2
FILIPINO Grade 9-Appreciative S.Y. 2014-2015 Pasko sa Gitna ng Pagsubok at Delubyo By Patrick Flores Perez Pagbagsak ng ulan, simbilis ng bagwis Pagdagundong ng lupa, kilabot ang hatid; Pagragasa ng tubig, dagling pagtangis Nang sambayanang sinubok ng langit. Pagpatak ng luha, pagbalot ng dilim… Tangis ng dalita’y pihong nakabibingi; Panaghoy ng kalungkutan, pilit sumisikil sa tambad na walang buhay ng ating kalahi! Bagama’t ang kalooba’y pilit na bumangon, Bathala’y luminga sa ating muling pagbangon; Sa bukas palad na pagdagsa ng tulong, busilak na puso’y umalab sa mga karatig nayon. Nangniningning na palamuti di mawari engrandeng handaa’y biglang tumalilis sa isang kisap mata’y parang bulang naglaho karampot na pagkai’y sinukbil mapawi ang gutom. Malamig na simoy di alintana, bikig ng sinumang lumuluha Labis na pananabik pilit namumutawi, Sa pagtangis ni ina sa anak na nasawi. Taong mang lumipas, nagdulot ng lamat Kalungkuta’y bumalot, nagsilbing hamon Liwanag ng pag-asa’y sintatag ng di pagsuko Ngiting sintamis senyales ng pagbabago. Datapwat mapait na karanasa’y di lubos malimot Sinuman sa Panginoon ay di pa rin tumalikod, sa pagdakila at pagpupugay, biyayang nakamit sama-samang pinagsaluha’t ipinagbunyi. Pasko’y makahulugan sa mga taong pilit na lumaban Sa muling pagbangon hatid ay katuparan,

Pasko sa gitna ng pagsubok at delubyo original

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Pasko sa gitna ng pagsubok at delubyo original

FILIPINOGrade 9-Appreciative

S.Y. 2014-2015

Pasko sa Gitna ng Pagsubok at DelubyoBy Patrick Flores Perez

Pagbagsak ng ulan, simbilis ng bagwisPagdagundong ng lupa, kilabot ang hatid;

Pagragasa ng tubig, dagling pagtangisNang sambayanang sinubok ng langit.

Pagpatak ng luha, pagbalot ng dilim…Tangis ng dalita’y pihong nakabibingi;

Panaghoy ng kalungkutan, pilit sumisikilsa tambad na walang buhay ng ating kalahi!

Bagama’t ang kalooba’y pilit na bumangon,Bathala’y luminga sa ating muling pagbangon;

Sa bukas palad na pagdagsa ng tulong,busilak na puso’y umalab sa mga karatig nayon.

Nangniningning na palamuti di mawariengrandeng handaa’y biglang tumalilis

sa isang kisap mata’y parang bulang naglahokarampot na pagkai’y sinukbil mapawi ang gutom.

Malamig na simoy di alintana, bikig ng sinumang lumuluha

Labis na pananabik pilit namumutawi, Sa pagtangis ni ina sa anak na nasawi.

Taong mang lumipas, nagdulot ng lamatKalungkuta’y bumalot, nagsilbing hamon

Liwanag ng pag-asa’y sintatag ng di pagsukoNgiting sintamis senyales ng pagbabago.

Datapwat mapait na karanasa’y di lubos malimotSinuman sa Panginoon ay di pa rin tumalikod,

sa pagdakila at pagpupugay, biyayang nakamitsama-samang pinagsaluha’t ipinagbunyi.

Pasko’y makahulugan sa mga taong pilit na lumaban Sa muling pagbangon hatid ay katuparan,

Simpleng pangarap hangad ninuman;Kapayapaan, kaligayahan at pagmamahalan ng sambayanan.