Upload
kareen-mae-adorable
View
194
Download
8
Embed Size (px)
Citation preview
ANO KAYA TATLONG BATAYANG KATEGORYA SA MGA LAYUNING
PAMPAGTUTURO ?
i-klik para sa sagot
TATLONG BATAYANG
KATEGORYA SA LAYUNING
PAMPAGTUTURO
MITHIIN
TUNGUHIN
LAYUNIN
Ano ang ibig
sabihin ng
nasa
dayagram?
i-klik ang batayang kategorya
TATLONG BATAYANG KATEGORYA SA MGA LAYUNING
PAMPAGTUTURO
•isang malawak na
pagpapahayag ng direksyon
para sa isang programang
pang-edukasyon. Sa pagbuo
ng palising pambansa
karaniwang binibigyang
liwanag ito ng mga dalubhasa.
MITHIIN
MITHIIN• Sa taong 2020, inaasahang ang mga
mag-aaral na Pilipino ay mangunguna sa pagtatamo ng mga kasanayan sa larangan ng matematika at agham sa Timog Silangang Asya.
• Sa taong 2020, inaasahang ang bawat Pilipinong may sapat na gulang ay literate na at may kakayahang makapagtamo ng mga kasanayang kailangan upang makipagpaligasahan sa isang ekonomiyang pandaigdig at magagampanan ang mga karapatan at tungkulin ng isang mamamayan.
MITHIIN• makalinang ng isang buo at ganap na Filipinong
may kapaki - pakinabang na literasi - layunin ng pagtuturo ng Filipino na malinang ang (1) kakayahang komunikatibo, (2) replektibo / mapanuring pag-iisip at, (3) pagpapahalagang pampanitikan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga babasahin at teknolohiya tungo sa pagkakaroon ng pambansang pagkakakilanlan, kultural na literasi, at patuloy na pagkatuto upang makaagapay sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa daigdig.
• Naglalarawan ng set ng mga
pambansang prayoridad para
sa mga programang pang-
edukasyon at pampaaralan.
Repleksyon ang mga ito ng
pagpapahayag at mga
pananagutang panlipunan.
Subalit ang ganitong malawak
na pagpapahayag ng mithiin
ay hindi nagbibigay ng mga
patnubay sa mga guro para
malipat sa isang pagtuturong
pangklase.
MITHIIN
Mas tiyak at mas may pokus
kaysa mga mithiin. Ang mga ito’y
nagbibigay ng direksyon para sa
isang tiyak na aralin.
Kumakatawan din ang mga ito
upang maisakatuparan ang isang
mithiin at padalisayin ang pokus
nito upang maiugnay sa mga
inaasahang pagkatuto ng mga
mag-aaral
TUNGUHIN
TUNGUHIN
• Ang pagbuo ng isang
programang pampaaralan na
tumutugon sa kailanganin ng
mga mithiin ay mahirap gawin.
• Ang proseso ay kailangang
nakapokus sa mga tunguhing
may kinalaman sa mga aralin.
• Ito’y nangangahulugan ng pagbuo
ng mga tunguhing lohikal na
dumadaloy mula sa mga mithiin.
• inaasahang ang bawat mag-aaral na nakatapos ng haiskul ay magtataglay ng kaalaman at kasanayang kailangan upang magampanan ang kanyang mga karapatan at tungkulin bilang isang mamamayan ng isang demokratikong pamayanan.
MITHIIN
• natutukoy ang may kinikilingang pahayag sa isang balita;
• mabisang naipahayag ang kaisipan sa anyong pasalita o pasulat
TUNGUHINSa asignaturang Filipino
MITHIIN
TUNGUHINSa asignaturang Agham Panlipunan
• makalinang ng mga “may pananagutang mamamayan”
• maunawaan kung paano nagiging batas ang isang panukalang-batas
• malaman kung paanong ang kapangyarihan at pananagutan ay maingat na pinaghati-hati sa mga sangay ng ehekutibo, lehislatibo at hudisyal sa ating pamahalaan
• mapanindigan ng bawat mag-aaral ang kaisipan na ang mga mamamayan ay may tungkuling alamin ang mga isyung pambansa at malayang maipahayag ang niloloob sa pamamagitan ng pagboto
Pagpapahayag sa tiyak na
pananalita ng mga pagkatuto o
gawain na inaasahang maipakita
ng mga mag-aaral pagkatapos
ng isang pagtuturo. Ang mga ito
ay nararaapat isaad sa isang
paraang tiyak, ang pagganap
dito ay nakikita at ang bunga o
kinalabasan ay nasusukat. May
dalawang pangunahing hakbang
sa pagbuo ng layuning
pampagtuturo.
LAYUNIN
LAYUNIN
• Natatanong at nasasagot ang “Ano ang pangalan mo?”
• Nasasabi at naipapalakpak nang papantig ang pangalan
• Nasasagot ang tanong na “Saan ka nakatira?”
MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG!