Mga Kasanayan sa Mapanuring Pagbasa

Preview:

Citation preview

Mga Kasanayan

sa Mapanuring

Pagbasa

1. Bago magbasa Sinisimulan ang pagbasa sa pagsisiyasat ng tekstong babasahin. Ang pagsusuri ng panlabas na katangian ng teksto ay mahalaga upang malaman ang tamang estratehiya sa pagbasa batay sa uri ng genre ng teksto o kung kinakailangan ba ito ayon sa itinakdang layunin ng pagbasa.

1. Bago magbasa◦ Kinapapalooban ito ng previewing o surveying ng isang teksto sa pamamagitan ng mabilisang pagtingin sa mga larawan, pamagat at pangalawang pamagat sa loob ng aklat

2. Habang nagbabasa Pagtantiya sa bilis ng pagbasa Biswalisasyon ng binabasa Pagbuo ng Koneksiyon

2. Habang nagbabasa Paghihinuha Pagsubaybay sa komprehensiyon Muling pagbasa Pagkuha ng kahulugan mula sa konteksto

3. Pagkatapos magbasa Pagtatasa ng komprehensiyon Pagbubuod Pagbuo ng sintesis Ebalwasyon

Pagkilala ng Opinyon at Katotohanan

◦ Ang pagtukoy kung opinyon o katotohanan ang isang pahayag ay mahalagang kasanayan ng isang

mambabasa, lalo na’t napakarami nang iba’t ibang impormasyon ang maaaring

makuha sa Internet.

Ano ang katotohanan?

Ano naman ang opinyon?

Katotohanan• mga pahayag na maaaring

mapatunayan o mapasubalian sa pamamagitan ng empirikal na

karanasan, pananaliksik o pangkalahatang kaalaman o

impormasyon.

Opinyon• mga pahayag na nagpapakita ng presensiya

o ideya batay sa personal na paniniwala at iniisip ng isang tao. Maaaring kakitaan ito ng

mga panandang diskurso tulad ng “sa opinyon ko”, “para sa akin”, “gusto ko” o sa

“tingin ko”.

Paano natin matutukoy kung ano ang

katotohanan at ano naman ang opinyon?

Bilang isang mag-aaral at bilang isang mambabasa ano-ano ang mga paraan ang dapat mong gawin upang masuri kung totoo ba o hindi ang iyong binabasa?

Pagtukoy kung Opinyon o Katotohanan

1. Si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kasalukuyang pangulo ng Republika ng

Pilipinas.

Pagtukoy kung Opinyon o Katotohanan 2. Para sa akin, si Pangulong

Benigno Aquino III lamang ang kaisa-isang pangulong sumugpo sa

korapsyon sa gobyerno ng Pilipinas.

Pagtukoy kung Opinyon o Katotohanan

3. Sa tingin ko tunay na may kinalaman sa isyu ng

ipinagbabawal na gamot si Senador Leila de Lima.

Pagtukoy kung Opinyon o Katotohanan

4. Napakahusay ng pagganap ni Daniel Padilla sa pelikulang Barcelona: A Love Untold.

Pagtukoy kung Opinyon o Katotohanan 5. Ang Supreme Court ang

pinakamataas ng hukuman sa Judiciary System ng Pilipinas.

Pagtukoy kung Opinyon o Katotohanan

6. Tunay ngang ang pinakamagandang artistang babae sa showbiz ngayon si

Liza Soberano.

Pagtukoy kung Opinyon o Katotohanan

7. Nandaya sa eleksyon noong 2004 si dating Pangulong

Gloria Macapagal Arroyo kaya natalo si Fernando Poe Jr.

Pagtukoy kung Opinyon o Katotohanan

8. Ayon sa pag-aaral ng mga doktor, ang ating katawan ang

binubuo ng 66% na tubig.

Pagtukoy kung Opinyon o Katotohanan

9. Napatunayan na maraming Pilipino ang tamad at walang

pangarap sa kanilang mga buhay.

Pagtukoy kung Opinyon o Katotohanan

10. Ayon sa Saligang Batas, ang pangulo ng Pilipinas ang

awtomatikong magsisilbi bilang Commander-in-chief ng PNP at AFP.

Takdang-Aralin Humanap ng isang pekeng balita sa social media o artikulo at isang balita o artikulo sa social media na masasabi nating may makatotohanan (Indibidwal na gawain: I-printscreen at i-print sa short bond paper:)

Recommended