46
Ni Elpidio P. Kapulong

Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong

Ni

Elpidio P. Kapulong

Page 2: Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong

Umaapaw sa luningning ang gintonghimlayang iyon-ang gintong himlayan, niya at niCleopatra. Hindi na batid ni Cesar kung siya’ynakapikit o nakadilat pa. Ngunit malinaw nanamamalas niya ang larawang iyon.

Isang malaking eroplanong napakababa anglipad ang nagsusumabog na sumibad sa kanilangtapat.

Kasabay ng pagsibad ng sinasakyan nilangkalabaw ay sumambulat naman sa kanyangguniguni ang binubuo niyang magandang daigdig.Mula sa kanyang pangangarap ay nahulog siya sakatotohanan; ngunit hindi pa naman lubos na

Page 3: Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong

nakababalik ang kamalayan sa kanyang paligiday nahulog na sa kanyang pagkapigil ang kaangkasniyang babaing may mahabang buhok at kayumangging kulay. Humalagpos sa kanyang lalamunan ang isang sigawna biglang naputol sa kalagitnaan nangmaramdaman niya ang pagtama sa kanyang ulo ngisang napakatigas na bagay. At bago lubos nanaparam ang kutitap ng mga bituing sumabog sakanyang balintanaw ay naramdaman niyang siya’ypumailanlang sa itaas upang pagkatapos ng isangiglap ay dahan-dahan lumapag sa isang likmuangnahihiyasan ng mga diyamante.

Page 4: Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong

-1-Pabalikwas na tumindig buhat sa isang trono ang

isang maharlikang mandirigma. Nakarinig siya ngkaluskos sa dakong harapan at napakislot na wari’yhandang tumakbo sa pag-iwas sa panganib. Biglangnabuksan ang malaking pintong nasa kabilang dulo ngbulwagang kanyang kinaroroonan, at sa paghahawi ngkurtinang sutla ay kasama ring nahawi ang dalawanginaantok na tanod na siyang kawal na siyangikinabuwal ng mga iyon. Humahangos na pumasok angisang kawal na may mahabang sibat at pagsapit saharapan ng mandirigma ay nangayupapa at humalik sa

Page 5: Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong

humalik sa kanyang yapak.Napaigtad siyang papalayo. Ang kawal ay

patingalang lumuhod sa kanyang paanan nanakabukas ang dalawang bisig.

“O, Dakilang Cesar!” ang humihingal na wikanito. “O, Dakilang Emperador ng mga mandirigmangbininyagan ng apoy ng mga bathala… Narito anghamak na alipin, at hindi malaman kung paanomapagagalaw ang dilang ito sa pagsasabi ng isangnakasusuklam na bagay buhat sa Impiyerno niDante! Isinumpa ako ni Hupiter upang siyangmaghatid sa Dakilang Cesar ng balitangpinangimiang ihatid maging ng makapangyarihang

Page 6: Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong

makapangyarihang mga diyoses sa paanan ngisang may bakal na laman at may leon sa puso.Nauumid ako, O, Panginoon, ngunit … ang mga… ang mga kaaway…”

Tinutop ni Cesar ang dalawang tainga at nakamulagat na minalas ang kawal sa kanyangpaanan na may kagila-gilalas at kakatwang ayos at pananalitang anaki’y isang tauhang nagbangonbuhat sa dahon ng isang aklat ng lumangpanahon. Nais niyang sumigaw at sumibad ngtakbo, ngunit biglang sumundot sa kanyang gunitaang isang bagay na siyang nagpauntol sa kanyangpagkilos; at siya’y dahan-dahang napasadlak sa

Page 7: Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong

kanyang luklukan na ang mga mata’y nakapikitnang mariin. Naalaala niyang siya ay napaidlipsamantalang tahimik na binabalangkas sakanyang isipan ang gagawing pagsalakay sa mgakaaway, at sa bisa ng isang dumalaw na pangarapay nakalimot na siya nga pala ay si Cesar – siCesar, ang dakilang Mandirigma ng Roma, angdakilang Panginoon ng mga walang gulat, angwalang kasing…

Dahan-dahang hinaplos ni Cesar angkanyang mukha at minalas ang kanyang sarili –ang namumutok na kalamnan ng bisig nanabibigkis ng bitling nagintong sagisag ng

Page 8: Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong

pagkamandirigma, at ang kasuutang namumutitik samga hiyas na sagisag naman ng pagkaemperador.

Muli siyang napatindig at saka pilit nahumalakhak nang ubos-lakas na ikinalundag ngnakaluhod na kawal.

“Ha! ha! ha! ha! Si Cesar nga pala ay nakalimot! Nakalimot ang isang Cesar dahilan saisang multong panaginip na dapat lamang sanangpanakot sa isang aso!. Ha! ha! ha! Nakatatawa, angisang dakila ay nakalimot! Ha! ha! ha! …”

Page 9: Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong

Napaudlot sa kalagitnaan ang halakhak naiyon. Naramdaman ni Cesar na ang laman ngkanyang puso ay tila nawalang lahat na kasamang napawing alingawngaw. Walang kaluluwa angtawang iyon at siya ang unang nakapuna. Nakangunot na minalas niya ang buong paligid. Naroon pa rin sa kanyang paanan ang nakaluhodat nakadipang kawal, na sa pagkakatingala sakanya ay mangani-ngani niyang tadyakan samukha. Sa paligid-ligid ng malaking bulwagangiyon ay nangakatindig na unat na unat ang ilang

Page 10: Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong

nagtatayugang kawal na ang tangang sibat ay lumagpas pa ng isang dipa sa ulo; may malalapadna espada sa tagiliran; nangakadamit bagamanlitaw rin ang mga bisig at malulusog na hita at binti; Sa ulo ay nakasaklob ang tila kung anong uring salakot na sa tuktok ay papaspas-paspas anganaki’y malaking palong ng isang tandang, nasumusunod sa pagtangu-tango ng ulong hindimawari kung naibibigatan lamang sa sunong o inaantok na.

Ibinaling ni Cesar ang kanyang tingin samaluluwang na mga bintana at pinto – mgakurtinang yari sa sutla at sari-saring kayo na may

Page 11: Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong

matitingkad na kulay at namimigat sa halimuyakng pabangong napapasangkap sa amoy insensongnakalutang sa kalawakan ng bulwagan. Ang mgakuwadro sa oleo ng iba’t-ibang larawan ng mgatanawin sa parang ng digma, ang mgapalarindingang marmol, ang mga haliging marmoldin na nagsisilbing panapo sa kisaming marmolpa rin – isang buong larawang anaki’y pahinangpinilas lamang sa isang alamat at napakaliwagupang magpakatotoo. Ang pagkakaayos sa mgasulok ng naroong mga estatwang upangmagpakatotoo. Ang pagkakaayos sa mga sulok ng

Page 12: Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong

naroong mga estatwang kahoy, bronse, at marmol, at ng kay Venus na lantay ng ginto,ay nagbibigay ngpagkabaghan sa makatutunghay dahil sa kanilangwalang tinag na anyo, at ang matigas na katahimikanng kawalang-buhay na nasa kanilang malalamig nakatawan ay parang tinatanuran pa ng kaluluwa ngmga taong kinakatawan ng nangabuhay noongunang panahon.

Naramdaman ni Cesar ang manipis na hanging humahaplos sa kanyang katawan buhat sapamaypay ng isang busabos. Bigla siyang napaupongang mga mata’y naititig sa malayo. Hindi siya naka-

Page 13: Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong

ramdam ng kasiyahan sa kanyang namalas. Para siyang tumungga sa isang kopang ginto upangmabatid lamang na ang alak pang naroroon ay linipasan na ng ispirito. Ibig niyang ipagsabog angmga bungang-kahoy sa mga bandehadong hawakng ilang aliping itim upang kumalat sa mgaalpombrang mga nakalatag sa sahig. Mayroonsiyang hinahanap sa kanyang paligid na hindimakita at matagpuan. Wala roon ang isangbabaing may mahabang buhok at kayumanggingkulay…

Page 14: Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong

Pilit na pinaglabanan ni Cesar ang damdamingsumaklot sa kanyang pagkatao, ngunit siya’y tilanawalan ng lakas. Namuhi siya sa kanyang sarili; hindi niya akalaing magkaroon siya kahit saguniguni ng malabis na pananabik sa isang babaetulad ng nararamdaman niya ngayon. Si Cesar ay nababaliw sa paghahangad sa isang babae? Sa babaeng noong una’y naging aliwan lamang niya?

Ang buong paligid ay muli niyang minalas. Sumalubong ang mga iyon sa kanyang paningin natila isang anyo ng mahiwagang kulay na noon lamang niya natitigan, kaya sumilaw sa kanyang

Page 15: Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong

mga mata. Para siyang nabaghan. Ang mga iyonay tila nakatunghay rin sa kanya __nakatitig at para bang nag bawat piraso ng kayamanangnaroon ay mga matang nanunuri – nangingilala –sa isang linikhang napaligaw lamang doon. Angbulwagang iyon – ang lahat – ay tila isang daigdigngayong bago na sa kanya – na siya’y napasokdoon bunga lamang ng di – sinasadyangpagkakamali.

At naalala niya ang kanyang napangarap. Doon ay nakita niya ang kanyang sarili sa isangmalawak na kaparangan na nakasakay sa isanghayop na maitim. Kaangkas niya sa likod ng hayop

Page 16: Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong

ang hinahanap niyang babaing may mahabangbuhok at kayumangging kulay. Sapupo niya sabaywang ang babaing iyon habang siya’yhumuhuni-huni ng isang malambing na awitin.

Iba ang ayos niya at pananamit sa pangarapna iyon. Kayumanggi rin ang balat niya, may katingkaran nga lamang kaysa babaing kaangkasniya sa maitim na hayop. Ngunit doon ay kung bakit palagay ang kanyang loob. Hindi siyanagkaroon ng alinlangan sa kinatagpuang bagongdaigdig, hindi nag-usisa sa isip kung bakit siyanaroon at naiiba ang kanyang anyo. Tinanggapniya ang daigdig na iyon nang walang pagbaban

Page 17: Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong

tulot na tulad ng pagtanggap sa talagang kanya, at ang tunay na Cesar – ang makapangyarihangMandirigma ng Roma – ay hindi ang dakilangCesar na nagbubulay – bulay ngayon, kundi anghamak na Cesar sa piling ng babaing may mahabang buhok at kayumangging kulay.

Kumurap-kurap si Cesar at umanyongtitindig. Sa kanyang pagninilay-nilay ay sumapitsiya sa bahagi ng kanyang pangarap na lalongkagila-gilalas. Nakita niya ang kanyang sarili roonna tila isang gumaganap sa isang palabas, na ang

Page 18: Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong

kilos at salita at pati iniisip ay nakita lamangniyang tila binabasa sa isang aklat. Nakita niyaang kanyang sariling iyon na nahibang at ilangsandali ring nangarap, at ang Cesar na tunayniyang sarili, hanggang sa pumailanlang angkanyang guniguni at mabuong mga larawan sakanyang diwa.

Magkayakap sila ni Cleopatra sa guniguni ngkanyang sariling-pangarap at sila’y nagpalitan ngmga pangungusap na tila salita ng mga bathala at bathaluman sa Olimpo, at kaya lamang nabaliksiya sa piling ng babaing may kayumangging kulayay nang gulantangin siya ng isang malakas na

Page 19: Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong

ugong na nagdaan sa kanilang tapat. Napasibadang hayop na kanilang sinasakyan at nag babaeay tumitiling nahulog sa lupa.

Saka niya naramdamang tila sumabog angkanyang ulo nang mahampas ito ng isangnakalundong sanga ng isang punungkahoy…

Di malaman kung sa anong dahilan ay ibigniyang mabatid kung ano ang nangyari sanahulog na babae, na bagama’ pangarap lamangay kung bakit pinanabikan din niyang malamanang naging wakas.

Page 20: Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong

Tulad ng isang palabasang nakatunghay saisang magandang kasaysayan na nang nasakasarapan na ay saka nabatid na ang mga hulingdahon pala ay wala at inubos na ng anay, si Cesar ay hindi matahimik at hindi mapalagay na tilaginagatungan.“Panginoon..”

Nagulantang si Cesar. Nakita niyangnakaluhod pa rin ang kawal na tila hindinangangalay at ang kanyang loob ay nagsiklab. Hinawakan niya ang puluhan ng kanyang patalim.

Page 21: Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong

“Sulong!” ang kanyang bulyaw. “Saannakatanglaw ang liwanag ng iyong mata at hindinakitang ang iyong Cesar ay nasa sandali ngpagkabagabag?”

“Ngunit patawarin ang hamak na alipin ngkanyang panginoon…”

Hinugot na bigla ni Cesar ang kanyang tabakat ibabagsak na sana sa ulo ng kawal ngunitnapatigil nang makarinig ng bigla ingay na likhang mga sigawan sa labas. May bumagsak na kung anong malaking bagay sa nakapinid sa pito at

Page 22: Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong

iyon ay biglang nagiba. Ang mga tanod sabulwagan ay nagpulasansa iba’ ibang sulok at angdalawa sa kanila ay sa likuran pa ni Cesar napasiksik. Hugos na pumasok sa nawasak napinto ang maraming sandatahang kawal at saisang iglap ay nakilala niyang iyon ay mgakalaban.

Sa loob ng ilang saglit pa, ang kalansing ngmga nagpipingkiang tabak ay nilunod na ng mgadaingan ng mga naghihingalo at sigawan ng mganakatama. Sa kabiglaan ay natabig ni Cesar angdalawang malalaki rin namang kawal na nagkublisa kanyang likod at ang dalawa ay gumulong sa

Page 23: Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong

daanan ng mga kaaway. Hinarap ni Cesar angunang tatlong sumugod at ang mga ito’y pawangnagsibagsak sa isang unday ng kanyang sandata. Sa kanyang harapan ay humadlang naman angisang lalong may matipunong mga bisig nanakilala niyang pinakapuno ng mga lumusob.

Nilagdaan ni Cesar ang tulos ng kalabankasunod ng pagbagsak ng kanyang sarilingpatalim sa katawan nito. Ngunit iyon ay hindiman lamang natinag at sa pakiramdam niya’y sahangin lamang siya tumaga kaya siya ay napatigagal. Sinamantala ito ng mga kaaway at siya’y inundayan. Bago nakaiwas ay tumama na

Page 24: Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong

sa kanyang ulo ang tabak niyon at ang kanyangkinatatayuan ay biglang natunaw at siya’ybumagsak na tila may nauulinigan pang isangmahiwagang tinig na nakiangkas sa sumisibatniyang diwa:“Ako si Cesar!... Ang hamak na magbubukid.. Angdakila hamak … dakila… Cesarrrrr…!

Page 25: Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong

-2-Nang imulat ni Cesar ang kanyang mga mata

ay nakalatag na siya sa isang matigas nahimlayan. Hindi niya kilala ang pook na ito, at laong hindi niya kilala ang mukha ng isangnakaputing taong nakatunghay sa kanya at nababalot sa kanyang noo ng isang basahang putina basa ng kung anong bagay na nakahihilo angamoy. Sa isang iglap ay sumurot sa kanyang isipanang paniniwalang siya ay nasa kamay na ng mgakaaway! Napabalikwas si Cesar at nag nagkaputing taong inabot ng kanyang sipa ay

Page 26: Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong

gumulong sa sahig. Nahagip din niya at naisaksaksa sulok ang isa pang matandang babaing umiiyaksa tabi ng higaan, na sinugod naman ng yapos ngisang magandang babaing may mahabang buhok. Tumilapon ang mga botelyang nakapatong sanabuwal na mesita at nagkabasag, at ang amoyna masansang ng laman ng mga iyon ay pumunosa pook na iyon. Hindi man nakahuma ang ilangtaong naroroon na parang napatiran na ng mgaugat sa tuhod at bisig.

Sumandal si Cesar sa dinding at hinarap angmga ito. Nangungunot ang kanyang noong

Page 27: Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong

tinitigan ang kanilang mga bihis. Ang mga iyon ay nakamaang na lahat sa kanya, at siya’y natigilanang biglang sumagi sa kanyang hinagap na angmga iyon at ang lahat ng ito ay nakita na niya at nangakilalang minsan.

Minalas niya ang kanyang sarili ngunit biglasiya nangilabot. Sa kanyang diwa ay nagtibay angisang hinalang siya ay nasa pugad ng kanyangmga kaaway na higit na makapangyarihan. Nagbalik sa kanyang gunita ang isang matandangpaniwalang iniwi ng kanyang panahon at naging

Page 28: Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong

sangkap nang kanyang pagkatao buhat pa sa mgaunang araw ng kanyang kanyang kabataangpinanday ng paaralan ng mga taon. Ang mgataong ito’y mga engkantadong lahat… at siya’ykinulam ng mga ito upang mag-iba ng anyo, at nang sa gayo’y matulad sa kanila. Ang pangarapniya sa kanyang luklukan sa trono ay isang uri ngengkanto na naipasok sa kanyang diwa sasandaling maidlip upang malimot niya angkanyang kamaharlikaan. Ibig ng mga iyon ay malimot niya ang kanyang sarili upangmaipailalim na lubos sa kanilang kapangyarihan.

Page 29: Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong

Napahalakhak si Cesar.

“Ha! ha! ha! Ako’y si Cesar! Nalalaman kongako ay si Cesar! Ang Dakilang Mandirigma! Hindi malilinlang ng mga uwak ang isang Roamnongmay putong na lawrel ng kadakilaan! Isasaulininyo siya sa kanyang kamaharlikahan at kung hindi …”

Nadampot ni Cesar ang isang tungkod ngbintana at saka iwinasiwas sa hangin. Ang mgakaharap ay natilihan, nagtinginang tilanagtatanong sa isa’t isa.

Page 30: Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong

“Nababaliw na!” Ang bulung-bulungan ay nagpalipat-lipat. “Nababaliw na si Cesar! Nababaliw na sa lakas ng pagkahampas ng ulo!”

Namula si Cesar nang maulinigan ito at humanda sa pagsugod. Nababaliw? At sasabihingnababaliw si Cesar ng mga taong ito na sa ayos at pananamit ay siyang karapat-dapat kapitan ngsalitang baliw?

Ang matandang babaing tumatangis ay dahan-dahang umipod na papalapit.“Anak!” May pagsusumamo ang tinig ng babae. “Hindi mo ba ako nakikilala? Ako ang iyong ina, a!”

Page 31: Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong

Ngunit si Cesar ay nandilat lamang. Pinaglabanan niya ang biglang pagsagi ngpagnanasang sugurin niya at yakapin angmatanda, at ang magandang babaing naiwangnababaghan sa sulok. Naniniwala siyang inaakitlamang siya ng masamang espiritu upang gawinang gayon.

“Ina?” pilit ang kanyang tugon. “Walangnakikilalang ina ang isang dakila kundi si Minerva. Puputulin ni Cesar ang dilang naglubid ngkasini=ungalingang narinig ko!”

Page 32: Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong

Ang matanda ay biglang dinahulong at iniamba ang kanyang hawak. Napatili angmagandang babaing naroroon, kasabay ngpaghadlang ng isang lalaki at ang kamay ni Cesar ay sinalag. Nagpambuno ang dalawa hanggang samadaganan ang matanda. Parang nahipan nghangin ang mga taong naroon at nagkakagulongsumugod upang umawat.

“Huwag! Huwag!” tili ng magandang babae. Ngunit bago napawi ang alingawngaw niyon ay naipalo na ng isang lalaki ang tukod ng bintana saulo ni Cesar.

Page 33: Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong

-3-Natauhan si Cesar na nakagapos na ang

kanyang buong katawan sa ibabaw ng higaan at ang ulo ay balot na balot ng mahabang benda. Hindi niya gustong kumilos pagkat nangingirotang kanyang ulo at mga buto. Ipinikit na lamangniya ang kanyang mga mata. Ayaw niyang mag-isip ng anuman. Malabung-malabo ang kanyangdiwa at ang bahagyang pagpupunyagi sa pag-iisipay ikinahahapo nito.

Nagmulat siya ng mga mata nang makarinigng nag-aanasang mga tinig. Nakita niya ang isangmatandang babaing nakaupo na malapit sa

Page 34: Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong

durungawan sa harap ng isang matandanglalaking may mahabang balbas na halos umabotna sa dibdib. Ang matandang babae ay nakatungong nagpapahid ng mga mata, samantalang hinahagud-hagod naman ng lalakiang mahabang balbas at tila nag-iisip. May pinag-uusapan ang dalawa na siya ang tila pinakapaksangunit hindi lamang niya lubos na matiyakpagka’t pati ang makinig ng usapan ay tilapumapagod sa kanya.

Umiiyak na ang babae. Humarap na biglarito ang balbasing matanda na sa sulok ng labi ay nakakunyapit ang isang ngiting mahiwaga.

Page 35: Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong

“Ngunit, Rosa,” ang marahang wika nito, marahang-marahang tila sinadya, “si Cesar ay di nababaliw!”

Naramdaman ni Cesar na namigat angkanyang ulo at siya’y napapikit nang mariin. Angmga tinig na naririnig niya ay pumupuno sakanyang ulo, na anhin man niyang iwaksi ay pilitna nasusumiksik sa kanyang isipan.

Nahiwatigan niyang tila may pagtatalongilang saglit ang dalawa na sinundan ng isangmahabang pangungusap ng lalaki, na paminsan-minsan ay tila may nasusundot sa kanyang gunitaat nakapagpapaalaala sa kanya ng ilang

Page 36: Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong

malalabong bagay na nagdaan. Pilit niyang inunawaang kahulugan ng kanyang mga naririnig ngunutnag-agtingan lamang ang mga ugat sa kanyang ulo.

Narinig niyang nabanggit ang isang pangalan –Meding… Meding… kababata ng aking anak… anak… anak… ng aming kapitbahay… muntik na ring mapahamak … dumadalaw ritong madalas buhatnang si Cesar ay… marahil ay dadalaw na muli …

Nag-alumpihit si Cesar sa kanyang higaan. Angpangalang iyon… ang pangalang iyon! Ang… at nang hindi na matiis ay nagtangkang bumangon sapagkakahiga,

Page 37: Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong

ngunit pinigilan siya ng lubid na nakapulupot sakanyang katawan. “Cesar,” narinig niyang tawagng balbasing lalaki na noo’y nakalapit na sakanyang higaan. “Cesar…”

Napagulantang si Cesar at napadilat na muli. Ngunit hindi siya tumugon. Hinipo siya ng lalaki. Tumutol ang mga laman niya, ngunit ang salat ngmga palad ng lalaking iyon ay hindi niya iwinaksipagkat nakapagpaginhawa sa kanyangpakiramdam.

Page 38: Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong

Yumuko iyon at siya’y tinitigang mabuti ng mgamatang malalamlam ngunit nanunuot hanggangsa kaliit-liitang hibla ng kanyang laman. Sinalatang kanyang mga mata. Ipinakadilat ang mgatalukap. Tinitigan at tinatapatan ng isang kung anong mabilog na salamin. Nang malao’ynapapikit na lamng siya at nakiramdam. Pinulsuhan siya ng matanda, sinalat ang iba’tibang bahagi ng kanyang katawan, upang ibaliklamang muli ang pansin sa kanyang mga mata.

Page 39: Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong

“Cesar,” pagkaraan ng mahabang sandali ay mulign tinawag ng matanda. Dumilat siya at sinalubong ang nanunuot na titig niyon, ngunithindi pa rin siya sumagot. “Cesar… Cesar …”

Nag-unat ng katawan ang matanda at pagkunwa’y hinudyatan ang babae upanglumabas, saka ipininid ang kurtina ng pinto. Nagbalik sa kinaroroonan ni Cesar at siya’yisinandal sa pinagpatung-patong na mga unan.

Page 40: Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong

Saglit iyong nagpalakad – lakad sa loob ng silid at tinungo ang nakabukas na bintana. Saglit ding huminga ng malalim, at pagkatapos ay mulinglumapit sa kanya. Dumukot ng isang bagay namakislap at itinapat sa mata ni Cesar.

“Titigan mo ito,” ang wikang marahan, at ang tingi ay nag-iba ng himig. Hinagod ng mgadaliri niyon nag pagitan ng kanyang kilay, at sasalat ng daliri ay parang may hinigut sa salimuotsa kanyang utak. “Huwag kakang mag-iisip kahitano. Pumanatag ka.

Page 41: Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong

Huwag mong papansinin ang mga sinabi ko. Ayan… parang pinapaypayan na ang iyong mga mata … at ikaw ay mag – aantok … mag – aantok …”

Naramdaman ni Cesar na tila matutulis nasibat ang mga salitang iyon na naglagos sakanyang utak, hanggang sa ang kanyang ulo ay unti-unting lumaki at ang kanyang paningin ay unti-unting nanlabo at ang kanyang katawan ay unti-unting gumaan. Humina nang humina angtinig na naririnig niya hanggang tuluyang mawalana sa kanyang pandinig.

Page 42: Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong

At sa sandaling hindi pinakaaasahan ay bigla nalamang siyang pumailanlang sa itaas. Sumibat angkanyang diwa sa kalawakang namumutiktik samga bituin at buwan, sa mga kumeta at planeta, na bawa’t isa’y nagtataglay ng mga larawan ngisang taong mandi-rigma, ng isang taongmagbubukid, ng isang taong mandirigma, ng isang…

Nagsala-salabat sa kanyang isip ang mgalarawang iyon hanggang sa biglang magsiinog sakanyang paningin lahat,

Page 43: Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong

hanggang sa siya’y matangay at mapasama samga iyon. Uminog siya nang uminog na kasabayng mga bituin at planeta, na kasama ng mgakumeta at buwan. Uminog siya ng uminog … inog… inog … inog nang inog …

At sa kanyang pag-inog ay tila may isangmatinis na tinig na nagbubuhat sa pinakaliblib nasulok ng kanyang utak , nanunuot sa kanyangdiwa.

Page 44: Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong

Limutin mo si Cesar na Mandirigma … isipinmo si Cesar na magbubukid … limutin mo si Cesar na Mandirigma … isipin mo si Cesar namagbubukid … ikaw si Cesar na magbubukid … magbubukid … magbubukid …

At patuloy ang kanyang pag-inog na kasamang mga bituin at planeta, ng mga kumeta at buwan. Uminog siya nang uminog … inog ng inog… inog … inog … i.. n.. o.. g.. i.. n.. o.. g.. i.. n.. o.. o.. o.. o.. g.. g.. g.. g……

Page 45: Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong

-4-Nagising si Cesar na wala nang gapos at

nakatunghay na sa kanya ang kanyang ina sa tabing matandang balbasin. Walang kurap angpagkatitig sakanya ng mga mata niyong may luha.. Titig na nananabik at nahihintay. Kumurap-kurap si Cesar nang ilang saglit, at nang biglangnaunawa ang lahat ay saka pabalikwas nanagbangon. Ngunit hindi ang matanda niyang inaang kanyang nasugod ng yakap.

Page 46: Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong

Hindi, kundi ang isang babaing nasa may likuran ngmatanda … ang isang babaing duamating doon habangsiya’y natutulog … ang isang babaing may mabahangbuhok at kayumangging kulay.

“Meding!” ang kanyang tawag.

At sa ilang saglit pa’y nasa bisig niya ito, pinupugpog ng halik – sa pisngi, sa leeg, sa buhok, sadibdib, sa labi, samantala’y walang tigl naman angpagtulo ng kanyang luha, ng luha ng babaing nakayaposdin sa kanya, at sa kanyang inang … umiiyak at dumalangin at naspapasalamat sa Maykapal.