25
Mga Teoryang Pampanitikan Inihahandog ni: Larry Boy Sabangan Bsed-3 Medyor sa Filipino

Mga Teoryng Pampanitikan

Embed Size (px)

DESCRIPTION

reliable

Citation preview

Page 4: Mga Teoryng Pampanitikan

Introduksyon

• Nasuyod na natin ang ilang teoryang pampanitikan na kung saan ay nagbigay sa atin ng kabatiran patungkol sa mga pananaw, simulain at katangian ng bawat akdang sinusuri.sa presentasyong ito ay ating susuungin naman natin ang natitira pang mga teorya na tiyak namang tutulong sa ating diwa at kaisipan na malaman, mabatid at madukal ang pagsiyasat sa bawat akdang pampanitikan na ating binabasa.

Page 5: Mga Teoryng Pampanitikan

Teoryang Eksistensyalismo

• Ang teoryang ito ay walang tiyak na simulain, kahawig ito ng modernismo sa pagpupumilit nitong wakasin ang nakaraan o kasaysayan.

• Ito ay hindi isang teorya kundi isang paniniwala.• Ito ay paniniwalang hindi tunay ang buhay kung

nakukulong sa sistema ng paniniwala. • Kinasasangkapan ng mga paniniwalang ito na

ang bawat tao ay malaya, responsible at indibidwal.

• Personal lamang ang batayan ng bawat tao sa pakikipag ugnayan niya sa lipunan at sa mundo.

Page 6: Mga Teoryng Pampanitikan

Teoryang Eksistensyalismo

• Malinaw na ang proseso ng pagiging (being) at hindi pagkakaroon ng tamang sistema ng paniniwala tulad ng relihiyon at moralidad ang dapat bigyang pansin ng tao upang mamuhay siya ng tunay.

• Ito ay nakatuon sa buhay ng manunulat at sa buhay ng mga taong katha lamang.

• Laban ito sa establisimiyento, at di-kompormista, at sa huli isang teorya ng pagiging tunay na tao sa kabila ng masasabing impluwensya at pananakot ng relihiyon at moralidad ng bawat tao.

• Halimbawa: “AKO ANG DAIGDIG” ni Alejandro G. Abadilla.

Page 7: Mga Teoryng Pampanitikan

Teoryang Istrukturalismo

• Ito ay DI-MAKATAONG teorya.• Nagsimula sa unang dekada ng ika-20 dantaon na

pinamunuan ni Ferdinand de Saussure ng France.• Ang wika ay hindi tamang hinuhubog ng kamalayang

panlipunan kundi humuhubog din sa kamalayang panlipunan.

• Hindi pinapahalagahan ang may akda at ang akda bilang daloy ng katotohanan. Hindi rin nito kinikilala ang kritisismong kumikilala sa tao bilang pinagkukunan ng kahulugan ng isang teksto.

• Ito ay isang nitso dahil sa loob nito ay nabubuhay ang wika at diskurso.

Page 10: Mga Teoryng Pampanitikan

Teoryang Dekonstruksyon

• Panlima, di-pagtanggap sa mga baynari ni Derrida.• Winawasak ng nito ang kabuuan ng sistema ng wika at

binubuo lamang muli ito nilang kamalayan na may kalakip na teorya ng realidad.

• Binibigyang diin nito ang kamalayan ng manunulat at ng mambabasa bilang mga produkto ng social discourse na nakasulat.

• Ito ay angkop sa panitikang nakasulat bilang produkto ng isang tiyak na may-akda na tagapagdala o taga-ingat ng isang tradisyong pang-intelektwal at pampanitikan.

Page 12: Mga Teoryng Pampanitikan

Teoryang Feminismo

• Pinalilinaw ang mga imahen ng kababaihan.• Isinaalang-alang sa papel na ideolohiya sa

paglikha ng mga indibidwal sa isang lipunan.• Masigla at dinamiko ang pananaw ng Feminista.• Malaking ambag ang karanasang historikal sa

pamamagitan ng panitikan.• Malaki ang bilang ng mga impluwensya hindi

lamang sa panitikan kundi maging sa kasaysayan na magtulong-tulong upang bigyang buhay ang isang kilusan.

Page 15: Mga Teoryng Pampanitikan

Teoryang Naturalismo

• Si Hippolyte Taime ang unang nakaimpluwensyang manunulat ng naturalismo sa Pransya.

• Pinalawak ng naturalismo ang saklaw ng realismo.• Ang nais matapat, di piniling representasyon ng realidad,

isang tiyak na hiwa ng buhay na ipinakita nang walang paghuhusga.

• Binibigyang-diin ng naturalismo ang namana at pangpisikal na likas ng tao kaysa nga katangian niyang pangmoral o rasyonal

• Naipakita ang mga indibidwal na produkto ng pinanggalingan at kapaligiran.

Page 17: Mga Teoryng Pampanitikan

Teoryang Makabayan

• Wala pa talagang pormal na nabuong teotya na sumasaklaw sa makabayang pananaw sa ating panitikan, nginit bilang tradisyon sa panulatan, marami na ring nasulat na mga akda, tula, at dula na umaayon sa adhikaing makabayan.

• Ito ay makasining• Ito ay may karakter na maklipunan.

Kinabibilangan ito ng paglalarawan ng buhay ng isang tiyak na lipunan at tiyak na panahon.

• Hindi maiwasan na maging hati ang lipunang napapailaliman sa pananakop ng imperyalismo.

Page 19: Mga Teoryng Pampanitikan

Moralistikong Pananaw

• Ipinalalagay na ang akda ay may kapangyarihang maglahad o magpahayag hindi lamang ng literal na katotohanan at mga di-mapapawing pagpapahalaga.

• Ayon sa moralistikong pananaw, sa kanyang pagbabasa o pakikinig, nagkakaroon ng bisa sa buhay ang mga kaisipang binigyan ng dugo at laman ng mga elemento ng likhang-isip.

• Mamamalas ang lakas at puwersa vng paniniwala na hanggang sa kasalukuyan ay sinasandigan pa rin ng maraming kritiko at guro.

Page 21: Mga Teoryng Pampanitikan

Karagdagang detalye:

• Katangian ng mga teoryang pampanitikan:• Kailangang panatilihin sa isip, gayunman na ang

produksyon ng panitikan tulad ng pagbasa, pamamahagi o ebalwasyon ang nangangailangan ng pagtingin sa panitikan na kontekstong pangkasaysayan.

• Ang ilan sa mga teoryang pampanitikan kahit ipinahayag o hindi kahit ginamit ng wala o may kamlayan ang kasangkot sa bawat bhagdan ng prosesong pampanitikan.

Page 22: Mga Teoryng Pampanitikan

Kahalagahan ng mga teoryang pampanitikan

• Natutulungan ang mga guro maging ang mga mag-aaral na matukoy ang pasikut-sikot ng nilalaman o ang pagsasa-ayos ng mga detalye, aral at impormasyong nakapaloob sa isang teksto.

• Madaling matutukoy ang kalikasan, katamgian o ang pinagmulan ng nilalaman ng akda o kung paano ito naisagawa.

• Magiging madali at magaan na sa mga mambabasa ang pag unawa sa mga tekstong pampanitikan.

Page 25: Mga Teoryng Pampanitikan

Inihanda ni: Larry Boy SabanganBsed-3

Medyor sa FilipinoASU in New Washington

Panunuring Pampanitikan