Phist2

  • View
    2.128

  • Download
    4

  • Category

    Travel

Preview:

DESCRIPTION

Panahon ng Lumang Bato

Citation preview

ANG PILIPINAS SA PAGDATING NG MGA KASTILA

Pamumuhay

• “Kinilaw “ ang pinaka-unang pamamaraan ng paghahanda ng pagkaing isda. Ginagamitan ito ng suka o katas ng dayap ang nagpapalutang ng lasa ng isda. Sa Mindanao, katas ng tabon-tabon (hydrophytune orbiculatum) ang nag-aalis ng lansa. Sa Leyte at Cebu, gata ng niyog ang gamit nila.

Panahong Paleolitiko (50,000-10,000 B.C.)

• Panahon ng mga kagamitan na yari sa bato

• Pinaniniwalaang sa Pilipinas ay nagmula sa bahagi ng Cagayan Valley.

core tools

• Gamit mula sa tinapyas o tinabas na mga bato.

pebble tools

• Mga bilugang bato tulad ng mga natatagpuan sa ilalim ng mga ilog.

flake tools

• Mga gamit mula sa mga batong tinasahan.

Philippine pottery

Kamatayan

• Mga banga ang ginamit na lalagyan ng mga labi ng mga yumao.

• Sa El Nido Cave, sa Palawan, mga pintadong buto ay inilagay sa maliliit na puntod sa loob ng kuweba.

• Manunggul jar (890 B.C. and 710 B.C.)

Kamatayan

• Sa ibang bahagi ng arkipelago, ang mga labi ng namatay ay inililibing sa lupa sa nakaupong posisyon.

• Sa bawat paglilibing, nagpapabaon ang mga naiwan ng damit, pagkain o sandata.

Alahas at Palamuti

• Panahon ng Metal (ca. 500 B.C.)• Hilaw na copper ang dinidikdik upang

maging palamuti o di kaya’y sandata.• Ang mga alahas at iba pang palamuti

ay yari sa mga butil ng jade, bato, kristal, sigay, buto, o maging ng tangkay ng halaman.

Ang Sumpak

• Ang Sumpak• Mga piston sa

Southeast Asia at Madagascar na yari sa kawayan o tubong kahoy.

Panahong ng Bakal

• Kinakitaan ng mas mainam na mga gamit, dahil na rin sa mas maraming pinagkukunan ng yaman.

• Ang mga alahas ay naging tanda ng pagkaka-antas-antas sa mga komunidad.

• Mga industriya ng panahon: metalworking, pottery making, glassmaking, at tie-and-dye weaving.

Millennium A.D.

• Ang ilang pamilya mula sa mga nakapalibot na kaharian o tribo sa mga isla ng Pilipinas ay naglayag at nagtatag ng mga komunidad sa mga tabing ilog.

• Mas maigting na pakikipag-ugnayan sa mga taga ibang lugar.

• Paglawak ng paglalakbay dagat • Age of Contact (500-1400 A.D.)

Balangay o Balanghai

Age of Contact

• Paglago ng buhay komunidad na umiikot sa pagnenegosyo at kalakal.

• Paglinang ng galing sa iba’t-ibang larangan o gawain.

• Kasama ng iba pang nasa timog silangan ng Asya, sila ay “highly nomadic” dala ng transportasyong tubig.

• Kagalingan sa paglalayag at paggawa ng barko (seamanship at boatbuilding)

Balangay Boat (900 A.D.)in Butuan, NATIONAL MUSEUM - BALANGAY SHRINE, BRGY. LIBERTAD,

BUTUAN CITY, AGUSAN DEL NORTE

Balangay (1250 A.D.) at the National Museum, Manila

Lahing Malay

• Noong 1000 A.D., sa kainitan ng kapangyarihan ng Sri Vijaya (na nagmula sa Palembang, Sumatra noong ika-7 siglo), ang mga mangangalakal dito ay nakipagnegosyo sa mga taga China at India, hanggang ang impluwensya ay makarating sa Pilipinas.

Lahing Malay

• Ayon sa kinagisnan sa Sulu, ang mga imigrante galing Champa (Indianized na kaharian sa Indochina) ay nakapagtatag ng trading colony sa mga Buranan ng Sulu.

Lahing Malay

• Ang mga taga Champa ay kinilalang mga Orang Dampuan, mga tauhan ng Sri Vijaya Empire.

• Ang Mga Orang Dampuan ay namalagi sa Taguima (ngayon ay Basilan), at naging ninuno ng mga Yakan.

An elder Yakan

Lahing Malay

• Ang ilang siglo ng pakikipag-ugnayan sa mga Indianized traders ay nag-iwan ng mga burda sa kasaysaysan at kultura ng mga Pilipino.

• Pananampalataya, salita, panitikan, at kinagisnang kaugalian.

• BATHALA = Bhattara (Sanskrit, na ang ibig sabihin ay “Great Lord”)

Lahing Malay

• Malay ang pangunahing salita sa mga pamilihan sa timog silangang Asia noong panahong iyon.

• Maraming salitang Malay ang ginagamit magpasahanggang ngayon sa Pilipinas.

Lahing Malay

• TALARO (scales)• UPA (payment)• LAKO (peddle)• GUSALI (hall)• TUNAY (real=hard

cash)• BIYAYA

(grace=disbursement)

Lahing Malay

• ATSARA (pickles)• PATIS (brine)• PUTO (native cake)• KALAN (stove)• PINGGAN (plate)• ARAL (learning)• PAGSAMBA (adoration)

Lahing Malay

• Paniniwala: Ang daigdig ay puno ng mabuti at masamang espiritu, na dapat pinag-aalayan ng sakripisyo at panalangin para sa pagpapala.

• Mga Pabula: Ang Karera ng Uod at Usa; Ang Unggoy at ang Pagong.

• Mga Epiko: Darangan (Lanao); Lam-Ang (Ilocos); Ibalon (Bicol); Alim at Hudhud (Mt. Province) – mga hango sa Mahabharata (Sanskrit, “Great Story”) at Ramayana (Sanskrit, “Story of Rama”).

Lahing Malay

• Bugtong (riddles)• Awit (songs)• Salawikain (proverbs)• Alamat, mito at tula

Lahing Malay: Mga Salitang galing sa Sanskrit

• Ama (father), ina (mother), asawa (spouse)• Halaga (price)• Kalapati (dove)• Kuta (fort) • Sutla (silk)• Saksi (witness)• Tala (star) • Rajah (king) • Sandata (weapon)• Maharlika (noble)

Lahing Malay

• Mga Kaugalian: Pagsasabit ng kwintas ng bulalak sa leeg ng bisita; pagbibigay-kaya (dowry, paninilbihan ng lalaki sa bahay ng babaeng mapapangasawa bago ang kanilang kasal; paghahagis ng butil ng bigas sa bagong kasal.

Lahing Malay

• Mga Pamahiin: Magkakaroon ng kambal na anak kapag kumain ng kambal na saging.

Lahing Malay

• Baybayin: mga titik Tagalog; bawat hubog o tanda ay katumbas ng isang pantig

• Napapagkamalang Alibata.• 17 mga titik, na binubuo ng 3 patinig at

14 na katinig.

Baybayin

Lahing Malay

• Ang panulat ay isang matulis na sipol.• Yari sa metal or bakal, ang sipol ay

ginagamit na pang-ukit ng ng mga salita sa sanga ng kawayan, malapad na kahoy o tabla, dahon, banga, at metal.

Lahing Tsino

• Ang Sino-Pilipinong ugnayan ay sinasabing nagsimula noong ika-10 siglo.

• 982 A.D.: ang mga negosyante ng Ma-yi (binubuo ng Mindoro, Batangas, Manila at Pampanga) ay dumating mula sa Canton, lulan ng isang bangkang Arabyano upang ipagbili ang kanilang mamahaling kalakal.

Lahing Tsino

• Nakilala ang mga Pilipino bilang tapat at mapagkakatiwalaan sa negosyo.

• P’i-she-ya (marahil ay Visayas), ay sinasabi nilang barbaro, may mga taong pintado ang katawan hanggang leeg.

Lahing Tsino

• Ayon sa talaan ng Ming Dynasty (Ming Shih), Talaan ng Luzon, Talaan ng Camilig, at Talaan ng Sulu, ang Pilipinas ay nagpadala ng 8 embahada sa Beijing, sa pagitan ng 1372-1424.

Lahing Tsino

• Si Admiral Zheng He (a.k.a. Cheng Ho, 1371-1435) ang nanguna ng 7 ekspedisyon (1405-1422) sa katimuran ng karagatan ay narating ang Pilipinas, Borneo, Malay Peninsula, Singapore, Indochina, India, at Ceylon (Sri Lanka).

• Ang unang ekspedisyon, na binuo ng 62 barko, ay dumaong sa Pilipinas noong Disyembre 1405.

Lahing Tsino

• Si Pei-Pon-Tao (kilala rin bilang Pun Tao King), isa sa mga tauhan ni Admiral Zheng He ay namatay at inilibing sa Jatti Tunggal, Jolo.

• Taun-taon, tuwing ika-26 ng Disyembre ang mga Tsino sa Jolo ay pumupunta sa puntod ni Pei-Pon-Tao upang magbigay pugay sa mga nanguna ng relasyong Sino-Philippines.

Lahing Tsino

• Pinagyaman pa ng mga Tsino ang kulturang Pilipino sa ilang siglong paninirahan dito.

• Asul at puting porselana, balangaw, pilak, pulbura ay naging bahagi ng buhay ng mga Pilipino.

Lahing Tsino

• Pinagyaman din ng mga Tsino ang hilera ng pagkaing Pilipino: pag-iihaw ng baboy, pagpapakulo ng tsaa, pagluluto ng pansit, lumpia, chopsuey at okoy.

• Ang paggamit ng toyo, tahuri, bataw , petsay at upo ay sa kanila rin minana.

Lahing Tsino

• Maging ang kasuotan ng mga Pilipino ay alaala ng mga Tsinong ninuno, tulad ng kangan (sleeved jacket), tsinelas, bakya, pamaypay at payong .

Lahing Tsino

• Ang kaugaliang Pilipino ay may malalim ring bakas ng kaugaliang Tsino, tulad ng pakikipagkasundo para sa kasal ng mga anak, pag-alaala sa yumao, at pagkuha ng taga-iyak sa burol.

Lahing Tsino

• Ang iba pang kaugaliang Pilipino na may bakas ng Tsino ay ang pagpapaputok sa bagong taon, pagkulekta ng tong sa pasugalan, at pagtawad sa pamimili.

• Ang bokubolaryong Pilipino ay binudburan din ng higit kumulang 1,500 salitang mula sa mga Tsino.

Lahing Tsino

sungki bimpo bakya hikaw husi lawlaw sakya sansoy tiho tutsang apiyan kuyo pinse singkak huwipe katang puntaw susi tanglaw tinghoy tinsim/timsim huwana sanglay giyan hiya kiya selan samlang singki switik tuwatsat bantiti kiyaw-kiyaw kuwekong paslang pusiyaw suwat buwisit suya tiyak

Lahing Tsino

• Bandang ika-13 siglo ng sinasabing ang Hapon ay nakipagkalakal rin sa mga Pilipino, ayon sa talaan ng kasaysayan ng Rukyu.

• Ang mga piratang Hapon (wakos) ay naglayag sa silangan at marami sa kanila ang nakarating sa arkipelago ng Pilipinas.

• Noong 1400, ang mga Hapon ay nagtayo ng trading post sa Aparri.

Lahing Muslim

• Gitna ng ika-14 na siglo nang ang mga mangangalakal na Muslim mula Malaysia ay naghatid ng Islam (Arabic, “submission to the will of God.”)

• Ito ay kumalat sa katimugang bahagi ng bansa.• Sinasabing si Tuan Masha’ika ang naghatid ng

pananampalatayang Islamiko sa Sulu noong 1380 A.D., at nagtatag ng kauna-unahang komunidad ng Muslim sa arkipelago.

Lahing Muslim

• Ayon sa Tarsilas (talaan ng kasaysayan), si Karim ul Makhdum , isang iskolar ng Mecca, matapos hikayatin ang sultan at mga tao sa Malacca sa Islam, ay nakarating rin sa Sulu noong 1380 A.D, upang umpisahan ang misyong pagpapalaganap ng relihiyon.

Lahing Muslim

• Nagtayo si Karim ul Makhdum ng mosque sa Tubig-Indagan sa isla ng Simunul, at nagkaroon ng maraming kabig, lalo na sa Buansa (lumang kapitolyo ng Sulu.

Lahing Muslim

• Taong 1390, si Rajah Baginda, isang prinsipeng Muslim mula Menangkabau, Sumatra ay dumaong sa Buansa.

• Nangibabaw siya sa kabila ng pagtutol ng mga tao dito dahil ang kanyang mga tauhan ay armado ng baril sa sinasabing kauna-unahang labanang ginamitan ng bala sa arikipelago.

Lahing Muslim

• Sa panahon ng Makhdumin, tinanggap ng mga tao sa timog ang pananampalatayang Islamiko, na nagbadya ng pagdating ng maraming misyonero sa Sulu.

Lahing Muslim

• Taong 1450 A.D. si Sharif ul-Hashim (kilala rin bilang Sayid Abu Bakr), isang Arab authority on Islamic religion and law ay dumating sa Buansa, Sulu, mula Johore, Malacca.

• Pinakasalan niya si Prinsesa Paramisuli, ang magandang anak ni RajahBaginda mula Sumatra.

Lahing Muslim

• Itinatag ni Abu Bakr ang Sulu Sultanate noong panahon ring yaon, matapos ang pagkamatay ng kanyang biyenang si Rajah Baginda.

Lahing Muslim

• Pinamahalaan ni Abu Bakr ang Sulu Sultanate ayon sa palakad ng Arabian caliphate.

• Pinagtibay niya ang kauna-unahang kodigo ng Sulu (Sulu Code of Law)

• Sa bandang huli’y ginawa niyang malakas na pwersang mandirigma ang mga Tausug.

Lahing Muslim

• Sinasabing si Abu Bakr ang nagbigkis sa mga taong nakatira sa tabing dagat sa timog sa mga taong nakatira sa burol ng Sulu.

• Pinalaganap niya ang Qur’an.• Nagkamit ng titulong Sultan

Sarif.• Matapos ang pamumuno sa loob

ng 30 taon, namatay siya noong taong 1480.

Lahing Muslim

Maging sa kasalukuyan ang lahat ng sultan sa Sulu ay kinikilala si Abu Bakr bilang kanilang ninuno.

Lahing Muslim

• Sa unang bahagi ng ika-16 na siglo, marami pang Muslim ang dumating at nanirahan sa arkipelago.

Lahing Muslim

• Ang Islamic conquest ng Mindanao ay sinasabing kagagawan ni Sharif Muhammad Kabungsuwan , isang Muslim ng Johore.

• In 1475, dumating sa Malabang ng Cotabato si Kabungsuwan sampu ng malaki at malakas na puwersa ng Islamized Samals.

Lahing Muslim

• Matapos magapi ang Cotabato Valley (Maguindanao), pinakasalan ni Kabungsuwan ang isang katutubong prinsesa ng lugar.

• Si Kabungsuwan ang nagtatag ng sultanate ng Maguindanao noong 1515.

Lahing Muslim

• Ang mga ayaw tumanggap ng Islam ay napilitang ay napilitang magkanlong sa mga bundok.

• Sila ngayon ang tinatawag na Bilaans, Manobos, Subanuns, at iba pang mga paganong Pilipino.

Lahing Muslim

• Ang kahulihulihang Muslim na naghatid ng pananampalatayang Islam sa arkipelago ay si Alawe Balpake, isang Arab Sharif mula sa Sarawak, Borneo.

• Bandang ika-17 siglo ng ipinakilala nito ang Islam sa hilagang Mindanao at rehiyon ng lawa ng Lanao.

• Kauna-unahang sultan na Muslim ng Basilan.

Lahing Muslim

• Mga mangangalakal na Muslim mula sa Borneo ang nagkalat ng Islam sa Mindoro, Batangas, Maynila at Pampanga.

• Siat Sen: nagpakilala ng Islam sa Balayan, Batangas.

Lahing Muslim

• Muslim Filipinos: Maranaw ng Lanao, Maguindanawan ng Cotabato, Samal ng Zamboanga, Yakan ng Basilan, at Tausug ng Sulu.

Lahing Muslim

• Relihiyong Islam: Biernes ang araw ng pangilin; mosque ang lugar ng simbahan at tipanan sa mga mahahalagang okasyon; lantad na pananampalataya, pag-aayuno.