3
Sophia Marie D. Verdeflor Grade 10-1 STE ANAK: SURING PELIKULA Ang pelikulang “Anak” na pinagbibidahan ng mga batikang artista sa industriya ng pag-arte na sina Vilma Santos at Claudine Baretto noong 2000 na sinasabing kumita ng mahigit 110 milyong piso, ang pelikulang ito ay handog ng Star Cinema sa direksyon ni Direk Rory B. Quintos. Tayo nang dumako sa buod ng pelikulang ito. Ang pelikulang ito ay tungkol sa isang ina na nagtatrabaho sa Hong Kong bilang domestic worker, ang ina ay si Josie na ginampanan ni Vilma Santos. Ang kanyang pagtatrabaho sa ibang bansa ay para sa kanyang mga anak upang makapagpadala ito ng perang panustos sa kanilang araw-araw na pangangailangan upang mabigyan ang kanyang mga anak ng isang magandang kinabukasan. Tiniis ni Josie ang lahat ng pasakit na sinapit niya sa kanyang amo. Lumipas ang ilang taon at nakauwi na rin si Josie sapagkat siya ay nagpasya ng hindi na magtrabaho pa sa Hong Kong at siya ay magtatayo na lamang ng negosyo. Sa kanyang pagbabalik, sinalubong siya ng kanyang mga anak na sina Daday, ang bunso na hindi siya kilala sapagkat bata pa lamang ito ay umalis na siya patungong Hong Kong, si Michael na mahiyain at walang imik at

Suring Pelikula - ANAK

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Suring Pelikula - ANAK

Sophia Marie D. Verdeflor Grade 10-1 STE

ANAK: SURING PELIKULA

Ang pelikulang “Anak” na pinagbibidahan ng mga batikang artista saindustriya ng pag-arte na sina Vilma Santos atClaudine Baretto noong 2000 na sinasabing kumita ng mahigit 110 milyong piso, ang pelikulang ito ay handog ng Star Cinema sa direksyon ni Direk Rory B. Quintos.

Tayo nang dumako sa buod ng pelikulang ito. Ang pelikulang ito ay tungkol

sa isang ina na nagtatrabaho sa Hong Kong bilang domestic worker, ang ina ay si Josie na ginampanan ni Vilma Santos. Ang kanyang pagtatrabaho sa ibang bansa ay para sa kanyang mga anak upang makapagpadala ito ng perang panustos sa kanilang araw-araw na pangangailangan upang mabigyan ang kanyang mga anak ng isang magandang kinabukasan. Tiniis ni Josie ang lahat ng

pasakit na sinapit niya sa kanyang amo.

Lumipas ang ilang taon at nakauwi na rin si Josie sapagkat siya ay nagpasya ng hindi na magtrabaho pa sa Hong Kong at siya ay magtatayo na lamang ng negosyo. Sa kanyang pagbabalik, sinalubong siya ng kanyang

mga anak na sina Daday, ang bunso na hindi siya kilala sapagkat bata pa lamang

ito ay umalis na siya patungong Hong Kong, si Michael na mahiyain at walang

imik at si Carla na panganay na hindi man lang siya binibigyang respeto at galang.

Tiniisniya ang lahat ng paghihirap para lamang makuha ang atensiyon ng kanyang mga anak, lahat ay ginawa niya. Habang lumilipas ang panahon, unti-unti na niyang nakikilala ang kanyang mga anak. Isang araw, nasilayan niya angkanyang anak na si Carla na naninigarilyo, at ditto na niya nalaman ang mga iba pang bisyo at masasamang gawain na ginagawa ng kanyang panganay

naanak at kabilang na rito ang paglalagay ng tattoo, pagpapalaglag ng bata, panlalalake at paghihithit ng rugby. Napakaraming problema ang

nakasalamuha ni Josie at kabilang na rito ang paghinto ng scholarship ni Michael sa

pribadong

Page 2: Suring Pelikula - ANAK

paaralang kanyang pinag-aaralan, pagkabangga ng taksing kaniyang ipinundar

at ang pag-iwan sa kaniya ng kaniyang mga kaibigan sa kanilang negosyosapagkat kanilang nagastos ang perang dapat sana ay ibabahagi nila rito.

Nagkaroon ng napakaraming pagkukulang si Josie. Para sa anak niyang si Carla, ubod ng sama ang kaniyang ina sapagkat naranasan niya

angpaglaki ng walang inang gumagabay sa kaniyang tabi. Nagkaroon ng alitansina Josie at ang kaniyang anak na si Carla tungkol sa bagay na iyon ngunitkalaunan naman ay paunti-unti nang naiintindihan ni Carla ang mga

bagay-bagay at dahil dito nagbalik na ang loob ni Carla sa kaniyang ina at simula

noon ay nagpakatino na siya bilang panganay na anak at bilang nakatatandang

kapatid na siyang magsisilbing gabay sa kaniyang mga nakababatang kapatid

sa pag-alis ulit ng kanilang ina patungong Hong Kong upang doon muli magtrabaho upang nang sa gayon ay magkaroon ng magandang

kinabukasanang kaniyang mga minamahal na anak.

Ang pelikulang ito ay para sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa iba’t ibang dako ng mundo. Masasabi kong isa itong napakagandang pelikula sapagkat nagsilbi itong tagapagmulat sa lahat ng Pilipino patungkol sa mga karanasan ng ating mga OFW saan mang lupalop ng mundo. Napakaganda

ng takbo ng pelikula sapagkat ito ay sumasalamin sa buhay ng isang ina na siya namang makatotohanan at napapanahon magpasahanggang ngayon. Kudos parasa mga tauhang nagsipagganap sa pelikulang ito, damang-dama ang bawatbugso ng damdamin at nagsilbi silang inspirasyon sa bawat OFW sa buong mundo. Ang bawat sakripisyo ay may kapalit na kaginhawaan! Huwag sumuko kaagad-agad. Laban lang! Para sa magandang kinabukasan ng pamilya

Hindi kataka-takang humakot ang pelikulang ito ng napakaraming

karangalan sapagkat ito ay sobrang napakabuluhang palabas. Sana ay magkaroon pa ng iba pang pelikula na ganito rin kaganda ang pagkakagawa oproduksiyon sapagkat ito ay paniguradong papatok sa takilya! Good job, “Anak”!