41

Kolonisasyon at kristiyanisasyon ng pilipinas final

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Kolonisasyon at kristiyanisasyon ng pilipinas final
Page 2: Kolonisasyon at kristiyanisasyon ng pilipinas final
Page 3: Kolonisasyon at kristiyanisasyon ng pilipinas final

KOLONISASYON AT KRISTIYANISASYON NG

PILIPINAS

Brilian G. TomasNVSU Laboratory SchoolBambang, Nueva Vizcaya

Page 4: Kolonisasyon at kristiyanisasyon ng pilipinas final

1. Paglunsad ng mga Eksplorasyon 2. Kasunduan sa Tordesillas 3. Pagtuklas ni Magellan sa Pilipinas 4. Felipinas – Pilipinas 5. Labanan sa Mactan 6. Kolonisasyon sa Cebu, Panay at Maynila 7. Ang Pamumuhay sa Ilalim ng mga

Kastila 8.Pag-usbong ng Nasyonalismo

Page 5: Kolonisasyon at kristiyanisasyon ng pilipinas final

Ito ang ekspidisyong ipinadala ng mga kristiyanong bansa sa Europa, sa Gitnang Silangan, ang “krusada” upang agawing muli sa mga Muslim ang “banal na lupain”. Kahit hindi nagtagumpay ang krusada sa layuning nito, nakita ng mga mandirigmang europeo ang mga kayamanan at produkto ng Silangan.

Page 6: Kolonisasyon at kristiyanisasyon ng pilipinas final

Nagkaroon ng bagong panlasa at interes ang mga Europeo sa pamumuhay at mga karangyaan ng mga nakadigmang taga-Silangan. Nauso ang paggamit ng mga rekadong gaya ng cinnamon, paminta, luya at iba pa. Isang malaking negosyo ito kung matutunton ang pinanggalingan ng mga rekadong ito.

Page 7: Kolonisasyon at kristiyanisasyon ng pilipinas final

Gayunpaman, monopolyo ng mga taga-Venice ang pag-angkat at pamamahagi sa Europa ng mga bagay mula sa Silangan. Nang bumagsak noong 1453 ang Constantinople sa mga Turkong Muslim, tanging mga mangangalakal na taga-Venice lamang ang pinahintulutang makadaan sa Dagat Madeterano.

Page 8: Kolonisasyon at kristiyanisasyon ng pilipinas final

Ito ay dahil ang mga taga-Venice ay pumanig sa mga Muslim sa pakikidigma nito sa mga Griyego. Ang paghahangad na wasakin ang monopolyo ng mga taga-Venice sa kalakalang Silangan-Kanluran  ang nagtulak sa mga ibang Europeo na humanap ng ibang daanan patungong silangan.          

Page 9: Kolonisasyon at kristiyanisasyon ng pilipinas final

      Ang mga salaysay ni Marco Polo tungkol sa mga paglalakbay niya sa China at ang karangyaan ng bansang ito ay nagging isa ring pang-akit.

        Sa panahong ding ito umunlad ang agham at karunungan at sa mga bagong imbensyon ay kasama ang mga kagamitang sa nabigasyon gaya ng kompas, mapa at iba pang instrumentong pang giya

Page 10: Kolonisasyon at kristiyanisasyon ng pilipinas final

. Nagbigay ito ng lakas ng loob sa mga nabigador upang puntahan ang mga lugar na hindi pa naaabot ng mga taga kanluran.

Page 11: Kolonisasyon at kristiyanisasyon ng pilipinas final

Dahil sa pag-uunahan o pagpapaligsahan ng Portugal at Espanya sa panunuklas o eksplorasyon, napairal ng isang dekreto ang papa ng Roma, Alexander VI na nagtatakda at nagsisilbing gabay sa pagtuklas ng dalawang bansa.

Page 12: Kolonisasyon at kristiyanisasyon ng pilipinas final

Noong Mayo 3, 1493, binigyan ng papa ng karapatang ang Espanya na manuklas sa bagong daigdig at ang Portugal sa Africa. Binago ito noong Mayo 4, 1493.

Page 13: Kolonisasyon at kristiyanisasyon ng pilipinas final

Gumuhit ng isang imahenaryong linya na nagmula sa hilagang polo patungong timog polo, 100 liga sa kanluran ng Azores at Cabo.

Ang mga lupaing matutuklasan sa silangan ng linya ay sa Portugal at lahat ng mga lupaing nasa kanluran ay sa Espanya

Page 14: Kolonisasyon at kristiyanisasyon ng pilipinas final
Page 15: Kolonisasyon at kristiyanisasyon ng pilipinas final

Dahil sa pagtutol ng Portugal sa mga dekreto ng papa, pinagtibay ang kasunduan ng Tordesillas noong Hunyo 7, 1494.

Page 16: Kolonisasyon at kristiyanisasyon ng pilipinas final

Ninais ni Magellan, isang Portuges, na maglalayag upang hanapin ang  Spice Island. Lumapit siya sa hari ng Espanya. Binigyan siya nito ng limang barkon at 264 na manlalayag.

Page 17: Kolonisasyon at kristiyanisasyon ng pilipinas final
Page 18: Kolonisasyon at kristiyanisasyon ng pilipinas final

Naglayag sila papuntang kanluran kahit ang Spice Island ay nasa silangan. Sa halip na makarating sa nasabing pulo, napunta sila sa pulong malapit sa Samar.

Page 19: Kolonisasyon at kristiyanisasyon ng pilipinas final

Dumaong sila sa pulo ng Homonhon noong ika 16 ng Marso, 1521. Sa baybayin ng Limasawa, ipinagdiwang nila ang unang misang Katoliko noong Marso 31, 1521. Naglayag sila patungong Cebu at nakipagkaibigan kas Rajah Humabon, hari ng Cebu.

Page 20: Kolonisasyon at kristiyanisasyon ng pilipinas final

Noong ika 14 ng Abril, isa pang misa ang ginanap at ito ay sinundan ng pagbibinyag kay Rajah Humabon, ang asawa nito at 800 na katutubo. Sila ang kaunaunahang Kristiyanong Pilipino.

Page 21: Kolonisasyon at kristiyanisasyon ng pilipinas final

Taong 1543 dumating si Villalobos sa pulo ng Leyte. Siya ang nagpangalan sa ating bansa ng Felipinas bilang parangal sa haring Espanya, si Haring Felipe II.

Page 22: Kolonisasyon at kristiyanisasyon ng pilipinas final

Dumating naman si Miguel Lopez de Legazpi noong 1565. Siya ang unang nagtayo ng unang pamayanan Kastila sa Cebu. Nagsimulang kumalat ang iba pang pamayanang Kastila sa Visaya at Luzon.

Page 23: Kolonisasyon at kristiyanisasyon ng pilipinas final

Nais mamahala ni Magellan sa buong kapuluan kaya’t humingi    siya ng buwis kay Lapu-lapu, pinuno ng Mactan. Hindi pumayag si Lapulapu kaya’t nagsimula ang pag-aaway niya at ni Magellan.

Page 24: Kolonisasyon at kristiyanisasyon ng pilipinas final

Noong Abril 27, 1521 ang labanan ay nag-umpisa sa pagsunog ng may 30 bahay ng katutubo na lalong ikinagalit ng mga ito. Tinamaan ng isang palasong may lason si Magellan na ikinalugmok nito.

Page 25: Kolonisasyon at kristiyanisasyon ng pilipinas final

Pinagtulung-tulungan ng mga mandirigma ni Lapu-lapu si Magellan. May sumibat at tumaga sa kanya hanggang siya ay mamatay. Dali-daling  tumakas ang iba pang Kastila.

Page 26: Kolonisasyon at kristiyanisasyon ng pilipinas final

Kasamang namatay ni Magellan ang walo pang Kastila at apat na katutubo. Ang labanan sa Mactan ay an unang matagumpay napagtataboy sa dayuhang mananakop.                 

Page 27: Kolonisasyon at kristiyanisasyon ng pilipinas final

Dumaong ang elspedisyon nina Legaspi sa pulong kung tawagin ay Sugbu, ngayon ay Cebu, noong Abril 27, 1565. Hindi sila tinanggap ng mga katutubo noong una kaya kinanyon ng mga Kastila ang mga katutubo.                   

Page 28: Kolonisasyon at kristiyanisasyon ng pilipinas final
Page 29: Kolonisasyon at kristiyanisasyon ng pilipinas final

  Mula sa Cebu ay pumunta si Legaspi sa Panay. Inakala niyang higit na ligtas ang Panay sa pananalakay ng mga Portuges. Higit ding sagana ang lugar na ito sa pagkain. Mula rito ay inutusan niya si Martin De Goite na maghanap ng iba pang lugar.

Page 30: Kolonisasyon at kristiyanisasyon ng pilipinas final
Page 31: Kolonisasyon at kristiyanisasyon ng pilipinas final

Natagpuan ni De Goiti ang Maynila. Tinanggap naman siya ni Rajah Sulayman, ang puno ng katutubo sa isang pamayanan sa Maynila ngunit hindi nagtagal ang pagiging magkaibigan nila. Naghinala si Sulayman sa tunay na motibo ng mga Kastila kaya nagkaroon din ng mga paglaban

Page 32: Kolonisasyon at kristiyanisasyon ng pilipinas final

Sinunog ni De Goiti sa tulong ng mga Bisaya ang pamayanan sa Maynila. Noong 1571, si Legaspi ay lumipat sa Maynila. Tiniyak muna ni Legaspi na ligtas ang gagawin nilang pagdaong dahil sa nangyari kila De Goiti at Sulayman.

Page 33: Kolonisasyon at kristiyanisasyon ng pilipinas final
Page 34: Kolonisasyon at kristiyanisasyon ng pilipinas final

Sumunod din ang pagpapadala ni Legaspi ng mga ekspedisyon upang ipagpatuloy ang pananakop sa iba pang pulo gaya ng Ilokos, Pangasinan, Mindoro at iba pa. Siya ang naging unang Gobernador Heneral ng kapuluan.

Page 35: Kolonisasyon at kristiyanisasyon ng pilipinas final
Page 36: Kolonisasyon at kristiyanisasyon ng pilipinas final
Page 37: Kolonisasyon at kristiyanisasyon ng pilipinas final

Ang Kabuhayan 

  a) Agrikultura- napilitan ang mga katutubo na magtanim nang labis upang makabayad sila ng tributo

           

Page 38: Kolonisasyon at kristiyanisasyon ng pilipinas final

b) Industriya- tinuruan ang mga tao na mag-imprenta ng mga aklat, pagkakarpintero, pag- ukit, paggawa ng kandila, alak at asukal.

Page 39: Kolonisasyon at kristiyanisasyon ng pilipinas final

c) Pagbabangko - itinatag ang kaunaunahang bangkong Pilipino na pag-aari ni Francisco Rodriguez. Itinatag naman ang kaunaunahang bangko ng pamahalaang Insular, ang Banko Español- Filipino.

Page 40: Kolonisasyon at kristiyanisasyon ng pilipinas final

d) Komunikasyon at Transportasyon- nagkaroon ng telegrapo noong 1873 at telepono noong 1890. Ang kaunaunahang pahayagan ay ang Del Superior. Ang iba pang pahayagan ay La Esperanza, La Estrella, at Dyaryo De Manila.

Page 41: Kolonisasyon at kristiyanisasyon ng pilipinas final

Kilusang Propaganda

Katipunan