19

Panayam

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Panayam
Page 2: Panayam

MGA PANANALITANG GINAGAMIT SA PAKIKIPAGPANAYAM.

Ang mga pananalitang ito ay nakakatulong sa maayos na takbo ng pag-uusap at pakikipagtalakayan sa pagitan ng tagapanayam at kinapapanayam.

Page 3: Panayam

PARA SIMULAN AT TAPUSIN ANG PAKIKIPAGPANAYAM:

Maraming salamat sa pagbibigay mo ng panahon para sa panayam na ito.

Para kumuha ng detalyadong sagot:

• Maari bang sabihin mo ang mga detalye tungkol.........?

Page 4: Panayam

Para kumuha ng dagdag na impormasyon tungkol sa

paksang tinatalakay: Mayroon pa ba kayong iba pang

pahayag?

Para makakuha ng dagdag na impormasyon sa bagay na naunang nabanggit na:

• Balikan ho natin ang....

Page 5: Panayam

PARA KUMUHA NG OPINYON O PANANAW:

Ano ho ang inyong masasabi tungkol sa......?

Ano sa palagay mo ang.....?

Interesado din akong malaman ang...

Page 6: Panayam

PARA IPAKITA SA IYONG KINAKAPANAYAM NA PINAGHANDAAN MO ANG TUNGKOL SA PAKSANG INYONG TATALAKAYIN PARA MAKAKUHA KA NG MAAYOS NA SAGOT:

Nabasa ko na...... May bagong pag-aaral na nagpapakita na.....

Page 7: Panayam

PARA MAKAKUHA NG TIYAK NA KASAGUTAN:

Maaari ho bang magbigay kayo ng halimbawa?

Paano ho ‘yon?

Page 8: Panayam

PARA KUMUHA NG PAHINTULOT NA UULITIN ANG SINABI NG INYONG NAKAPANAYAM TUNGKOL SA MGA SENSITIBONG BAGAY NA MAIWASAN ANG PAGKAKAMALI: Maaari ko bang ulitin ang

sinabi ninyo? Pwede ko bang irekord ang

sinabi ninyo?

Page 9: Panayam

A.Sagutan ang mga tanong na sumusunod. Isulat ang titik ng tamang sagotsa patlang._____ 1.Nang itanong mo ang “Paano ho ‘yon?” gusto mongang sagot ng iyong kinakapanayam ay...

a. maging tiyakb. talakayin ang ibang paksac. ulitin ang sinabi niyad. balikan ang naunang paksa

Page 10: Panayam

_____ 2.“Gawing nakarekord” ay nangangahulugan na…

a. bigyan mo ng sariling interpretasyon ang sinabi niyab. ipaulit mo sa kanya ang sinabi niyac. hingan mo ng paliwanag ang kanyang sagotd. maaari mong sabihin ang sinabi niya

Page 11: Panayam

_____ 3.“Mayroon pa ba kayong masasabing iba pa tungkoldito?”... ay magandang tanong kung gusto mong...

a. balikan ang naunang paksab. tapusin ang pakikipanayamc. humingi ng dagdag na impormasyon tungkol sa paksad. palitan ang paksa

Page 12: Panayam

_____ 4.Nakukuha mo ang opinyon ng iyong kinakapanayam sapagtatanong ng…

a. Maaari bang lumipat na tayo sa ...?b. Nabasa ko ang …c. Ano sa palagay mo ang tungkol sa …d. Balikan natin ang …

Page 13: Panayam

_____ 5.Ano ang sasabihin mo kung hindi mo napakinggangmabuti ang sinabi ng iyong kinakapanayam?

a. Ano sa palagay mo ang ...?b. Ipagpaumanhin ninyo, maaari bang ulitin ninyo ang inyong sinabi?c. Payag ho ba kayong irekord ko ang sinabi ninyo?d. Nabasa ko na …

Page 14: Panayam

_____ 6.Ito ay isang paraan ng pagpapalitan ng mga idea o opinyonng dalawang tao sa pamamagitan ng mga tanong at sagot.

a. pagpupulongb. pakikipanayamc. talumpatid. demonstrasyon

Page 15: Panayam

_____ 7.Ang “Ipagpaumanhinan mo.” ay ginagamit kung gusto mongang nag-iinterbyu sa iyo ay

a. patawarin kab. humihingi ka ng pahingac. ulitin ang sinabi niyad. tumigil sa pagsalita

Page 16: Panayam

_____ 8.“Ano ang masasabi mo tungkol sa …” ay tinatanongupang malaman ng tagapagpanayam sa iyo ang

a. iyong opinyonb. importanteng impormasyonc. kaalaman tungkol sa isang paksad. kahusayan sa isang paraan

Page 17: Panayam

_____ 9.Kung inaakala mo na ang iyong kinapanayam ay hindi gustongulitin ang sinabi niyang sensitibong impormasyon, ay_______

a. hindi mo ipapaalam sa kanya na sasabihin mo itob. tatanungin mo siya kung payag siyang itala ang kanyang sinabic. hindi mo isasali ang sinabi niya sa iyong ulatd. magbigay ka ng sariling interpretasyon sa sinabi niya

Page 18: Panayam

_____ 10.Makakukuha ka ng mga tiyak na sagot kung sasabihin mo sakinapanayam mo na

a. Pakiulit po ng inyong sinabi.b. Ano po ang kahulugan ng inyong sinabi.c. Magpapatuloy na po tayo.d. Maaari po bang magbigay kayo ng halimbawa?

Page 19: Panayam

B.Magbigay ng mga angkop na pahayag para sa mga sitwasyong sumusunod.

1.Gusto mong palitan ang paksa o gustong mong gawing tiyak ang sagot ng iyong kinakapanayam.2.Sisimulan mo ang pakikipanayam.3.Gusto mong magkaroon ng karagdagang kaalaman tungkol sa paksang nabanggit na.4.Gusto mong ipaalam sa iyong kinakapanayam na naghanda ka para sa pakikipanayam.5.Gusto mong makakuha ng tiyak na sagot.