13067TAG PPES pamphlet v2 - Resource Centre · PDF filepositibo at malusog na pamamaraan. ... UÊ Kumakain ba ang iyong anak ng tamang balanse ng pagkain? Malaki ang epekto ng nutrisyon

  • Upload
    doduong

  • View
    234

  • Download
    6

Embed Size (px)

Citation preview

  • 1

    ng mga magulang ang pinakamahalagang impluwensiya sa buhay ng isang bata. Ang mga magulang ay nagsisilbing

    mga mabuting halimbawa at mga guro para sa kanilang mga anak. Ang isa sa pinakamahirap na gawain ng isang magulang ay ang pagsasaayos ng pag-uugali ng kaniyang anak. Ang isang batang nag-aalboroto ay walang nalalaman kung ikaw ay nag-sosolo, may asawa, mayaman o mahirap ngunit ang kaniya lamang nalalaman ay kung paano haharapin ang kaniyang pag-aalboroto at kung ano ang posibleng mangyari sa kaniyang pag-aalboroto.

    Ang pamplet na ito ay magbibigay ng mga ideya sa iyo kung paano ang:

    Maging isang pinakamahusay na magulang.Isaayos ang pag-uugali ng iyong anak sa pamamagitan ng positibo at malusog na pamamaraan.Unawain ang iyong anak.Gamitin ang tatlong Rs: Respect, Responsibility and Response o Respeto, Responsibilidad at Pagtugon bilang giya ng pagiging magulang.Unawain kung bakit ang pagiging magulang ng walang halong karahasan ay mayroong pang-matagalang mga positibong resulta.

  • 2

    Ang salitang disiplina ay mayroong ibat-ibang mga kahulugan para sa ibat-ibang tao. Ginagamit natin ang salitang disiplina sa pagpapalaki at pangangaral sa mga bata sa pamamaraan na walang halong karahasan. Ang ibig sabihin ng walang halong karahasan ay ang hindi pananakit, pamamalo, paggamit ng puwersang pampisikal, pagtawag ng ibat-ibang pangalan, pangmamaliit, pananakot o pambubulyaw. Ang ibig sabihin

    ng disiplina ay ang pagsasaayos ng mga patakaran, pakikinig,

    paglulunas ng suliranin at pagsasagawa ng isang mabuting halimbawa.

    Bilang mapagmahal na mga magulang, nais natin

    ang lahat ng makabubuti para sa ating mga anak, na sila ay lumaki ng masaya, matutong makinig ng maayos, matutong makisalamuhang mabuti sa iba, magbahagi ng mga laruan at hindi ang sumigaw at mambulyaw.

    Ang paninigurong lalaki ang ating mga anak ng maayos at disiplinado ay hindi ibig sabihing kailangang gamitan ito ng karahasan. Ang pagpapakita, pagpapaliwanag at panghihimok sa naturingang mga pag-uugali ay ilang mga pamamaraang may kasiguruhan na ang ating mga anak ay lalaki na masaya at kapaki-pakinabang.

  • 3

    Naniniwala ang CWLC na pinakamainam ang magpalaki ng mga bata sa pamamaraan na walang halong karahasan. Lumilitaw sa mga pananaliksik na ang karahasan, katulad ng pamamalo, pananakit at pagtawag ng ibat-ibang pangalan, ay hindi gumagana sa halip ay nakasasakit pa. Natututo ang mga bata ng mga tamang pag-uugali sa pamamagitan ng panonood at panggagaya sa mga magulang, mga guro, at iba pang mahahalagang mga tao sa kanila. Kung sinaktan o pinalo ang mga bata, natututuhan ng mga ito na tamang gawin din ang mga bagay na ito sa iba. Natututuhan din nila na ang karahasan ang tamang reaksyon sa galit o kabiguan.

    Bilang magulang, responsibilidad natin ang magturo sa ating mga anak ng mga pamamaraan na walang halong karahasan sa pagharap sa mga sitwasyong mabibigat. Ang kaibahang pagkilos sa pamamaraan na walang halong karahasan kung tayo ay galit at bigo, ipinamamalas natin sa ating mga anak na maaari din nilang panghawakan ang kanilang mga galit at kabiguan sa pamamaraan na walang halong karahasan. Natututuhan nila kung paano ang tamang pag-uugali.

    Nag-aalala ang ibang tao na kung hindi sila mamamalo, ang kanilang mga anak ay mapapasama o hindi magkakaroon ng disiplina. Sa katunayan, ang higit na pamamalo sa mga anak, higit din ang pagkakataong mapasama ang mga ito.

  • 4

    Kung iisipin mo ang iyong gawain bilang isang magulang, ang mga sumusunod ay ilang mga mahahalagang bagay na makatarungan:

    Kung minsan malakas nating hinaharap ang mga pang-araw-araw na pangyayari. Mag-isip sandali at tanungin ang sarili, magiging mahalaga ba ito sa loob ng isang taon?

    Mahalaga ring isipin kung ano ang espesyal o kakaibang bagay tungkol sa iyong anak. Ito ay makatutulong sa iyong maunawaan siyang mabuti at harapin ng tama ang kaniyang pag-uugali.

    Ang anak mo ba ay kayang makipaglaro sa iba?Paano umaaksyon ang iyong anak sa mga bagong sitwasyon? Madali ba siyang umaksyon o maingat siya sa mga bagong sitwasyon?Madali ba siyang mayamot?Nais ba niyang napapalibutan ng maraming tao? Higit ba siyang nasisiyahan kung naglalarong mag-isa?

    Tandaan na hindi ibig sabihing normal ang ilang pag-uugali ay hindi na dapat pang harapin ang mga ito. Kung hinaharap ang mga ito, nagbibigay kahulugan lamang na mayroon kayong malalim na pagkakaintindi sa mga kadahilanan ng pag-uugali ng iyong anak.

  • 5

    Hindi sinasadya ng iyong anak ang magaspang na pag-uugali na ipinakikita sa iyo.

  • 6

    Ang pagkilanlan sa buong pangyayari ay madalas nakapagbibigay ng mga palatandaan sa kung paano isasagawa ang pagdidisiplina.

    Ano pa ang mga bagay-bagay na nangyayari sa iyong anak?Mayroon bang bagong kapatid na lalaki o babae sa pamilya?Mayroon bang mga bagong dating na ibang tao sa iyong tahanan?May kaibahan ba ang kawani sa lugar paalagaan ng mga bata?Kinakailangan ba ng iyong anak ang katahimikan sa tahanan o ang mag-ukol ng panahon na ang kasama ay ikaw lamang?Kumakain ba ang iyong anak ng tamang balanse ng pagkain?

    Malaki ang epekto ng nutrisyon sa pag-uugali at ... ang pinakamahusay na paraan upang masiguro ang maayos na kamalayan at pag-uugali ay ang regular na pagbibigay ng mga tamang pagkain.British Journal of Nutrition

  • 7

    Tingnan ang mga mabubuting pag-uugali. Kung minsan, gagawin ng ating mga anak ang lahat makuha lamang nila ang ating pansin, kahit na ang magmasamang-asal upang makuha lamang ang ating pansin. Kung minsan iyon lamang ang ating nakikita at tinutugon. Sabihin sa kanya kung gaano mo siya ipinagmamalaki sa tuwing nakakakita at nakaririnig ka ng mga mabubuting bagay.

    Isiping mabuti ang mga panahon noong ikaw ay mahusay at lubos na nag-aruga bilang magulang.

    Ano ang ginawa mo?

    Nagsalita ka ba ng mahinahon?Gumamit ka ba ng mga salitang higit na naiintindihan ng iyong anak?Tumingin ka ba sa iyong anak noong ikaw ay nagsalita?Naiwasan mo ba ang pag-aalburoto sa pamamagitan ng pag-iwan sa kanya bago pa napagod ito?Nakatulog ba ng husto ang iyong anak sa gabi? Nakaalis ba kayo mula sa pamilihan bago napuno ang pasensya sa isat-isa?

    Ang maliliit na mga batang

    mag-aaral ay nangangailangan ng

    mga 10 at 12 na oras sa pagtulog.

  • 8

    Napapag-alaman ng ibang tao na higit na madali ang pagdidisiplina gamit ang tatlong mga R ng pagiging magulang. Ang tatlong mga R ay Respect, Response at ang Responsibility o Respeto, Pagtugo at ang Responsibilidad.

    Ang respeto ay nangangahulugan ng isang uri ng pamamaraan sa kung paano tayo makitungo sa isat-isa at maging sa ating mga sarili. Ang pag-uugaling may kasamang respeto ay nagpapamalas ng pagmamalasakit at makonsiderasyong pag-uugali ukol sa iba. Ang terminong respeto ay madalas na hindi naiintindihan. Nagbibigay kahulugan ito ng mahusay na pagtrato ng mga magulang at mga anak sa bawat isa. Sila ay mabuti at maalalahanin sa bawat isa.

    Ang pamamaraan ng pagdidisiplina na may halong respeto ay nagtuturo sa mga bata kung paano makitungo ng maayos at kung bakit mayroong mga patakaran.

    Ang pamamalo sa mga bata ay nakasasakit sa kanila at maaaring maging dahilan ng pagbabago ng kanilang pag-uugali upang maiwasan lang ang pananakit. O maaari din naman na matutuhan nila ang maglihim upang hindi sila mahuling gumagawa ng mga kamalian.

    Kasama sa respeto ang pagkokonsidera sa edad ng iyong anak. Maaari nating asahan ang mga ibat-ibang pag-uugali mula sa mga paslit na siyang may kaibahan sa mga maliliit na mag-aaral at sa mga batang nasa elementarya na siya namang may kaibahan sa mga tinedyer.

    Ang pagdidisiplinang may halong respeto ay nakatutulong sa mga batang matuto hindi lamang sa mga dapat gawin kundi pati na rin ang kahulugan kung bakit kailangan ito.

  • 9

  • 10

    Ang pagtugon ay isang uri ng paraan kung paano tayo makipagkomunikasyon. Kailangan nating makipag-usap sa ating mga anak at kailangan din nating makinig sa mga ito.

    Mahalagang makipag-usap sa iyong mga anak sa mga salitang madali at kanilang maiintindihan ang mga patakaran ng pamilya at ang mga dapat asahan. Ang ibang pamilya isinasagawa ito sa pamamagitan ng pagpapaskil ng mga listahan ng patakaran sa may palamigan o fridge kung saan makikita ang lahat ng ito.

    Ang mga bata ay mayroong maikling panahon sa pagbibigay ng atensyon, kung kaya sa iyong pakikipag-usap, gumamit ng mga maiikling pangungusap, madaling intindihin na mga salita at panatiliing maikli ang inyong mga mensahe.

    Bago mo iwan ang iyong tahanan, kailangan mong paalalahanan ang mga maliliit na bata tungkol sa iyong mga inaasahan.

    Ang pakikinig ay isang napakahalagang bahagi ng komunikasyon kaysa sa pakikipag-usap. Kung nakikipag-usap sa iyo ang iyong anak, bigyang pansin. Hayaan siyang matapos ng walang pagkaantala at kung siya ay matapos na, sandaling mag-isip at siguruhing nauunawaan mo ang kaniyang ibig sabihin.

    Ang pagtugon ay higit pa sa pakikipag-usap at pakikinig. Lubhang napakahalaga na tayo ay konektado sa ating mga anak sa pamamagitan ng pagbibigay panahon sa kanila.

  • 11

    Ang pagiging responsibilidad ay nangangahulugan din ng pagkakaroon ng pananagutan sa ating mga aksyon. Kailangan ng ating mga anak ang matuto kung paanong umako ng responsibilidad sa kanilang mga ginawa at pag-uugali at sa kanilang mga desisyon. Sa tuwing itinuturo natin sa kanila na hindi tama ang sumuway sa mga patakaran, tinuturuan din natin silang umako ng responsibilidad.

    Ang lahat ng mga mahuhusay at makatutulong na materyales ay magtuturo sa iyo ng mga kakayahan sa pagdidisiplina ng kani-kanilang pag-uugali. Ang pagdidisiplina ng mga bata ay nangangailangan ng tamang panahon sa pag-iisip at pagpaplano. Ngunit sa panahong napag-alaman mo na ang iyong mga kalakar