View
14
Download
0
Category
Preview:
Citation preview
Kismets by: Leafika
A/N: ayun short story lang ito. Ten chapters lang po ito :D sana
magustuhan niya. :D
Chapter One
Nasa classroom si Butter habang kumakain ng butter finger kasama
ang mga kaklase niya na sina Jelai, Maia, Larize at Samantha.
Wala pa ang professor nila kaya todo chismisan pa sila. Nasa
Ikatlong taon na siya sa kursong Advertising.
Panaka-naka syang nakikinig sa mga ito habang abala sa pagkain
ng favorite nyang butter finger.
Tungkol sa love life ang pinag-uusapan ng mga ito.
“Uy, Butter busy ka naman sa pagkain dyan. Join ka sa amin” sabi
sa kanya ni Maia.
“Sige lang nakikinig ako” sabi niya.
“Ikaw ba Butter, na-in love ka na rin ba?” tanong ni Larize.
“Si Butter pa. Eh patay na patay kaya yank ay Finn” sabi naman
ng kaibigan nyang si Jelai.
“What crush mo si Finn!” sabi ni Samantha.
“Oo bakit masama bang magkagusto sa kanya?” tanong niya.
“Hindi naman kita masisi, he’s so damn hot. But girl he is a
frat leader” sabi nito.
“Kaya nga puro basag-ulo lang at bisyo ang alam non. Tsismis pa
nga nagte-take ng drugs yon eh” sabi naman ni Larize.
Napabuga siya ng hangin. Naiinis siya sa mga ito. Masyadong
mapanghusga ang mga ito. Sa totoo lang hindi naman kilala ng mga
ito si Finn. Ang alam lang ng mga ito ay kung ano si Finn sa
Unibersidad nila.
Walang hindi nakakakilala kay Finn del Carmen. Ito lang naman
ang leader ng isa sa pinakamapanganib na fraternity sa school
nila ang “Alpha Beta”.
Isang warning na lang at mapapatalsik na ito sa Unibersidad
nila. Sa pagkakaalam niya pangatlong eskwelahan na nito ang St.
Margaret’s University. Nasa ikaapat na taon na ito sa Civil
engineering sa edad na dalawanpu’t lima.
“Hindi ka na nakaimik dyan. Ba’t mo ba kasi nagustuhan ang Finn
na yon?” tanong ni Maia.
Naalala niya tuloy nang una niya itong makilala.
First year college siya noon at bago lang siya sa SMU. Vacant
niya at nasa Student’s plaza siya. Ang student’s plaza ay ang
tambayan ng mga estudyante sa SMU. Marami ring nagtitinda ng
pagkain doon.
Umupo siya sa bakanteng upuan. At saka niya nilantakan ang
binili nyang burger kanina. Yon na ang lunch niya dahil 30 mins.
Lang vacant niya. Isang lalaking naka-shades, leather jacket at
black pants ang napansin niya padaan. Matangkad ito nasa tantiya
niya ay nasa 5’11 ang taas. Maganda itong magdala ng damit.
Napansin nyang nagsitinginan din dito ang mga babae.
Nabigla siya ng huminto ito sa tapat niya.
Nagbulung-bulungan tuloy yong mga nasa likuran niya.
“Tssk. Paniguradong freshmen lang yang babae. Hindi niya siguro
kilala si Finn”
“Hala. Sabihan mo kaya”
Tumingin siya sa lalaki. Kinakabahan siya. Ba’t ganon ang bulong
ng mga estudyante sa likuran niya. Kriminal ba itong lalaking
ito? Nasa isip niya.
Pag-angat niya ulit ng tingin ay wala na ito. Nilagpasan siya
nito at pumunta sa isang grupo ng kalalakihan.
“Miss freshmen ka ba?” napatingin siya sa tanong na iyon.
Isang babae ang nakita niya. “Opo bakit po?”
“Iwasan mo ang lalaking yon miss. Frat leader yon ng Alpha Beta”
sabi nito at saka na umalis.
Frat leader??? Siya?? Tanong ng isip ko. Imposible…
Nong una ay naniwala siya na ganon nga ito kasama dahil isang
araw may isang studyanteng nerd ang pinagtrip-an nito at ng
grupo nito sa gym. Kitang kita niya kung paano pinahirapan ng
mga ito ang pobreng lalaki sa pagutos utos dito ng mga lalaking
ito.
Nainis siya rito dahil doon.
Pero dahil sa isang aksidente ay nalaman niya ang ibang pagkatao
nito.
Pauwi na siya noon. Gabi na. Mga ala-syete na ng gabi. Nagabihan
siya sa paggawa ng report sa library.
Pumunta siya sa sakayan ng bus. Hinintay niya ang susunod na
bus. Habang naghihintay isang lalaki ang lumapit sa kanya. Halos
walang katao-tao doon kaya hindi siya napansin ng mga ito.
“Miss holdap to” sabi ng lalaki sa kanya. Ramdam niya ang
malamig na bagay na dumikit sa likod niya. Isang kutsilyo iyon.
“M-manong w-wala ho akong pera” sabi niya.
“Akin na yang bag mo. O gusto mong itusok ko sayo itong kutsilyo
ko”
Kinabahan na siya sa sinabi nito. Ayaw pa nyang mamatay.
Unti-unti nyang ibibigay ang bag niya ng maisipang ihampas iyon
sa mukha nito at dali-dali syang tumakbo.
Hinabol siya nito. Sa isang iskinita siya sumuot.
Nagulat siya ng may humablot sa kamay niya. Sisigaw na sana siya
ng makita kung sino iyon. Si Finn.
“Just be quite.” Sabi nito at saka iginaya siya sa isang pader.
Nakarinig siya ng yabag. Yong holdaper papunta na sa kanila.
Nakita niya kung paano sinugod ng holdaper si Finn. Nakaiwas si
Finn at saka nito binigyan ng sapak ang holdaper. Natumba ang
holdaper pero dagli itong tumayo at inundayan ng suntok si Finn
pero nakaiwas ang huli at binigyan nito ng suntok sa tyan ang
holdaper. Hindi pa ito nakunteto sinapak nito ang holdpaer
hanggang sa makatulog ito.
Lumapit siya kay Finn. “T-thank you” sabi niya sa nanginginig na
boses. Hindi siya sanay na nakakakita ng ganoon.
“Next time wag ka ng magpapagabi. Maraming loko rito” sabi nito
at saka na ito tumalikod.
“Sandali!” pigil niya rito.
Humarap ito sa kanya. “What?”
“Mabait ka pala” sabi niya.
Ngumisi ito. “You think so? You don’t know me little girl.” Sabi
nito at saka na siya iniwan.
Katulad ng isang superhero kung saan kelangan niya ito saka ito
naroon para tulungan siya. Katulad din ng isang superhero
matapos siya nitong tulungan ay umalis ito agad.
Nanghinayang siya. Gusto niya sana pa itong makasama. Dahil doon
sa ginawa nito ay nag-iba ang pagkakakilala niya rito.
“Hello Butter… Hello andyan ka pa?” nabalik siya sa kasalukuyan
ng marinig ang tinig ni Larize.
“Ha? Anong sinasabi mo?” tanong niya rito.
“Ang sabi ko anong nagustuhan mo sa kanya?”
“Basta gusto ko siya. Hindi lahat ng nakikita at naririnig natin
sa kanya totoo lahat” sabi niya.
“Wala na nga. Deads ka na nga sa kanya” sabi ni Maia.
Oo dead na dead ako sakanya sabi ng kanyang isipan.
Chapter Two
Abala sa paghitit ng sigarilyo si Finn habang nasa hide out siya
ng frat nila. Isa iyon sa bisyo niya. Sa edad na 25 ay hindi
parin siya graduate ng college. Naka-ilang eskwelahan na rin
siya na na-kick out.
Maraming kumakalat na tsismis tungkol sa kanya pero hindi na
niya iyon pinapansin pa. Wala na rin syang pakialam sa sasabihin
ng iba. Bata pa lamang siya ay wala ng taong gustong umunawa at
mag-alaga sa kanya. Pano anak siya ng kanyang ina sa
pagkadalaga. Ng dahil sa kanya nag-pakasal ang mga ito. Halos
sampung taon ring tumagal ang pagsasama ng mga ito. Pero dahil
ang ama niya ay isang dakilang palikero ay hiniwalayan ito ng
ina niya. Nagkaroon ng asawa ang ina niya na isang foreigner
noong labing-tatlong taong gulang siya. Iniwan siya nito sa lola
niya. Ang ama niya kung kani-kanino ng babae sumama. Parehas na
mayaman ang pamilya ng dalawa. Lagi syang sinusustento ng mga
ito.
Noong labing-pitong taong gulang na siya ay di na niya matagalan
ang pagiging istrikto at pangmamaliit sa kanya ng lola niya.
Lumayas siya sa kanila total may roon naman na syang sariling
pera. May nilaan ang parents nyang pera sa bangko para sa kanya
doon nilalagay ng mga ito ang perang pangsustento sa kanya.
Nang malaman ng mga ito na lumayas siya, wala man lang siyang
natanggap na tawag para pabalikin siya sa lola niya. Hinayaan
lamang siya ng mga ito sa gusto niya. Hanggang sa makilala niya
ang Tito Sam niya ang kapatid ng ama niya. Doon siya tumuloy sa
condo nito. Inalagan siya nito na parang tunay na anak. Mahilig
ito sa mga motorsiklo kaya nagkainteres din siya roon. Marami
silang pagkakaparehas ng tito niya. Pero noong nasa edad na siya
na dalawampu ay namatay ito sa pagsagip sa kanya. Nabundol ito
ng sasakyan dahil doon sinisi niya ang sarili niya kung kelan
may taong nagmamahal sa kanya nawala pa ng dahil din sa kanya.
Hindi na siya naniniwala sa pag-ibig ngayon. Dahil noong una
syang magmahal ay iniwan siya para sa ibang lalaki. Niloko siya
nito at pinaasa. Halos wala na syang ganang mabuhay pa sa mundo
noon buti na lamang at nakilala niya si Zephy ang frat leader na
pinalitan niya. Sinama siya nito sa “Alpha Beta” at doon ay
nahubog ang pagkatao niya.
Ayaw na nyang maalala pa ang nakaraan niya.
“Mga brod may problema tayo” sabi ni Jack ang isa sa myembro ng
“Alpha Beta”. Humahangos itong lumapit sa kanya.
“Master, Si Ace nakaaway ang leader ng Kamma Sigma. Nasa
bakanteng lote sila ngayon at nagra-rumble”sabi nito.
Ang Kamma Sigma ay ang frat na kalaban nila.
Inutusan niya ang mga ito na pumunta na sa bakanteng lote sa
likod ng Unibersidad.
“Butter dali punta na tayo sa Mall” sabi nina Maia at Larize sa
kanya.
Tumango siya. Tapos na ang klase nila. Alas-kwatro ng hapon
iyon.
Dahil malapit lamang ang Mall sa Unibersidad ay nagpasya na
lamang sila na maglakad.
Isang bakanteng lote ang nadaanan nila. Napahinto siya ng makita
ang grupo ng mga lalaking nag-aaway.
“Uy mga Alpha Beta at Kamma Sigma yon diba?” tanong ni Maia.
“May frat war yata?” sabi naman ni Larize.
Napatingin siya sa isang lalaki na mas matangkad sa mga ibang
kalalakihan doon si Finn!!!
“Tumawag na kaya tayo ng pulis” sabi naman ni Maia.
“Hindi!” sabi niya.
Pag tumawag sila ng pulis makukulong si Finn.
“Ano ka ba Butter. Tumawag na tayo ng pulis.” Sabi ni Larize.
“Hindi may gagawin ako” sabi niya.
Buti na lamang at dala niya ang pito niya. Kasama siya sa
Varsity ng Volleyball at lagi syang nagdadala ng pito kung saan
ginagamit niya iyon minsan kapag naka-assign syang maging
referee.
Kinuha niya iyon sa bag niya.
“Anong gagawin mo?” tanong ni Maia.
Dinala niya iyon sa bibig niya at saka hinipan. Nagka-ingay iyon
kung kaya’t nagsitakbuhan ang mga lalaki.
“Grabe ang galing mo talaga Butter.” Sabi ni Larize.
Nang tumingin siya sa bakanteng lote ay nakita niya roon si
Finn. Bakit hindi ito umalis?
“Halika na Butter” sabi sa kanya nina Maia.
Tumingin siya sa mga ito at saka na sumabay sa paglakad.
“Master muntik na tayo doon ha” sabi ng mga kasamahan ni Finn ng
makabalik na sila sa hideout.
“Morales!” sigaw niya. Lumapit si Ace sa kanya.
“Master! Hindi ba sinabi ko sayo na wag na wag kang makikipag-
away ng hindi mo kami kasama. Kabagobago mo lang ha!”
“Sorry master. Napikon kasi ako doon sa leader ng Kamma Sigma”
sabi nito.
Si Erice Marcellano ang leader ng Kamma Sigma. Matagal ng kaaway
ng Alpha Beta ang Kamma Sigma bago pa siya naging leader 3 years
ago. Sa pagkakaalam niya iisang frat lang ang Kamma Sigma at
Alpha Beta ang Alpha Sigma. Pero nagkaroon ng hindi
pagkakaunawaan si Zephyr at si Erice kung kaya’t tumiwalag na
ito sa grupo.
Umaga noon at nagmamadaling pumunta ng Library si Butter dahil
late na siya sa duty niya. Isa kasi syang student assistant.
Tumutulong siya sa gawain sa library. Malaki ang itinutulong ng
pagiging student assistant niya.
Dahil hindi na niya tinitignan ang dinadaanan niya ay may
nabunggo siya.
Nang mag-angat siya ng tingin ay si Finn ang nakita niya.
“So-sorry” sabi niya rito.
Tinignan lamang siya nito at saka na umalis.
Nakalimutan na niya ako??? tanong niya sa kanyang isipan.
Papunta na si Finn sa hideout ng may nakabunggo sa kanya.
Magagalit na sana siya rito dahil tatanga-tanga ito at hindi
tinitignan ang dinadaanan ngunit ng makita niya ang maamong
mukha nito ay nawala ang galit niya.
Natatandaan niya ito. Ito yong babaeng naligtas niya last year.
Ngayon na naman uli niya ito nakita.
Naalala niya ang huling sinabi nito: “Mabait ka pala”
Ito lang ang nagsabi sa kanya ng ganun. Mula bata pa siya ay
inaayawan na siya ng lahat ng tao. Masama raw kasi siya.
Hanggang ngayon ay ganun parin ang tingin ng tao sa kanya.
Hindi niya alam kung maniniwala siya sa sinabi ng babaeng iyon.
Hindi siya mabait. Masama siya. Nakatanim na sa isip at puso
niya ang katangiang iyon.
Tinignan lamang niya ito at saka na umalis.
Pagkarating ni Butter sa library ay agad nyang nakita roon ang
librarian.
“You’re late. Next time agahan mo” sabi nito at saka na bumalik
sa mesa nito.
Nilapitan siya ng kaklase nyang si Eyah na isa ring student
assistant.
“Bakit ngayon ka lang?” tanong nito.
“Ang tagal kasi kaming dinismissed ni Sir eh” sabi nito.
“Halika na. May pinapaayos na libro pa si Ma’am” sabi nito at
saka inakay na siya sa mga bookshelves.
Abala na sila sa pag-linis at pagsalang-sang ng mga libro.
Chapter Three
Gabi na ng matapos sa report niya si Butter. Kakaalis lamang
niya sa school at papunta na siya sa terminal ng maalala niya
ang nangyari sa nakaraan. Nong last na nagabihan siya ay noong
sinagip siya ni Finn. Pano kung mangyari ulit iyon sa kanya sino
ang magtatanggol sa kanya?
Napansin niya na parang may nakasunod sa kanya. Binilisan niya
ang takbo niya ngunit may humagip sa braso niya. Isang lalaking
naninigarilyo.
“Miss sumama ka sa min” sabi nito.
“B-bitiwan mo ako please” nakikiusap na sabi niya.
Nahawakan rin siya ng lalaking nakasunod sa kanya.
“Teka sandali san nyo ako dadalhin?” tanong niya.
Hindi sumagot ang mga ito hila-hila syang dinala sa isang kotse
kung saan naroon ang mga kasama nitong dalawang lalaki.
“Bago na naman tayong biktima mga brod” sabi ng lalaking
naninigarilyo sa lalaking kalbo.
Kinakabahan siya sa malalaswang titig ng mga ito sa katawan
niya.
Ngumisi ang kalbo. “Isakay nyo na yan” utos nito sa dalawang
lalaking may hawak sa kanya.
“Please pakawalan nyo na ako” sabi niya rito at saka siya
pumilit na manlaban.
“Aba’t ang kulit mo ah” sabi ng lalaking nasa kanan niya at saka
siya sinikmuraan.
Napadaing siya sa sakit. At unti-unting namigat ang mga mata
niya. Bago tuluyang mawalan ng ulirat ay may narinig syang
kalabog.
Nagising si Butter sa sinag ng araw. Hindi pamilyar sa kanya ang
kwartong kinaroroonan niya. Nasan ako? tanong ng kanyang isipan.
Naalala niya ang nangyari sa kanya kagabi. Hindi kaya ay ni-rape
na siya ng mga lalaking. Napatingin siya sa sarili. Suot pa
naman niya ang kanyang damit kagabi.
Napatingin siya sa pintuan ng bumukas iyon. Nanlaki ang mga mata
niya ng makita kung sino iyon.
“Gising ka na pala.” Sabi nito.
“A-anong ginagawa ko dito? Asan ako?” sunod-sunod na tanong niya
rito.
“You’re in my condo. Hindi mo na alam kung anong nangyari sayo
kagabi?” tanong nito.
Nag-isip siya. Siguro iniligtas na naman siya nito kagabi.
“Handa na ang almusal. Kumain ka na” sabi nito at saka na
umalis.
Hindi niya alam kung niyaya siya nito o inuutusang kumain.
Hindi siya makapaniwala na nasa bahay na siya ni Finn.
Bumaba na siya sa kama at sinundan ito.
Nakita niya itong kumakain na sa mesa.
Ang gwapo nitong tignan. Napansin niya na naka-sando lang ito at
naka-shorts na kitang-kita ang magandang hubog ng katawan nito
na halatang alagang-alaga sa work-out.
“Are you going to stare me all day?”
Nagulat siya ng magsalita ito.
“Kumain ka na” sabi nito.
Tumalima siya at saka umupo sa kaibayong upuan nito.
Nang titigan nyang mabuti ang mukha nito ay napansin nyang may
pasa ito sa gilid ng labi nito.
“M-may pasa ka” nagkandautal-utal na sabi niya.
“Malayo sa bituka yan. Kumain ka na” sabi nito.
Habang kumakain ay pasulyap-sulyap si Butter kay Finn. For the
first time ay nasa harap niya ng matagal si Finn.
“Bakit?” tanong nito ng mahuli siya nitong nakatingin.
“W-wala. Ah a-ano kasi. Bakit kapag may nangyayari sa akin andon
ka para tulungan ako” sabi niya.
Hindi ito kumibo.
Akala niya ay di na ito magsasalita.
“Next time wag ka ng magpapagabi. Delikado sa daan pag gabi na”
Napansin niya ang pag-aalala sa boses nito.
“Friends na tayo” hindi niya namalayan na nasabi niya pala iyon.
“Hindi ako nakikipag-kaibigan sa ibang tao.” sabi nito ng hindi
man lang tumingin sa kanya.
Nasaktan siya sa sinabi nito.
“Bakit iba ang pinapakita mo sa school. Hindi ka naman masama
ah” sabi niya rito.
“I don’t know what you are talking about”
“Tinulungan mo nga ako eh. Ang bait mo kaya pero bakit ayaw mong
ipakita yon sa iba?”
“Kung tapos ka ng kumain. Ihahatid na kita sa inyo” sabi nito at
saka na tumayo.
Mukhang ayaw nitong sagutin ang mga tanong niya.
“Salamat nga pala sa paghatid ha.” Sabi ni Butter ng makababa
siya sa big bike nito.
Tumango lamang ito. At saka na pinaandar ang big bike nito
palayo.
Sana malaman ko ang dahilan…
Nasa bench si Butter at kasama sina Maia at Jelai na nag-me-make
up ng mapansin nyang dumaan sa harap nila si Finn.
“Sandali lang ha” sabi niya sa dalawa at sinundan si Finn.
“Finn” tawag niya rito.
Napatingin ang lahat sa kanya pati na si Finn. Lumapit siya
rito. Napansin nyang bumubulong-bulong ang ibang estudyante
habang nakatingin sa kanila.
Tumingin siya kay Finn na matamang nakatingin sa kanya.
“Thank you ulit” sabi niya rito.
Wala itong sinabi bigla na lang siya nitong iniwan.
Sinundan niya ulit ito.
“Finn” tawag niya ulit rito.
Marahas na lumingon ito. “what?!” halatang naiinis na ito.
“Wala. S-sige na” sabi niya at saka na bumalik sa bench.
Gusto niya sana itong i-treat ng meryenda pero mukhang naiinis
na ito sa kanya.
“Ang lakas ng loob mong kausapin talaga siya” sabi ni Maia sa
kanya.
“Di ka man lang ba natakot sa kanya?” tanong naman ni Larize.
Umiling lamang siya. Kung pwede lang sana nyang sabihin na
niligtas siya ni Finn nong isang araw ay sinabi na niya ngunit
alam nyang walang maniniwala kung sasabihin nyang mabait itong
tao.
Bakit ganon si Finn. Matapos siya nitong tulungan saka siya nito
benalewala. Hindi niya mainitindihan bakit ito ganoon. Gusto
nyang malaman ang dahilan.
Aalamin ko ang sagot sa mga tanong ko..
Pumunta siya sa gym kung saan nakita niya na naroon si Finn at
nakaupo sa bench. Hapon na iyon kaya walang tao.
Lumapit siya rito at saka umupo sa tabi nito.
“Anong ginagawa mo rito?” tanong nito.
“Gusto sana kitang yayaing mag-meryenda kanina kaso mukhang
galit ka eh” sabi niya.
“Umalis ka na” taboy nito.
“Teka lang naman. Gusto ko lang makipagkaibigan sayo. Hindi ba
pwede yon?” tanong niya rito.
“Hindi pwede”
“Bakit ba kasi hindi pwede?”
“Hindi nga pwede. Hindi ako nakikipagkaibigan sa ibang tao”
“Hindi naman ako iba ah” sabi niya.
Tumayo ito at saka iniwan siya.
Sinundan lamang niya ito ng tingin.
Balang araw Finn. Gugustuhin mo din akong maging kaibigan…
at higit pa roon.
Chapter Four
“bakit mo ako sinusundan?” tanong ni Finn ng maramdamang may
sumusunod sa kanya.
Kahit di niya ito lingunin ay alam nyang si Butter iyon.
“H-hindi kita sinusundan. Dito talaga ang daan ko” sabi nito.
“Wag mo na akong lokohin Butter. Hindi ka naman dumadaan dito sa
likuran ng school diba?”
“H-hindi ah. dumadaan kaya ako rito minsan.”
Binilisan lamang niya ang paglalakd.
“Aray!” napalingon siya sa sigaw nito.
Nakita nyang hawak hawak nito ang binti nito.
Dagli syang lumapit dito.
“Are you okay?” tanong niya ng makalapit rito.
“Ang sakit ng binti ko”
“Na-muscle cramps ka” sabi niya.
----------------
Hindi makapaniwala si Butter ng bigla na lamang syang buhatin ni
Finn at dahandahang paupuin sa bangko na nasa gilid ng kalasada.
Lumuhod ito sa kanya at minasahe ang kanyang binti.
Napangiti siya. Kahit na tinataboy siya nito ay tinutulungan
parin siya nito.
“Why are you smiling? Nasaktan ka na nga ngumingiti ka parin”
sabi nito.
“Ha? W-wala. O-okay na ako Finn.”
“Kung okay ka na aalis na ako” sabi nito at saka siya tumayo.
Pinigilan niya ito ng akmang aalis na ito.
“Thank you” sabi niya.
Hindi siya nito pinansin at dagli ng umalis.
“Adik ka talaga Butter. Talagang sinundan mo pa kahapon si Finn.
Nababaliw ka na ba?” tanong ng kaibigang si Jelai.
Nakita raw kasi siya nito ng sundan niya si Finn.
“Jelai I like Finn you know that. At gusto ko syang maging
kaibigan pero lagi niya akong nilalayuan eh”
“He’s giving you a favor Butter. Layuan mo na siya. She is not
good for you.”
-----------------
Nakalumbaba habang nakatingin si Butter sa libro ng kunin iyon
sa kanya.
Napalingon siya sa lalaking kumuha non na nasa likuran niya.
“Akin nga yan” utos niya kay Geenmar ang isa sa frat member ng
kalaban ng “Alpha Beta” na “Koppa Sigma”.
“Gusto mo nito? Kiss muna ako” sabi nito sabay nguso sa kanya.
“Ano ba Geenmar akin na nga yan”
“Kilala mo pala ako? Hahaha ayoko nga” sabi nito.
“Ibigay mo yan sa kanya Salinas” sabi ng maawtoridad na boses.
Napalingon siya rito.
Si Finn.
“Bakit ko naman ito ibibigay. Nasasayahan pa nga ako eh” sabi ni
Geenmar.
“Ibibgay mo ba yan o babasagin ko ang bungo mo?”
“Okay okay. CHillax lang dude.” Sabi nito sabay bitaw ng kanyang
libro at saka tinaas ang kamay at saka na umalis.
“Oh Libro mo” sabi ni Finn at saka inabot sa kanya ang kanyang
libro.
Sa ilang ulit na pagkakataon tinulungan na naman siya ni Finn.
“Thank you” sabi niya rito.
---------------------
“Why are you always helping me Finn? Pero sa twing kakausapin
kita nilalayuan mo na ako. Gusto lang naman ktang maging
kaibigan” sabi niya rito.
Nasa gym sila at nakita niya ito roon nakatayo at nakatalikod sa
kanya.
He dribbled the ball at saka shi-noot iyon.
“Finn” tawag niya rito.
“I don’t want to be your friend Butter” saad nito.
“Pero bakit?” tanong niya rito.
“bakit kelangan pa ng dahilan?” sabi nito sabay lingon sa kanya.
“Dahil gusto kong malaman. Bakit ayaw mong makipagkaibigan sa
akin?”
Hindi ito umimik. Nag-dribble ulit ito at shi-noot iyon.
“Just go away Butter. Nag-aaksaya ka lang ng laway mo. Hindi
tayo pwedeng maging magkaibigan” sabi nito.
Hindi ako susuko Finn. Saad ng kanyang isipan habang walang
lingon likod na naglakad palabas ng gym.
Chapter Five
Kanina pa niya hinahanap si Finn pero di niya ito matagpuan.
Kaya nagpasya syang pumunta sa kuta ng “Alpha Beta” ang frat na
pinamumunuan ni Finn.
Pagpasok niya sa lumang classroom ay nakita niya ang nakakalat
na upuan. Walang katao-tao roon.
Nilibot niya ang buong classroom. May mga sulat-sulat sa pader.
“What are you doing here?!” dumadagundong ang boses nito sa
buong silid.
Lumingon siya rito. “K-kanina pa kita hinahanap eh. Kaya pumunta
ako rito para makausap ka”
“Bawal ang ibang tao rito. Umalis ka na bago dumating ang mga
ka-brod ko” sabi nito at saka siya hinila palabas.
“Te-teka lang naman”
Bago makalabas sina Finn at Butter ng classroom ay may narinig
silang yabag.
Bigla syang hinila ni Finn papasok at saka sila pumwesto sa
likod ng pinto.
“Pare. Hintayin nyo na ako dyan. May titignan lang ako sa loob”
sabi ng isang boses lalaki.
Pumasok ito sa loob at saka may tinignan.
Nakahinga siya ng maluwag ng lumabas agad ito at saka na umalis
kasama ng isang lalaki.
Lumabas na sila sa likod ng pinto.
“Next time. Wag kang pumunta rito.” Sabi ni Finn.
“G-gusto ko lang namang makipagkaibigan sayo eh. M-masama ba
yon?”
“May gusto ka ba sa kin?”
“H-ha?”
“May gusto ka ba sa akin?” tanon nito at saka unti-unting
inilapit ang mukha sa kanya.
Matapang na tumingin siya sa mga mata. “Oo. Gusto kita.Gusto
kita Finn”
Tumawa ito. Pinagtawanan lang nito ang pag-amin niya?!
“Kalimutan mo na ang nararamdaman mo sa akin. Layuan mo na ako”
sabi nito at saka nilayo ang mukha sa kanya.
“No. I can’t”
“You are one crazy girl. Bata ka pa Butter. You can find a guy
who can love you back. At hindi ako ang lalaking yon””
“Pero Finn”
“You better go. Bago pa sila bumalik dito”
Sinunod niya ito. Umalis na siya.
“Uy, Butter. Okay ka lang ba?” tanong ni Maia sa kanya.
“Ba’t ang sakit sakit magmahal Maia? Nagpakatotoo naman ako ah.”
“Maybe he is not deserving for your love. At saka hello Butter.
Hindi kayo bagay ni Finn. Finn is a bad guy. Move on Girl.”
Hindi siya umimik. Tahimik na lang syang umiyak. Kahit
tinanggihan ni Finn ang pag-ibig niya para rito ay ipagtatanggol
parin niya ito.
Move on? Yon na ba ang nararapat nyang gawin?
Nakailang lagok na si Finn ng beer. Hindi parin mawaglit sa
isipan niya ang pagtatapat ni Butter.
Butter likes him. Kung ano man ang nararamdaman niya para rito
ay hindi niya iyon pwedeng aminin dito.
Ayaw na nyang maulit ang nangyari sa nakaraan. Na lahat ng taong
mahal niya ay nawawala sa kanya.
He is not capable to love. Matagal na nyang tinanggal sa kanyang
diksyunaryo ang salitang “Pag-ibig”.
Ilang araw na ang nakararaan. Nasa bench si Butter at inaabala
ang sarili sa pagsusulat ng kanyang notes.
Hanggang ngayon nagluluksa parin ang puso niya sa pagtanggi ni
Finn sa pag-ibig niya.
“Butter”
Lumingon siya. “Oh Ace?”
“Okay ka lang? Para kasing ang tamlay mo eh?”
Si Ace ang pinaka-friendly na lalaking classmate niya.
“Wala to. Di lang ako nakakain ng lunch masyado.”
“Gusto mo bilhan kita ng meryenda?” alok nito.
“Naku! Wag na” sabi na lamang niya.
“It’s okay. Sige ha. Bibili na ako”
Nakita ni Finn na tumatawa si Butter kasama ang isang lalaki.
His heart ache. Para bang sinusuntok.
Gusto nyang sabihin na “Akala ko ba ako ang gusto mo? Pero ba’t
may kasama kang iba?”
Pero ano bang karapatan niya. Wala naman dibA? Tinanggihan nga
niya ang pag-ibig nito.
Kaya wala syang karapatan para masaktan ng ganito.
Nasa labas ng gate si Butter. Gabing-gabi na pero heto at pauwi
pa lamang siya.
Isang motorsiklo ang huminto sa harap niya. “Get on”
“Finn” sambit niya.
“Sakay na”
Nagulat siya sa sinabi nito.
“W-wag na.”
“Get on. Gabi na ihahatid na kita”
Pero di niya ito pinansin. Napagpasyahan na nyang kalimutan na
niya ang nararamdaman dito.
“Are mad at me?” tanong nito.
“Di ako galit sayo. Sinabi mo lang yon totoo. Bakit ako
magagalit?”
“I’m sorry about that”
“It’s okay. S-sige aalis na ako”
Pero paghakbang niya ay sinundan parin siya nito.
“Butter” Umibis na ito sa motor nito.
“Ano?! Bakit mo ba ako sinusundan? Di ba sinabi mo na kalimutan
ko na lang ang nararamdaman ko na layuan na kita? Bakit ka
lumalapit sa akin? Mas lalo mong pinahihirapan ang nararamdaman
ko Finn.”
Naramdaman niya ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata.
Niyakap sya nito.
“I’m sorry. I’m so sorry” bulong nito.
Pinunasan niya ang kanyang pisngi.
“I don’t know. What I feel whenever I’m with you. Basta alam ko
na ayaw kong mawala ka sakin”
“Finn”
He cupped her face and kissed her.
“I love you Finn” nasambit niya.
He just smiled.
Dalawang araw na ang nakalipas.
Nasa parke sina Finn at Butter.
Nakaupo sila sa bench.
“Finn.Can I ask you something?”
“About what?”
“Pano ka napasok sa Frat? Bakit iba yong pinapakita mo sa school
at sa akin? I want to know you better”
“I-I can’t tell it to you right now.”
“O-ok. Ok lang. Hihintayin ko na lang yong time na handa ka ng
sabihin sa akin ang lahat”
Hinawakan niya ang kamay nito.
“Pwede ba nating itago mo na ito”
“Ang alin?”
“Us. Itago muna natin ang relasyon natin”
“Si-sige i-ikaw ang bahala”
Chapter Six
“Ano nagawa mo na ba ang pinapagawa ko?” tanong niya sa babaeng
nasa harap niya ngayon.
“Oo. Nalaman ko na sina Butter at Finn na”
“Buti naman kung ganon. Makakaganti na rin ako sa wakas sa
lalaking yon”
“Anong binabalak mo?”
Ngumisi siya. “None of your business.”
“Please kung may gagawin kang masama kay Butter. Wag mo syang
idamay”
“Wala kang pakialam” sabi niya at saka sinakal ito.
“Gagawin ko lahat para pasakitan si Finn. Gagantihan ko siya”
sabi niya.
----------------------
1 week na sila ni Finn. Kahit papaano ay naitatago nila ang
kanilang relasyon. Hanggang ngayon di niya parin alam kung bakit
kelanganpang itago nila angb kanilang relasyon at kung sino ba
talaga si Finn.
kahit ganoon ay nirerespeto niya ito. Mahal niya si Finn. Alam
niya darating ang araw na sasabihin nito sa kanya ang dahilan.
“Oh” sabi nito at saka inabot sa kanya ang ang paper bag.
“A-ano to?” tanong niya.
“Buksan mo” utos nito.
kahit kelan masungit at pala-utos ang lalaking to.
Nang binuksan niya ang paper bag halos mapatalon siya sa kanyang
nakita.
Teddy bear na kulay Pink.. Nilabas niya iyon sa kahon at
niyakap.
“Nagustuhan mo ba?” tanong nito.
“Oo sobra. Alam mo ba super collection ko to. Nangongolekta kasi
ako ng teddy bear eh. THANK YOU talaga ha” sabi niya.
Niyakap siya nito.
Alam nyang kahit ganon si Finn. May sweetness din pala itong
tinatago sa katawan.
Inabot naman niya ang regalo niya rito.
“Ano to?” tanong nito.
“Regalo ko sayo. Akala mo ikaw lang ang may regalo. Dali buksan
mo na”
Binuksan nito ang paper bag.
Isa yong bracelet na puro shells.
Mahilig kasi syang mamumulot ng shells at naisipan nyang gawan
ito ng bracelet.
Tinitigan nito ang bracelet.
“H-hindi mo ba nagustuhan? S-sorry ah. p-papalitan ko na lang”
sabi niya at akmang kukunin ito pero ayaw nitong ibigay.
“I love it” sabi nito.
“Sigurado ka?”
“Oo naman. Ang ganda nga eh.” Sabi nito.
“B-buti at nagustuhan mo” sabi niya.
“Sorry ha kung yan lang ang gift ko”
“It’s okay” sabi nito. At saka siya niyakap.
-------------------
Katulad nga ng sabi ni Finn. Lihim ang relasyon nila ni Butter.
Maisip pa lang niya si Butter ay napapangiti siya. Butter makes
him smile and do crazy things.
“Master, hinahamon tayo ng frat war ng Kamma Sigma” sabi ni
Alfred sa kanya.
Nasa loob sila ng hide-out ng Alpha Beta.
“Wag nyong papatulan.” Sagot niya sa mga ito.
“Pero Master”
“Basta wag nyo silang papatulan. Mali ang laban ng Kamma Sigma
at alam nyo yan. Walang basta basta makikipaglaban sa kanila”
Tumango ito sa sinabi niya.
---------------------
“Ano?! Talagang kinakalaban ako ng Finn na yan ha. Duwag siya.
Sisiguraduhin ko sa kanya na makikiayon siya sa hamon ko” sabi
niya at tumawa ng malakas.
“Ano bang plano nyo Boss?”
Hindi niya ito pinansin at saka may tinawagan sa cellphone niya.
“H-hello” nanginginig na boses ng babae ang sumagot.
“Gawin mo na ang inuutos ko”
“O-oo ga-gawin ko” sabi nito at binaba ang cellphone.
Ngumisi siya ng parang aso…
“Humanda ka Del Martin. Sa sakit na gagawin ko sayo hahahahaha”
--------------------------
Excited na pumunta ng garden si Butter upang ibigay ang lunch
nilang dalawa ni Finn.
Halos walang katao-tao roon kaya doon nila napagpasyahang
magkita.
Ilang hakbang lamang siya papunta rito ng makita ang dalawang
pigurang iyon.
Finn is kissing another girl.
Binalot ng sakit ang buong puso niya.
Nang bumitaw si Finn sa babaeng yon ay nagulat ito at nanlaki
ang mga mata ng makita siya.
Mas lalo nyang ikinagulat ay ang makita kung sino ang babaeng
kasama nito si Jelai.
Kaya ba sinasabi nitong layuan ko na si Finn at mag-move on
dahil may gusto pala siya kay Finn.
Lumapit sa kanya si Finn.
“Butter Let me---“
Isang sampal ang binigay niya rito.
“Tama na Finn. Ang sakit na eh!” sabi niya at saka nagtatakbo
palayo.
Iyak siya ng iyak.
----------------
Nasa garden na siya at hinihintay si Butter. Dala nito ang lunch
nila. Ito kasi ang nagluto para sa kanilang dalawa.
Habang nakatayong naghihintay ay may lumapit sa kanyang babae.
kilala niya ito. Kaibigan ni Butter si Jelai.
“Hi Finn.” Bati nito sa kanya.
Tumango lamang ako sa kanya.
“C-can I talk to you?” tanong nito.
“What?” naiiritang sabi niya rito.
“I-I love you Finn. Please love me too” sabi nito at binack-hug
siya.
Kinalas niya ang kamay nito sa likod niya at saka hinarap ito.
“Sorry pero may mahal na akong iba” sabi niya.
“Sino? Si Butter?”
Nagulat siya sa sinabi nito. Pano nito alam?
“Matagal ko ng alam Finn. She cannot give to you what I can give
Finn. Please Ako ang mahalin mo” sabi nito.
“Hindi nga kita------“
Natigil siya sa sinasabi niya ng halikan siya nito.
Nakita niya sa peripheral vision niya na nakatayo si Butter at
nakatingin sa kanila.
Kumalas siya sa pagkakahalik dito.
Nilapitan niya si Butter.
“Butter let me---“
Hindi niya natuloy ang sinasabi niya dahil sinampal siya nito.
“Tama na Finn, ang sakit sakit na eh” sabi nito at nagtatakbo.
Hinarap niya ang babaeng dahlia kung bakit umalis ng umiiyak si
Butter.
Hinablot niya ang braso nito. “Ano bang kelangan mo ha!”
“I-I’m sorry F-finn. Na napag-utusan lang ako…”
Mas lalo tuloy syang naguluhan sa sinasabi nito.
“Sino?! Sino ang nag-utos sayo?!” sigaw niya.
“A-aray F-finn na-nasasaktan a-ako” naiiyak na sabi nito.
“Sino ang nag-utos sayo?”
“Si si Diego!” sigaw nito.
Napabitiw siya sa braso nito.
Si Diego ang leader ng Kamma Sigma.
“Ba-bakit?”
“I’m really sorry Finn, nagawa ko lang to ka-kasi natatakot ako
na ba-baka may gawin syang masama kay Butter. Mahal ko ang
kaibigan ko Finn kaya pumayag ako na ako na lang ang makasakit
sa kanya. Tinakot ako ni Diego na-na pa-papatayin niya si Butter
ka-kapag hindi ko ginawa m-may masamang mangyayari sa kanya.
Please. Layuan mo na si Butter. Para sa kanya rin ito. Kilala mo
si Diego la-lahat gagawin niya para mamasaktan ka lang. A-
ayokong madamay si Butter sa gulo nyo.” sabi nito at saka na
siya iniwan.
Chapter Seven
Ilang araw na ng huli nyang makita si Finn. Hindi ito tumatawag
o nagtetext sa kanya. Inaasahan nyang susundan siya nito nong
umalis siya at mag-e-explain. Pero hindi. Mukhang wala syang
halaga para rito.
Malungkot na naglakad siya na nakatungo ng may mabangga siya.
“Sorry” sabi niya. Nang mag-angat siya ng tingin ay si Finn ang
nakita niya.
Nagulat din ito nang makita siya.
Gusto niya itong yakapin. Miss na miss niya ito.
Akala niya kakausapin siya nito pero tinignan lamang siya nito
at saka siya nilagpasan.
Huminga siya ng malalim at saka lumingon siya rito at tinawag
ito.
“Finn” tawag niya rito.
Lumingon ito. He give her a cold stare.
“W-wala na ba tayo?” nanginginig na tanong niya rito.
Natatakot siya sa magiging sagot nito.
Hinintay niya ang sagot nito.
“I’m sorry” sabi nito.
“F-finn.”
“Please Butter. I don’t love you the way you love. Please forget
me” sabi nito at saka muli syang tinalikuran.
Nilapitan niya ito at binack-hug.
wala na syang pakialam kung may makakakita sa kanila.
Gusto nyang mayakap ito.
“F-finn.I-I can’t”
He remove her hands in his waist.
“Tama na Butter. Kalimutan mo na ako. I don’t love you okay. And
I will never love you” sabi nito at saka na siya iniwan.
Hindi na niya ito hinabol.
Unti-unting lumabo ang mga mata niya dala ng luha sa kanyang mga
mata.
Finn never loved her. Pero ang sakit paring marinig mula rito.
Pinunasan niya ang luha sa kanyang mga mata at saka na tumakbo
palayo.
-----------------------
Malalim ang iniisip ni Finn habang naglalakad kaya siya may
nakabunggo.
“Sorry” sabi ng nakabunggo niya.
Nang makita kung sino ang nabunggo niya ay nagulat siya si
Butter.
Nasasaktan siya habang nakikita nyang nasasaktan ito dahil sa
kanya.
Nilagpasan niya ito upang di niya makita matsa nito na punong-
puno ng hinanakit at pagmamahal sa kanya.
“Finn” tawag nito sa kanya.
Di na siya nagdalawang-isip na lumingon dito. He gave her a cold
stare.
“W-wala na ba tayo?” tanong nito sa kanya.
Nasasaktan siya ng makitang naiiyak ito.
“I’m sorry” yon lang ang nasabi niya.
“F-Finn”
“Please Butter. I don’t love you the way you love. Please forget
me” sabi niya at saka muli itong tinalikuran.
Sinabi lamang niya iyon para layuan na siya nito. God knows how
much he loves Butter.
Nagulat siya ng i-back hug siya nito.
“Finn I- I can’t”
He remove her hands in his waist.
“Tama na Butter. Kalimutan mo na ako. I don’t love you okay. And
I will never love you” sabi niya at saka niya ito iniwan.
Kahit masakit man sa loob niya ang sinabi niya ay kelangan niya
iyong gawin.
He needs to protect Butter. Kahit na siya ang masaktan. Okay
lang sa kanya basta wag lang ito.
__________________________
Ala-singko na ng hapon at pasakay na sana si Finn sa kanyang
motorsiklo ng may tatlong lalaki ang humarang sa kanya.
Kilala niya ang mga ito. Member ang mga ito ng Kamma Sigma.
“Sumama ka sa amin. Pinapatawag ka ni Boss Diego” sabi ng isang
lalaking kalbo.
“Anong kelangan niya sa akin?”
“Basta sumama ka na lang.” sabi ng isa at saka hinawakan siya sa
braso.
Hindi na siya pumalag. Total gusto niya ring kausapin ang leader
ng mga ito.
____________________
“Kamusta Del Martin” bati sa kanya ng isang lalaki na naka-
leather jacket at maong na pants.
May mga earings sa tenga nito. May tattoo rin na sa kaliwang
braso nito yun ang logo ng Kamma sigma.
“Anong kelangan mo sa akin Diego?!”
Tinignan siya nito at saka nginisihan.
“Masakit ba? Masakit bang makitang nasasaktan ang babaeng
pinakamamahal mo?!” tanong nito sabay tawa ng malakas.
Gustong-gusto niya itong sugurin subalit alam nyang wala siya sa
teritoryo niya. Nasa teritoryo siya nito.
“Anong pinagsasabi mo?” nagmamaang-maangan na tanong niya.
“Wag na tayong maglokohan Del Martin dahil alam ko na mahal mo
ang babaeng yun”
“Hindi ko siya mahal. At saka wag mo syang idamay dito.”
Tumawa ito ng malakas at saka nilapitan siya.
“Kulang pa yan. Kulang pa yan sa lahat ng kasalanan ng nanay mo
sa akin”
“Anong----“ pano nito nalaman ang tungkol sa nanay niya.
“Well, I know her, step brother” sabi nito at tignan siya ng
masama.
Step brother???
“Ako lang naman ang step son ng nanay mo. Simula ng dumating ang
nanay mo sa buhay namin. Nagkandaloko-loko na ang pamilya ko”
“Wala akong atraso sayo. Kinalimutan ko ng ina ko siya.”
“Sorry ka na lang dahil nanay mo ang sumira sa pamilya ko.
Gantihan lang ito Finn” sabi nito.
“Tantanan mo si Butter kundi ako ang makakaharap mo” naiinis na
sabi niya rito.
Nginisihan lamang siya nito.
“Umalis ka na” sabi nito.
_____________________________
Iyak ng iyak si Butter habang nasa kama siya ng kanyang kwarto.
Ang tanga tanga kasi niya eh.
Kahit kelan naman talaga di siya nito minahal.
Bakit nga naman siya mamahalin ng isang Finn Del Martin.
Dapat noong una pa lang natauhan na siya.
Dapat nong una pa lang di na siya nagpumilit na mapalapit dito.
Baka sakaling di siya nasasaktan ngayun.
Naiinis na ginulo niya ang kanyang buhok.
At saka niyakap ang bear na bigay ni Finn sa kanya.
“Naiinis ako sayo alam mo ba iyon ha. Bakit mo ko pinaasa? Oo
nga pala ako ang nagpaasa sa sarili ko na baka baling araw
mahalin mo rin ako. Pero niloko mo lang ako eh. Ang tanga ko
diba? Ang tanga tanga ko. SIguro pinagtatawanan mo na ako ngayun
dahil sa katangahan ko. Sana kasi… Sana di ko pinilit ang sarili
kong mapalapit sayo. Sana di na lang kita minahal. Ang sakit
sakit pala eh. Ang sakit mahalin ang katulad mo alam mo ba yon”
sabi niya na parang si Finn ang kausap niya.
Umaagos parin ang luha sa kanyang mga mata.
__________________________
Pagpasok niya ng classroom niya ay nakita niya agad si Jelai.
Sinampal niya ito.
“Butter” sabi nito habang hawak ang pisnging sinampal niya.
“How dare you. Ikaw ang nagko-comfort sa akin na mag-move on kay
Finn. Akala ko friendly advice yon. yon pala may gusto ka rin sa
kanya. Kelan pa? kelan mo pa ako niloloko Jelai. Kaibigan kita
Jelai. Pero tinapun mo lang ang pagkakaibigan natin.”
“I’m sorry Butter.”
“Sorry. Bakit kaya bang hilumin ng sorry mo ang sakit na
nararamdaman ko ngayon ha? Kaya niya bang gamutin ng sorry mo
ang puso ko? Hindi naman diba?” naiiyak na sabi niya at saka na
lumabas ng kwarto.
__________________________
Chapter Eight
Naiinis si Jelai sa sarili niya ng makitang umiiyak na lumisan
si Butter. Gusto niyang sabhin na ginawa niya iyon para
mailigtas ito pero pano? Ayaw niya itong mapahamak.
Dama parin niya ang sakit ng pagsampal nito sa kanya.
Siguro dapat lang syang sampalin nito. Napakatanga niya.
Nakipagtulungan siya kay Diego…
<Flash Back>
Nasa isang bench si Jelai habang gumagawa ng aralin ng lapitan
siya ni Diego.
Matagal na nyang gusto si Diego pero syemre tinatago lamang niya
iyon dahil alam nyang di siya nito magugustuhan.
Isa itong frat leader at isa lamang syang hamak na estudyante.
“Hi miss” sabi nito at saka umupo sa harapan niya.
“Can I sit here?” tanong nito sa kanya.
Tumango lamang siya.
“I’m Diego by the way and you are?” tanong nito at saka nilahad
ang kamay sa kanya.
Tinanggap niya ang pakikipagkamay dito.
“Jelai”
“Nice name” sabi nito.
Nagulat siya ng tabihan siya nito at makipagkilala. Hindi niya
lubusang maisip na ang isang Frat leader natulad nito ay
makikipag-usap sa kanya.
After ng araw na iyon. Lagi na silang lumalabas.
Until one day.
“Can I ask a favor?” tanong nito.
Tumango siya.
“Kaibigan mo si Butter diba?”
“Oo bakit?”
“Gusto kong malan ang lahat lahat tungkol sa kanya” sabi nito.
“Pero bakit?”
“Gusto ko lang malaman ang mga kaibigan ng girlfriend ko”
Oo, girlfriend na siya nito after 2 weeks na pagkakilanlan nila.
Sinabi niya ang lahat ng nalalaman niya about butter pati na rin
ang pagkakagusto nito kay Finn.
_________________________
Pero isang araw may isa itong favor na ayaw na ayaw nyang gawin.
“Alamin mo kung sila na ni Finn” sabi nito.
“Pero Deigo. Ma-mali naman yata na i-stalk ko sila.”
Nakita niya ang galit sa mga mata nito. Hinawakan siya nito ng
mariin sa braso.
“Do it. Yun lang pinapagawa ko sayo Jelai. Hindi mo pa magawa”
“F-fine. Bi-bitawan mo na ako. Na-nasasaktan ako”
Binitawan naman siya nito.
After that I stalked Butter. Napagalaman kung sila na nga ni
Finn.
“Ano nagawa mo na ba ang pinapagawa ko?” tanong ni Diego sa
kanya ng magpunta siya sa hideout ng Kamma Sigma.
“Oo. Nalaman ko na sina Butter at Finn na”
“Buti naman kung ganon. Makakaganti na rin ako sa wakas sa
lalaking yon”
“Anong binabalak mo?” tanong niya rito.
Ngumisi ito sa kanya. “None of your business.”
“Please kung may gagawin kang masama kay Butter. Wag mo syang
idamay”
“Wala kang pakialam” sabi niya at saka sinakal ito.
“Gagawin ko lahat para pasakitan si Finn. Gagantihan ko siya”
sabi nito.
________________________________
“Ano?! Ayoko! Hindi ko gagawin yan” sigaw niya kay Deigo ng
marinig ang sinabi nito na sirain niya ang relasyon nila Butter
at Finn.
Nilapitan siya nito at sinakal.
“Gagawin mo ba. O gusto mong ako ang gagawa. Mas lalong
masasaktan ang kaibigan mo pag ako mismo ang gagawa. Diba ayaw
mo syang masaktan? Pwes ikaw ang gumawa” sabi nito.
Tinanggal nito ang pagkakasakal sa kanya.
“O-oo… Ga-gagawin ko” sabi niya habang hinihimas ang leeg na
sinakal nito.
“Good” sabi nito at saka na siya iniwan.
___________________
Alam ng Dyos kung bakit niya iyon ginawa kay Butter. Kaibigan
niya si Butter. she don’t want Butter to get hurt.
Inis na ginulo niya ang buhok at saka na lumabas ng classroom
at pumunta ng CR.
____________________
Habang lumilipas ang panahon. Nararamdaman niya ang kawalan ni
Finn sa buhay ni Butter
Miss na miss na niya ito. Gusto niya itong makita, makasama at
makausap.
Siguro tanga na siya dahil sinabi naman nito na hindi siya nito
mahal at minahal pero heto parin siya patuloy na nagmamahal
dito.
Pumunta siya sa hideout para makita man lang si Finn.
Hindi nga siya nagkamali naroon ito nakatalikod at mag-isa.
Lumapit siya rito. “Finn”
Lumingon ito sa deriksyon niya. Gulat na gulat ito.
“Anong ginagawa mo rito? Umalis ka na Butter”
“Finn, please kahit hindi mo ako mahal o minahal. I want to stay
with you. Please. Let me stay with you” naiiyak na sabi niya.
“Butter ano pa bang gusto mong sabihin ko sayo para layuan mo na
ako.”
“I can’t Finn. Ayokong layuan ka. Please let me stay with you.
Kahit kaibigan lang” hinawakan niya ang kamay nito.
“Umalis ka na Butter bago dumating ang mga ka-frat ko.” Sabi
nito.
“Finn please.”
Hindi ito umimik. Hinila siya nito palabas ng hideout nila at
sinarado nito ang pinto pagkalabas nito sa kanya.
Naiwan syang umiiyak.
_______________________
Mag-ga-gabi na at pauwi na si Butter ng may limang kalalakihan
ang humarang sa dadaanan niya.
“E-excuse da-daan ako” sabi niya sa mga ito.
Pero hindi natinag ang lima.
“Please, excuse me dadaan ako”
Nagsimula na syang matakot ng hawakan ng lalaki ang kamay niya.
“Te-teka. Ano ba?! Bitiwan mo ko” sabi niya sa mga ito.
“Sumama ka sa amin Miss” sabi ng isa at saka siya hinila sa
isang itim na sasakyan at sapilitang pinasakay doon.
“Sa-saan nyo ko dadalhin ha?”
“Wag ka ng maingay” sabi ng isa at saka may tinakip sa ilong
niya.
Nawalan siya ng malay.
_______________________
“Boss, anong gagawin natin dito?” tanong ni Bernard isa sa mga
bata ni Diego.
“Wag nyong gagalawin yan. Pain ko yan para kay Del martin.” Sabi
niya at saka dinaial ang numero ni Finn.
“Hello? Sino to?!”
“Del Martin,si Diego to. Nasa akin ang pinakamamahal mong babae”
____________________________
Nagising si Butter at naulinigan nyang may nag-uusap.
Nagulat siya ng nakagapos siya.
Naalala niya na may dumukot sa kanya.
“Gising na pala siya eh. Baka gusto mo syang makausap?”
Napatingin ito sa kanya. Si Diego ang leader ng Kamma Sigma.
Tinapat nito sa tenga niya ang cellphone nito.
“Hello Butter?!”
“Finn?!”
“Butter asan ka? Okay ka lang ba?”
“Finn---“
Naputol ang sasabihin niya sana ng agawin iyon ni Diego.
“Pumunta ka mamayang alas-onse. wag kang magbabalak na mag-sama
ng kahit sino Del Martin. At alam mo na ang mangyayari sa
kanya.”
“Wag! Finn wag kang pupunta?!” sigaw niya rito.
Ngumisi lang sa kanya si Diego at pinatay nag cellphone nito.
Lumapit ito sa kanya. “Maganda pala ang taste ng step bro ko”
sabi nito sabay hawak sa baba niya.
Inilayo niya ang mukha niya rito.
“Anong balak mong gawin sakin?”
“Wag kang mag-aalala. Dahil pag nagsawa na ako sa paglalaro kay
Finn ikaw naman ang paglalaruan ko” sabi nito.
Nakadama siya ng takot sa mga binitiwan nitong salita.
Natatakot siya para kay Finn at hindi para sa sarili niya.
______________________
“Shit!” mura ni Finn ng babaan siya ng telepono ni Diego.
Kelangan nyang pumunta mamaya sa lumang building. Kelangan nyang
iligtas si Butter.
Shit shit shit………
Kanina pa siya di mapakali. Baka may ginawa na ang walanghiyang
Diego na yun kay Butter.
Hinding-hindi niya ito mapapatawad.
Humanda ka sa akin mamaya Diego!
_______________________
Chapter Nine
Alas-onse ng gabi ng makarating si Finn sa lumang building na
sinabi sa kanya ni Diego kung saan niya matatagpuan si Butter.
Pumasok na siya sa loob.
“Diego!” tawag niya.
Nakatayo ito at nakatalikod sa kanya.
Lumingon ito ng tinawag niya.
“Andito ka na pala”
“Asan si Butter?” tanong niya rito.
“Wag kang mainipin loverboy. Ilabas nyo na siya” sigaw nito sa
mga bata nito.
Nakita nyang bitbit ng dalawa si Butter at pinaupo sa upuan.
Hawak ito ng isang bata ni Diego.
“Pakawalan mo na siya Diego, andito na ako. ako ang kelangan mo
diba”
“Hahaha ano ako tanga. Makikipaglaro muna ako sa inyo bago ko
kayo pakawalan. It depends kung pakakawalan ko pa kayo hahaha”
“Ano pang tinatayotayo mo? Simulan na natin!” hamon niya rito.
“Hahaha wag kanga tat Del Martin. Pero dahil gusto mo na talaga.
Sige pagbibigyan kita pero gusto ko sundin mo lahat ng sasabihin
ko at pakakawalan ko siya.”
“Ano ba yun?”
Nakita nyang inutusan nito ang isang kasamahan nito na lapitan
siya at abutan ng isang tela.
“Isuot mo….sa mga mata mo” sabi nito
Walang sabi-sabing kinuha niya ito rito piniring sa kanyang
mata.
________________________
Nagulat si Butter ng ipiring ni Finn ang panyo sa mata nito.
Natatakot siya sa maaaring gawin rito ni Diego.
Ngumisi si Diego kay Finn.
“Laro muna tayo step bro” sabi nito.
Tinadyakan nito si Finn sa may sikmura nito.
Kaya natumba si Finn.
“Tumayo ka. Pag lumaban ka alam mo na kung anong mangyayari”
sabi ni Diego.
Nakita nito ang pagkuyom ni Finn.
Tumayo si Finn.
Sinuntok ito ni Diego sa may pisngi nito.
Napansin nyang pumutok ang labi ni Finn.
Ngumisi si Diego.
“Kulang pa yan finn. KUlang pa yan sa lahat ng kasalanan mo sa
akin.” Sabi ni Diego.
Sinuntok ulit ni Diego si Finn sa may sikmura.
Nakita niya ang paglabas ng dugo mula sa bibig ni Finn.
“Tama na Diego!” sigaw niya habang pumapatak ang luha sa kanyang
mga mata.
“wag kang makialam” gait na sabi ni Diego sa kanya.
Nakakatakot ang mga tingin nito sa kanya.
“Wag mo syang idamay dito Diego!” sabi ni Finn.
“Please Diego tama na.” pakiusap niya rito.
Pero di ito nakinig sa kanya. Sinuntok nito is Finn ng paulit-
ulit.
“Ipikit mo ang mga m-mata mo B-butter.” Sabi ni Finn.
Pinikit niya nga ang kanyang mga mata.
Narinig niya ang pagsuntok ni Diego kay Finn.
Hindi niya kinaya kung kaya’t minulat niya ang kanyang mga mata.
Nakaluhod na si Finn at may pumapatak ng dugo mula sa bibig nito
at may mga pasa na ito sa mukha at sa katawan.
Nakita nyang may kinuha si Diego na kahoy bago pa nito ipukpok
iyon kay Finn ay kinagat na niya ang kamay ng isang frat member
ni Diego na may hawak sa kanya at dali-dali syang tumakbo at
niyakap si Finn.
Isang matigas na bagay ang tumama sa kanyang ulo.
____________________
“Laro muna tayo step bro” sabi ni Diego.
At saka tinadyakan si Finn.
Hindi niya nabalanse ang katawan kaya natumba siya sa lakas ng
pagtadyak nito sa kanya.
“Tumayo ka.” Utos nito. Kinuyom niya ang kanyang kamay
“Pag lumaban ka alam mo na kung anong mangyayari” sunod na sabi
nito.
Tinanggal niya sa pagkakakuyom ang kamay niya.
Tumayo si Finn.
Sinuntok sya ni Diego sa may pisngi nya.
Alam nyang pumutok ang gilig ng labi niya.
Sinuntok pa siya nito at doon ay napaubo siya.
“Tama na Diego!” sigaw ni Butter.
“wag kang makialam” gait na sabi ni Diego kay Butter.
“Wag mo syang idamay dito Diego!” sabi niya. Alam nyang
nakakatakot magalit si Diego kahit babae ay sinasanto nito.
“Please Diego tama na.” pakiusap ni Butter rito.
Sinuntok siya nito ng paulit-ulit.
“Ipikit mo ang mga m-mata mo B-butter.” Sabi niya.
Ayaw nyang makita nito ang paghihirap at ang pananakit sa kanya
ni Diego.
Hindi niya alam kung sumunod ito sa kanya o hindi.
Ilang minuto ay di niya naramdaman ang pagsuntok o pagtadyak sa
kanya ni Diego hanggang sa may biglang yumakap sa kanya kasabay
ng malakas na tunog.
“Boss, dinudugo ang ulo niya!” sigaw ng isang lalaki na alam
nyang si Diego ang kausap nito.
“Umalis na tayo Boss.” Sabi ng isa.
Narinig niya ang mga yabag papaalis.
Tinanggal niya ang kanyang piring.
Unang nakita niya ay si Butter na nanghihina.
“B-butter” sabi niya. Nakita niya ang dugo nito sa may ulo.
“F-finn”
“Wag ka ng magsalita please. Dadalhin kita sa ospital” sabi
niya.
“F-finn, h-hindi na”
“Hindi! dadalhin kita sa ospital.”
Kahit masakit ang mga pasa niya sa katawan ay pinilit niya itong
buhati pero lagi syang natutumba.
“Bakit mo ginawa yon?” tanong niya rito.
“D-dahil mahal kita Finn. L-lagi mo na lang akong nililigtas. T-
this time I… I want to save you” sabi nito at unti-unting
pumipikit ang mga mata nito.
Ayaw nyang mawala si Butter sa kanya. Ngayon na hindi pa niya
nasasabi kung gano niya ito kamahal.
“Butter. Please no… wag kang mawawala please… Mahal kita Butter”
sabi niya habang tinatapik-tapik ang pisngi nito.
Pero huli na dahil pumikit na ito…
Chapter Ten
“Mahal na mahal kita Butter. Kahit ulit-ulitin ko di ako
magsasawang sabihin yon sayo. Ikaw lang yong babaeng nagmahal sa
akin ng ganito. Ikaw lang yong minahal ko ng sobra Butter.
Mahal na mahal kita” sabi ni Finn.
Umupo siya sa tabi nito.
“Sana magkasama pa tayo ngayon. Dapat hindi mo na lang ako
niligtas eh. Dapat ako yong nasa sitwasyon mo ngayon. Nagbago na
ako Butter. Binabago ko na ang buhay ko para sayo. Di ba yon ang
gusto mo ang maging maaayos ang buhay ko. Ito na oh. Bumalik ka
na sa akin please…”
Pakiusap niya kay Butter. Nakahiga ito sa kama habang maraming
nakasaksak na aparato sa katawan nito.
Dalawang buwan na rin ang lumipas ng idiklarang comatose ito.
Ngunit hanggang ngayon di parin ito nagigising.
He held her hand.
“Please Butter, gumising ka na. Mahal na mahal kita.”
Bigla na lang syang nakarinig ng mahabang ingay at kasabay non
ay ang pag-isang linya ng heartbeat ni Butter sa monitor.
“Doc!!!” sigaw niya.
Dumating ang mga nurse at ang Doktor.
Pi-nump nito ang chest ni Butter.
Ang lakas ng kaba sa dibdib niya habang nakatunghay kay Butter.
“God please. Wag mo munang kunin si Butter. Alam ko madami akong
nagawang kasalanan pero sana ngayon lang tuparin nyo ang hiling
ko. Wag nyong kunin si Butter sa akin” taimtim na dasal niya sa
kanyang isipan.
Umiling ang doctor. “Time of death 1:26pm” sabi nito.
Tumingin ito sa kanya. At ti-nap ang balikat niya.
“I’m sorry”
saka na ito umalis.
Nilapitan niya si Butter. Habang umiiyak.
Ngayon pinagsisisihan niya lahat ng masama nyang nagawa sa buhay
niya.
Siguro ito na ang karma niya ang mawala ang taong pinakamamahal
niya.
Hinalikan niya ito sa noo.
________________
It has been two years since Butter died.
Sa dalawang taon na iyon ay naka-graduate na siya ng college.
“Graduate na ako Butter, natupad ko na rin yong pangarao mo”
sabi niya rito.
Nasa puntod siya ngayon ni Butter.
“Please, kahit ngayon lang. magpakita ka naman sa akin oh. Kahit
saglit lang” tawag niya rito.
isang malakas na ihip ng hangin ang nadama niya.
“Butter?” tawag niya sa isang babae na naglalakad palapit sa
kanya.
Naka-white dress ito na tinatangay ng hangin.
Huminto ito sa tapat niya.
“Butter”
“Finn”
Niyakap niya ito bigla. “Miss na miss na kita.”
Kumalas ito sa pagkakayakap niya. Nginitian siya nito.
“Miss na rin kita. Wag ka ng malungkot ha. masaya na ako Finn.
Masaya ako at nagbago ka na.”
“wag mo na akong iwan please. Isama mo na lang ako.”
Hinaplos nito ang mukha niya.
“Kahit gusto ko. Hindi pwede. Marami ka pang misyon sa mundo
Finn. Magkakasama parin naman tayo eh. Hindi nga lang dito.
Hihintayin ko ang araw na yon Finn. Hihintayin kita.”
sabi nito.
Hinalikan siya nito sa labi.
“Butter” tawag niya dahil bigla na lang tong naglaho ng parang
bula.
Nagising na lamang bigla si Finn.
Panaginip lang pala.
Ngumiti siya at saka na tumayo.
“Mahal kita Butter. Hinatayin mo lang ako. magkakasama din tayo”
sabi niya.
Umalis na siya at tatahakin niya ang landas na gusto ni Butter
sa kanya.
Siguro ito ang tadahana ni Butter ang iligtas siya. at ang
tadhana naman niya ay mahalin at tuparin ang pangarap nito para
sa kanya ang maging masaya siya ng di ito kasama.
Trivia: Kismets means Destiny
---------The End-----------
Date started:
Date Finished: June 28, 2013
A/N: In every love story there should be an ending. Either
happy, sad or tragic ending.
This is my first tragic love story. Thank you for reading and
waiting for my late updates.
It was inspiresd by the book SCU: The Otaku girl of Ms. Heart
Yngrid.
The names are inspired by Butterfinger na chocolate hehehe :D
I’ll try to write another tragic story hehehe but not now.
Abangan na lang… Thank you again for reading.
Recommended