Upload
liezel-lozada
View
366
Download
2
Embed Size (px)
DESCRIPTION
stories and poems and other literary works that originated in my hometown, Peñablanca Cagayan
Citation preview
AKDANG PAMPANITIKAN NG BAYAN KONG PEÑABLANCA
I. KUWENTO NG PINAGMULAN NG SARILING BAYAN
Sa kalagitnaan ng ika-18 siglo, ang bayan ng Peñablanca ay isa lamang baryo ng Tuguegarao at
pinangalanang “Barrio de Bubug” sa kadahilanang ito ay sagana ang puno ng “dapdap” o
“Bubug” sa salitang Ybanag. Ang lugar na ito ay itnuturing ng mga Kastila na paraiso ng mga
mangangaso. Sa mga gubat nito ay naglipana ang maraming mga usa, mga baboy ramo at iba
pang hayop ng hinuhuli ng mga Kastila.
Ang unang mga nanirahan dito ay mga grupo ng mangangaso mula sa bayan ng Tuguegarao.
Sila ay nagpasimula ng sistemang kaingin sa pagsasaka at sila ay nanirahan sa sentro ng bayan
na tinatawag ngayon na Poblacion. Sa huling parte ng siglo, isang Kastilang pari ang inatasang
magpalaganap ng Kristiyanismo at siya ding nagmungkahi na pangalanang “Peñablanca” ang
lugar dahil sa mga mapuputing baton a matatagpuan dito.
Ang Peñablanca ay idineklarang isang bayan noong ika-21 ng Nobyembre, 1896 sa bisa ng
Royal Decree ng Hari ng Espanya.
II. EPIKO
Ang literatura ng Ibanag, tulad ng iba pang literatura sa ibang rehiyon ay nagpapakita ng mga
nararamdaman ng mga Cagayanos. Marahil ito ay tuwa, kalungkutan, pag-asa, takot,
pagmamahal o di kaya'y hinanakit, ito ay napagpasapasahan na nang isang henerasyon tungo sa
isa. Ang isa sa pinaka tanyag na epiko sa Cagayan ay ang kuwento ni Biuag at Malana o "Biuag
anni Malana" sa lokal na dayalekto. Ang epiko ay sinimulang isulat sa mga 'bark' ng mga puno at
mga bamboo at kinakanta sa mga importanteng okasyon tulad ng kasalan, selebrasyon
pagkatapos ng mga mahahabang giyera at iba pa at dahil dito ay napagpasa pasahan na ito,
henerasyon sa henerasyon.
SI BIUAG AT MALANA
Si Biuag ay katutubo ng Enrile, ang pinakatimog na bahagi ng Cagayan. Noong siya’y isinilang,
isang di pangkaraniwang dalaga ang dumalaw, at sa pagkakabatid ng ina, ito ay isang diyosa.
Ang ina ay nanikluhod at nagmakaawang pagkalooban ng mahabang buhay ang kaniyang anak.
Hindi umimik ang diyosa, at sa halip, itinali ang tatlong maliliit na bato sa leeg ng bata. Diumano
ang isa nito ay magiging sanggalang niya sa masasama. Minsan siya ay nahulog ngunit hindi
man lamang ito nasasaktan. Nang siya’y lumaki sinubukan niyang lumangoy sa ilog na
tinitirahan ng mga buwaya, subalit walang nangyari sa kanya.
Ang dalawang bato ay bagbigay sa kanya ng kakaibang lakas at bilis. Nagagawa niyang maging
mas mabilis pa sa hangin. Nang siya ay maglalabing-dalawang taong gulang, kamangha-
manghang naihahagis niya ang buong kalabaw sa kanilang burol. May kakayahan siyang bunutin
ang isang punungkahoy sa tulong lamang ng kanyang mga kamay, na wari mo’y damo lamang.
Dahil sa taglay na kapangyarihan nito, siya ay dinayo ng mga tao at sinamba.
Kahit na makapangyarihan si Biuag, siya ay hindi maligaya. Natutuhan niyang mahalin ang
isang dalagang tubong Tuao, isang bayan sa Cagayan. Kung sino ang dalaga ay wala ni isa man
ang nakakaalam. Maging ang kanyang pinagmulan ay hindi nila malaman. Gustuhin man ni
Biuag na limutin ang dalaga ay hindi makakasama ang dilag habangbuhay.
Noon din ay may isang balita ng Malaueg, Rizal, na may isang binata rin katulad ng pagkatao ni
Biuag. Siya ay si Malana. Nong siya’y labing-walong taong gulang, nagkaroon ng bagyo sa
Malaueg, at ito’y nagdulot ng gutom sa mga tao. Ang tanging inaasahang lugar na pagkukunan
ng pagkain ay ang Sto. Niño na malayung-malayo sa kanila. At kinakailangan pang tumawid ng
ilog na tinitirhan ng maraming buwaya.
Bunga nito, si Malana ay gumawa ng paraan. Naglakbay siya hanggang marating ang Sto. Niño,
at sa kanyang paglalakbay ay ipinagdasal ng mga tao ang kanyang tagumpay.
Nang siya’y makabalik, marami siyang dalang bigas, nagbunyi ang mga tao alam nilang hindi
sila magugutom. Matapos niyang maipamahagi ang mga bigas ay nagpasiya na itong umuwi.
Pagdating sa kanilang bahay ay isang pana ang nakita ni Malana. Ang buong pag-aakala niya ay
ang kanyang Ama ang gumawa dito. Dinampot niya ito at ibinato sa hangin, subalit ito ay
bumalik sa kanya. Namangha siya dahil sa dulo nito ay may dalawang batong tulad ng kay
Biuag.
Nakarating sa kaalaman ni Biuag ang pagsamba ng mga tao kay Malana. Ipinagwalang-bahala
ito ni Biuag dahil ang nasa isipan niya’y ang napakagandang dalaga.
Isang araw dinalaw niya ang dalaga. Nakiusap itong hingin ang kanyang kamay upang pakasalan
siya. Ngunit binigo niya si Biuag at sinabi niyang si Malana ang kanyang tanging minamahal.
Nagpanting ang tainga ni Biuag sa narinig. Hindi niya ito tatanggapin. Nagsabi siyang hindi
karapat-dapat si Malana para sa kanya, dako ng kinaroroonan ni Malana. Dinampot ni Malana
ang pana. Tanda ng pagsang-ayon sa hamon ni Biuag.
Sumapit ang takdang araw ng kanilang labanan. Ang mga bundok ay napaligiran ng mga taong
nais sumaksi sa paghahamok na iyon ng dalawa. Sa may di-kalayuan ay ang taga-Malaueg ang
dumating. Sa unahan ay ang matikas at matipunong si Malana. Nang makita si Biuag, siyan’y
nanggalaiti sa matinding galit. Naunang nagsalita si Malana, Alam ko na kung bakit mo ako
hinahamon, sabi ni Malana. Ibig mong agawin ang minamahal ko. Ipinagbabawal ng Diyos ang
pag-agaw na kahit ano na hindi mo pag-aari. Subalit tinatanggap ko ang hamon mo. Kung
nanaisin ng dalagang minamahal ko ay aking ipaglalaban ang pagmamahal ko.
Si Biuag ay sinamahan ng mga taga-Enrile. Siya’y nakatayo sa kabilang bundok tangan ang
pana’t isang punong niyog na binunot. Dinig na dinig niya ang malakas na sigaw ng taga-
Malaueg para kay Malana. Sa isip niya’y gusto niyang patayin lahat ang mga tao ni Malana.
Si Malana naman ay nasa kabilang bundok. Sa kanilang kinalalagyan sa tuktok ng mga kapwa
napansin nila ang pagdating ng isang bangkang tumatawid sa pagitang ng dalawang bundok na
lulan ang dalagang pinag-aawayan. Nalungkot ang dalaga sa mga nagaganap. Subalit sa tingin ng
dalawang magtutuos ay sadyang napakaganda ng dalaga.
Nang mapatapat ang dalaga sa kanila, biglang sumigaw si Biuag Malana, ang babaing kapwa
natin minamahal ay nasa harap natin. Kung sadyang malakas ka ay humanda ka sa aking regalo
na nagbuhat pa sa Enrile, dala ko para sa iyo.
Walang sabi-sabing inihagis ni Biuag ang punong niyog kay Malana. Mabilis ang pagsalo ni
Malana, at hindi sa kalabaw inihagis ang punong niyog kundi sa dako ng nayong Il-Luro sa
bayan ng Rizal.
Pinaniniwalaan na dito nagsisimula ang maraming niyugan sa lugar na iyon.
Lalong nagngitngit sa galit si Biuag. Hinugot ang sibat at gustong ipukol kay Malana na
inaasahang sa puso nito tatamaan. Subalit sa kasamaang-palad, ito’y nagmintis. Hindi sa puso ni
Malana kundi sa ilog tumama ang sibat.
Humanda ka, matikas na Biuag, sigaw ni Malana. Wala nang lahat ang armas mo. Pagkakataon
ko naman ngayon.
Ngunit bago matapos ni Malana ang pagsasPinilit niyang ibuka ang bunganga ng buwaya at
hinamon si Malana na lumukso sa ilog.
Tinanggap ni Malana ang hamong iyon ni Biuag. Sa kanyang paglukso mula sa tuktok ng
bundok ay sinalubong sa himpapawid ng dalaga si Malana. Ito’y ginawa niya upang hindi
mapahamak si Malana. Tiningnan ng dalaga si Biuag at sinabing : Pinatunayan mong isa kang
duwag dahil nagpatulong ka sa isang buwaya. Nais kong ipaalam sa iyo, ako ang anak ng
diyosang nagkaloob sa iyo ng mga kapangyarihan. Hindi ka karapat-dapat sa mga bigay sa iyo
ng aking diyosang Ina.
Sa tulong ng kanyang mahiwagang patpat, ang lahat ng mga taong naroon ay kanyang
binasbasan, maging si Malana, pumaimbulong sila sa kalangitan kung saan naroon ang kaharian
ng hangin at siya ang mahal sa Reyna. Sa tindi naman ng pagkapahiya, nilunod ni Biuag ang
kanyang sarili sa ilog. At siya ay hindi na nasilayan mula noon. Pinaniniwalaan ng mga tagaroon
na ang kaluluwa ni Biuag ay namamahay sa dalawang kakatwang bundok ng Il-Luru.
Alita’y biglang lumukso sa ilog sa ibaba si Biuag. Biglang nagkaroon ng malalaking alon na
humampas sa malalaking bato at ito ang yumugyog sa bundok na kinatatayuan ni Malana. Nang
magpakitang muli si Biuag ay tangan-tangan niya ang pinakamalaking buwaya na siyang
ikinamangha ng mga taong sumaksi sa labanang iyon.
III. MAIKLING KUWENTO
IV. ALAMAT
ANG CALLAO MAN
Noong 2007, isang excavation team na pinamumunuan ni Dr. Armand Mijares ng
Unibersidad ng na salaysay na isinulat ni Mijares noong 2010 tungkol sa kaniyang tuklas.
Pilipinas ang nakatuklas ng isang buto sa paa ng isang tao sa Kuweba ng Callao sa
Peñablanca, Cagayan. Gamit ang teknolohiya ng uranium-series dating, napag-alaman na
ang edad ng buto ay hindi bababa sa 67 000 taon.
V. KUWENTONG BAYAN
VI. SALAWIKAIN
Ari ka maniguru
Ta sinaddad na kayu
Ta egga laman Y minafun
A kutu-kutu nga davvun
(Trust not in the appearance of tree
As one sound and healthy
For who knows if it is infested
With very harmful pests)
Mas napia Y mattaddday
Anne ta mevulun ta marake nga tolay
(It is better to be alone
Than to be with a bad companion.)
VII. TULA
PAMMAKAKUA
Mapia la y mammakakua
Ta totole maski sinni lara
Mavvugaw paga y karuan
Egga gabbalaman y mabattang.
Ariammu nga appatan,
Y katokatole na karuan
Ta y tiempo la y mapalappa
Ta panguli uli na palapagia.
Annung tam y mammakakua
Ta totole maski nu sinni paga
Nu egga mabba y mappanaki
Awayya na ta y mallilli.
VIII. AWITIN
AYATAT TAKA
Ayatat-taka maski anni ziga-riga ku
Megafu nikaw nga nikamian na futu nikaw
Ta inga lagud ta pakemmimi nga lappaw
Cunna labbe niyo a pagayaya
Nu kemmamatan ka na mata
Chorus:
Tamu e dadan rafutu cao
Ta pawang nenang mgafu nicao
Ta innga lagud
Ta pakalallo nam maya nikaw.
Awan ta logo
Ta kunna ariyakku nga pakkakaturuk
Yoye nga aya ku
Ay pordiy os tu ikallona
Ta kunnaw nga zigariga ku.
IX. KAKAIBANG PAGKAKAKILANLAN NG SARILING BAYAN
Ang bayan ng Peñablanca ay kilala sa kanyang malawak na kagubatan at kasaganaan ng kanyang
mga yamag gubat, yamang tubig at yamang lupa.
Kilala rin ang bayan ng Peñablanca bilang tahanan ng isa sa mga magagandang tanawin sa
buong Pilipinas, ang Callao Cave. Maliban sa Callao Cave, marami pang mga magagandang
tanawin dito gaya ng Sierra Cave, San Carlos Cave, Lapi Falls at ang Blue Lagoon
X. MAGAGANDANG TANAWIN NA MAKIKITA SA BAYAN NG PEÑABLANCA
CALLAO CAVES
Ang Callao Caves ay isang malaking yungib na may pitong lagusan na matatagpuan
sa Peñablanca, Cagayan. Hinango ang pangalan nito sa ibong Kalaw na unang naninirahan dito.
Sa loob nito maraming matatagpuang malilit pang yungib, at mga bato na maaring gawin
semento. Dito sa yungib na ito may matatagpuan ding kapilya na ang liwanag ay nagmumula sa
butas ng kisame, madalas may misa na nagaganap dito para sa mga bumibisita.
Dito rin sa kuwebang ito matatagpuan ang pinakamatandang tao sa Pilipinas ang Callao Man.
Nahanap ang Callao Man na may tandang 67 000 gulang.
THE BLUE LAGOON
Ang Blue Lagoon ay matatagpuan sa Barangay Nannarian sa Peñablnca, Cagayan. Isa itong
napakalinis na ilog at ang paligid nito ay kaaya-aya para sa mga gusting makapagrelaks. Dito rin
makikita ang marami at iba’t ibang uri ng mga paru-paro.
SIERRA CAVE
Ilang kilometro mula sa Callao Caves ay ang Sierra Cave. Ito ay may maliit na lagusan at
sadyang napakadilim sa loob ng kuweba. Sa loob ng kuweba ay makikita ang iba’t ibang uri ng
rock formation.