View
592
Download
3
Category
Preview:
Citation preview
• Ano nga ba ang kahulugan ng PELIKULA?
PELIKULA…
• Isang obrang pansining na kakikitaan ng galing, tradisyon, kultura, kaugalian, saloobin, at pagpapahalaga ng tao/bansang pinagmulan nito.
• Salamin ng bayan• Ito ay may responsibilidad sa dimensyong
sosyal.• Libangan ng mga tao.
PELIKULA
• Ito ay isang uri ng media na may malaking epekto sa pag-iisip at pag-uugali ng mga manonood.
• Iba iba ang pinapaksa ng pelikula. Ang pagsasagawa ng pelikula ay nangangailangan ng mahabang proseso.
MGA SANGKAP NG PELIKULA
1. NILALAMAN / KWENTO
1. NILALAMAN / KWENTO
• Makatotohanang paglalarawan ng tao mula sa pananaw ng kalagayan ng tao mula sa pananaw ng Pilipino
• Tumatalakay sa karanasang Pilipino na makahulugan sa higit na nakararaming manonood
2. PAMPELIKULA /SCREENPLAY
•Ano ang pangunahing kaisipan o mensahe ng pelikula?
•Sa paanong paraan naging makubuluhan ang nilalaman
ng pelikula?
2. DULANG PAMPELIKULA /SCREENPLAY
Makabuluhang nilalaman o karanasang sinusuri
Binabalangkas sa paraang orihinal
ang nasabing nilalaman o karana-san, ayon sa pangangailangan ng midyum ng pelikula
3. PAGGANAP
• Malinaw at makatotohanan ba ang mga pangyayari / diyalogo sa pelikula?
• Nabigyang lalim at bisa ba ang pagsasabuhay ng mga karakter?
• Makatarungan ba ang Pagganap ng mga aktor at mga aktres?
• Makatotohahan ba ang pagganap ng mga artista sa kani-kanilang papel?
3. PAGGANAP
• Matagumpay na nagawa ng artista na ma-paniwala ang mga manonood sa tauhang kanyang inilalarawan
• Malinaw ang mga motibong nagpapakilos sa mga tauhan
4. Disenyong Pamproduksyon
• Angkop ba sa istorya at mga tauhan ang mga ginamit na kagamitan, kasuotan, tanawin, set at panahaon?
Disenyong Pamproduksyon
• Naisakatuparan sa malikhaing paraan ang
Pook Tagpuan Makeup Kasuotan Kagamitan
na nagpapalitaw ng panahon, kapaligiran at katauhang hinihingi ng realidad ng dulang pampelikula
Disenyong Pamproduksyon
• ang pagkunsepto,pagpaplano at paggawa ng lahat ng gamit at lugar kung saan nagaganap angmga eksena sa pelikula.
5. SINEMATOGRAPIYA
• Tiyak at masining ba ang bawat anggulo ng kamera, ang bawat galaw, ang layo o lapit na nais marating, liwanag at dilim sa pag-iilaw, mga hugis, anino at kulay?
• Anu-ano ang uri ng “shots” na ginamit sa pelikula? Paano nakatulong ang mga ito sa pagpapalutang ng mga tagpo sa pelikula?
SINEMATOGRAPIYAMatagumpay nitong
naisalarawan ang nilalaman sa pamamagitan ng:
• Pag-iilaw• Komposisyon• Galaw • at ibang kaugnay na teknik
ng kamera
SINEMATOGRAPIYA
• ang paggamit ng kamera upang maisapelikula ang mgaeksena sa isang production o screenplay
6. EDITING
• Mahusay ba ang pagkakaedit ng pelikula?
• Hindi ba naapektuhan ang kabuluhang estetiko ng pelikula sa pagkakaedit ng ilang eksena?
EDITINGMalikhain nitong pinakikitid o
pinapalawak ang:• Oras• Kalawakan• Galaw
• ang pagpili at pagsasaayos ng mga kuha upang mabuo ang isangtuloy-tuloy na pelikula.
7. TUNOG
• Malinaw ba ang dating ng mga dayalog sa pelikula? Nauuna ba o nahuhuli ang mga tunog sa bawat eksena?
• Nakadagdag ba sa kabuuan ng pelikula ang mga tunog?
TUNOG
Naisalin nang buhay na buhay
ang diyalogo at musika epektibong tunog at
katahimikan
Naisaayos ang lahat na ito sa malik-haing paraan
8. MUSIKA
• Angkop ba ang paglalapat ng musika, lalo na sa mga piling tagpo sa pelikula?
MUSIKA
• Pinalilitaw ang kahulugan ng tagpo o damdamin
• Pinatitingkad ang atmospera at damdamin
• Inaayunan ang ritmo at daloy ng pelikula
• Orihinal na musika
• Pinatitingkad ba at angkop ang mga musika at mga tunog na ginamit sa iba't ibang emosyon sa bawat eksena ng pelikula?
9. DIREKSYON
• Paano ipinahahatid ng direktor ang mensahe ng pelikula?
• Bakit siya tinatawag na kapitan ng barko sa paggawa ng pelikula?
• Paano napagsanib ng direktor ang lahat ng sangkap ng pelikula?
DIREKSYON
• Matagumpay ang direktor sa pagbibigay – buhay sa dulang pampelikula
• Nagawa niyang ipabatid ang kanyang pagkaunawa sa materyal sa pamamagitan ng malikhaing pagsasanib ng iba’t ibang elemento ng pelikula
10.Pagsulat ng Skript
Pagsulat ng Skript
- proseso ng pagsulat ng dayalogo ng mga karakter at mgadetalyeng kailangan sa bawat eksena.
• TAKDANG ARALIN
ANO-ANO ANG MGA URI NG PELIKULANG PILIPINO?
Recommended