26
Central Luzon State University Kolehiyo ng Sining at Agham Departamento ng Filipino FILIPINO 115 PANITIKAN NG MGA REHIYON SA PILIPINAS Ipinasa ni: Neil Christian A.Domingo BSIT 2-1 Ipinasa kay: Prop. Potenciana R. Babasoro

Final Requirement

Embed Size (px)

Citation preview

Central Luzon State University

Kolehiyo ng Sining at Agham

Departamento ng Filipino

FILIPINO 115

PANITIKAN NG MGA REHIYON SA PILIPINAS

Ipinasa ni: Neil Christian A.Domingo

BSIT 2-1

Ipinasa kay: Prop. Potenciana R. Babasoro

Kabanata VIII:

Alin ang Lalong Nagpapatino sa Anak, Pamalo o Pangaral?

Kahinaan at Kalakasan ng Akda

Sa pamagat pa lamang ng akda ay matatamo natin na ito ay tungkol sa isang

balagtasan na kung saan ay may dalawang taong magpapaliwanagan at magbabahagi ng

kanilang paraan/opinyon kung ano ang tamang paraan sa pagdidisiplina ng mga magulang

sa kanilang mga anak.Kung ito ba ay idadaan sa pangangaral o kung ito ay gagamitan ng

dahas o pamalo.

Sa aking opinyon, Ang kalakasan ng akda ay mauunawaan ng mga mambabasa ang

bawat pahayag ng dalawang panig.Mauunawaan ang bawat pangaral ng mga magulang at

maunawaan ng mambabasa bilang anak ang kanilang mga pagkakamali sa bawat palo ng

kanilang mga magulang at ang rason o dahilan ng mga magulang kung bakit sila

gumagamit ng pamalo sa pagdidisiplina ng kanilang anak.Bawat panig ay naipaliwanag ang

kanilang opinyon.

Sa kahinaan naman,Base sa aking pagkakabasa ay hindi sapat para ang paliwanag

nang tagapagsalita ng Pamalo,dahil sa sa aking opinyon ang tamang pag didisiplina ng

magulang sa kanilang anak ay hindi lamang sa dahas idinadaan kundi sa isang

masinsinang pag paparangal.

Implikasyon sa:

Panahon

Ang panahon sa akda ay maaring panahon mula sa nakaraan o kaya naman ay

panahon sa ngayon.

Lugar

Base sa aking nabasa,Nakikita ko ang lugar ng pinagganapan ng akda ay isang

entablado na kung saan nandoon ang lakandiwa,ang tagapagsalita ng sa pangaral at

ang tagapagsalita ng sa pamalo.Sila ay nakaharap sa maraming mga manonood

Aral

Ang bawat isa sa tagapagsalita ay nag iiwan ng aral sa mga tagabasa.Ang

tagapagsalita ng pangaral ay nag-iiwan sa atin ng mga aral upang maitama natin ang

ating mga pagkakamaling nagawa bilang anak.Ang tagapagsalita naman ng Pamalo ay

nagpapakita at nakapagpapaunawa sa atin na ang ating ginawa ay mali.Ang sinabi ng

panig sa pangaral na “Pag ang bata ay lumaking suwail at di matino,ang paghampas na

panakot ang sa kanya ay bumigo mangyari pa iyang batang di inaralan nang wasto at

sa pamalo mo pinundi ang nahungkag niyang bungo” ay nagsasabi na hindi dapat laging

sa dahas idinadaan ang pagpapangaral ng magulang sa kanyang anak,sapagkat

maaring tumatak sa isipan ng anak na siya ay madalas saktan ng kanyang mga

magulang,ito dapat ay sinasamahan din dapat nang pangaral upang mas maintindihan

ng anak ang kanyang pagkakamali.Ang Pangaral at Pamalo ay parehas na mahalaga sa

pagdidisiplina sa mga anak,sapagkat ang mga paraang ito ang makakapagpatuwid at

makakapagtama sa mga pagkakamaling nagagawa ng mga anak.

Buod

Ang akda ay tungkol sa isang balagtasan.Ang balagtasan ay tungkol sa mas mainam na

paraan sa pagpapatino ng mga magulang sa kanilang mga anak.Ito ay nahati sa

dalawang panig,Una ay ang panig ng sa Pamalo at ang ikalawa ay ang Pangaral.Ang

bawat panig ay mayroong isang tagapagsalita upang ipaliwanag ang kanilang panig sa

napili nilang paraan sa pagpapatino sa kanilang mga anak.Sa simula ng panawagan ng

bawat panig ay makikita na ang tagapagsalita ng sa pamalo ay may hawak na pamalo at

ang tagapagsalita naman ng pangaral ay may dalang dalawang aklat.Sa unang tindig pa

lamang ng balagtasan ay nagpakitang gilas na ang tagapagsalita ng pamalo sa

pamamagitan nang kanyang pag kuwestiyon sa dalang libro ng tagapagsalita ng

pangaral.Sa kanyang opinyon ay Hindi sapat ang libro sa pagpapatino ng anak sapagkat

magmamalabis ang mga anak kapag winili ito sa pag paparangal na pagtitimpi lamang,

Ang kanyang pilosopiya sa pagpapatino ay ang pagpalo sa anak sa tuwing may

pagkakamali itong ginawa,Ang opinyon naman ng tagapagsalita ng pangaral ay hindi

dapat idinadaan sa init ng ulo ang pagpapatino sa kanilang mga anak,Ito dapat ay

idinadaan sa masinsinang pakikipag usap at pagpangaral sa kanilang mga anak ng sa

ganoon ay maunawaan nila ang kanilang pagkakamaling nagawa.Walang nagpatalo sa

magkabilang panig hanggat nagsalita na ang lakandiwa na parehas na kailangan ang

pamalo at pangaral.Patas ang naging husga sa magkabilang panig at ang tunay na

nanalo ay ang tagapagpakinig sa balagtasan

Tauhan

Ang mga tauhan sa akda ay ang Lakandiwa ng balagtasan na si Fernando Monleon,

Ang makata ng Laguna,Tagapagsalita sa panig ng Pangaral na si Emilio Mar.

Antonio,ang makata ng Bulakan at ang tagapagsalita sa panig ng Pamalo na si Teo S.

Baylen,Ang makata ng Kabite

Kabanata IX

Kung Pista Penafrancia

ni Merlinda C. Cantre

Kahinaan at Kalakasan ng Akda

Ang kalakasan ng akda ay naipapakita dito ang lakas ng pananampalataya ng

mga katolikong Pilipino sa Naga at ang kanilang panatang debosyon sa Nuestra Senora

De Penafrancia o kung tawagin ay ina.Naipapakita din dito ang pagkakaisa ng mga tao

sa kanilang paghahanda para sa kapistahan ng kanilang patron,mula sa alkalde ng naga

hanggang sa mga taong bahay ay nakikiisa sa nalalapit kaganapan.Ang pagsasama

sama ng mga pamilyang nasa malayo sa pagsapit ng pista.

Ang kahinaan ng Akda ay ang pag gastos ng mga tao sa naga sa kanilang

kapistahan,Maaari naman itong ipagdiwang sa isang simpleng paraan ngunit ito ay

talagang pinagkakagastusan taon taon.

Implikasyon sa:

Panahon

Ang panahon sa Akda ay parehas na panahon mula sa nakaraan at ang

panahon sa ngayon dahil nakasaad sa akda ang mga tradisyon na kanilang ginagawa

sa pagsapit ng pista mula noon hanggang sa ngayon.Masasabi ko na ito ay mula sa

nakaraan sapagkat ang Birhen ng Penafrancia ay mahigit limang daang (500) taon nang

nasa naga,ibig sabihin mahigit limang daanng taon na din ipinapagdiwang ang pista ng

penafrancia.Lugar

Ang lugar ng pinaganapan sa akda ay sa Visayas sa bayan ng Naga kung saan nandoon ang kanilang patron sa si Inang Penafrancia.

Aral

Ang aral sa akda ay ang pakikipag isa ng mga tao.Ang pagbabayanihan at

pakikibaka nating mga Pilipino sa ating kapwa.

Buod

Ang kapistahan ng Nuestra Senora De Penafrancia ay nangyayari tuwing ikatlong lingo

ng buwan ng setyembre sa araw ng linggo at sabado sa Arsidyosesis ng Nueva Caceres

ng Naga. Ang fiyesta sa Naga ay tinatao,matao dahil kung saan saan nanggagaling ang

mga ito,may mamimista,may manininda at ang iba naman ay deboto ni inang

penafrancia.

Buwan pa lamang ng Hunyo,Unti unti nang pinaplano ang pagdiriwang ng

kapistahan. Ang mga bikolano ay nag iipon ng pera para sa maramihang gastusan sa

pagsapit ng pista.Sa mga pamilya namang nakapagaaral, uuwi ang mga anak,kapatid o

ama na sa maynila nagtratrabaho.Ang plano para sa palabas sa pista ng Penafrancia ay

isinasagawa ng local na gobyerno ng naga na pinangungunahan ng alkalde at ng

kanyang bise.Susunod naman dito ay ang mga patimpalak para sa pagpili sa Ginoo at

Ginang Penafrancia ng taon at iba pang mga masasayang programa.

Sa ikalawang sabado ng setyempre ginaganap ang translacion na kung saan

iprurpusisyon ang birhen ng Penafrancia sa magmumula sa basisica minore na kung

saan doon ito nakalagak patungo sa metropolitan katedral ng arsidiyosesis kung saan

dito isasagawa ang mga vigil.Ang prusisyon ay pinangungunahan ng Divino Rostro, ang

imahen ng birheng maria hawak hawak ang panyong ipinunas kay kristo ng siyay

pinahirapan ng mga hudyo.Ang Inang Penafrancia ay nasa huling bahagi ng prusisyon

na pinagtutulungang pasanin ng mga lalaking iisang kulay ang damit na suot.

Sa mismong araw ng kapistahan ay isinasagwa ang Fluvial Procession, isang

prusisyong tubig upang isauli ang birhen ng Penafrancia sa tahanan nito sa basilica

minore.Sa bikol river idinadaan ang prusisyon kung saan may malaking Bangka na

sakay sakay ang mga lalaki.Hindi pwede isakay ang mga babae dahil paniniwala ng

mga matatanda na kapag nagsakay ng babae sa bangka ay lulubog ito.Maraming

deboto ang nag aabang sa daanan ng birhenng Penafrancia na may hawak na kandila

at nagwawagayway ng putting panyo.

Labis na pagpapasalamat ng sumulat ng akda sa kapistahan sapagkat dito niya

nakilala ang kanyang asawa.

Kultura

Ang kultura sa akda ay ang kultura sa naga,ipinapakita dito ang kanilang kultura

at tradisyon sa paghahanda at pagdiriwang sa araw ng kapistahan.Una ay ang

pakikisama ng bawat tao sa paghahanda,Ikalawa ay ang Translacion at fluvial

procession na ilang taon nang tradisyon ng Arsidiyosesis ng Caceres.

Tikbalang

ni Araceli Calomos – Delgado

Kalakasan at Kahinaan

Ang kalakasan ng akda ay naipapakita dito ang pagiging masunurin ng mga bata

sa mga nakakatanda sa kanila.Ang kahinaan naman nang akda ay ang paaglinlang

Mang Punying kay pising at ang kanyang pagsasamantalang ginawa dito,sa murang

edad ni pising ay masasabi natin na siyay inosente at walang kamuwang muwang .

Nang dahil sa ginawang pagsasamantala ni mang punying sa kanya ay nabahiran na ng

dungis ang kanyang kainosentehan.

Implikasyon sa:

Lugar

Ang lugar sa akda ay nasasalamin ko na ito ay sa isang nayon na kakaunti

lamang ang mga taong naninirahan

Aral

Ang aral mula sa akda ay nagpapaalala sa atin na huwag tayong makikipagusap

o makisalamuha sa mga taong hindi pamilyar sa atin dahil baka ito pa ang dahilan ng

gating kapahamakan. Huwag tayong magpalinlang sa mga taong mapagsamantala

sapagkat sa panahon ngayon dumadami na ang mga kaso sa mga taong

nananamantala lalong lalo na sa mga kababaihan.

Buod

Isang mainit na tanghali habang naglalaro ang magkaibigan na si Pising at si Ilu nang

sitsitan siya nang isang matandang lalaki na hindi naman niya kakilala, Sinabihan siya

nito na naghahanap daw ito ng mabibigyan ng pera .Napagkasunduan nila na sa bawat

uban na mabubunot ni pising mula sa matanda ay bibigyan siya nito nang dalawamput

limang sentimos.Lahat nang binubunot na uban ni pising ay inilalagay niya sa palad ni

mang punying upang mabilang ang mga ito.Nang pagsapit ng dilim ay umuwi na si

pising sa kanilang bahay,pinababalik siya ni mang punying kinabukasan upang bunutan

ito muli ng uban.Napag alaman ni pising na Mang Punying ang pangalan noong

matanda na ang trabaho ay manaid ng palay sa linang pagkatapos ng anihan at

tagabantay sa bilaran ng palay.

Kinabukasan,bumalik si pising sa matanda upang kunin nito ang kanyang perang

bayad sa kanya ngunit sinabihan siya nito na kutuhan muna siya bilang dagdag sa

kanyang bayad.Napagod si pising sa pag kuto sa matanda at siyay pinagpahinga sa

kubo kubo ni mang punying at siya ay tinabihan nito at nakatulog.Nang magising si

pising,mabigat at pakiramdam niya,parang binugbog ang buo niyang katawan.sa

kanyang pagbangon ay napansin niya na wala siyang suot na salawal at may dugo sa

kanyang puwit.Sabi ni mang punying hinubadan daw siya ng isang tikbalang at

ipinagtanggol daw siya ni mang punying mula dito.Nanghihina si pising na umuwi sa

kanilang bahay at nakausap ang kanyang lola.Sinabi ng kanyang lola na mabisa daw

ang asido na panlaban sa tikbalang.

Kinabukasan bumalik si pising kay mang punying na may dala dalang baril

barilan na ang laman ay gaas, Muli pinatulog na naman siya sa kubo kubo at may

ipinainom sa kanya.Sa kanyang paghiga ay nag panggap lamang siya na siyay

natutulog.Maya maya ay may naramdaman siya na kumakapkap sa kanyang salawal at

humahaplos sa kanyang binti at may pumaibabaw sa kanya.Kinapkap niya ang

kanyang baril barilan at binaril ang tikbalang at sinilaban ito at kumaripas ng takbo

papauwi.Nagising nalang si pising ng nanay niya na aalis sapagkat nalapnos daw ang

mukha ni mang punying.

Tauhan

Ang mga tauhan sa akda ay sina Pising na isang batang babae,ang kanyang

kaibigan at kalaro na si Ilu,Ang nanay at lola ni pising at ang matanda at tikbalang na

si Mang Punying

Kabanata X

Labaw Dongon

Kalakasan at Kahinaan ng akda

Ang kalakasan ng akda ay ang pagtutulungan ni Baranugan at Asu Mangga na

hanapin at iligtas ang kanilang ama na si Labaw Dongon mula sa kanyang katunggali na

si Buyong.Ang kahinaan ng akda ay ang pag aasawa ni Labaw Dongon ng higit sa isa

sapagkat ito ang naging dahilan ng kanyang kapahamakan.

Implikasyon sa:

Lugar

Base sa aking pagkakabasa,nasasalamin ko na ang lugar sa akda ay sa isang

kagubatan.

Aral

Ang aral mula sa akda ay ang pagkakaisa natin bilang isang pamilya,ang

kahalagahan nito sa ating buhay at pagmamahal ng anak sa kanilang mga

magulang.Sa ating pamilya ay dapat tayo nagtutulungan sapagkat tayo ay iisa

lamang.Ipagtanggol ang mga kapamilya na inaapi,Tulungan ang nangangailangan ng

tulong, Itayo ito mula sa pagkakadapa sa buhay at tulungang bumangon muli at

mahalin ang bawat isa .Matuto tayong magmalasakit sa ating mga kapamilya na

nangangailangan ng tulong sapagkat wala silang ibang masasandalan kundi tayo na

kanilang sariling pamilya.

Buod

Si Buyuung Panabari at Labaw Donggon ay mayroong tatlong supling at isa doon si

Labaw dongon. Si Labaw Dongon ay may kagilas gilas na katauhan dahil

pagkapanganak pa lamang nito ay agad itong lumaki,natutong magsalita,naging

matalino at lumaking napakalakas.Isang araw nagpaalam si Labaw Donggon sa

kanyang ina upang hanapin si Anggoy Ginbitinan at nahanap niya nga ito at

pinakasalan.Hindi pa nagtatagal ang kanilang pagsasama ay muling umalis si Labaw

Donggon upang suyuin ang dalagang si Anggoy Doroonan na kanyang pinakasalan din

ito. Hindi kalaunan nabalita ang kagandahan ng babaeng si Nagmalitong Yawa kaya

agad umalis si Labaw Donggon upang suyuin ang magandang babae ngunit sa

kasamaang palad ay may asawa na si Nagmalitong Yawa,si Buyong Saragnayan.Hindi

ito pumayag na ibigay ang kanyang asawa kay Labaw Donggon kayat sila ay

naglaban.Tumagal ng ilang taon ang labanan ng dalawang lalaki dahil parehas silang

malakas.Inilublob ni Labaw Donggon si Buyong sa ilog at ito ay tumagal ng pitong

taon.Itinali siya nito at ikinulong sa silong ng kanyang bahay.

Samantala nanganak naman ang asawa ni Labaw Donggon na si Anggoy

Doroonan at Anggoy Gitbitinan. Ang kanilang mga anak si Baranugan at si Asu

Mangga.Ang dalawang anak ay nagpaalam sa kanilang mga ina upang hanapin si

Labaw Donggon. Sa kanilang paglalakbay ay nakita nila ang isat isa at sabay na

hinanap ang kanilang ama. Nang marating nila ang lugar ni Buyong ay naglaban sila ni

Baranugan. Humingi ng tulong so Buyong sa mga Impakto at isang kawan ng mga

impakto ang lumusob sa kanila at natalo silang magkapatid. Humingi ng tulong si

Baranugan sa kanyang lola na si Alunsina.Sinabi sa kanya nito na kailangan nilang

magsakripisyo ng baboy ramo at ito ay ginawa ng magkapatid.Matapos nilang

magsakripisyo ay napatay na nila nang tuluyan si Buyong at hinanap ang kanilang ama.

Umalis sina Baranugan at Asu manga upang hanapin ang dalawa pang kapatid

ni Nagmalitong Yawa.

Kultura

Mapapansin sa Akda ang agad na paglaki at pagigng malakas ni Labaw

Donggon mula sa kanyang pagkakapanganak at pag aasawa ng marami ni Labaw

Donggon na higit pa sa isa,maari itong isa sa mga kultura nila at mapapansin din ang

tagal nang paglalaban nina Labaw Donggon at Buyong na tumagal nang maraming taon

ito ay parte din ng kultura

Tauhan

Ang mga tauhan sa Akda ay sina Diwata Abyang Alunsina at Buyung Panbari na

magulang ni Labaw Donggon. Sina Anggoy Ginbitinan at Anggoy Doroonan na mga

asawa ni Labaw Donggon.Si Buyong Saragnayan na nakalaban ni Labaw Donggon at

Nagmalitong Yawa na asawa ni Buyong. Sina Baranugan at Asu Mangga na anak ni

Labaw Donggon at ang pangunahing tauhan na si Labawv Donggon

Ugali ng Tagabukid

Erwin S. Sustento

Kalakasan at Kahinaan ng Akda

Ipinapakita sa Akda ang buhay ng mga tagabukid mula sa pagsapit ng

umaga,Ipinapakita dito ang mga bagay na ginagawa ng bawat miyembro ng pamilya

bilang isang taga bukid.Ang kalakasan ng akda ay ipinapakita rito ang kasimplehan ng

buhay sa bukid. Kung gaano kapursigido ang mga magulang magtrabaho para sa

ikabubuhay ng kanilang pamilya. Ang kahinaan naman nang akda ay ang hirap sa ng

buhay sa bukid, kung gaano nagpapakahirap ang magulang magtabaho at magbanat ng

buto para lamang mabuhay ang kanilang sampung anak

Lugar

Ang Lugar sa Akda ay sa Kabukiran kung saan doon nakatira ang Tiyo ang

Tatay at Nanay at ang kanilang sampung anak.

Aral

Ang aral sa akda ay makuntento tayo sa kung anu man ang meron satin dahil

hindi natin alam kung gaano tayo kaswerte sa buhay kung ikukumpara sa iba na halos

lahat ay gawin para lamang maitawid at may mapakain sa pamilya. Matuto tayong

magpasalamat sa mga biyayang ating natatanggap at ipamahagi natin ito.Pasalamatan

natin an gating mga magulang na naghihirap para sa ating mga anak sa ating mga gusto

at pangangailangan.

Buod

Ang akda ay nagsimula sa pag sasalarawan sa buhay ng mga taga bukid,Ito ay

pinamulan ng buhay ng Tiyo na nakangiti sapagkat nakuha na niya ang kanyang

pursyento kay tatang Berto.Kanyang ipinugal nang mabuti ang kalabaw pagkatapos

noon ay lumibot silang mga manggagawa sa gitna ng deharyo at na umiinom ng

serbesa at naninigarilyo.

Ikalawa naman ay ang buhay na nanay na kung saan sa pagtilaok ng manok ay

babangon agad ang nanay mula sa kanyang pagtulog at maghahanap ng bigas pasa sa

almusal na pagsasaluhan nila ng kanyang pamilya.Nagmamadali itong magpakain ng

mga baboy upang tuloy tuloy ang kanyang gawain.Pagsikat ng araw ay makikita ito na

gumagapas ng palay, nagpapakahirap para sa kanyang sampung anak habang ang

kanyang asawa naman ay nagmamaniobra ng manibela para sa miryenda at

pabneharyo.

Ang huli naman ay ang buhay ng taga bukid sa kanyang pag tulog na nakahanay

na parang mga sardinas kayakap ang maitim itim na unan at kumot na katsa na puro

sulsi ang kanilang sahig ay kawayan.Di alintana ang paa na puno ng putik na hindi pa

nahuhugasan at patuloy ito sa pag tulog upang may lakas sa susunod na araw.

Kultura

Ang kultura sa akda ay ang kultura sa bukid,ang maagang pag gising upang

makapagtrabaho ang pagsasaya sa gabi pagkatapos ng trabaho,ang pag gapas ng

palay sa umaga at ang pag tulog sa sahig.

Tauhan

Ang mga tauhan sa akda ay ang tagapagsalaysay,ang tiyo,ang nanay at tatay at

ang iba pang mga taga bukid.

Kabanata XI

Si Anak at ang UwakSalin ni: Patrocinio V. Villafuerte

Kalakasan at Kahinaan ng Akda

Ang kalakasan ng akda ay ang busilak na puso ni Anak na pumayag na

paglibingan ni Odang na asawa ni mama kawokak ang lupa malapit sa kanyang tore sa

apat na magkakapatid siya lamang ang nagmagandang loob na tulungan si mama

kawokak sa paglibing sa kanyang asawa at dahil sa kanyang kabutihan ay

napangasawa niya ang lalaki na mula sa bunga ng puno na pinaglibingan ni Odang. Ito

ay nagsasabi na maging mapagbigbay tayo at matuto tayong magpakumbaba dahil tayo

ay gagantimpalaan sa ating mabuting ginawa. Ang kahinaan naman nang akda ay ang

pagkamatay ng hipon na si Odang at ang pag tanggi ng mga kapatid ni Anak sa

pagsusumano ni mama kawokak na ilibing si odang sa tapat ng kanilang tore.

Lugar

Ang lugar na pinaganapan ng akda ay sa kaharian ng Agamaniyog kung saan

doon nakatira at namamahala ang Sultan kasama ang kanyang asawa na si Bai at ang

apat nilang anak na sina Potri Bonso,Potri Intan Tihaya,Tingtinga Bolawan at si Anak.

Aral

Ang aral sa akda ay Matuto tayong magpakumbaba sa ating kapwa natin.Maging

mapagbigay tayo sa ating kapwa at turuan natin ang ating mga sarili na huwag mang

husga sa ibang tao gayong hindi pa naman natin ito kilala.Tulad ni Anak dapat

magkaroon din tayo nang busilak na kalooban.

Buod

Sa kahariaan ng Agamaniyog nandoon ang sultan na namamahala sa kaharian

at ang asawa nitong si Ba’I. Sila ay biniyayaan ng apat na mamandang babaeng anak

na pinangalang Potri Bonso, Potri Intan Tihaya, Tingtinga Bolawan at si Anak.Ang sulta

ay may mga tauhan ito ang mga Sapalo Kandatuan,Siyao ka Solotonan at a Wasir.Ang

kanyang mga tagapayo ay sina Paladan Montri, Sabandar, Mangko Gomi at Bala sa

Inged.Isang araw nang biyernes ay nagpatawag ng pulong ang hari sa

torongan,kanyang ipinatawag ang kanyang mga tagapayo dahil nais niyang hingan sila

ng payo sa kanyang balak na gawang ng tig isang tore ang bawat isa sa mga prinsesa

na kanyang anak. Ayon sa kanya, nasa sapat na edad na ang kanyang mga anak upang

malaman ang pamantayan ng kabutihang asal.nais niyang magpatayo ng mga tore

upang malaman na mayroon siyang apat na anak na babae.Sinabi ni sabandar na dapat

sa tabing ilog itayo ang mga tore ngunit ito ay hindi sinangayunan ni paladin montri dahil

maari silang pasukin ng mga kaaway ito daw ay dapat nakatayo malapit sa lugar

sanayan kung saan may mga magbabantay sa kanila at ito ay sinang ayunan ng iba

pang mga tagapagpayo.

Sa kalapit bayan ay naglalakbay si mama kawokak na isang uwak dala dala ang

kanyang asawang hipon na namatay dahil sa pag aalala na hindi na siya babalikan ng

asawa.Ito ay nag hahanap ng mapaglilibingin nang kanyang asawa at napadpad ito sa

apat na tore kung saan nakatira ang apat na prinsesa. Una itong pumunta sa bintana ni

potri bonso inilagay ng uwak ang kanyang patay na asawa sa sahig ng tore kayat

umalingasaw ang amoy nito,nang dahil dito ay nagalit si potri bonso at pinaalis ang

uwak sa kanyang tore,pinuntahan niya ang ikalawang tore ngunit pinaalis siya ni potri

intan tihaya gayod din ni tingtinga bolawan.Nagbaka sakali pa din ang uwak sa huling

tore at malugod itong tinanggap ni anak at doon inilibing si odang.

Matapos ang pitong araw may tumubong halaman na puno ng dalanghita sa

kanyang bakuran.Hinintay niya itong mahinog ngunit inunahan siya ng kanyang mga

kapatid sa pag pitas ng bunga,may isang natirang bunga at Ito ay inilagay niya sa baul

at di kalaunan ay naging isang lalaki ito at ito ay ang naging asawa ni anak.

Kultura

Ang kultura sa akda ay ang kultura sa kaharian ng agamaniyog.

Panahon

Ang panahon sa akda ay ang panahon kung saan May kaharian na

pinamumunuan nang hari at panahon kung saan nakakapagsalita ang mga hayop at

may asawa.Sa madaling sabi ang akda ay kathang isip lamang.

Tauhan

Ang mga tauhan sa akda ay ang sultan,ang kanyang asawa na si Ba’I , ang

magkakapatid na sina Potri Bonso, Potri intan Tihaya, Tingtinga Bolawan , ang mga

tagapayo ng sultan na sina Paladan Montri,Sabandar,Mang Gomi at Bala sa Inged, ang

Uwak na si Mama Kawokak at ang kanyang asawang Hipon na si Odang,Si somesan at

ang pangunahing tauhan na si Anak na bunsong anak ng sultan

Bantugan

Kalakasan at Kahinaan ng Akda

Ang kalakasan ng akda ay ang metatag na samahan ng magkapatid na si Haring

Madali at prinsipe Bantugan, sa kabila ng lahat ng nangyari ay mas nanaig ang

pagmamahal ni Haring madali sa kanyang nakababatang kapatid.Ang kahinaan nang

akda ay ang pagka inggit ni Haring Madali sa kakisigan ng kanyang kapatid na nagdulot

sa kanyang pag alis sa kaharian at kanyang pagkamatay sa kalungkutan.

Lugar

Ang lugar sa akda ay sa kaharian ng Bumbaran kung saan namumuno si Haring

madali at ang kanyang kapatid na si prinsipe bantugan.Isa din sa lugar ay ang pagitan

ng dalawang dagat kung saan binawian ng buhay si prinsipe bantugan.

Aral

Ang aral sa kwento ay mahalin natin an gating mga kapatid,may ma

pagkakataon na hindi natin nauunawaan ang isat isa na nagiging sanhi ng pag aaway

ngunit kahit anong gawin natin ay kapatid pa din natin sila,sila lang ang meron tayo at

tayo lang din ang meron sila.Dapat damayan natin sila sa kanilang mga problema, Itama

ang kanilang mga pagkakamaling nagagawa at mahalin sila.

Buod

Sa kaharian nang Bumbaran ay namumuno si Haring Madali at ang kanyang

kapatid na si prinsepe Bantigan na malakas at matapang kaya takot ang ibang kaharian

na lusubin ang bumbaran at makipagdigmaan dito. Dahil sa katangian ni Prinsepe

Bantigan, ay maraming dalag ang nagkakagusto sa kanya. Naiingit si Haring Madali sa

kanya kaya ipinagbawalan niya ang mga tao nac huwag lumapit at kausapin si prinsipe

bantugan at kung sino man ang kakausap dito ay papatayin. Dahil sa kalungkutan ay

nagpasya na umalis na sa kaharian si prinsipe Bantugan at pumunta sa ibang lupain. Sa

kanyang paglalakbay ay nagkaroon siya nang sakit at binawian ng buhay.Nakita siya ni

prinsesa Datimbang at ang kapatid niyang hari at tinawag ang konseho.Mayroong loro

na pumasok sa bulwagan at sinabi sa hari na patay na si prinsipe bantugan.

Nang malamn ito nang hari ay nanaig ang kanyang pagmamahal kay prinsipe

bantigan at ibinalik ang kaluluwa niya sa walang buhay na katawan ni prinsipe

bantugan.Muling nabuhay ang prinsepe at nagdiwang ang buong kaharian at naibalik na

ang dating relasyon ng magkapatid.Samantala sa ibang kaharian kung saan namumuno

si Haring miskoyaw ay nabalitaan na namatay na si prinsepe bantugan kayat naisipan

nitong lusubin ang bumbaran sapagkat patay na ang pinakamalakas nitong mandirigma.

Lingid sa kaalaman ni Haring Miskoyaw na muling nabuhay si prinsepe bantugan.Natigil

ang pagdiriwang nang lusubin sila ng mga tauhan ni hating miskoyaw ngunit buong

tapang at bangis silang nilabanan ni prinsepe bantugan sa simula ay nanghihina si

prinsepe bantugan sapagkat siya lang ay kabubuhay pa lamang ngunit ilang sandal pa

ay bumalik muli ang kanyang lakas at siya ay nagtagumpay.Pagkatapos niyang matalo

ang mga kalaban ay dinalaw ang mga kaharian na karatig ng bumbaran at pinakasalan

lahat ng prinsesa nitong katipan at iniuwi sila sa bumbaran at sinalubong sila ni haring

madali na nagpatawag ng bagong pagdiriwang.Ang buhay ni prinsepe bantugan ay

naging maligaya hanggang sa hulng sandali

Tauhan

Ang mga tauhan sa akda ay sina prinsesa datimbang at ang kanyang kapatid na hari,

Ang loro na nagpahayag ng masamang balta , si Haring miskoyaw na kalaban ni

Prinsepe Bantugan, Si haring Madali at ang pangunahing tauhan na si Prinsepe

Bantigan.

Kabanata XII

Second Invitation to the Pope to Visit Tondo

Emmanuel Torres

Kahinaan at Kalakasan ng Akda

`Ang kalakasan ng akda ay ang pag gawa ng mga tao sa tondo ng imbitasyon

para sa santo papa na dalawin sila nito sa kanilang lugar upang makita nito ang malakas

nilang pananampalataya sa diyos sa kabila nang kanilang paghihirap na natatamasa sa

kanilang mga buhay.Ang kahinaan ng akda ay ang paghihirap ng mga tao,paghihirap

nila tuwing may bagyo,paghihirap nilang maghanap nang makakain para sa araw

araw,paghihirap nila sa tuwing may sakit ay wala silang magamit na pambili ng gamut

upang malunasan ang kanilang nararamdaman.

Lugar

Nasasalamin ko na ang lugar sa akda ay ang iskwater’s area sa tondo,ito ay ang

mga bahay na malilit at siira sira na dikit dikit.kung saan doon nakatira ang mga taong

gusto magpadalaw sa santo papa.

Aral

Ang aral sa akda ay matuto tayong makuntento sa kung ano ang meron tayo. Ito

ay biyaya pa din ng diyos sa atin. Magpasalamat tayo sa kanya dahil kahit papaano ay

nagagawa nating itawid ang araw. Magpasalamat tayo at hindi niya tayo pinababayaan

at lagi niya tayong binabantayan. Ang mga tao sa akda sa kabila nang kanilang

paghihirap ay andoon pa din ang kanilang lakas ng pananampalataya sa diyos. Ang

kanilang pinanghahawakan na kahit ano ang mangyari ay hindi sila nito pababayaan

Buod

Ang akda ay parang isang liham na iniimbita ng mga tao sa tondo ang santo

papa upang sila ay dalawin.ngunit sa aking pagkakabasa ay mayroon pang mas malalim

na dahilan kung bakit nila gusto mag padalaw sa santo papa. Ito ay upang makita nito

ang kanilang estado sa buhay. Sa pagsapit ng Bagyo ay kanya kanya sila nang lugar na

makakatukan upang doon muna pansamantalang magpalipas ng gabi, Ang kanilang

pagka kapos sa pagkain na kanila pang pinapaghati hatian. Ang mga batang may sakit

na hindi mabigyan ng lunas ang kanilang karamdaman.Ang kanilang pagyaya sa santo

papa sa kanilang hapag upang makita nito ang kakapiranggot na pagkain na nakahain

sa kanilang mesa.Sila ay parang mga puslit na Nagsusumbong sa kanilang ama.

Tauhan

Ang mga tauhan ng akda ay ang mga taga tondo na nag iimbita sa santo papa

Halu – halo

Grace Lee

Kalakasan at Kahinaan ng Akda

Ang kalakasan ng akda ay ang pagiging Pilipino nito halu halong

kultura,wika,asal relihiyon at buhay.Ang kahinaan naman ng akda ay sa iisang panig

lang ito tumututok

Lugar

Ang lugar sa akda ay mula sa ibat ibang bansa sapagkat ito ay halu halo.

Aral

Ang aral sa akda ay iba man ang ating lahi,kultura,relihiyon,pananaw sa buhay,

wika at asal ay iisa pa din tayo at pantay pantay sa paningin ng diyos.

Buod

Ipinapakita sa akda ang pagkakaiba iba ng mga tao, halu halong dugo , kultura,

wila ,asal at relihiyon. Ito ay nagsasabi na magnda daw ang halu halo.Ibig sabihin nito

kapag pinagsama sama ang iba iba ay maaring magdulot ng ibayong saya at tagumpay

Tauhan

Ang mga tauhan sa akda ay ang ibat ibang mga tao mula sa ibat ibang mga

bansa

Gng Poenciana R. Babasoro

Siya ay dating tagapangulo ng Departamento ng Filipino ng Kolehiyo ng Sining at

Agham ng Central Luzon State University. Siya ngayon ay may posisyong Associate Professor.

Siya ay kasalukuyang tinatapos ang Digring Ph.D. pagsasaling wika sa Unibersidad ng Pilipinas

Diliman. Siya ay nakapagtapos ng MA-ed Filipino sa Wesleyan University at BSE sa College of

the Republic. Siya din ay nagtuturo sa graduate school ng Wesleyan University – Philippines at

College of the Republic. Isa siyang makatang manunulat ng mga sulating panliterari at teknikal.