulo-ng-balita

Halimbawa: Seminar, ida- raos sa EQHS Seminar, idaraos sa E. Quirino

Page 10: Pag uulo-ng-balita

4. Iwasang maglagay ng pantukoy, pang-angkop at pang-ukol sa dulo ng linya.

Page 11: Pag uulo-ng-balita

Halimbawa: Reyes, nahalal na pangulo ng DramaticsReyes, nahalal na pangulo ng Dramatics

Page 12: Pag uulo-ng-balita

5. Huwag gumamit ng pang-abay na pananggi.

Page 13: Pag uulo-ng-balita

Halimbawa: Pulong ng Math Club, hindi natuloy

Pulong ng Math Club, ipinagpaliban

Page 14: Pag uulo-ng-balita

6. Daglatin lamang ang mga salitang kilala at nakaugalian nang daglatin.

Page 15: Pag uulo-ng-balita

Halimbawa: De La Salle University, kampeon sa basketball

DLSU, kampeon sa basketball

Page 16: Pag uulo-ng-balita

7. Iwasang ulitin ang mga salita.

Page 17: Pag uulo-ng-balita

Halimbawa: VAT tatalakayin sa Senado tatalakayin din sa Kongreso

VAT tatalakayin sa Senado, Kongreso

Page 18: Pag uulo-ng-balita

8. Gamitin ang pandiwang lantad.

Page 19: Pag uulo-ng-balita

Halimbawa: GMA, maaaring dumalo sa pulong ng Senado

GMA, dadalo sa pulong ng Senado

Page 20: Pag uulo-ng-balita

9. Gamitin lamang ang pangalan ng tanyag o kilala.

Page 21: Pag uulo-ng-balita

Halimbawa: Roxas, nagtutulak ng bawal na gamot, nadakip

Nagtutulak ng bawal na gamot, nadakip

Page 22: Pag uulo-ng-balita

10. Gumamit ng pang-uring pamilang kung mahalaga.

Page 23: Pag uulo-ng-balita

Halimbawa: Mga mag-aaral nahuli sa ‘pot session’

50 mag-aaral nahuli sa ‘pot session’

Page 24: Pag uulo-ng-balita

Pagbilang ng Yunit1. Lahat ng maliliit na titik,

maliban sa maliit na m, w at j, i, l, f, t = 1 yunit

2. Maliit na m at w = 1 - ½ yunit

Page 25: Pag uulo-ng-balita

3. Maliit na j, i, l, t, at f = ½ yunit

4. Lahat ng malaking titik maliban sa malaking M, W at J, I = 1 – ½ yunit

Page 26: Pag uulo-ng-balita

5. Malaking M, W = 2 yunit6. Malaking J, I = 1 yunit7. Lahat ng bantas maliban sa

gitling, gatlang, tandang pananong at dalawahang panipi = ½ yunit

Page 27: Pag uulo-ng-balita

8. Gitling, gatlang, tandang pananong at dalawahang panipi = 1 yunit

9. Bilang na 2 hanggang 9 at 0 = 1 yunit

Page 28: Pag uulo-ng-balita

10. Bilang na 1 = ½ yunit11. Espasyo sa pagitan ng

mga salita = 1 yunit

Page 29: Pag uulo-ng-balita

Malalaking TitikA – 1 – ½ F – 1 – ½B – 1 – ½ G – 1 – ½C – 1 – ½ H – 1 – ½D – 1 – ½ I – 1 E – 1 – ½ J – 1

Page 30: Pag uulo-ng-balita

K – 1 – ½ P – 1 – ½L – 1 – ½ Q – 1 – ½M – 2 R – 1 – ½N – 1 – ½ S – 1 – ½O – 1 – ½ T – 1 – ½

Page 31: Pag uulo-ng-balita

U – 1 – ½ Z – 1 – ½V – 1 – ½W – 2X – 1 – ½Y – 1 – ½

Page 32: Pag uulo-ng-balita

Maliliit na Titika – 1 f – ½ b – 1 g – 1c – 1 h – 1 d – 1 i – ½e – 1 j – ½

Page 33: Pag uulo-ng-balita

k – 1 p – 1 l – ½ q – 1 m – 1 – ½ r – 1 n – 1 s – 1 o – 1 t – ½

Page 34: Pag uulo-ng-balita

u – 1 z – 1 v – 1w – 1 – ½x – 1y – 1

Page 35: Pag uulo-ng-balita

PAGSULAT NG ULO NG BALITA

• Ulo ng Balita o Headline ang pamagat ng isang balita na makikilala sa pamamagitan ng paggamit ng higit na malalaking titik kaysa sa nilalaman

Page 36: Pag uulo-ng-balita

• 3 gamit ng ulo ng mga balita (Ceciliano-Jose Cruz)

upang lagumin o bigyang-buod ang balita

upang pagandahin at gawing kaakit-akit ang pahina

Page 37: Pag uulo-ng-balita

upang bigyang-antas ang bawat balita

Page 38: Pag uulo-ng-balita

• Estilo sa pagsulat ng Ulo ng Balita

Malalaking titik o ALL CAPS (CALABARZON TINANGHAL NA KAMPEON)

Malaki-Maliit na Titik o Cap

Page 39: Pag uulo-ng-balita

and Lower Case (Calabarzon Tinanghal na Kampeon)

Pababa o Down Style (Calabarzon tinanghal na kampeon)

Page 40: Pag uulo-ng-balita

Mga Uri ng Ulo ng Balita1. Banner o Banner Headline

2. Streamer3. Binder4. Deck5. Umbrella o Skyline

Page 41: Pag uulo-ng-balita

6. Subhead7. Tagline, Teaser o Kicker8. Boxed Head9. Jump Head

Page 42: Pag uulo-ng-balita

• Banner o Banner Headline ulo ng pinakamahalaga at pinakatampok na balitang nagtataglay ng pinakamalalaking titik at pinakamaitim na tipo

Page 43: Pag uulo-ng-balita
Page 44: Pag uulo-ng-balita
Page 45: Pag uulo-ng-balita

• Streamer isang banner na tumatawid o sumasakop sa buong pahina

Page 46: Pag uulo-ng-balita
Page 47: Pag uulo-ng-balita
Page 48: Pag uulo-ng-balita

• Binder ulo ng balita na tumatawid sa buong pahina at matatagpuan sa itaas na bahagi ng panloob na pahina

Page 49: Pag uulo-ng-balita
Page 50: Pag uulo-ng-balita

• Deck pangalawang ulo ng balitang bahagi pa rin ng banner na nagtataglay ng maliit na titik at gumagamit ng naiibang tipo kaysa sa unang ulo

Page 51: Pag uulo-ng-balita
Page 52: Pag uulo-ng-balita
Page 53: Pag uulo-ng-balita

• Umbrella o Skyline natatanging ngalan sa streamer na matatagpuan sa itaas ng pangalan ng pahayagan o nameplate at tila isang payong na sumasakop

Page 54: Pag uulo-ng-balita

o sumasaklaw sa lahat

Page 55: Pag uulo-ng-balita
Page 56: Pag uulo-ng-balita

• Subhead isang napakaikling pamagat na nagsisilbing pahinga o ang tinatawag na white space upang hindi maging kabagot-bagot sa mga mambabasa

Page 57: Pag uulo-ng-balita
Page 58: Pag uulo-ng-balita

• Tagline, teaser o kicker isang maikling linya, maaaring isang salita o parirala lamang, na makikita sa gawing itaas na bahagi ng pinakaulong balita, sa dakong

Page 59: Pag uulo-ng-balita

kaliwa o sentro nito na gumagamit ng maliit na tipo at may salungguhit, at ginagamit bilang pagganyak sa mga mambabasa

Page 60: Pag uulo-ng-balita
Page 61: Pag uulo-ng-balita

• Boxed Head ulo ng balitang ikinahon upang higit na maitampok ang kahalagahan

Page 62: Pag uulo-ng-balita
Page 63: Pag uulo-ng-balita

• Jump Head ulo ng jump story na matatagpuan sa ibang pahina