9
Emmanuel John G. Tabilin IV-SSC Reaction Paper: Pambansang Badyet ng Pilipinas Ang isang simpleng tahanan ay nangangailangan ng pagplaplano sa mga gastusin nito lalong lalo na kung sapat lamang sa pang-araw-araw ang kinikita ng isang sambahayan. Ang pagbabadyet ay isang matalinong hakbangin upang episyenteng magamit ang salaping napapasakamay ng isang pamilya. At tulad din ng ating pambansang pamahalaan, kinakailangan ang isang komprehensibo at malawak na pinag-aralang badyet ng isang buong nasyon na tutukoy sa landas na tatahakin nito para sa isang buong taon. Kinakailangan itong pagplanuhan, paghandaan at pag-aralan ng maiigi sapagkat dito pangunahing nakasalalay ang magiging daloy ng ekonomiya ng isang bansa. Kamakailan lamang ay inilabas na ang opisyal na badyet ng ating pamahalaan para sa taong 2014. Ngunit bago ito ay sari-saring anomalya, iskandalo at trahedya ang kinaharap ng ating bansa sa lubusang nakaapekto sa taunang badyet ng Pilipinas. Sa kabila nito, maituturing pa ring matagumpay ang pamahalaan kung sa pagpapalago ng ekonomiya ang paguusapan na mahihinuha natin sa mga istatistikang naglalahad ng GDP, GNP, per capita income at iba pang datos na nagpapakita ng pagsulong ng Pilipinas. Para sa ngayong taong 2014, tumaas ang kabuuang badyet ng Pilipinas kung ikukumpara sa nakaraang taon ng halos 13% 2.006 T noong 2013 at 2.265 T ngayong 2014. Ipinapakita nitong mas malaking pera ang inaasahang papasok sa Pilipinas ngayong taon kaya’t tumaas din ang plinanong kabuuang gastusin ng

Reaksyon(1)

Embed Size (px)

DESCRIPTION

 

Citation preview

Page 1: Reaksyon(1)

Emmanuel John G. Tabilin IV-SSC

Reaction Paper: Pambansang Badyet ng Pilipinas

Ang isang simpleng tahanan ay nangangailangan ng pagplaplano sa mga

gastusin nito lalong lalo na kung sapat lamang sa pang-araw-araw ang kinikita ng isang

sambahayan. Ang pagbabadyet ay isang matalinong hakbangin upang episyenteng

magamit ang salaping napapasakamay ng isang pamilya. At tulad din ng ating

pambansang pamahalaan, kinakailangan ang isang komprehensibo at malawak na

pinag-aralang badyet ng isang buong nasyon na tutukoy sa landas na tatahakin nito

para sa isang buong taon. Kinakailangan itong pagplanuhan, paghandaan at pag-aralan

ng maiigi sapagkat dito pangunahing nakasalalay ang magiging daloy ng ekonomiya ng

isang bansa.

Kamakailan lamang ay inilabas na ang opisyal na badyet ng ating pamahalaan

para sa taong 2014. Ngunit bago ito ay sari-saring anomalya, iskandalo at trahedya ang

kinaharap ng ating bansa sa lubusang nakaapekto sa taunang badyet ng Pilipinas. Sa

kabila nito, maituturing pa ring matagumpay ang pamahalaan kung sa pagpapalago ng

ekonomiya ang paguusapan na mahihinuha natin sa mga istatistikang naglalahad ng

GDP, GNP, per capita income at iba pang datos na nagpapakita ng pagsulong ng

Pilipinas.

Para sa ngayong taong 2014, tumaas ang kabuuang badyet ng Pilipinas kung

ikukumpara sa nakaraang taon ng halos 13% – 2.006 T noong 2013 at 2.265 T

ngayong 2014. Ipinapakita nitong mas malaking pera ang inaasahang papasok sa

Pilipinas ngayong taon kaya’t tumaas din ang plinanong kabuuang gastusin ng

Page 2: Reaksyon(1)

pamahalaan. Maituturing itong isang senyales ng paglago ngunit hindi lamang dito

nakasalalay ang ekonomiya ng bansa. Malaki ang gampaning nakaatang sa maraming

sektor ng pamahalaan na inaasahang gagamitin ng maayos at tapat ang trilyon-trilyung

kontribusyon ng mga mamamayan.

Kung tutuusin, ang sandamakmak na mga salaping ito ay nagmumula sa bulsa

ng bawat mamamayan ng ating bansa. Nagbabayad ng wasto ang isang Pilipino –

mahirap man o mayaman – sapagkat inaasahan niyang pakikinabangan niya rin ito sa

pamamagitan ng mga imprastruktura at serbisyong ipinagkakaloob ng pamahalaan.

Ang perang ito ay inaasahang babalik sa mga mamamayan tungo sa iba’t ibang sektor

ng pamahalaan.

Tulad ng inaasahan, pinakamalaking parte ng badyet ang inilaan para sa

Edukasyon (383.08 B – 17% ng kabuuang badyet). Marahil ito ang pinakaprayoridad ng

pamahalaan sa ngayon, ang makahubog ng mga potesyal na kabataan na inaasahang

magtataguyod ng ating nasyon tungo sa kaunlaran at kaayusan. Masasabi kong

nararapat lamang na pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang sektor ng mga kabataan

lalong lalo na ang kanilang edukasyon sapagkat dito magmumula ang mga susunod na

propesyonal, maggagawa, negosyante at pulitiko na kinakailangan may sapat na

kakayahan at talino upang makipagsabayan sa mga banyagang katunggali. Sang-ayon

ito kay Dr. Jose Rizal na binanggit ang mga kabataan bilang ‘pag-asa ng bayan’.

Iuukol naman ang 4% ng pangkalahatang badyet ng bansa para sa Kalusugan

(90.51 B) sa kasalukuyang taon. Mas mataas ito ng halos 56% mula 57.74 B ng

nakaraang taon. Maaaring ang pagtaas na ito ang tugon ng pamahalaan sa

Page 3: Reaksyon(1)

napapabalitang pagdami ng nagkakaroon ng measles (tigdas) lalong lalo na sa

kalakhang Maynila. Sa ngayon, kinakailangan ang agarang paglunas sa mga

pasyenteng may tigdas upang maiwasan na ang pagkalat gayundin ang pagbabakuna

sa kanila. Sa aking palagay, malaking parte ang igugugol ng Kagawaran ng Kalusugan

sa pananaliksik at paghahanap ng lunas sa mga karaniwang sakit na nakukuha sa ating

bansa tulad ng Dengue. Hindi rin mawawalan ng bahagi ang modernisasyon ng mga

ospital ng bansa.

Sa kabilang banda, humigi’t kumulang 10% (218.01 B) ng pambansang badyet

ang nakalaan para sa sektor na mangangalaga ng kapakanang panlipunan at

maghahatid ng trabaho. Mas mataas naman ng dalawang porsiyento o 12% (260.53 B)

ang parte para sa pagpapatayo ng mga kalsada, transportasyon at komunikasyon. Sa

sektor na ito inaasahang mas mapapadali ang kalakalan ng mga produkto sa iba’t ibang

panig ng bansa. Ang maayos na daanan ay mas magpapadali sa transportasyon ng

mga kalakal na magpapababa ng presyo ng bilihin.

Samantala, 11% naman ng pie ng badyet ang para sa pagpapasweldo at tulong

pananalapi sa mga kawani ng gobyerno o LGUs. Nararapat lamang ito sapagkat malaki

ang gampanin ng mga manggagawa sa pamahalaan dahil kung wala ang mga

kawaning ito, mapaparalisa ang gawain sa pamahalaan na magpapahina ng takbo ng

ekonomiya. Malaking bahagi ng pera ng bayan ang mawawala kung sakaling

maparalisa ang gawain sa isang pamahalaan. Maliban sa mga LGUs, kabilang din sa

kawani ng gobyerno ang mga guro sa pampublikong paaralan at unibersidad.

Page 4: Reaksyon(1)

Para naman sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan, 133.4 B ang inilaan ng

pamahalaan. Pangunahing tututukan nito ang pagpapababa ng kriminalidad at

pangangalaga ng bansa laban sa mga banta ng terorismo. Napakahalaga ng sektor na

ito sapagkat anumang oras ay dapat laging handa ang hukbo ng Pilipinas upang

ipagtanggol ang ating bansa. At upang magampanan ito ng maayos, kinakailangang

may sapat na armas at karanasan sa pakikipaglaban ang ating puwersa. Sakop sa

sektor na ito ang pulisya na ang pangunahing takbuhan sa mga panahong laganap ang

kriminalidad sa isang komunidad. Sa pagpapaunlad at modernisasyon ng mga pulisya,

inaasahang mas papalarin ang ating ekonomiya sapagkat makatutulong ito sa pag-

engganyo ng mga dayuhang mamumuhunan. Mababawasan ang kriminalidad sa bansa

sa hihimok sa mga dayuhan na piliin ang Pilipinas upang mamuhunan.

Ang sektor naman para sa enerhiya ng kapuluan ang tumanggap ng pinakamaliit

na bahagi ng pie na hindi man lamang umabot ng 1% (0.6% o 14.27 B). Tila taliwas ito

sa nagaganap ngayon sa naturang sektor kung saan inaasahang tataas ng humigi’t

kumulang apat na piso ang bawat kWh ng kuryente ayon sa MERALCO. Gayundin, ang

sektor na ito ay maituturing kong nangangailangan ng agarang konsiderasyon lalo pa’t

malaking bahagi ng Visayas at Mindanao ang nakararanas ng kawalan ng kuryente.

Nararapat lamang itong aksyunan agad sapagkat magpapabagal ito sa pagusad ng

ating pambansang ekonomiya. Sa kabilang banda, maaaring may iba pang salik na

ikinonsedera ang pamahalaan sa pagbuo ng badyet kaya’t 14.27 B lamang ang inilaan

ng pamahalaan sa sektor na ito.

Halos 1% (29.42%) ang hati para sa flood control bilang isang bansang bahain

bilang paghahanda sa pagdating ng mga malalakas ng bagyo dulot ng Global Warming.

Page 5: Reaksyon(1)

Sa aking palagay, pangunahing paglalaanan ng sektor na ito ang pagsasaayos ng

daluyan ng tubig sa mga kanal at pagsasagawa ng seminar upang makahanda sa

paghagupit ng bagyo. Mahalaga ang parte ng pie na ito lalo pa’t nakaranas na tayo ng

mga malalakas na bagyo, pinakabago rito ang Bagyong Yolanda (Haiyan) na halos

binura ang probinsya ng Leyte.

Samantala, kapansin-pansin ang pagkawala ng Priority Development Assistance

Fund (PDAF) sa pambansang badyet na halos tumanggap ng 24.79 B noong 2013.

Dulot ito ng pagsabog ng iskandalo ng Pork Barrel Scam na itinuturing na

pinangunahan ni Janet Lim-Napoles. Inalis na ito sa badyet sapagkat pawang mga

pekeng NGOs lamang ang nakikinabang sa pondong ito.

Gayundin, makikita na 35.5 B ang ilalaan ng gobyerno para sa mga pamilyang

nasa National Insurance Health Program, 62.6 B para sa mga pamilya at estudyanteng

nasa ilalim ng CCT at Expanded CCT, 10.7 B para sa suportang teknikal sa mga

magsasaka, 5.5 B upang palaguin ang turismo, 44.6 B para sa pagpapatayo ng mga

klasrum, 13 B para sa Calamity Fund, 20 B para sa Rehabilitation Construction

Program at 80 B para sa pagpapatuloy sa pagpapatayo ng mga masimulang

impratruktura.

Sa pambansang bagyet ngayong taon, ang rehiyong may pinakamalaking

matatanggap na salaysay ay ang Region IV na pinangalawahan ng NCR at sinundan ng

Region 3, Region 6 at Region 5. Mapapansing ang mga rehiyon sa parteng Visayan at

Mindanao ang tumatanggap ng may pinakamaliit na pondo mula sa pamahalaan. Bilang

Page 6: Reaksyon(1)

resulta, tumitindi ang kahirapan at kagutuman sa mga rehiyong nabanggit sapagkat

nakasentro ang badyet ng pamahalaan sa Luzon.

Gayunpaman, gaano man kaayos o kaganda ang badyet ng isang bansa,

nakasalalay pa rin ang lahat sa mga mamamayan nito. Tayo ang nagluluklok sa mga

pulitikong naghahawak ng ating pera kaya’t responsibilidad nating bumoto ng taong

karapat-dapat sa posisyon. Kung tayo man ngayon ay naghihirap, wala tayong dapat

sisihin kundi ang ating mga sarili sapagkat nagpaloko tayo sa mga perang alok ng mga

buwayang walang nais gawin kundi ang magnakaw sa kaban ng bayan.

Page 7: Reaksyon(1)

Paghahambing ng Pambansang Badyet sa taong 2013 at 2014 sa iba’t ibang sektor.

Page 8: Reaksyon(1)

Pambansang Badyet para sa taong 2014 para sa 10 Pangunahing Kagawaran ng

Bansa.

Page 9: Reaksyon(1)

Pambansang Badyet ayon sa Rehiyon.