10
ADAPTED FAPE LP TEMPLATE (GROUP 6: KOLONYALISMO) ARALING PANLIPUNAN Programang Pamantayan : Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto at isyu kaugnay ng kasaysayan, ekonomiks at iba pang disiplinang panlipunan gamit ang mga kasanayan sa pananaliksik, pagsisiyasat, mapanuring pag-iisip, matalinong pagpapasya, pagkamalikhain, likas-kayang paggamit ng pinagkukunang-yaman, pakikipagtalastasan at pagpapalawak ng pandaigdigang pananaw tungo sa isang mapanagutang mamamayan ng bansa at daigdig. Pamantayan para sa Unang Taon : Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga pangunahing kaisipan at mga napapanahong isyung pangkasaysayan at pampamahalaan ng Pilipinas gamit ang mga kasanayan at pagpapahalaga tungo sa pagpapatatag ng pagkabansa, sistemang demokratiko, pagkakaisa at mabuting pagkamamayan. QUARTER NO. 2 TOPIC: KOLONYALISMO TIME FRAME: STAGE 1 DESIRED RESULT CONTENT STANDARD: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagkabuo ng Pilipinas bilang isang bansa mula sa pagkakaisa ng adhikain at pagpupunyagi ng mga Pilipino na makalaya sa kolonyalismo PERFORMANCE STANDARD: Ang mga mag-aaral ay nakapagpapapahayag at nakapaghihikayat sa patuloy na pagsasagawa ng mga gawaing kapaki- pakinabang sa pamayanan sa pamamagitan ng isang malikhaing akda o proyekto (documentary). ESSENTIAL UNDERSTANDING/S: 1. Ang pagkabuo ng Pilipinas bilang isang bansa ay bunga ng pagpupunyagi at pagbubuklod ng mga Pilipino na makalaya mula sa ilalalim ng kolonyalismo. 2. Ang pagnanais ng mga Kanluranin na mapalawak ang kanilang kapangyarihan (“3Gs”) ay nagbigay daan sa kanilang pananakop ng mga lupain tulad ng Pilipinas na nagpabago sa pamumuhay ESSENTIAL QUESTION/S: 1. Paano nabuo ang Pilipinas bilang isang bansa sa harap ng pagpupunyaging lumaya ng mga Pilipino mula sa kolonyalismo? 2. Paano naipakita ang mga adhikain at pagtutulungan ng mga Pilipino sa pagtatamo ng kalayaan mula sa mga mananakop? 3. Paano nabago ang

INSET G6AP

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Group 6 INSET Sample LP

Citation preview

Page 1: INSET G6AP

ADAPTED FAPE LP TEMPLATE(GROUP 6: KOLONYALISMO)

ARALING PANLIPUNANProgramang Pamantayan: Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto at isyu kaugnay ng kasaysayan, ekonomiks at iba pang disiplinang panlipunan gamit ang mga kasanayan sa

pananaliksik, pagsisiyasat, mapanuring pag-iisip, matalinong pagpapasya, pagkamalikhain, likas-kayang paggamit ng pinagkukunang-yaman, pakikipagtalastasan at pagpapalawak ng pandaigdigang pananaw

tungo sa isang mapanagutang mamamayan ng bansa at daigdig.

Pamantayan para sa Unang Taon: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga pangunahing kaisipan at mga napapanahong isyung pangkasaysayan at pampamahalaan ng Pilipinas gamit ang mga

kasanayan at pagpapahalaga tungo sa pagpapatatag ng pagkabansa, sistemang demokratiko, pagkakaisa at mabuting pagkamamayan.

QUARTER NO. 2 TOPIC: KOLONYALISMOTIME FRAME:STAGE 1 DESIRED RESULTCONTENT STANDARD: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagkabuo ng Pilipinas bilang isang bansa mula sa pagkakaisa ng adhikain at pagpupunyagi ng mga Pilipino na makalaya sa kolonyalismo

PERFORMANCE STANDARD:Ang mga mag-aaral ay nakapagpapapahayag at nakapaghihikayat sa patuloy na pagsasagawa ng mga gawaing kapaki-pakinabang sa pamayanan sa pamamagitan ng isang malikhaing akda o proyekto (documentary).

ESSENTIAL UNDERSTANDING/S:1. Ang pagkabuo ng Pilipinas bilang isang bansa ay bunga ng

pagpupunyagi at pagbubuklod ng mga Pilipino na makalaya mula sa ilalalim ng kolonyalismo.

2. Ang pagnanais ng mga Kanluranin na mapalawak ang kanilang kapangyarihan (“3Gs”) ay nagbigay daan sa kanilang pananakop ng mga lupain tulad ng Pilipinas na nagpabago sa pamumuhay ng mga Pilipino.

3. Ang marubdob na pagtutol ng mga Pilipino sa pananakop ng mga Espanyol ay ipinamalas sa pamamagitan ng pag-aalsa at tahasang pakikipaglaban tulad ng mga Pilipinong Muslim.

ESSENTIAL QUESTION/S:1. Paano nabuo ang Pilipinas bilang

isang bansa sa harap ng pagpupunyaging lumaya ng mga Pilipino mula sa kolonyalismo?

2. Paano naipakita ang mga adhikain at pagtutulungan ng mga Pilipino sa pagtatamo ng kalayaan mula sa mga mananakop?

3. Paano nabago ang sinaunang kultura at pamumuhay ng mga Pilipino?

4. Paano ipinakita ng mga Pilipino ang pagtutol sa pananakop ng mga Espanyol?

PRIOR KNOWLEDGE:1. Pinahirapan ng mga Kastila at ibang dayuhan ang mga

Pilipino.2. Nasamantala ang mga likas-yaman ng Pilipinas

(yamang-tao, yamang-lupa etc.) sa pananakop ng mga dayuhan.

3. Maraming impluwensya ang mga dayuhan (Espanyol) sa pamumuhay ng mga Pilipino.

TRANSFER:Maging mamamayang masigasig na nagpapahalaga sa pagkakaisa at kulturang natamo ng mga Pilipino sa harap ng kolonisasyon/ pananakop ng mga dayuhan

Page 2: INSET G6AP

Students will know:1. Mga layunin at estratehiya sa pananakop ng mga

dayuhan (Espanyol, British, Dutch etc.)2. Mga patakaran ng mga dayuhan na nakaapekto at

nagdulot ng transpormasyon sa mga sinaunang pamayanang Pilipino

3. Mga reaksyon at pagtutol ng mga Pilipino sa pananakop ng mga dayuhan

Students will be able to do:1. Pagsasaliksik/ paglalahad ng

mga kaganapan sa Pilipinas noong panahon ng pananakop (ng mga Espanyol)

2. Pagsusuri ng mga sanhi at bunga ng kolonyalismo sa Pilipinas

3. Pagtatala ng mga impluwensiyang humubog sa kulturang Pilipino

4. Pagpapaliwanag sa kahalagahan ng kalayaan at pagkakaisa

STAGE 2 ASSESSMENT EVIDENCEPRODUCT OR PERFORMANCE TASK:

Ang United Nations (UN) ay magdaraos ng Annual Film Festival na magpapakita ng mga dokumentaryo at pelikula ng bawat bansa na nasakop ng mga dayuhang European.

Kayo ay kabilang sa independent film production company commissioned by the National Historical Institute (HNI) para sa paghahanda ng opisyal na entry ng Pilipinas. Kailangan ninyong maipakita sa loob ng 30 minuto ang dokumentaryo tungkol sa pananakop ng mga Espanyol at ang epekto nito sa pamumuhay natin noon at sa ngayon.

Kailangan ninyong gumawa ng balangkas ng naging epekto ng kolonisasyon sa Pilipinas na pagmumulan ng screenplay ng dokumentaryo. Kailangang ninyo ring maipamahagi ang mga sumusunod na gagampanan

EVIDENCE AT THE LEVEL OF UNDERSTANDING:

1. Pagpapaliwanag. (napapatunayan na ang pagkabuo ng bansa ay mayroong impluwensya ng mga dayuhan noong panahon ng kolonyalismo.)“Research Challenge”

2. Paglalapat. (Nakalalahok bilang isang mag-aaral at mamamayan sa mga gawaing nagpapahayag ng pagpapahalaga sa mga pinagmulan ng kaugalian/kulturang pampamayanan at naghihikayat sa pagpapaunlad at pagpapanatili ng kaayusan sa paaralan at pamayanan.)“Performance Task”

3. Pagbuo ng Sariling Pananaw /Perspektibo. (nakapagpapahayag ng malalim na pagkukuro at pag-

EVIDENCE AT THE LEVEL OF PERFORMANCE:Formative Assessments:

1. Paggawa ng Webbing/Web- mapping

2. Panel Discussion Attachment 3. RAFT Assignment4. Pagbabalangkas sa

Performance Task5. Concept Map

Page 3: INSET G6AP

(role): director, camera man, anchor, production artists, video editor etc. Kailangan niyo ring gumawa ng shooting/production schedule.

Ang inyong output ay huhusgahan batay sa mga pamantayang ito:

a. Pagkilala sa bahagi ng kolonisasyon sa paghubog ng kasaysayang Pilipino;b. Paglalahad/ pagtutukoy ng makatotohanang kaganapan sa panahon ng kolonyalismo;c. Paghikayat ukol sa kahalagahan ng mga naidulot ng kolonisasyon sa kulturang Pilipino;d. Pagkakaisa ng grupo sa paglikha ng dokumentaryo; ate. Kalidad/kahusayan ng pagkagawa.

aanalisa sa mga kaganapan noon at sa patuloy na kahalagahan ng mga naidulot ng kolonyalismo).“Panel Discussion”

4. Pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba/Empathy. (nailalagay ang sarili sa katauhan, kaisipan at kalooban ng mga Pilipinong dinatnan ng mga Espanyol)“Role-Playing”

5. Pagkilala sa Sarili. (natataya ang mga sariling kontribusyon sa pagpapaunlad at pagpapanatili ng kaayusan sa paaralan at pamayanan bilang isang mag-aaral at mamamayang Pilipino; nakikilala kung paanong ang sariling pagkatao ay napayaman ng kasaysayang ng bansa.)“Collage/Exhibit”

STAGE 3 LEARNING PLANIntroduction of Essential Question:Ang mga mag-aaral ay magsusuri ng mga video clip sa Ekspedisyon ni Magellan/Sanduguan/Labanan sa Mactan.

Mga pamprosesong tanong:1. Ano ang iyong naramdaman ng mula sa iyong napanood?2. Anu-ano ang mga estratehiya at layunin ng pananakop ng mga dayuhan?3. Anu-ano ang mga naging reaksyon ng mga sinaunang Pilipino sa pagdating ng mga Espanyol?4. Anu-ano ang mga hatid/dala ng mga Espanyol sa kanilang pagdating sa Pilipinas?5. Sa papaaanong mga paraan nabago ang sinaunang kultura at pamumuhay ng mga Pilipino?

Interaction with Learning Materials / Activities:

Aalamin natin ang mga samu’t saring paraan kung paanong nabago ng kolonisasyon ang

Page 4: INSET G6AP

sinaunang kultura at pamumuhay ng mga Pilipino.

A. Research Challenge OutputStudents will be asked to surf the following websites:1. http://www.philippinecountry.com/philippine_history/spanish_colonization.html (Philippine

History - Spanish Colonization)2. http://filipinokastila.tripod.com/FilSpa.html (Spanish Influence on Language, Culture, and

Philippine History)Ang mga estudyante ay magwe-Webbing upang ipakita ang kanilang mga natuklasan mula sa mga website.

Mga pamprosesong tanong:1. Anu-ano ang mga aspeto ng pamayanang Pilipino na nagkaroon ng impluwensya ang mga

Espanyol?2. Paano nabago ang sinaunang kultura at pamumuhay ng mga Pilipino?

Transition: Ito ay isang pagbubukas (intro) sa pagbuo natin ng mga kaalaman ukol sa pagdating ng mga Espanyol. Ngayon naman ay pumunta tayo sa isang kaganapan na nagpapahiwatig kung papaano nakahubog ng aspeto ng pamayanang Pilipino ang mga dayuhang mananakop.

B. Role-Playing Ipahiwatig/Isadula/Itanghal ang unang Misa sa Limasawa Mga pamprosesong tanong:

1. Ano ang mga sinaunang paniniwala ng mga Pilipino bago dumating ang mga Kastila?2. Paano nabago ang sinaunang kultura at pamumuhay ng mga Pilipino?

Transition: Sa ating mga natuklasan, tumungo naman tayo ngayon sa isang Panel Discussion na palalawigin/palalalimin ang analisis at diskurso natin tungkol sa kolonisasyon ng Pilipinas.

C. Panel Discussion“Sanhi at Bunga”Students will discuss the different causes and effects of colonialism in the Philippines.

Matapos nito, ang mga estudyante ay pupunan ang Attachment.

Mga pamprosesong tanong:1. Sa mga nabanggit na sanhi at bunga, ano para sa iyo ang pinakamahalaga?2. Muli, paano nabago ang sinaunang kultura at pamumuhay ng mga Pilipino?

Transition: Marami na tayong natutunan.. Nagiging malinaw sa atin kung paano tayo naapektuhan ng kolonisasyon? Ang iba kaya? Tayo ngayon ay lalabas at magsasagawa ng isang Survey/Interview upang masukat/matukoy kung paano nararamdaman ng iba ang mga epekto o sanhi/bunga ng kolonisasyon sa Pilipinas.

D. Survey/InterviewItatanong ng mga estudyante:

Page 5: INSET G6AP

“Paano mo nararamdaman ngayon ang epekto ng kolonisasyon noon?

Mga pamprosesong tanong:1. Sa inyong palagay, ano kaya ang kalagayan ng Pilipinas kung hindi tayo nasakop ng mga

Espanyol?2. Paano nabago ang kultura at pamumuhay ng mga Pilipino noong panahon ng mga Espanyol?

Transition: Sa lahat ng ating natutunan, tumungo naman tayo sa isang Debate upang pagsalubungin ang ating mga kaalaman at pinaniniwalaan.

E. DebateStudents will be asked to organize a debate that aims to answer the following question:“Nakatulong ba ang pananakop sa pag-unlad ng kulturang Pilipino?”

Mga pamprosesong tanong:1. Naging madali bang tanggapin na mula sa pananakop ng mga Kastila ay maraming nakuha

ang kultura/pamayananang Pilipino?2. Paano nabago ang sinaunang kultura at pamumuhay ng mga Pilipino?

Integration of Findings with E.U. and Application of E.U.

1. Pagbuo ng Concept MapAng mga mag-aaral ay bubuo ng isang concept map kung saan ito’y magpapakita sa mga pagbabago./epektong dulot ng kolonisasyon.

2. RAFT (Writing Prompt)R (Role) Isa kang Lolo/LolaA (Audience) Ang iyong mga magiging apoF (Format) LihamT (Topic) Kuwento ng pagdating ng mga dayuhan sa Pilipinas

3. Paglikha ng isang Dokumentaryo /Mini-Film (GRASPS)

Ang United Nations (UN) ay magdaraos ng Annual Film Festival na magpapakita ng mga dokumentaryo at pelikula ng bawat bansa na nasakop ng mga dayuhang European.

Kayo ay kabilang sa independent film production company commissioned by the National Historical Institute (HNI) para sa paghahanda ng opisyal na entry ng Pilipinas. Kailangan ninyong maipakita sa loob ng 30 minuto ang dokumentaryo tungkol sa pananakop ng mga Espanyol at ang epekto nito sa pamumuhay natin noon at sa ngayon.

Kailangan ninyong gumawa ng balangkas ng naging epekto ng kolonisasyon sa Pilipinas na pagmumulan ng screenplay ng dokumentaryo. Kailangang ninyo ring maipamahagi ang mga sumusunod na gagampanan (role): director, camera man, anchor, production artists, video editor etc. Kailangan niyo ring gumawa ng shooting/production schedule.

Ang inyong output ay huhusgahan batay sa mga pamantayang ito:

Page 6: INSET G6AP

a. Pagkilala sa bahagi ng kolonisasyon sa paghubog ng kasaysayang Pilipino;b. Paglalahad/ pagtutukoy ng makatotohanang kaganapan sa panahon ng kolonyalismo;c. Paghikayat ukol sa kahalagahan ng mga naidulot ng kolonisasyon sa kulturang Pilipino;d. Pagkakaisa ng grupo sa paglikha ng dokumentaryo; ate. Kalidad/kahusayan ng pagkagawa.

Pagpapahalaga:Ang guro ay gagamit ng isang Valuing strategy na tinatawag na “Values Voting”.

a. Sino ang naniniwala na nakatulong ang kolonisasyon sa pag-unlad ng kultura at nasyonalismo ng mga Pilipino?

b. Sino ang nakakikita ng kahalagahan na maibahagi sa iba ang mga kaalamang

Gawain:1. Magkakaroon ng Paglikha ng Collage ang mga estudyante kung saan sila ay kukuha ng kanilang

mga larawan, at ididisenyo sa paligid ang mga epekto/paghubog ng kolonyalismo na kanila pa ring nakikita sa kanilang mga pagkatao bilang Pilipino.

2. Sila ay bubuo ng isang Exhibit kung saan sila ay mag-iimbita ng mga estudyante at guro mula sa ibang seksyon upang ipakita ang kanilang mga nabubuong pananaw/ “vision” tungkol sa kaugnayan o mga ambag ng kolonyalismo sa pagbuo ng kultura/kasaysayan ng Pilipinas.

Closure:Sa pagdating ng mga dayuhan sa Pilipinas, tulad ng mga Espanyol, nabuksan ang pintuan ng bansa sa mga impluwensyang humubog sa ating kultura at pamumuhay. Mahalaga na malaman natin na sa kabila ng pagmamalabis at kalupitan ng mga dayuhan ay may naibahagi rin sila sa pag-unlad ng kulturang Pilipino.

Page 7: INSET G6AP

(CONCEPT MAP)

Page 8: INSET G6AP

PANEL DISCUSSION

SANHI BUNGA

KOLONISASYON

______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________