4
Sa edad na isang taong gulang pa lang ni Talavera Rosa Glen T. naranasan na niya ang hirap at saya kapiling ang kanyang buong pamilya, may limang kapatid na lumaki at nagkaisip sa miring edad pa lamang. Madami man ngunit andun na ang saya at kaginhawan sa pamilya, punong puno na pag asa at pangarap. Pebrero 20,1992 ang kaarawan ng siya ay isinilang dito sa mundo ng isang katauhan.Sa edad na labing isa tumatak na sa puso’t isipan niya ang na kailangang matapos niya ang kanyang pag-aaral.Dahil hindi panghabambuhay na ikaw ay isang musmos na kailangang bantayan at pangalagaaan ng iyong mga magulang bagkus ang lahat ng isinilang ditto sa mundo ay mayroon kaniya-kaniyang misyon.Misyong ibinigay ng ating maykapal ,problemang dapat na lutasin at kaligayahan na dapat tamuhin. Simula ng siya ay tumuntong na sa pag-aaral,Daycare pa lang nagkamit na siya ng isang medalya at dalawang karangalan.Maging ang pagtatapos sa Elementarya ng Tignoan nagkamit na siya ng dalawang medalya at ito ay sa tulong ng kanyang mga magulang upang magkaroon ng talentong naipamalas sa bawat paaralan na kanyang pinapasukan. Mayroon siyang mga magulang na hindi nagkulang sa paghibog at tamang pagpapalaki sa kanilang mga anak na sina Gng. Elena Talavera maging ang haligi ng kanilang pamilya na puno ng sikap at tiyaga sa pamamagitan ng pagtatrabaho ni Ginoong Gil Talavera. Hindi lang saya at lungkot ang naranasan niya sa bayan ng Real Quezon kung saan matatagpuan ang Sitio Mahaba, kundi maging ang takot at pangamba dahil sa trahedyang

Talavera Autobiography

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Talavera Autobiography

Sa edad na isang taong gulang pa lang ni Talavera Rosa Glen T. naranasan na niya ang hirap at saya kapiling ang kanyang buong pamilya, may limang kapatid na lumaki at nagkaisip sa miring edad pa lamang. Madami man ngunit andun na ang saya at kaginhawan sa pamilya, punong puno na pag asa at pangarap. Pebrero 20,1992 ang kaarawan ng siya ay isinilang dito sa mundo ng isang katauhan.Sa edad na labing isa tumatak na sa puso’t isipan niya ang na kailangang matapos niya ang kanyang pag-aaral.Dahil hindi panghabambuhay na ikaw ay isang musmos na kailangang bantayan at pangalagaaan ng iyong mga magulang bagkus ang lahat ng isinilang ditto sa mundo ay mayroon kaniya-kaniyang misyon.Misyong ibinigay ng ating maykapal ,problemang dapat na lutasin at kaligayahan na dapat tamuhin.

Simula ng siya ay tumuntong na sa pag-aaral,Daycare pa lang nagkamit na siya ng isang medalya at dalawang karangalan.Maging ang pagtatapos sa Elementarya ng Tignoan nagkamit na siya ng dalawang medalya at ito ay sa tulong ng kanyang mga magulang upang magkaroon ng talentong naipamalas sa bawat paaralan na kanyang pinapasukan. Mayroon siyang mga magulang na hindi nagkulang sa paghibog at tamang pagpapalaki sa kanilang mga anak na sina Gng. Elena Talavera maging ang haligi ng kanilang pamilya na puno ng sikap at tiyaga sa pamamagitan ng pagtatrabaho ni Ginoong Gil Talavera. Hindi lang saya at lungkot ang naranasan niya sa bayan ng Real Quezon kung saan matatagpuan ang Sitio Mahaba, kundi maging ang takot at pangamba dahil sa trahedyang kanyang naranasan ng kanyang buong pamilya at maging ang buong mamayan sa Quezon.

Page 2: Talavera Autobiography

Nov. 29,2004 ang araw na hindi malilimutan ng mga taong bayan sa Quezon,trahedyang tumatatak na sa taong bayan. Marami sa mga naatira doon ang binawian ng buhay bata man o matanda.Hindi lamang buhay ang nawala kund pati ang mga tahanan at mga pangkabuhayan . Hindi sukat akalain ni Rosa Glen ang nangyari sa kanilang bayan kungn ano ang dahilan. Tanging naisip na lamang niya kung iyon ay b parusa na isinukli ng may kapal.Sa kabila

ng lahat ay nagpapasalamat din siya dahil wala sa pamilya ang nadamay, ngunit andun pa din ang lungkot dahil sa nangyari sa kanyang bayan.

Sabi nga nila ang pinakamasaya daw na degree sa pagaaral ay ang high school life,oo nga naman naranasan niya iyon sa piling ng kanyang kamagaral,mga gurong naging pangalawang ina ay hindi nagkulang para sila ay himuking magaral ng mabuti.Ngunit hindi pala sa lahat ng pagkakataon ay saya nalang ang mararanasan mo mas maging mahirap para sa kanya ang ikahuling degree sa sekundarya ang ikaapat na taon.Andito yung kulangin sa baon dahil sa layo ng bahay nila ay mahirapang bumalik para lang humingi ng baon sa kanyang mga magulang.Pero andun siya at nagtiis para lang makatapos na masuklian man lang ang mga paghihirap ng kanyang mga magulang para sa kanilang magkakapatid.Nangarap na siya ay makatuntong sa kolehiyo na kahit noong una ay malabong mangyari.Bago matapos ang kanyang taon sa sekundarya ay nabigyan naman niya ng parangal ang kanyang mga magulang.Natapos ang lahat ng kanyang masasayang araw sa sekundarya maging ang mga pagsubok na kinahirap niya noon.Hindi lingid sa kanyang mga kapwa kaklase na siya ay hihinto muna sa kadahilanang walang pansuporta sa pinansyal.Hindi niya magawang magalit sa kanyang mga magulang dahil nakikita at alam niya ang estado lang ng kanilang pamilya.Pera sa halip na magalit nagdesisyon siya na pansamantalang magtrabaho muna dahil kung mananatili

Page 3: Talavera Autobiography

siya ay maghihintay lang siya sa waia.Taong 2007 hindi naging sapat ang mga maliligayang araw upang mas maialis ang takot at pangamba sa kanyang pagkatao.Ngunit naniniwala pa rin siya na hanggat may bukas mayroon ding pagasa.At lalo’t higit na nariyan lang ang ating panginoon na siyang gumagabay sa lahat ng ating mga gawain,sa mga pagsubok na dapat malagpasan.Nagiging mas matapang siyang harapin ang mga challenges dahil alam niyang nariyan lang sa kanyang tabi ang kanyang buong pamilya,mga kaibigang handang magbigay ng tulong kung kinakaiangan

Sa pangkasulukuyang panahon taong 2009 isa na siyang ganap na estudyante sa Laguna Este Polytechnic University.Hindi naman pala kailangang maging seryoso ka sa lahat ng pagkakataon na dapat maging palakaibigan ka ng mas madali mong malagpasan ang lahat ng magiging challenges bilang isang college student.Mas mahirap pala talaga ang kolehiyo na mas dapat pagtuunan mo mg pansin ang iyong pag-aaral.Mas dapat na maging handa ka sa lahat ng mga pagkakataong iyong lalakbayin.Kinuha niya o mas pinili niya ang kursong maging guro dahil simula pagkabata pa lang niya bilang guro na talaga sa hinaharap ang kanyang pangarap.Makatapos ng pag-aaral,magkaroon ng magandang bukas at matulungan ang kanyang mga magulang maging ang kanyang kababatang kapatid.Alam niya na ang tanging solusyon lang sa kanyang mga pangarap ay ang edukasyon.Kaya mga heto siya at nagsusumikap mag-aral ng mabuti,maipagmalaki balang araw ng kanyang mga magulang at pati ng kanyang mga kaanak.Isang simple ngunit may kakayahang lumaban sa mga pagsubok na dinaranas niya.Mahirap mang makakuha ng mataas na grado ngunit ang tanging solusyon lamang doon ay ang pagsisikap at tiyaga sa pag-aaral.Bilang guro

Page 4: Talavera Autobiography

alam niyang mahirap sa lahat doon ay ang problema sa pinansiyal at alam niya na hindi sa lahat ng pagkakataon nariyan lang ang kanyang mga magulang para sumoporta,may mga problemang hindi inaasahann kaya naman labis ang panalangin ang kakaharapin niya sa ating mahal na lumikha sa lahat.Walang sinumang makapagsabi kung ano ba ang ating buhay sa panghinaharap tanging tayo lamang na nilikha ng diyos ang gagawa nito.Simple lang ang pangarap ni Rosa Glen matupad lang ang mga pangarap niya ay tsaka nalang siya mamimili ng kanyang kasama sa panghabambuhay.Ang tipo ng mabait ngunit handang unawain sa lahat ng pagkakataon.Heto ang aking talambuhay na hanging ngayon ay mas kakaharapin pa niya ang susunod pangkarugtong nito.At sana sa lahat ng aking pangkakaharapin sa kasulukuyan ay madali kung maacomplished iyon.Maging gabay sana ang lahat ng ito mula sa aking pagtao.Hindi lang dapat na maging mahina ang isang katulad kong estudyante dapat mas naging inspired siya hpang mas mapadali para sa kanya.Pamamaalam ko lang ay maging matapang tayo at lalo’ot higit ang paniniwala sa ating panginoon,sa ating mga magulang na ngbigay ng suporta sa kanilang mga anak.