View
1.022
Download
34
Category
Preview:
Citation preview
Kabanata 4
Nang hindi makabalik si Pedro, inutusan na ni Don
Fernando na si Don Diego na ang pumunta at maghanap sa
ibong adarna.
Naglakbay siya ng limang buwan at dumaan ng mga gubat, bundok at ilog ng
matapang at nakarating siya sa Bundok Tabor at nakita niya ang Piedras Platas.
Kagaya kay Pedro, siya ay nagtaka rin tungkol sa mga ibon at nakatulog rin siya sa
ilalim ng puno.
Dumating din ang ibong adarna. Nagpalit ng balahibo sabay sa awit niya.Naaliw si Don Diego at nakatulog siya dahil sa pagkanta ng ibon.
Ang ibon ay muling kumanta, nagpalit ng balahibo at
nagbawas. Tulad kay Pedro, Si Diego ay natalsikan din ng dumi at naging bato na rin.
Kabanata 5
Lalong sumama ang kalagayan ng hari sa hindi pagbabalik ng dalawang
magkapatid.Ayaw naman ng hari na utusan ang anak
niyang bunso dahil sa pag-aalalang ito’y mawala.
Nagsabi si Don Juan na siya ang hahanap sa ibon at sa
mga kapatid. May tatlong taon ng di bumabalik ang dalawa
kaya nababahala na ang kaharian.Una di pumapayag ang hari ngunit pinilit ni Don
Juan ay napapayag niya rin ito.
Si Don Juan ay di gumamit ng kabayo sa paglakbay.
Nagbaon ng limang tinapay at nanalangin sa Inang Birhen.
Hiningi niyang patnubayan siya nito at ang hirap ay
mapagtiisan.
Binagtas ang kabundukan, parang, ilog at iba pa. Gutom
at pagod ang kanyang naranasan pero di siya
sumuko. Apat na buwan na siyang naglalakad.
Kada buwan ay isang tinapay ang kanyang kinakain.Sa kanyang paglalakbay ay
natagpuan niya ang isang matandang sugatan.
Kabanata 6
May nakita si Don Juan na leproso. Ang leproso ay
humingi ng pagkain. Binigyan ni Don Juan ang leproso ng
kanyang huling tinapay niya.
Kinuwento ni Don Juan ang kanyang pakay. Binalik ng
leproso ang tinapay kay Don Juan pero do tinangap ni Don
Juan. Umalis na si Don Juan at pumunta siya sa bahay ng
isang ermitanyo.
Nakita ni Don Juan ang binigay na tinapay sa lemasa sa bahay
ng ermitanyo. Binigyan ng ermitango si Don Juan ng
dayap, labaha at sintas para makatulong sa paghuli sa
Ibong Adarna.
Recommended