Ito ang ko! - bulacandeped.com · 3333 Gawain 2 Piliin sa loob ng kahon kung sinong manggagawa ng...

Preview:

Citation preview

May-akda:Sheila P. De Leon

Taga-guhit:Reynalyn S. Catindig

Ito ang

Kuwento ni:Sheila P. De Leon

Guhit at Layout ni:Reynalyn S. Catindig

ko!

2

LuLuBuboyPido

2

3

LuLu

Cardo

Dindo

3

4

Published by theDepartment of Education

Region III

COPYRIGHT @ 2018by _____________

Copyright Notice:

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:

" No Copyright shall subsist in any work of the Government of the Republic of the Philippines.

However, prior approval of the Government agency of office wherein the work is created shall be

necessary for exploitation of such work for profit"

5

L a t h a l a i n n g

Ito ang

ko!

6 6

" ino-sino ang mga manggagawa sa inyong komunidad ang nais ninyong maging sa inyong paglaki?" tanong ng guro.

Nag-isip ang mga mag-aaral kung sino-sino ang mga manggagawa sa kanilang komunidad.

S

77

8

Habang pauwi, iniisip ng magkakaibigan ang kanilang takdang-aralin sa Filipino.

8

99

10

Isang araw, binisita ni Pido ang kanyang doktora. Nakita niya ang mga bata na kinakabahan habang nag- aantay. Samantala, sabik na si Pido na magpatingin dahil labis ang kanyang paghanga rito.

10

1111

12

Habang papauwi, natutuwang sinabi ni Pido sa kanyang tatay na nais niyang maging doktor sa kanyang paglaki.

12

1313

14

"Paglaki ko, nais kong maging isang bumbero" sabi ni Buboy habang tinutulungan niya ang kanyang tatay sa paglilinis ng kotse. Kinawiwilihan niya ang paglalaro sa tubig.

14

1515

16

Hinahangaan ni Lulu ang kanyang nanay habang tinuturuan siyang magbasa. "Alam ko na ngayon, paglaki ko nais kong maging isang guro!" wika ni Lulu.

16

1717

18

Kinagigiliwan ni Dindo ang pagluluto subalit hindi niya ito kaya. Matiyaga siyang tinuruan ng kanyang lola kung papaano magluto.

18

1919

20

"Ang sarap naman! Siguro maaari na akong maging Chef paglaki ko?" wika niya.

20

2121

22

"Oh! Bakit sinasaktan ng bata ang kanyang kalaro? Huwag! Huwag mo siyang saktan!" sigaw ni Cardo.

22

2323

24

Huwag ka nang umiyak. Halika tutulungan kita."

"Salamat!" wika ng bata.

"Walang anuman, dahil gusto kong maging pulis balang araw na tumutulong sa kapwa," wika ni Cardo.

24

2525

26

Sa kanilang pagtulog, napanaginipan nila ang kanilang sarili sa hinaharap sa katauhan ng kani-kanilang mga pangarap na manggagawa ng komunidad.

26

2727

28

"Mga bata, makinig tayo kina Pido, Buboy, Lulu, Dindo at Cardo na maibahagi ang kanilang sagot sa ating takdang aralin sa Filipino," wika ng guro.

28

2929

Mga Manggagawa ng Komunidad

30

At ibinahagi nila ang mga manggagawa sa kanilang komunidad na pangarap nilang maging balang araw. Nais maging doktor ni Pido, bumbero si Buboy, guro naman si Lulu, chef si Dindo at isang pulis si Cardo.

30

3131

Sagutin Natin.

1. Sino-sino ang mga tauhan sa kwento?2. Ano-ano ang kanilang naging sagot sa takdang- aralin na ibinigay ng guro?3. Ikaw, nais mo rin bang maging isang manggagawa ng inyong komunidad balang araw? Bakit?

Mga Kasanayan sa Pagkatuto

- Naiuugnay ang sariling karanasan sa napakinggang kwento. (F1PN-Iij-4)- Natutukoy ang mga manggagawa sa komunidad. (F1WG-II-i2.2)

32 32

Gawain 1

Anong Gamit Ko?Pagtambalin ang mga manggagawa ng komunidadsa kanilang mga kagamitan sa pamamagitan ng pagguhit ng linya.. .. .. .. .. .

3333

Gawain 2

Piliin sa loob ng kahon kung sinong manggagawa ng komunidad ang tinutukoy ng bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang.

Sino Ako?

Guro Bumbero Doktor Pulis Chef

______________1. Ako ang gumagamot at tumutulong sa mga taong may sakit.

______________2. Ako ang nangangalaga sa katahimikan ng ating komunidad.

______________3. Ako ang nagtuturo sa mga bata kung paano bumasa, sumulat at bumilang.

______________4. Ako ang nagluluto ng mga masasarap na pagkain.

______________5. Ako ang nagpapahinto ng sunog sa ating komunidad.

. .

34 34

35

SHEILA P DE LEONMAY-AKDANagtapos ng kursong Bachelor of Elementary Education Major in General EducationKasalukuyang nagtuturo sa Baitang 5 sa Mababang Paaralan ng MasaganaMasagana, Pandi, BulacanGuro 1

REYNALYN S. CATINDIGTAGA-GUHIT at TAGA- LAYOUTNagtapos ng kursong Bachelor of Elementary Education Major in GeneralistKasalukuyang nagtuturo sa Baitang 6 sa Mababang Paaralan ng MasaganaMasagana, Pandi, BulacanGuro 1

35

36

Ang kwentong ito ay tungkol sa limang magkakaibigan na sina Pido, Buboy, Lulu, Dindo at Cardo na minsang nangarap na maging isa sa mga manggagawa ng ating komunidad sa kanilang paglaki.

Halina at ating tuklasin kung sino-sino ang mga ito.

Ikaw, sinong manggagawa ng inyong komunidad ang gusto mong maging balang araw?

Recommended