4
Ang Aqua-based Business School (ABS) ay estratehiya o paraan ng pag-aaral na may parsipasyon at aktwal na pagsasagawa upang suportahan ang mga mangingisda na magkaroon ng akbong pagdaloy ng produktong pang- agrikultura o pang-pangisdaan mula sa produksyon patungong pamilihan at makinabang mula rito. Bilang bahagi ng pagpapalakas ng kapasidad, ang ABS ay binubuo ng sunud-sunod na mga pang-grupong akbidad sa pag-aaral na batay sa isang siklo ng karanasan sa produksyon at pamilihan habang nakikipag-ugnayan sa ibat ibang aktor na may kinalaman sa pagdaloy ng produkto at iba pang may kaugnayan sa pagnenegosyo. Ang ABS ay ibinatay at pinalawak ang saklaw ng Farmer Business School (FBS). Ang FBS ay nilinang ng Internaonal Potato Center (CIP) noong taong 2008 sa balangkas ng isang proyekto na pinondohan ng Australian Center for Internaonal Agricultural Research (ACIAR) na naglalayong iugnay ang mga nagtatanim ng gulay sa mga pangunahing pamilihan sa West at Central Java, Indonesia. Noong una, ginamit ng proyekto ang Parcipatory Market Chain Approach (PMCA) upang tugunan ang mga problema sa pagbebenta ng mga magsasaka na humahadlang sa pagsulong ng sektor ng patatas at nililimitahan ang mga benepisyo ng mga maliliit na magsasaka. Ang PMCA ay tumutulong sa proseso ng pakikilahok ng iba't ibang mga aktor sa pamilihan upang hikayang magkaroon ng pagsasanib ng ibat ibang pamamaraan (komersyal, teknolohiya, instusyonal) batay sa mga ibinahaging ideya at pagwala. Noong mid-project review, nukoy ng mga nagsasa- gawa ng PMCA ang pagkakaroon ng limitadong kasanayan sa pagnenegosyo at hindi epekbong mga organisasyon ng mga magsasaka bilang pangunahing hadlang sa pagkakaroon ng epekbong kaugnayan sa pamilihan. Ang mga magsasaka ay mayroon lamang kaunng nauunawaan sa mga oportunidad sa pamilihan at hindi sapat na pagkakataon upang makakuha ng impormasyon sa merkado tulad ng mga kalakaran, presyo, at pangangailangan. Mula sa mga bahagi ng Farmer Field School (FFS), isang proseso ng pag-aaral na nakabatay sa grupo na nakatuon sa pagtataguyod ng pinahusay na mga kasanayan sa agrikultura sa larangan ng pagsasaka, ang FBS ay binuo upang umakma sa PMCA. Ang resulta ay isang pamamaraan ng pag-aaral na kina- kailangan ang aktwal na pagsasagawa na naglalayong pabayin ang kakayahan ng mga mag- sasaka na tumugon, indibidwal man o sama-sama, sa mga umuusbong na pagkakataon sa pamilihan. Mga halimbawa ng produkto mula sa Rehiyon 8 na ibinalot at natakan na.

› bitstream › handle › 10568 › 98522... Ang Aqua - CGSpacesa pag-aaral na batay sa isang siklo ng karanasan sa produksyon at pamilihan habang nakikipag-ugnayan sa iba’t ibang

  • Upload
    others

  • View
    11

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: › bitstream › handle › 10568 › 98522... Ang Aqua - CGSpacesa pag-aaral na batay sa isang siklo ng karanasan sa produksyon at pamilihan habang nakikipag-ugnayan sa iba’t ibang

Ang Aqua-based Business School (ABS) ay estratehiya o paraan ng pag-aaral na may partisipasyon at aktwal na

pagsasagawa upang suportahan ang mga mangingisda na magkaroon ng aktibong pagdaloy ng produktong pang-

agrikultura o pang-pangisdaan mula sa produksyon patungong pamilihan at makinabang mula rito.

Bilang bahagi ng pagpapalakas ng kapasidad, ang ABS ay binubuo ng sunud-sunod na mga pang-grupong aktibidad

sa pag-aaral na batay sa isang siklo ng karanasan sa produksyon at pamilihan habang nakikipag-ugnayan sa iba’t

ibang aktor na may kinalaman sa pagdaloy ng produkto at iba pang may kaugnayan sa pagnenegosyo.

Ang ABS ay ibinatay at pinalawak ang saklaw ng Farmer Business School (FBS). Ang FBS ay nilinang ng International Potato Center (CIP) noong taong 2008 sa balangkas ng isang proyekto na pinondohan ng Australian Center for International Agricultural Research (ACIAR) na naglalayong iugnay ang mga nagtatanim ng gulay sa mga pangunahing pamilihan sa West at Central Java, Indonesia.

Noong una, ginamit ng proyekto ang Participatory Market Chain Approach (PMCA) upang tugunan ang mga problema sa pagbebenta ng mga magsasaka na humahadlang sa pagsulong ng sektor ng patatas at nililimitahan ang mga benepisyo ng mga maliliit na magsasaka.

Ang PMCA ay tumutulong sa proseso ng pakikilahok ng iba't ibang mga aktor sa pamilihan upang hikayating magkaroon ng pagsasanib ng iba’t ibang pamamaraan (komersyal, teknolohiya, institusyonal) batay sa mga ibinahaging ideya at pagtitiwala.

Noong mid-project review, tinukoy ng mga nagsasa-gawa ng PMCA ang pagkakaroon ng limitadong kasanayan sa pagnenegosyo at hindi epektibong mga organisasyon ng mga magsasaka bilang pangunahing hadlang sa pagkakaroon ng epektibong kaugnayan sa pamilihan. Ang mga magsasaka ay mayroon lamang kaunting nauunawaan sa mga oportunidad sa pamilihan at hindi sapat na pagkakataon upang makakuha ng impormasyon sa merkado tulad ng mga kalakaran, presyo, at pangangailangan.

Mula sa mga bahagi ng Farmer Field School (FFS), isang proseso ng pag-aaral na nakabatay sa grupo na nakatuon sa pagtataguyod ng pinahusay na mga kasanayan sa agrikultura sa larangan ng pagsasaka, ang FBS ay binuo upang umakma sa PMCA. Ang resulta ay isang pamamaraan ng pag-aaral na kina-kailangan ang aktwal na pagsasagawa na naglalayong patibayin ang kakayahan ng mga mag-sasaka na tumugon, indibidwal man o sama-sama, sa mga umuusbong na pagkakataon sa pamilihan.

Mga halimbawa ng produkto mula sa Rehiyon 8 na ibinalot at tinatakan na.

Page 2: › bitstream › handle › 10568 › 98522... Ang Aqua - CGSpacesa pag-aaral na batay sa isang siklo ng karanasan sa produksyon at pamilihan habang nakikipag-ugnayan sa iba’t ibang

Ang ABS ay isang estratehiya o paraan ng pag-aaral na kinakailangan ang partisipasyon at aktwal na pagsasagawa upang suportahan ang pakikilahok ng mga grupo ng mga mangingisda at makinabang mula sa daloy ng pang-agrikulturang produkto na ginabayan ng pamilihang-daloy na may balangkas ng kurikulum, sa pamamagitan ng sunod-sunod na mga aktibidad sa pag-aaral sa isang siklo o panahon ng produksyon-pagbebenta, kabilang ang pakikipag-ugnayan sa iba pang mga aktor sa pagnenegosyo at mga namumuhunan.

Ang mga kalahok sa ABS ay mga indibidwal na mangingisda sa isang grupong nais na mag-aral o matuto. Ang pamamaraang ito ay tumutulong upang matuto mula sa karanasan sa komunidad at pagsasama-sama sa loob ng apat hanggang anim na buwan na siklo ng produksyon-pagbebenta. Ang kurikulum ng ABS ay maaring ibagay sa iba’t ibang kalagayan o sitwasyon at hinihimok ng mga pangangailangan at pagkakataon sa pamilihan.

Sa pamamagitan ng ABS, ang mga mangingisda ay maaring (1) bumuo ng mga makabagong pamamaraan o produkto na ayon sa pangangailangan ng pamilihan; (2) magtatag at palawakin ang mga ugnayan sa pamilihan—lokal at pangrehiyon; at (3) lumikha ng mga bago at karagdagang kita sa pamamagitan ng pagdadagdag ng dami at halaga ng kanilang mga produkto. Isang nakikitang resulta ng ABS ay ang mga mangingisdang kalahok ay inaasahan na magkaroon ng aktwal na

Noong 2012, ang proyektong 'Food Security Through Asian Roots and Tubers' (FoodSTART) na pinangunahan ng CIP, at ang Second Cordillera Highland Agricultural Resource Management Project (CHARMP2), na parehong pinondohan ng International Fund for Agricultural Development (IFAD), ay magkatuwang na sinubukan at pinalawak ang FBS sa mga grupo ng magsasaka sa Hilagang Cordillera ng Pilipinas. Noong Disyembre 2016, mayroon ng 80 FBS na grupo ng mag-sasaka na may 1,387 na nakapagtapos (83% ay kababaihan). Sa kasalukuyan, ang CHARMP2 ay patuloy na nagsasagawa at nagpapalawak ng paraang ito sa 18 na panibagong nayon.

Ang pangalawang bahagi ng FoodSTART (FoodSTART +, IFAD / EU grant, 2015-2018) ay kasalukuyang sinusubukan ang pamamaraan ng FBS sa pakikipagtulungan sa ilang proyektong pinondohan ng IFAD sa Asia-Pacific: INREMP at FishCORAL (Pilipinas), Megha-LAMP (India), at SOLID (Indonesia). Ang pamamaraan ng FBS ay nagbago sa paglipas ng panahon upang gawin itong mas malawak at mas tumutugon sa mga mahahalagang usapin na nakakaapekto sa lahat tulad ng kasarian at pagbabago ng klima. Ang isa pang mahalagang katangian ng FBS ay maari itong ibagay sa iba’t ibang kalagayan o sitwasyon at maaari ring maiangkop sa partikular na konteksto at pangangailangan ng mga katuwang sa pamumuhunanan.

Kaya't noong 2017, iniangkop ng FishCORAL ang pamamaraan ng FBS na naging ABS para sa mga mangingisda sa mga komunidad malapit sa baybayin, at ito ay pangunang sinusubukan sa tatlong rehiyon / mga lugar ng proyekto.

Ang mga kalahok ay mag-sasaka

Ang siklo ng pag-aaral ay sumasaklaw lamang sa panahon ng pag-aani ng pananim

Ang mga nilalaman ng pag-aaral ay nakatutok sa produksyon ng mga pananim

Ang mga kalahok ay mga

aktor na may kaugnayan

sa pagdaloy ng produkto

sa pamilihan

Ang saklaw ng pag-aaral

ay mula produksyon

hanggang sa pagbebenta

Ang mga nilalaman ng

pag-aaral ay nakatuon sa

pagbebenta ng produkto

Ang mga kalahok ay mga magsasaka at iba pang mga aktor ng pagne-negosyo

Proseso ng pakatuto ay batay sa mga prinsipyo at karanasang natutunan sa FFS

Ang saklaw ng pag-aaral ay mula sa produksyon hanggang sa pagbebenta

Ang nilalaman ng pag-aaral ay batay sa daloy ng produkto mula produksyon hanggang sa pamilihan

+

Ang mga kalahok ay mga mangingisda, iba pang mga aktor sa pagnenegosyo at mga stakeholder

Ang proseso ng pag-aaral ay batay sa mga prinsipyo at karanasang natutunan sa FFS/FBS

Ang sinasaklaw ng pag-aaral ay mula sa produksy-on-pagpoproseso-pagbebenta

Ang nilalaman ng pag-aaral ay batay sa daloy ng produkto mula sa produksyon hanggang sa pamilihan

Page 3: › bitstream › handle › 10568 › 98522... Ang Aqua - CGSpacesa pag-aaral na batay sa isang siklo ng karanasan sa produksyon at pamilihan habang nakikipag-ugnayan sa iba’t ibang

negosyo na pinasimulan o pinalakas sa pagkumpleto ng proseso ng pag-aaral ng ABS.

Ang mga layunin ng pag-aaral ng ABS ay: Bumuo ng mga kababaihan at kalalakihang grupo ng mangingisda para sa pag-aaral at pagsasagawa na nakatuon sa

pamilihan.

Palakasin ang mga grupong mangingisda sa pamamagitan ng pag-unawa sa mga oportunidad at hadlang na may kaugnayan sa kasarian para sa pakikipagtulungan at pakikipag-ugnayan sa pamilihan.

Tukuyin, maunawaan, at makipag-ugnayan sa mga pangunahing aktor sa pamilihang pang-agrikultura/pangisdaan.

Suriin at iprayoridad ang mga oportunidad sa pamilihan para sa mga kababaihan at kalalakihan na gumamit ng mga angkop na gamit/pamamaraan, upang madagdagan ang kakayahang kumita sa negosyo para sa mga grupo at indibidwal na mangingisda.

Isinaalang-alang ang mga pagbabago na may kaugnayan sa klima sa mga sistema ng produksyon, na maaaring maka-impluwensya sa pagprayoridad ng mga pagkakataon sa pamilihan.

Ipakilala ang mga makabagong teknolohiya, komersyal, at institusyunal sa pakikipagtulungan sa iba pang mga aktor sa pagnenegosyo at mga stakeholder upang tumugon sa mga oportunidad sa pamilihan.

Bumuo ng isang plano sa pagnenegosyo para samantalahin ang mga bagong oportunidad sa pamilihan sa pamamagitan ng pagpapatibay sa mga makabagong likha.

Bumuo ng mga estratehiya para mapahusay ang pagkakaroon ng mga mangingisda at paggamit ng mga serbisyong sumusuporta sa pagpapa-unlad ng negosyo.

Module 1:

PAGPAPLANO AT PAGTARGET

1.1 Paghahanda ng pagpupulong sa mga inaasahang kalahok

1.2 Pagta-target at pagpili ng VC at tignan o kilalanin ang pagbabago ng klima at mga dimensyon ng kasarian

Module 4:

PAGKILALA AT PAGPAPAHALAGA NG MGA

OPORTUNIDAD SA PAMILIHAN

4.1 Pagpaplano at pagsisiyasat sa VC

4.2 Pagsasagawa ng pagsusuri/pagsisiyasat sa VC

4.3 Pag-usap at pag-aaral ng resulta sa ginawang pagsisiyasat at hakbang sa pagpapagaan para sa pagbabago ng klima at mga kinalaman sa kasarian

4.4 Pagbabahagi at pagpapatunay ng mga resulta kasama ang mga iba’t ibang aktor sa pamilihan

5.5 Pag-aaral ng mga resulta at paghahanda para sa pagbabahagi ng mga pagbabago/likha

5.6 Pagtatanghal at pagbabahagi ng mga makabagong likha na may mga pangunahing aktor sa pamilihan ng nagpapatuloy (market chain) at iba pang mga magsasaka/mangingisda

HULING KAGANAPAN NG ABS (ABS FINAL EVENT)

Paglunsad ng bagong negosyo

POST-ABS SUPPORT

Pagsubaybay sa negosyo, suporta sa serbisyo sa panlabas na kapaligiran ng negosyo

Pamamahala ng mga hamon at pagkakataon sa negosyo

Pagpapakilos ng pagpapatupad ng mga pangmatagalang plano sa negosyo

Patuloy na pagpapaunlad ng kapasidad ng mga nagpapatupad ng proyekto

Module 2:

PAGBUO AT PAGPAPALAKAS NG GRUPO

2.1 Pagtakda ng mga layunin sa kabuhayan at pagnenegosyo

2.2 Pagsisiyasat ng kakayahan ng indibidwal at grupo

2.3 Sama-samang pag-aaral at pagtutulungan

Module 3:

IPINAPAKILALA ANG MGA KONSEPTO NG NEGOSYO,

PAMILIHAN, PAGBABAGO NG KLIMA AT KASARIAN

3.1 Pananaw sa pamilihan, suplay at VCs

3.2 Pagnenegosyo para sa mga maliliit na prodyuser (taga gawa)

3.3 Mga uri ng mga organisasyon ng negosyo

3.4 Mga pangunahing kaalaman sa pagbabago ng klima

3.5 Kahalagahan ng kasarian sa pangisdaan

Module 6:

PAGPAPLANO NG NEGOSYO

6.1 Panimula sa pagpaplano ng negosyo

6.2 Pagbuo at pagpapasadya ng plano sa negosyo kabilang ang pagbagay sa pagbabago ng klima at kasarian

6.3 Pagsusuri at pagpapabuti ng mga plano sa negosyo

Module 5:

PAGPAPLANO AT PAGSUBOK NG MGA PWEDENG PAGBABAGO O

MAKABAGONG-LIKHA/IDEYA

5.1 Pagpaplano ng pagkilos para sa mga pagbabago o makabagong ideya upang tugunan ang mga oportunidad/pagkakataon sa pamilihan

5.2 Pagdidisenyo at pag-aayos ng pagsubok ng mga makabagong likha/ideya

5.3 Pagsasagawa at pagsubaybay sa mga makabagong pagsubok

5.4 Mga espesyal na paksa upang suportahan ang mga pagbabago (ha. Mga regulasyon sa negosyo, etika sa negosyo, kolektibong pag-memerkado)

Module 7:

PAGLAPIT SA MGA SERBISYO NA SUMUSUPORTA SA

PAGPAPAUNLAD NG NEGOSYO

7.1 Mga serbisyo sa pag-unlad ng negosyo/enterprise

7.2 Mga mapagkunang pinansyal at mga serbisyo sa pangangasiwa

7.3 Suporta sa pananaliksik at pagpapalawak kabilang ang pagbabagong-anyo sa pagbabawas at pagbagay ng panahon

7.4 Mga legal at regulasyon na serbisyo

Page 4: › bitstream › handle › 10568 › 98522... Ang Aqua - CGSpacesa pag-aaral na batay sa isang siklo ng karanasan sa produksyon at pamilihan habang nakikipag-ugnayan sa iba’t ibang

Isinasagawa ng FishCORAL Project ang Aqua-based Business School (ABS) sa tatlong rehiyon ng Eastern Visayas, Caraga, at ARMM. Mahigit sa 50 bagong mga facilitator ng ABS ang nagsanay noong 2017 at 2018.

Magkakaroon ng 17 na mauunang lugar kung saan isasagawa ang ABS: sa Eastern Visayas na nakakalat sa apat na lalawigan na may pangisdaan (milkfish, grouper, rabbitfish-lokal na tinatawag na danggit, sardinella, seaweeds, mudcrab, pusit, mussel), at

root crop (kamote at kamoteng kahoy) na mga kalakal. Sa Caraga, may kabuuang limang (5) mga lugar na uumpisahan ang ABS sa dalawang lalawigan na may lobster, mudcrab, sardine, seaweed, at kamoteng kahoy/kamote bilang pangunahing kalakal. Habang sa ARMM, mayroong anim (6) na mga lugar sa apat na probinsya na may mudcrab, seaweeds, at mga produkto ng kamoteng kahoy. Kasabay nito, ang manwal ng ABS ay inangkop sa manwal ng FBS at gabay sa pag-aaral na siyang gagamitin ng mga facilitators.

Ang FoodSTART + at FishCORAL Project ay isinagawa ang Aqua-based Business School (ABS) sa pamamagitan ng pagsasanay

sa 30 FishCORAL Community Facilitators mula sa Eastern Visayas noong nakaraang 8-11 Mayo 2018 sa Tacloban City.

Ang maikling babasahin na ito ay inihanda ng International Potato Center-Food Resilience Through Root and Tuber Crops in Upland at Coastal Communities ng Asia-Pacific (CIP-FoodSTART +)

Project na pinondohan ng IFAD at EU at FishCORAL na pinondohan din ng IFAD. Para sa higit pang mga detalye, mangyaring makipag-ugnayan sa [email protected] at

[email protected]

Sa kasalukuyan, ang pamamaraan ng FBS ay suportado, ginagamit, at inangkop sa pamamagitan ng ilang proyektong sinuportahan ng IFAD upang ikapasidad ang mga magsasaka at upang bumuo ng kanilang mga maliit na negosyo o mga negosyo. Ang pagpapatupad at pagpopondo ng mga aktibidad ay magkasamang responsibilidad ng ahensya at ng IFAD na sumusuporta sa proyekto:

CHARMP2: Higit sa 80 mga grupo ang nagsagawa ng FBS. Sa 2017-2018, ang proyektong pagsusulong ay patuloy na nagpapatupad ng FBS sa labing-walo (18) bagong nayon. Higit sa isang daan (100) facilitator ng FBS ang dumaan sa pagsasanay. Ang bawat grupo ng FBS ay nakatanggap ng Livelihood Assistant Fund (US $ 2,000) para sa pagbubuo ng mga bagong negosyong pang-agrikultura. Ang CHARMP2 ay nakinabang sa mas mataas na halaga ng pagbabayad ng mga

nagtapos ng FBS.

INREMP: Ang FBS ay kasalukuyang sinasagawa na may anim (6) na grupo na tumuon sa mga produkto ng kamote, kamoteng kahoy, at kakaw. Sampu (10) ang mga facilitator ng FBS ang dumaan sa pagsasanay.

Megha-LAMP: Labing-walo (18) ang mga facilitator ng FBS na dumaan sa pagsasanay. Ang FBS ay kasalukuyang sinasagawa na may anim (6) na grupo na tumututok sa kamoteng kahoy at patatas.

SOLID: Dalawampung (20) FBS facilitators ang dumaan sa pagsasanay. Sampung (10) FBS ay kasalukuyang ipinatupad na mga produkto ay kamote, kamoteng kahoy at pangisdaan.