View
27
Download
2
Embed Size (px)
Citation preview
Hindi mo ito
GAGAWIN
Lesson 13
1. Tunay ba na ang mga tuntuning
pang-kalusugan ay kabahagi ng
totoong relihiyon ng Biblia?
“Minamahal, aking
dinadalangin na sa
lahat ng mga bagay
ay guminhawa ka at
bumuti ang iyong
katawan, na gawa
ng pagginhawa ng
iyong kalulusa.”
3 Juan 2.
2. Bakit nagbigay ang Dios ng tuntuning
pangkalusugan sa Kaniyang bayan?
• “At iniutos ng Panginoon sa
amin na gawin ang lahat ng
mga palatuntunang ito… sa
ikabubuti natin kailan man,
upang ingatan niya tayong
buhay.”
Deuteronomio 6:24.
• “At inyong paglilingkuran
ang Panginoon ninyong Dios,
at Kaniyang babasbasan ang
iyong tinapay at ang iyong
tubig; at aking aalisin ang
sakit sa gitna mo.”
Exodo 23:25
3. Ang mga
tuntunin ba ng
Dios para sa
kalusugan ay
may kinalaman
sa pagkain at
pag-inom?
“Magsikain kayo ng
mabuti.”
Isaias 55:2
“Kaya kung kayo’y
nagsisikain man,
nagsisiinom man or
anoman ang inyong
ginagawa, gawin
ninyo ang lahat sa
ikaluluwalhati ng
Dios.”
1 Corinto 10:31
4. Ano ang
ibinigay ng Dios
na pagkain para
sa tao noong
sila’y Kaniyang
nilalang?
“At sinabi ng Dios, Nario, ibinigay ko sa inyo ang bawa’t pananim na nagkakabinhi,…
at ang bawa’t punong kahoy…na nagkakabinhi.” “Sa lahat ng punong kahoy sa halaman ay makakakain ka na may kalayaan.”
Genesis 1:29; 2:16
5. Anong mga bagay
ang payak na
tinutukoy ng Dios
bilang marumi at
ipinagbabawal?
A.
Lahat ng mga
hayop na hindi
baak ang paa na
ngumunguya
(Deutoronomio 14:6)
B.
Lahat ng mga isda
at ng nasa tubig
na walang mga
kaliskis at mga
palikpik.
(Deuteronomio 14:9)
C. Lahat ng mga ibong naninila, kumakain ng laman, at kumakain ng isda
Levitico 11:13-20
D. Karamihan sa mga “umuusad” ay hindi rin malinis Levitico 11:21-47
6. Subalit gusto kong
kumain ng karneng –
baboy. Sisirain ba
ako ng Dios kung
aking kakainin ito?
“Sapagkat, narito, ang
Panginoon ay darating na
may apoy,…at sa
pamamagitan ng kanyang
tabak, sa lahat ng mga tao: at
ang mapapatay ng Panginoon
ay magiging marami. Silang
ngangapapakabanal, at
nangapapakalinis na
nagsisiparoon sa mga
halamanan, sa likuran ng isa
sa gitna, na nagsisikain ng
laman ng baboy, at ng
kasuklamsuklam, at ng daga;
silay darating sa isang wakas
na magkakasama, sabi ng
Panginoon.”
Isaias 66:15-17
7. Subalit hindi ba ang tuntuning ito ng malinis at
maruming mga hayop ay nagmula sa Sinai? Hindi
ba ito para sa mga Judio lamang, at hindi ba ito
nagwakas sa krus?
“At sinabi ng Panginoon kay Noe;… Sa bawa’t malinis na hayop ay kukuha ka ng tigpipito,… at sa mga hayop na hindi malinis ay dalawa.”
Genesis 7:1, 2
8. Ipinagbabawal ba ng Biblia ang
pag-inom ng mga nakakalasing sa
mga inumin?
“Ang alak ay manunuya, ang matapang na alak ay manggugulo; at sinomang napaliligaw sa kaniya ay hindi pantas.”
Kawikaan 20:1
Huwag kang tumingin sa alak pagka mapula, pagka nagbibigay ng Kaniyang kulay sa saro, Sa huli ay kumakagat ito na parang ahas, at tumutukang parang ulupong.”
Kawikaan 23:31, 32.
Kahit ang mga mapakiapid,…Ni ang mga mangalalasing,…ay hindi mangagmamana ng kaharian ng Dios.”
1 Corinto 6:9, 10
11. Anong taimtim na paunawa ang ibinigay
para sa mga nagsasawalang-bahala sa mga
tuntunin ng Dios?
“Huwag kayong
padaya; ang
Dios ay hindi
nagpabibiro:
Sapagka’t ang
lahat na ihasik
ng tao, ay siay
naman aanihin
niya.”
Galacaia 6:7
12. Anong katakot-takot, at kasindak-sindak na
katotohanan tungkol sa kalusugan ang
nagsasangkot sa ating mga anak at mga apo?
“Huwag mong kakainin yaon, upang iakbuti mo at ng iyong mga anak pagkamatay mo.” Deuteronomio 12:25
“Akong Panginoon mong Dios ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napoot sa akin.”
Exodo 20:5
13. Ano ang ibang
katakot-takot at
kahindik-hindik na
katotohanan ang
ibinunyag ng Salita
ng Dios?
“At hindi papasok doon sa anomang paraan
ang anomang bagay na karumaldumal.”
Apocalipsis 21:27
“Ngunit tungkol sa kanila na ang puso ay nagsisunod ayon sa kanilang mgakarumaldumal na bagay, at sa kanilang mga kasuklamsuklam, aking pararatingin ang kanilang lakad sa kanilang sariling mga ulo, sabi ng Panginoong Dios.” Ezekiel 11:21
14. Ano ang
dapat
pagsikapang
gawin ng bawa’t
tapat ng
Kristiano?
“Magsipaglinis tayo sa lahat ng karumihan ng laman at ng espiritu.”
2 Corinto 7:1
“At sinomang mayroon ng pagasang ito sa kaniya ay naglilinis sa Kaniyang sarili, gaya naman niyang malinis.”
1 Juan 3:3
“Kung ako’y inyong iniibig,
ay tutuparin ninyo ang
aking mga utos.”
Juan 14:15
15. Subali’t ako’y
nababahala sapagka’t
ang ilan sa mga
masasama kong gawa
ay mahigpit na
gumagapos sa akin.
Ano ang maari kong
gawin?
“Ang lahat ng sa Kaniyang nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios.”
Juan 1:12
“Lahat ng mga bagay ay aking magagawa doon sa nagpapalakas sa akin.”
Filipos 4:13
16. Anong
kakatuwang mga
pangako ang
ibinigay tungkol
sa bagong
kaharian ng
Dios?
“At ang mamamayan ay
hindi magsasabi, Ako’y
may sakit.”
Isaias 33:24
“At hindi na
magkakaroon ng
kamatayan; hindi na
magkakaroon ng
dalamhati, o ng
pananambitan man, o ng
hirap pa man.”
Apocalipsis 21:4
“Sila’y paiilanglang na may mga pakpak na parang mga aguila; sila’y magsisitakbo, at hindi mangapapagod; sila’y magsisilakad, at hindi manganghihina.”
Isaias 40:31
17. Sapagka’t ang malusog na pamumuhay ay tunay
na bahagi ng relihiyon ng Biblia, sumasang-ayon ka
bang tumalima sa mga tuntuning pangkalusugan ng
Dios?
Para sa karagdagang pag-aaral,
paglilinaw o mga katanungan,
Magpost lamang sa group
timeline at bibigyan po namin
kayo ng kasagutan.