36
Kultura sa Araling Filipino AFL 520d:S 11nu – 2.45nh Ika-7,8 at 9 na linggo Malayang talakayan, indibidwal at panggrupong Gawain RADYO KALINANGAN/ KONTRA KULTURA

Radyo kalinangan

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Mga Tungkulin ng mga Kadre sa Larangan ng Kultura ng PAKSA at NPAA ni Jose Ma. Sison Paglingkuran ang Sambayanan: Ang Sining at Panitikan sa Gitna Rebolusyunaryong Masa tungo sa Pambansang Demokrasya ni Epifanio San Juan Jr. Mga Bagay-Bagay: Perspektibo, Realism at Nasyonalismo ni Rolando B. Tolentino

Citation preview

Page 1: Radyo kalinangan

Kultura sa Araling Filipino AFL 520d:S 11nu – 2.45nh Ika-7,8 at 9 na linggo Malayang talakayan, indibidwal at panggrupong Gawain RADYO KALINANGAN/ KONTRA KULTURA

Page 2: Radyo kalinangan

Mga Babasahin

! Mga Tungkulin ng mga Kadre sa Larangan ng Kultura ng PAKSA at NPAA ni Jose Ma. Sison (dec.18-19,1971)

! Paglingkuran ang Sambayanan: Ang Sining at Panitikan sa Gitna Rebolusyunaryong Masa tungo sa Pambansang Demokrasya ni Epifanio San Juan Jr.

! Mga Bagay-Bagay: Perspektibo, Realism at Nasyonalismo ni Rolando B. Tolentino, sipat kultura

Page 3: Radyo kalinangan

Panulat para Kaunlaran ng Sambayanan (PAKSA)

! mga tungkulin ng mga kadre sa larangan ng kultura ng PAKSA at NPAA ni Jose Ma. Sison (dec.18-19,1971)

Page 4: Radyo kalinangan

Nagkakaisang Progresibong Artista-Arkitekto (NPAA)

! paksa – progresibo at makabagong organisasyon, mga manunulat, kritiko, guro’t estudyante ng panitikan, buo ang kapasyahan maglingkod sa sambayanan

!  

Page 5: Radyo kalinangan

!   “Ang rebolusyonaryong kultura ay isang makapangyarihang sandata sa rebolusyon ng malawak na masa sambayanan. Inihahanda nito ang larangan ng ideolohikal bago sumapit ang rebolusyon: ito ay isang mahalaga at tunay na kinakailangangang larangan ng pakikibaka sa pangkalahatang rebolusyunaryong larangan sa panahon ng rebolusyon.” – Mao Zedong

Page 6: Radyo kalinangan

Mga Konsepto ng Pambansang Demokrasya

! muling hubugin ang inyong makauring pananaw at pasiglahin ang pamumuna

! lipunang mala-kolonyal at mala-piyudal

! kulturang burges at piyudal

! pabulusok na imperyalismo

! sumusulong na sosyalismo

Page 7: Radyo kalinangan

Lagyan ng Rebolusyunaryong Nilalamang Maka-uri

!   Sa sanaysay ay maliwanag na kailangang magkaroon ng sasabihing isang malinaw na ideolohiya at linyang pampulitika. Sa sanaysay, lubos na nakapagpapahayag ang rebolusyonaryo, kilusang pangmasa. Di maiiwasan ang anyong io ay laging nagsisilbing pinakahayag na sandata sa pagsalakay sa kaaway at pagtatanggol sa sambayanan.

Page 8: Radyo kalinangan

Maikling Kwento at Nobela

! Ang maikling kwento maikli man o mahaba, ang mga kathang isip ay kailangang gamitin ng mga rebolusyunaryong manunulat sa paglilingkod sa sambayanan. Lubhang napapabayaan ang nobela at ang malinaw na dahilan ay sapagkat kailangang sinulat ito nang matagal

Page 9: Radyo kalinangan

Dula

! Ang dula ang siyang pinakamasugid ang pagtangkilik at pinakahinihingi ng rebolusyunaryong kilusang pangmasa sa kasalukuyan.

!  

Page 10: Radyo kalinangan

Huwarang Akda

! Palaganapin ang huwarang akda nang mapagibayo ang daluyong ng rebolusyunarong panitikan. Lubhang mahalaga ang panunuri at paglalagay sa konkretong kalagayan sa larangan ng panitikan sa bawat yugto

!  

Page 11: Radyo kalinangan

Paglingkuran ang Sambayanan: Ang Sining at Panitikan sa Gitna Rebolusyunaryong Masa tungo sa Pambansang Demokrasya

Page 12: Radyo kalinangan

!   Si Balagtas ba’y naisabantayog ng panahon upang maging sagabal lamang, palamuti kaya o ordinaryong tanda sa kalendaryo ng surian?

!  

Page 13: Radyo kalinangan

Ang Maskara ng Katotohanan sa Salamin ng Awit

! Ang porma ng awit ni Balagtas… ay siyang tumpak at

matingkad na repleksyon ng kalagayan ng tao noong dantaon 16 hanggang dantaon 18. Ang kultura ng Espanya ikinalat dito ay tahasang medyibal, tigib ng oskurantismo, mistipikasyon at mistisimong minana pa sa mga madilim na epoka ng barbarism sa Europa.

!  

Page 14: Radyo kalinangan

Bakit buhay pa at patay na si Balagtas

! Katulad ni Jose Rizal, si balagtas ay maituturing na matapat na nilalang sa kanyang panahon. Walang taong makaiiwas sa impluwensya ng mga lakas na materyal at ispiritwal na makapangyayari sa bawat lipunan sa kasaysayan. Nagbabago ang panahon at ang mundo, nagbabago rin ang kahilingan ng tao at pangangailangan ng lipunan.

Page 15: Radyo kalinangan

Pahimakas kay Selya sa pagbabagong-buhay

!   Sa yugtong ito ng ating kasasyayan, nararapat

pangatawanan ng manlilikha sa iba’t ibang larangan ng sining ang pagtulong sa rebolusyon ng nakakaraming mamayan tungo sa pagtatatag ng pambansang demokrasya sa pamumuno ng proletaryo.

Page 16: Radyo kalinangan

Abakada ng Pagbabalikwas

! Sapagkat kung ano ang katotohannag natuklasan nina Marx at Engels tungkol sa mga pagbabagong pangkasaysayan na siyang mga batas at konseptong sumasaklaw sa lahat ng mga nangyayari sa lipunan, siya ring katotohanan sa estetikong pagbabago’t kaunlaran, palibhasa’y ang estetiko ay bahagi lamang ng mayama’t masiglang kabuuhan ng isang lipunan.

Page 17: Radyo kalinangan

Ano ang dapat gawin?

!   Sa rebolusyonaryong sining, ang pagiging pagkamakatotohanan ay di maihihiwalay sa paniniwala sa kakayahan ng tao, sa potensyal na lakas ay siyentipikong dunong ng uring manggagawa upang makamalayang mapamahalaan at makontrol ang pagbabago sa lipunan at direksyon ng kasaysayan.

Page 18: Radyo kalinangan

Lipunan, Sining at Kasaysayan

!   Sa pagsusuma, ang sining bilang makatotohnan at makataong repleksyon ng mahalgang pangyayari sa buhay ng tao sa lipunan ay siyang sumasalamin sa nag-aaway na lakas at kung ito nga’y makatotohanan, mabisang naglalantad ng pagkabulok at paglaho ng mga lakas na wala ng pag-asa- ang mga uring asendero, komprador at burukrata-kapitalista at mapasok na paglulunsad at pagwawagi ng lakas na papatnubay sa magandang kinabukasan ng lipunan: ang pinagbigkis na lakas ng mag progresibong mangagagwa, magbubukid, peti-burgesyang intelektwal at makabayang burgesya sa pamumuno ng proletaryong lapian.

Page 19: Radyo kalinangan

Tao muna bago ang lahat

! Ang tao ang lumulikha ng kanyang kasaysayan – ito ang pinakabuod ng agham na materyalismong dialektikal. Katambal ng humanistikong tradisyong kinatigan ng mga propagandista ng La Solidaridad at nina Rizal, Bonifacio, Apolonario Mabini atbp. Ang pilosopiya nina Marx at Lenin ang siyang makapangyarighang kasagutan sa masaklaw na alyenasyong sumisira sa ordeng pyudal at kapitalista…

Page 20: Radyo kalinangan

Ang teorya ng Tipo at Tipikal sa panunuri

! Lahat ng tao ay may dalawang kasaysayan sapagkat ang

bawat isa’y isang tipo na may kasaysayanag sosyal at isa ring Indibidwal na may kasasayasang personal. Sa makatotohanang representasyon ng materyal na kapaligiran at sa paglalarawan ng konkreto’t masalimuot na pangyayari sa kasaysayan, lumikha ang artist ng mga tipikal na tauhan, aksiyon, karanasan at sitwasyong sinla sa buhay niya o ng kapwa tao.

Page 21: Radyo kalinangan

Sa ilalim ng Pulang Bandila

! Ang pundamental na katanungan sa teorya ng panunuri’t estetika ay ito: para kanino ang sining at panitikan-sino ang pinaglilingkuran nito?

!   …ang sining at panitikan ay para sa masa: sa mga manggagawa, magbubukid, sa taumbayan.

!   Kung ang sining at panitikan ay para sa masa, dalawang layunin ay dapat balikatin: una, ang popularasyon o pagpapalaganap ng akdang may diwang makapagpapasigla sa rebolsuyon…pangalawa, ang pagtataas sa istandard ng mga akda.

Page 22: Radyo kalinangan

Tungo sa Dalampasigan ng Bagong Daigdig

!   “pakikibaka-pamumuna-transpormasyon” dapat

maituturing ng oryentasyon sa linyang panlabas.

!   “kaisahan-pamumuna-kaisahan” sa mga linyang panloob na linya sa pangangasiwa ng nagkakaisang hanay

Page 23: Radyo kalinangan

Mula sa Masa, Tungo sa Masa

! ang halaga ng sining ay nasa sa epekto nito sa praktikang panlipunan.

! Ang proletaryong kultura ay maningning na nagpapatuloy sa mag pinakamabuti’t pinakamahalahang katangian ng mga nalikha ng tao sa lumipas na panahon ng tatlong lipunang alipin, pyudal, kapitalista. Ang sining at panitikang na linyang pangmasa, na siyang sandigan ng proletaryong kultura, ay gumagamit ng mga progresibong sangkap sa hanay kultura upang maipagpatuloy sa ibang kaayusan ang mabubuting bahagi ng nakaraan at mawasak ang ibanag masanay bahagi at nang sa gayo’y makabuo ng bago, makatao’t mapagpalayanag kabulugan.

Page 24: Radyo kalinangan

Pabati sa Silahis ng Bukang Liwayway

! Ang mabanying pananagutan at tungkulin ng artist

ngayon ay ang paglalahad ng katotohanan na siyang magiging tanglaw at patnubay niya sa lahat ng sandali.

Page 25: Radyo kalinangan

mga bagay-bagay: perspektibo, realism at nasyonalismo ni

Rolando Tolentino

Page 26: Radyo kalinangan

pagmumuni-muni ng makasakay sa karwahe

! Noli Me Tangere ni Jose Rizal

! kabanata 8 – mga alaala

! kabanata 9 – mga bagay-bagay ng bayan

Page 27: Radyo kalinangan

! sa perspektiba ng nagsasalaysay kung saan naaninag ng mambabasa ang naratibo, ay doble ang isinusulat na kwento. Ang una ay ang literal na kwento (kung ano ang kanyang iniisip hinggil dito) kung ano ang natatanaw ni Ibarra sa kanyang paglalakbay. Ang ikalawa ay ang pagpasok ng nagsasalaysay – third person omniscient o ang kamalayan sa mga natatanaw.

Page 28: Radyo kalinangan

Doble bista ng perspektibo

!   May dalawang perspektiba sa naratibo ng nobela – una, ang pananaw ni Ibarra na nagpapakita ng posibilidad at kakitiran ng lente na perspektiba, ikalawa, ang tagapagsalaysay, ang parating nakamatyag kay Ibarra, na nagbibigay ng mga detalyeng nagdidiin at nagpapakawala sa unang perspektiba. May dalawang paraan ng pagkasulat ng nobela – una, ang kamalayan ni Ibarra na nagsusulat ng lwento o batay sa nostalgia sa liberal na kinagawian at kaisipan sa Europa; ikalawa, ang panlipunang kamalayan na nagkukwento ng mga detalyeng nagbibigay ng mas malawak ang kontexto sa kamalayan ni Ibarra.

Page 29: Radyo kalinangan

Historikal na Realism at Historikal na Realidad

! Ang komplexidad ng perspektiba, pagkasulat at pagbasa

ng mga akda ni Rizal ay nagpapahiwatig ng pagpasok ng realismo bilag moda ng artistiko at panlipunang expresyong sinsambit ng naratibo.

Page 30: Radyo kalinangan

!   At dahil may exposure naman si Rizal sa kanyang pagbiyahe sa ibang bansa sa realismo at modernistang nobela, tila may pagsasanib ginawa para sa mga noblea. Ang unang perspektibang napatunayang limitado ay may pagka-modernista sa pagninilay-nilay na tilad daloy ng kamalayan (stream of consciousness) kahit pa argumetasyon ang pangunahing gamit nito sa mga kabanata. Ang ikalawang perspektiba, ang mga kakayahang makapagpaliwanag ng kontexto ng nauna ay mas hayagang gumagamit ng realismo – bumabanggit ng mga detalye, magpahiwati ng kontradiksyon sa mga obhetibong pisikal na kapaligiran at subjective na pansariling kamalayan.

Page 31: Radyo kalinangan

Perspektiba at Essayistic Mode

! Mahalagang i-implicate si Rizal sa diksurso ng perspektibo dahil ang kayang stilo ng paglalahad ng perspektibo at kamalayan ni Ibarra ang nagamit ng essayistic mode ng panulat. Ibig sabihin ipinapasok ni Rizal sa kamalayan ni Ibarra ang kanyang mga idea hinggil sa nasyonalismo at pagkabansa. At mula sa kamalayan ni Ibarra, hinihimok ang mambabasa hinggil sa ganitong larangan ng paniniwala wala pati na ang mag kontradiksyong kaakibat nito.

Page 32: Radyo kalinangan

Kasal ng Realismo at Romantisismo

! Kaagad nang sinambulat ng produksyon ng popular na panitikan ang kasal (weeding) ng romantisismo at realismong may palamang modernism. Kung gayon, ang pambansang panitikan ay kaagad na paloob sa kontradiksyong isinawalat ng modernsimo. May pesimismo sa mismong mga kamalayang inihahayag sa panitikan. Ang tinutukoy ko rito ay hindi lamang ang “pagpula ng silangan” bilang wakas na imahen ng mag akda bilang paghudyat sa tagumpay ng pag-aaklas ng mamamayan. Maaring ang mismong pesimismo sa konstruksyon ng pagduda at pusibilidad ng tagumpay – dahil mga sa aktwal na realdiad ay nagbabadya ng sukdulan at malawakang pagtatagumpay ng mamamayan laban sa isang sistematikong mga mapanupil na makinaryang kolonyalismo.

Page 33: Radyo kalinangan

Essayistic Mode sa Pambansang Panitikan

!   May essayistic mode ang pambasang panitikan,

nanghihimok ito ng opinion ng mambabasa hinggil sa nosyon ng katarungan, demokrasya, pakikibaka, politika at kultura. Sa maraming pagkakataon pa nga, ito ay tila naguutos ng mga dapat gawin. Kung susuriin ang maraming kritisismong pampanitikan, ang essayistic mode ay nakapaloob sa kaparaanan ng imperative function-pautos kung magsalita ang tibig ng sanaysay o ang perspektibong gamit nito. Ang mga pangungusap ay tadtad ng “dapat” at “kailangan.”

Page 34: Radyo kalinangan

Pagkalusaw ng Realism at Realidad sa Modernism

! Dugo at Utak ni Cornelio Reyes

! Lohika ng Bula ng Sabon ni Luna Sicat

! Tahimik man o nagsusumigaw, ang panitikan ay may paghihimok – mula sa perspektibo ng tauhan at manunulat sa mambabasa na gulantangin ang kanyang posisyon sa lipunan, ipakita at ipaunawa na ang mismong posisyon ng mambahasa ay hingi naman talaga isang stableng bagay.

Page 35: Radyo kalinangan

Sakop at Igpaw ng Panitikan

! Ang logos ng nasyonalismo, sa aking palagay, ay nakabatay sa adhikain ng ganap at tunay pagbabagong panlipunan. Masasabing tatlong klase ng nasyonalismo: una, demokratikong nasyonalismo na naglalayon ng malawakang pagbabago ng sistemang panlipunan. Ikalawa, ang burgis na nasyonalismo na naglalayon lamang ng pagpapalit ng mga personahe, hindi ng politika na kalakaran. At ikatlo, ang opisyal na nasyonalismo batay sa diskarte ng nanunungkulang pangulo tulad ng Bagong Lipunan ni Marcos, Moral recovery ni Aquino, Philippine 2000 ni Ramos, Angat Pinoy ni Estrada at may Gloria ang Bukas ni Arroyo.

Page 36: Radyo kalinangan

Tunggaliang Nasyonalismo sa Panitikan

! Ang tunggalian ng tatlong klase ng nasyonalismo ang

sanhi ng patuloy ng batbatan at bangayan kung sino ang tunay na kinatawan nito. Ang nasyonalismo ay ideya lamang na sumasagi sa emotive na antas ng indibidwal at ng kolektibo at kinakailangan ng aktwalisasyon sa mga inimbentong virtual, muli’t muling pagdidiin, information dissemination, konkreto at panapanahong nakakamit na layunin.