69
Kalagayang Pang- ekonomiya ng Pilipinas sa Iba’t –Ibang Panahon

Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

Embed Size (px)

DESCRIPTION

May designs and video po yung ppt.. Download niyo na lang po para makita niyo...

Citation preview

Page 1: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

Kalagayang Pang-ekonomiya ng Pilipinas sa Iba’t –Ibang Panahon

Page 2: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

EKONOMIYA

Page 3: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

ANONG MASASABI MO SA EKONOMIYA NG PILIPINAS?!

Page 4: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon
Page 5: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

ANO ANG NAKIKITA NIYONG EPEKTO SA MGA PILIPINO NG HINDI PAGTAAS NG EKONOMIYA?

IKAW, ANONG MASASABI MO SA EKONOMIYA NG PILIPINAS?!

AYON SA INYONG NAPANOOD, MAY PAGKAKATULAD BA ANG MGA NAGING REAKSYON NILA? ANO?

BAGO NATIN ISIPIN KUNG PAANO BA UUNLAD ANG ATING EKONOMIYA, HALINA’T MAGBALIK TANAW MUNA KUNG PAANO

NGA BA NAGSIMULA ANG ATING LIPUNAN. KUNG PAPAANO GUMALAW ANG EKONOMIYA NG ATING BANSA MULA BAGO

DUMATING ANG KASTILA HANGGANG SA KASALUKUYAN.

PAGKATAPOS SAKA NATIN ISIPIN KUNG MAYROON NGA BANG PAGBABAGONG NAGAGANAP O MAY PAG-UNLAD NGA BA

ANG EKONOMIYA NG BANSA.

Page 6: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

Kalagayang Pang-Ekonomiko ng Pilipinas sa Iba’t-Ibang Panahon

Panahon Bago Dumating ang Kastila

Panahon ng Hapon

Panahon ng Kastila

Panahon ng Amerikano

Panahon ng Republika

Page 7: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

Panahon bago

dumating ang kastila

Page 8: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

Ang ating mga ninuno ay nabubuhay noon pagitan sa mga butil, bungang kahoy sa gubat,

natutong mangaso at mangisda, natutuhan din nilang magtanim ng halaman, mag alaga ng hayop at kinukuha nila ang kanilang mga pangangailang sa pang araw-

araw na pamumuhay.

Sinaunang Lipunan

Page 9: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

Lipunang Barangay

SISTEMANG PYUDALISMO

Nakabatay ang estruktura ng lipunan sa ugnayan ng panginoong maylupa at ng kanyang basalyo.

Binubuo ito ng 30 hanggang 100 katao

Ang sistemang pang-ekonomiya sa panahon na ito ay ang BARTER na kung saan hindi gumagamit ng salaping pangbayad ng produkto bagkus ay pagpapalitan ng produkto. Ang bansang Tsina ang kapalitan ng ating mga ninuno sa pamilihan. Dala ng mga Tsino ang porselana, banga, at seda kapalit ng produktong katutubo tulad ng pagkain at kagamitan.

SISTEMANG PANG-EKONOMIYA

MGA IKINABUBUHAY

Paggawa ng bangka/barko Paninisid ng perlasPaggawa ng alak Paghahabi ng tela Paggawa ng alahas

Page 10: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

DATU

May hawak ng pinakamataas na kapangyarihan, sinusundan ito ng Maharlika, at Timawa. Ang Datu ay hindi lamang pinaniniwalang nag mamay-ari ng kanilang sakop na lupain, kundi isang pinunong pinagkakatiwalaan ng barangay.

ALIPIN

Ang pinakamababang antas naman sa lipunang barangay noon ay ang mga Alipin. Ang mga alipin ay mauuri sa dalawa-- ang Aliping Namamahay at Aliping Saguiguilid.

TIMAWA

Pangkaraniwang mamamayan na malaya at maaaring magmay-ari ng lupa.

Page 11: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

ANO ANG IYONG MASASABI SA SISTEMA NG KANILANG EKONOMIYA?

MAY PAG-UNLAD BANG NAGANAP?

Page 12: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

PANAHON NG KASTILA

Page 13: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

MAY PAGBABAGO BA NA NAIDULOT ANG PAGDATING NG

MGA KASTILA?

Page 14: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

- Encomienda/Hacienda- Pagbabago sa sistema ng Agrikultura- Pagtatag ng mga Bagong Kompanya/Industriya- Pagbubuwis-Kalakalang Galyon- Monopolyo ng Tabako

Page 15: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

SISTEMANG REDUCCION Pinaghihiwalay ng mga Espanyol ang magkakamag-anak sa pamamagitan

ng pagpapadala sa mga ito sa ibang lupain.

SISTEMANG ENCOMIENDA

Isinailalim ng pamahalaan ng spain sa Sistemang Encomienda ang mga nasakop na lupain ng ating mga ninuno. Ang mga lupaing ito ay pinapangasiwaan ng mga encomendero. Sa panahong ito sapilitang pinagtrabaho ang mga ninuno. Ang nakukuhang produkto o kalakal ay dinadala sa Spain. Sapilitan ding pinagbabayad ang ating mga ninuno ng buwis o tributo.

SISTEMANG HACIENDA

Sa sistemang Hacienda, naabuso rin ang kalagayan ng ating mga ninuno. Hindi sila makakain ng maayos at kalupitan din lamang ang kanilang naranasan sa mga Espanyol. Sa halip na palay ang itinatanim sa mga lupaing agrikultural ng mga katutubo, mga produktong tulad ng tabako, niyog, at tubo ang ipinalit ng mga Espanyol.

KALAKALANG GALYON

Nagkaroon ng Kalakalang Galyon sa pagitan ng Maynila at Acapulco sa Mexico. Ang kalakalang ito ay monopolyo ng mga Espanyol ng naging daan upang magkaroon ang kanilang bansang dagdag na yaman. Subalit, nalugi ang kalakalang ito dulot ng mga digmaang nilahukan ng mga Espanyol ng naging sanhi rin ng paghina ng kanilang bansa.

Page 16: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

MAY PAG-UNLAD BANG NAGANAP SA EKONOMIYA NG PILIPINAS NANG TAYO’Y SAKUPIN NG KASTILA?

Page 17: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

PANAHON NG AMERIKANO

Page 18: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

ANU-ANONG PAGBABAGO ANG NAGANAP SA ILALIM NG PAMAMAHALA NG MGA

AMERIKANO?!

Page 19: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

AMERIKANO

Nilalaman ng Homestead act

Kasunduan ng bell trade act

Malayang kalakalan sa Estados Unidos

Pagbabago sa Transportasyon

Pagtatag ng mas maraming bangko at kompanya

Matatag na sistemang pananalapi na ang saligan ay gold standard

PATAKARANG PANG-EKONOMIYA

Page 20: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

1924 HOMESTEAD ACT

Inilunsad ang programa na homestead upang matugunan ang suliranin sa pabahay at paunlarin ang ilang bahagi ng mga kaayunan, Ang karaniwang bahay kubo namakikita sa lalawigan ay napalitan ng bahay na yari sa tabla, kahoy at bato. Ang iba namang pilipino ay nagsimula maging migrante sa mga malalaking lungsod upang makapagaral at maghanap buhay.

BELL TRADE ACT

Ang mga Amerikano ay malayang makakapagpasok ng kalakal sa Pilipinas nang walang limitasyon.Sa unang walong taong itinakda ng kasunduan na ito, hindi papatawan ng anumang buwis ang mga produktong Amerikanong dadalhin sa bansa.Subalit sa kabilang banda,ang Pilipino na dadalhin sa Amerika ay papatawan pa rin ng kota.Bagamat hindi ito patas sa mga Pilipino,pumayag na rin ang pamahalaan sa suporta na rin ng mga mamamayan upang maipatupad ang Rehabilitation act na ipinatupad ng Estados Unidos.

Page 21: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

TRANSPORTASYON

Ipinakilala ng mga Amerikano ang ibat ibang sasakyang panlupa,pandagat at panghihimpawid sa bansa. Pinagtuunan din ang pagsasaayos at pagsasagawa ng mga tulay, daungan , lansangan at mga Breakwater.

MALAYANG KALAKALANPatakarang pang-ekonomiya kung saan ang dalawang bansa o mahigit pa ay may kasunduan hingil sa pagpasok at paglabas ng produktong inaangkat o imports at mga produktong iluluwas o exports sa kani-kanilang bansa na walang taripa o anumang kontrol.

Page 22: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

Nakabuti ba sa atin ang mga batas na ipinatupad ng mga Amerikano kaugnay ng

malayang kalakalan?

Page 23: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

PANAHON NG HAPON

Page 24: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

ANO ANG DAHILAN NG PAGBAGSAK NG EKONOMIYA NG PILIPINAS NANG

SAKUPIN TAYO NG HAPON?

Page 25: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

HAPON

Greater East Asia Co-Prosperity Sphere

Preparatory Commission for Philippine Independence

Pamahalaang Puppet

Mickey Mouse Money

Philippine Commodities Distribution Control

HUKBALAHAP

PATAKARANG PANG-EKONOMIYA

Page 26: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

Greater East Asia Co-Prosperity SpherePinangakuan ng mga Hapones ang mga Pilipino na bibigyan ng kalayaan kung ito ay makikiisa sa patakaran nilang Greater East Asia Co-Prosperity Sphere. Binuwag ang mga partido pulitikal at itinatag ang Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas (KALIBAPI).

Pamahalaang Puppet Isang Pamahalaang Puppet ang itinatag na republika. Bagaman isang Pilipino ang pangulo, mga Hapones pa rin ang makapangyarihan. Ang mga kautusang ipinalabas ni Pang. Laurel ay hindi ipinatupad kapag hindi ito makakabuti para sa mga Hapones

Preparatory Commission for Philippine Independence Itinatag ang Preparatory Commission for Philippine Independence upang bum ng bagong Saligang Batas. Sa bisa nito, itinatag ang Ikalawang Republika ng Pilipinas sa pamumuno ni Jose P. Laurel bilang pangulo.

Philippine Commodities Distribution Control

Nagkaroon ng kakulangan sa pagkain dahil sa pagkasira ng mga taniman at sakahan. Ang presyo ng mga bilihin ay nagsitaasan. Upang mabigyang lunas ang kakulangan ng pagkain, binuo ng pamahalaan ang Philippine Commodities Distribution Control upang magrasyon ng mga pagkain.

Page 27: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

Pamumuhay ng mga PilipinoNabuhay sa takot ang mga Pilipino. Laganap sa buong kapuluan ang walang awang pagpaparusa at pagpatay sa mga Pilipino. Naging instrumento ng kalupitan ng mga Hapones ang mga Kempeitai (pulis-militar) at MAKAPILI (Pilipinong maka-Hapon).

Comfort WomenMaraming mga babae ang naging biktima ng panggagahasa ng mga sundalong Hapones. Sila ay tinawag bilang mga comfort women. Noong una, ayaw aminin ng pamahalaang Hapon ang gawaing ito, hanggang sa naglakas-loob na inihayag ni Maria Rosa Henson (Lola Rosa) kaniyang karanasan noong 1992.

Mickey Mouse MoneyIpinatupad ng mga Hapones ang paggamit ng mga bagong salaping papel. Tinawag ito ng mga Pilipino bilang Mickey Mouse Money sapagkat halos wala itong halaga. Ang isang salop ng bigas ay nagkakahalaga ng isang bayong na pera.

Kilusang GerilyaDahil sa kalupitan ng mga Hapones, maraming mga Pilipino ang sumali sa kilusang gerilya. Ito ay itinatag ng mga dating kawal na Pilipino at Amerikano. Ang iba sa kanila ay itinatag ng mga dating pinuno ng bayan o lalawigan.

Page 28: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

Naging maunlad ba ang Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga

Hapon?

Page 29: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

PANAHON NG REPUBLIKA (MALAYANG PILIPINAS)

Page 30: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

Pangulong

1

M _ aea Rn xl ou s_ _________

Page 31: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

ADMINISTRASYONG ROXAS

Sistema sa Tenant Farming

Parity Rights

Rehabilitation and Finance Corporation

Philippine Trade Act

Page 32: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

Sistema sa Tenant Farming

70 % ng ani - mapupunta sa nagmamay-ari ng lupa at ang naiwang bahagi ay ilalaan para sa mga magsasaka. Ginawa ito para mapalakas ang kapakanan ng magsasaka at mahihirap sa kanyunan.

Parity Rights Pagbibigay ng pantay na karapatan sa mga Pilipino at Amerikano sa paggamit ng likas na kayamanan ng Pilipinas.Maraming mahalagang economic activities, gaya ng pagmimina, paggawa ng mga beverage, at iba pa ay nanatiling nasa kontrol ng mga Amerikano.

Rehabilitation and Finance Corporation Itinatag din sa panahon ni Roxas upang mamahala sa distribusyon ng mga pautang at tulong na ipinagkaloob ng Estados Unidos sa rehabilitasyon ng ating bayan. 

Philippine Trade Act

Isang kasunduan na militar ang nilagdaan noong 1947 na nagtakda sa Estados Unidos ng 99-taong pag-uupa sa mga piling base militar sa bansa (binawasan ito ng 25 taon noong 1967).

Page 33: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

Nakakatulong ang mga programa ni Manuel A. Roxas sapagkat iniahon niya muli ang ang mga industriyang winasak ng digmaan.

Pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig noong 1946, isa sa mga pangunahing suliranin ng Pilipinas ay ang pagbabangon sa bumagsak na ekonomiya ng bansa. Winasak ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong 1941-1945 ang malalawak na lupain na pinagkukunan ng kabuhayan ng mga Pilipino. Upang makabangon at makapagsimula ng bagong sistema, humingi si Pangulong Manuel Roxas ng tulong sa Estados Unidos para simulan ang malawakang pagbabago sa ekonomiya ng bansa.

Konklusyon:

Page 34: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

Pangulong

2

_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _d nl u rip oi iE io Q

Page 35: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

ADMINISTRASYONG QUIRINO

Ama ng

Industriyang Pilipino Programang Pangkaunlaran

Philippine Expeditionary Forces To Korea

(PEFTOK)

Economic Development Corps (EDCOR)

Page 36: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

Ama ng Industriyang Pilipino

Pinagtuunan ng pansin ng Administrasyong Quirino ang pagpapaunlad ng ekonomiya sa pamamagitan ng industralisasyon.

Mga Programang Pangkaunlaran

Pagpapagawa ng mga farm-to-market roadsPagtatatag ng Central Bank of the Philippines

Pagpapalabas ng Magna Carta of Labor at Minimum Wage Law upang mapabuti ang kalagayan ng mga manggagawa

Philippine Expeditionary Forces To Korea (PEFTOK)

Bilang pakikiisa sa paglaban ng komunismo, nagpadala ang Pilipinas ng mga kawal upang makipaglaban sa Digmaan sa Korea (1950-1953). Isa sa mga

kawal na ipinadala sa Korea ay si dating pangulong Fidel V. Ramos.

Economic Development Corps (EDCOR)

Sa ilalim ng programang ito, lahat ng susukong kasapi ng Huk ay bibigyan ng kapatawaran at pagkakalooban ng lupang masasaka.

Page 37: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

Naging matagumpay ang kampanyang pangkapayapaan ng Administrasyong Quirino, subalit nabigo ang kanyang mga programang

pangkaunlaran sapagkat laganap ang katiwalian sa pamahalaan. Dahil dito, siya ay natalo sa sumunod na halaan noong 1953 ni Ramon

Magsaysay.

Konklusyon:

Page 38: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

Pangulong

3

__ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _n ygm so y aaMaa sR

Page 39: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

ADMINISTRASYONG MAGSAYSAY

Social Security Act

Tulong sa mga Magsasaka

Pagpapa-unlad sa mga Baryo

Pakikipag-ugnayan sa Ibang Bansa

Page 40: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

Social Security ActSa bisa ng batas na ito, itinatag ang Social Security System (SSS) noong Hunyo 18, 1954. Layunin nito na bigyan ng kapanatagan ang mga kawani sa pribadong sektor. Ilan sa mga pakinabang nito ang tulong sa pagpapagamot, pabahay, pautang at pensyon sa pagreretiro.

Tulong sa mga MagsasakaSa ilalim ng Land Tenure Law, bibilhin ng pamahalaan ang mga malalaking hacienda upang maipamahagi sa mga magsasaka ng hulugan.Itinatag din ang Agricultural Credit and Cooperative Financing Administration (ACCFA) at Farmer’s Cooperative Marketing Association (FACOMA) upang matulungan ang mga magsasaka sa suliraning pinansiyal.

Pagpapa-unlad sa mga Baryo

Ipinag-utos ni Pang. Magsaysay ang pagpapatayo ng mga poso at patubig

upang mapabilis ang pag-unlad sa mga baryo.

Naglunsad ng pananaliksik ukol sa makabagong sistema ng pagsasaka at

mga bagong uri ng binhi tulad ng Masagana.

Pakikipag-ugnayan sa Ibang Bansa

Ang PCAC ay nagbigay ng pagkakataon sa mga karaniwang tao upang mag-abot ng kanilang hinaing sa pangulo. Nagpunta din siya sa mga nayon upang makihalubilo sa mga karaniwang tao. Dahil dito, nakilala siya bilang Kampeon ng Masa.

Page 41: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

Pangulong

4

_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _rl cra as GC o a i

Page 42: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

ADMINISTRASYONG GARCIA

Austerity Program

Filipino First Policy

Pagpapalaganap ng Kulturang Pilipino

Military Bases Agreement

Page 43: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

Austerity Program (Programa sa Pagtitipid)

Layunin nito na mahikayat ang mga Pilipino na mamuhay ng simple at matipid.Hinihikayat din nito ang pamahalaan na maging matalino sa paggasta.

Filipino First Policy (Programang Pilipino Muna)Layunin nitong bigyan ng prayoridad ang mga Pilipino sa pagkakamit ng lupa, puhunan at pangangasiwa sa negosyo bago ang mga dayuhan. Hinihikayat din nito ang mga Pilipino na tangkilikin ang mga kalakal na gawa sa Pilipinas.

Pagpapalaganap ng Kulturang PilipinoLayunin nitong buhaying muli ang ilang mabubuting kaugalian ng mga Pilipino tulad ng kasipagan, delicadesa at pagkamasinop.Hinimok nito ang pagtatanghal ng Bayanihan Dance Troupe sa iba’t ibang bansa.

Military Bases AgreementLayunin nitong magkaroon ng mga pagbabago sa unang kasunduan tungkol sa isyu ng mga base militar ng Amerika sa Pilipinas.Pagpapaigsi sa pananatili ng mga base militar sa Pilipinas ng 25 taon mula sa orihinal na 99 taon.

Page 44: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

Konklusyon:Hindi lubos na nagtagumpay ang mga programa ni Pang. Garcia upang maging maayos ang buhay ng mga Pilipino. Naging laganap ang katiwalian sa pamahalaan. Nagkaroon din ng krisis pampulitika sa hanay ng Partido Nasyonalista. Dahil dito, tinalo siya ng kanyang pangalawang pangulo na si Diosdado Macapagal sa halalan noong 1961.

Page 45: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

Pangulong

5

_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _oo a adD pc lds a a ai M g

Page 46: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

ADMINISTRASYONG MACAPAGAL

Siya ang may-akda ng Batas ng Kalusugang Rural (Rural Health Law) at ng Batas hinggil sa Naangkop na Mababang Sahod (Minimum Wage Law).

Inilunsad niya ang Kodigong Pangrepormang Panlupang Pansakahan (Agricultural Land Reform Code) at nilinis ang katiwalian sa pamahalaan.

Kabilang sa kaniyang mga nagawa ang pagpapakalat ng Pambansang Wika, ang pagbabago ng petsa ng Araw ng Kalayaan mula Hulyo 4 na naging Hunyo 12, at sa pagbubuo ng Maphilindo sa Kasunduang Maynila.

Kilala rin siya sa pagkakaroon ng nasyonalisasyon ng pagtitingi (retail) at dahil sa Panukalang Batas na Pangrepormang Panglupa.

Page 47: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

Tinawag na dekontrol ang patakarang pang-ekonomiya ni Pang. Macapagal dahil sa pagkontrol ng inaangkat at salaping dayuhan na nagdulot ng malaking depisit sa balanse ng pandaigdigang bayarin ng Pilipinas. Dahil dito, nagkaroon ng pagbagal sa pag-unlad ng produktong inililuluwas.

Konklusyon:

Page 48: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

Pangulong

6

_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _nne oaa sdr rdi cF M

Page 49: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

ADMINISTRASYONG MARCOS

Paglinang sa

Kulturang Pilipino

Proyektong Imprastruktura

Programa sa Reporma sa Lupa

Green Revolution

Page 50: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

Programa sa Reporma sa LupaLahat ng may-ari ng lupa na natatamnan ng bigas at mais ay inutusang hatiin ang labis nilang lupain. Ito ay ibibigay sa mga magsasakang walang lupa na kanilang babayaran sa pamahalaan sa loob ng labinlimang (15) taon.

Proyektong ImprastrukturaMaraming mga patubig, daan at tulay ang naipatayo noong administrasyong Marcos. Kabilang dito ang Maharlika Highway, Marcos Highway at San Juanico Bridge. Dahil dito, tinawag siya bilang “The Architect of the New Society”

Green RevolutionItinaguyod ni Pang. Marcos ang pagsasaliksik sa mga bagong paraan para sa pagpaparami ng pagkain. Ipinag-utos niya ang paggamit ng miracle rice na kayang magbunga ng mahigit 100 kaban ng palay sa bawat ektarya ng lupa.Hinikayat din ng pamahalaan ang pagtatanim ng gulay sa mga bakuran, gusaling pampamahalaan at mga bakanteng lote.

Paglinang sa Kulturang Pilipino

Sa pangunguna ni Gng. Imelda Marcos, naitayo ang Cultural Center of the Philippines at Folk Arts Theater. Layunin ng mga proyektong ito na makilala sa buong mundo ang sining ng mga Pilipino.

Page 51: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

Konklusyon:Naging maayos ang pamamahala ni Pang. Marcos sa unang termino ng kanyang panunungkulan (1965-1969). Ngunit sa pagtatapos ng kanyang ikalawang termino, dumanas ng matinding krisis pampulitika at pang-ekonomiya ang Pilipinas. Dahil dito, ipinatupad ni Pang. Marcos noong Sept. 21, 1972 ang Batas Militar. Dito nagwakas ang Ikatlong Republika ng Pilipinas.

Page 52: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

Pangulong

7

_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _o o on nAar qz uC i

Page 53: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

ADMINISTRASYONG AQUINO

Libreng Edukasyon sa Elementarya at Secondarya

Paglikha ng Bagong Saligang Batas

Karapatan sa

Pagboto

Pagbawi sa mga nakaw na yaman ng mga Marcos

Page 54: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

Paglikha ng Bagong Saligang BatasIpinag-utos ni Pang. Aquino ang pagbuo ng Constitutional Commission upang gumawa ng bagong Saligang Batas. Natapos ito noong Sept. 2, 1986 at sinang-ayunan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng isang plebisito noong Peb. 2, 1987. Tinawag itong Saligang Batas ng 1987.

Karapatan sa Pagboto

Muling ibinalik sa mga Pilipino ang karapatang pumili ng kanilang mga pinuno sa loob ng mahabang panahon. Ginanap ang unang halalan sa ilalim ng bagong saligang batas noong Mayo 11, 1987. Ito ang unang malayang halalan makalipas ang 15 taon.

Pagbawi sa mga nakaw na yaman ng mga Marcos

Itinatag ng pangulo ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) upang muling mabawi ang mga yaman ng bansa na ninakaw ng pamilya Marcos. Tinatayang aabot sa 10 bilyong dolyar ang nawala sa kaban ng bayan noong panunungkulan ni Pang. Marcos.

Page 55: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

Konklusyon:

Bagamat maari pa, hindi na muling tumakbo sa pagkapangulo si Corazon Aquino sa sumunod na halalan noong 1992. Nanatili na lamang siyang aktibo sa mga gawaing pansibiko matapos magretiro. Pumanaw siya noong Aug. 1, 2009 na ipinagluksa ng buong bansa. Kinikilala siya ng mundo bilang Ina ng Demokrasya.

Page 56: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

Pangulong

8

_ _ _ _ _ _ _ _ _ _F sle ad mi oR

Page 57: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

ADMINISTRASYONG RAMOS

Philippines

2000

Special Economic Zones (SEZ)

National Unification Commission (NUC)

Oplan Alis Disease

Page 58: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

Philippines 2000Layunin ng programang ito na makamit ang kaunlarang pang-ekonomiya at

mapabilang ang Pilipinas sa mga newly industrialized country (NIC) sa taong 2000.

Special Economic Zones (SEZ)Ito ay ang pagtatakda ng mga lugar sa Pilipinas bilang sentro ng

industriyalisasyon at kalakalaan. Kabilang dito ang mga dating base-militar ng mga Amerikano sa Subic at region ng CALABARZON.

Layunin ng samahang ito na makamit ang pambansang pagkakaisa sa pamamagitan ng pakikipagkasundo sa mga kalaban ng pamahalaan tulad ng mga rebeldeng sundalo at mga miyembro ng NPA at MILF. Naging matagumpay ito ng makipagkasundo ang mga kasapi ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa pamahalaan noon Sept. 2, 1996.

National Unification Commission (NUC)

Oplan Alis Disease Layunin ng programang ito na malutas ang suliranin ng bansa sa kalusugan. Pangunahing proyekto nito ang pagbibigay ng libreng bakuna upang masugpo ang epidemya ng sakit tulad ng polio, tuberculosis at tetanus. Namigay din ito ng mga libreng gamot at serbisyo medikal sa mahihirap.

Page 59: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

Konklusyon:

Dahil sa pagsusumikap ni Pang. Ramos, unti-unting umangat ang ekonomiya ng bansa. Noong Nobyembre 25, 1995 nailathala sa NEWSWEEK Magazine ang Pilipinas bilang Asia’s New Tiger. Dahil dito, binansagan si Pang. Ramos bilang “Tiger Eddie”.

Page 60: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

Pangulong Joseph Estrada

Page 61: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

ADMINISTRASYONG FIDEL

Paglikom ng pondo

para sa pamahalaan.

Angat Pinoy 2004

Asset Privatization Trust

Enhanced Retail Access for the

Poor (ERAP)

Page 62: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

Angat Pinoy 2004

Layunin ng programang ito ang pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan (basic services) ng mga Pilipino tulad ng edukasyon, kalusugan at seguridad. Ito ay sinasabing pro-poor ngunit pro-market.

Asset Privatization Trust

Ito ang pagsasapribado ng mga kompanya ng pamahalaan upang makalikom ng salapi para sa pangangailangan ng bansa.

Enhanced Retail Access for the Poor (ERAP)

Nagtayo ito ng mga rolling stores na nagbebenta ng murang bigas, asukal at iba pang pangangailangan ng mga Pilipino.

Page 63: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

Konklusyon:

Noong Sept.2007, napatunayan ng Sandiganbayan na si Joseph Estrada ay nagkasala sa kasong plunder at nahatulan ng 40 taong pagkakabilanggo. Subalit makalipas ng anim na linggo, siya ay binigyan ni Pang. Arroyo ng executive pardon.

Page 64: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

PangulongGloria Macapagal-Arroyo

Page 65: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

ADMINISTRASYONG ARROYO

Pagsugpo

sa kahirapan.

Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan (KALAHI)

Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan (KALAHI)

Strong Republic Nautical Highway (RORO)

Page 66: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan (KALAHI)

Programang nilikha upang labanan ang kahirapan sa bansa.Layunin nitong tulungan ang mga Local Government Units (LGU) na mapabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan.

Self-Employment Assistance – Kaunlaran (SEA-K)

Strong Republic Nautical Highway (RORO)

Naglalayong pautangin ng puhunan ang mga Pilipinong walang hanapbuhay para sa pagsisimula ng negosyo.

Naglalayong pautangin ng puhunan ang mga Pilipinong walang hanapbuhay para sa pagsisimula ng negosyo.

Page 67: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon

Konklusyon:

Sa ilalim panunungkulan ni Pang. Arroyonaganap ang mga pandaigdigang pagpupulong ng mga bansa sa Asya tulad ng ASEAN Summit sa Cebu. Nangako din si Pang. Macapagal-Arroyo na tutulungan ang mahihirap, paunlarin ang ekonomiya, at lalabanan ang krimen.

Page 68: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon
Page 69: Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon