4

Click here to load reader

Alin Ang Dapat Tangkilikin; Koreanobela, Mexicanobela o Sariling Atin?

  • Upload
    mia

  • View
    49

  • Download
    4

Embed Size (px)

DESCRIPTION

made by the authors during their high school years

Citation preview

Page 1: Alin Ang Dapat Tangkilikin; Koreanobela, Mexicanobela o Sariling Atin?

Alin ang dapat tangkilikin; Koreanobela, Mexicanobela o sariling atin? Nina: Shalom Makasiar, Abigail Nacu, Nerissa Borromeo at Rina Florencio Lakambini: Ihahandog namin ngayo’y isang natatanging balagtasan, Na ang paksa’y pambihira at magdudulot sa inyo ng kaligayahan. Ang tatlong panig dito’y halos pantay-pantay na tinimbang, Di ano pa’t magsisimbigat ang pangangatwiran. Alin kaya sa tatlo ang dapat tangkilikin; Koreanobela, Mexicanobela o sariling atin? Ang unang magpapakilala’y isang dalagang di kagandahan, Ngunit may pangarap na hinahangad Bakekang: Ako’y si Bakekang, bukod tangi sa kaanyuang taglay. Nabigo sa pagmamahal na aking ibinigay. Ako’y naririto upang kumatawan sa telenobela ng ating bayang dalisay. Lakambini: Ang susunod nama’y isang dalagang namulat sa kahirapan, Naging matatag sa kabila ng pighati’t kalungkutan. Siya’y bumangon at lumaban, Upang makamtan ang inaasam. Marimar: Magalang na tumatawag akong sugo ng Mehikanong palabas, Dala ay bandila ng bayang umaalpas. Ako’y si Marimar na namulat sa kahirapan, Ngunit lumigaya sa piling ni Sergio na minamahal. Lakambini: Ang huli’y isa pa ring dilag, Inspirasyon ng kanyang bayang inibiig ng buong alab. Ang tanging hangaring magluto’t manggamot, Kaligayahan at karangalan ang siyang dulot. Jang Geum: Bukod tanging pananamit, dala ng aking bayang kinamulatan. Isinilang sa dampa, nagsumikap at nangarap. Tanging kayamanan ang prinsipyo at katwiran. Ngayo’y sumisimbolo sa telebisyon ng ating bayan, Inyong bigyang pugay, Jang Geum ang pangalan. Lakambini: Yamang ngayo’y narito na ang tatlong maglalaban-laban, Sila’y ating dinggin sa pangangatwiran. Ngayo’y aking uulitin paksa nitong balagtasan; “Alin Ang Dapat Tangkilikin: Koreanobela, Mexicanobela o Ang Sariling Atin?” Mga unang tindig ng mga binibini ating pakinggan, Kaya’t sila’y ating pagpugayan, At sa kanila’y ihandog ay masigabong palakpakan. Bakekang: Palabas ng aking sinilangan, Walang alinlangan, larawan ng kagalingan. Super Twins, Asian Treasures, Darna, Mulawin at Encantadia Iniidolo ng kabataan, Talagang panalong-panalo sa komedya. Marimar: Dapat panooring palabas ng aking bayan, Pagkat mula una’t huli kagandaha’y mapupuna. Tulad na lamang ng kwento ni Rosalinda, Realidad ang makikita, walang duda. Kwento naman ni Florecita lahat ng dilag ay nakauunawa.

Page 2: Alin Ang Dapat Tangkilikin; Koreanobela, Mexicanobela o Sariling Atin?

Umibig sa mayama’y hindi kasalanan. Jang Geum: Aking baya’y hitik sa kultura. Mahigit at mainam aking panig sa tanghalan. Endless Love, Full House at Jewel in the Palace. Sa mapupulot na aral ay tiyak na mapapakinabangan. Lakambini: Nasaksihan nating lahat ang nagdaang unang yugto, At ang tatlong mga binibini’y timbang halos nang magbunggo. Ang di kagandahang si Bakekang ng telenobela’y nanindigang buong-buo, Ang inaping si Marimar ng Mexicanobela’y tumindig ng walang yuko. At ang walang labang si Jang Geum ay nanatiling nakatayo. Ngayon ang ating Bakekang ay muling babati at tatayo, Samantalang ang dalawang dilag ay makikinig habang nakaupo. At sapagkat nag-aapoy na ang kanilang bangko. Maapoy na palakpakan ri’y ating ihandog. Bakekang: Akin lamang sasabihin, Inyo lamang ipagpaumanhin. Mga tanghal ng Mehikano, Talaga namang kabagot-bagot. Lagi na lang banghay mula sa kahirapan, Paglaban tapos ay pagtatagumpay. Katulad na lamang ng Rosalinda, Gata Salvahe at Maria la Del Barrio. Isa pa itong Koreanobela, mga singkit at hilaw ang kutis. Madalas ay kasiyahan sa una, Sunod ang lamayan. At madalas pa’y cancer ang dahilan ng kamatayan. Halimbawa na lamang ay Endless Love, Stairway To Heaven at A Rosy Life. Lakambini: Di pa halos natatapos si Bakekang sa pagpapakitang gilas, Halatang nang alumpihit ang dalawa pang dilag na handa nang bumagtas. Kaya’t sugo ng Mehiko’y ating pakinggan, Marimar, ikaw nama’y humayo at lumaban. Atin siyang palakpakan. Marimar: Kayo’y makinig sa aking sasabihin, Huwag palagpasin ang bawat salitain. Palabas sa Pilipinas ay sadyang nakakahiya, Mataas nga sa takilya, Pero ang storya, Hango lamang sa aming mga banyaga. Tulad na lamang ng kwento ni Maria Flordeluna, Hango sa kwento ng aming Luz Clarita. Habang ang kapangitan ni Bakekang, Hinango sa pangit na mukha ng aming Alicia. Tumungo naman tayo sa istorya sa Korea, Wala akong magawa kundi ang tumawa. Ang storya’y pare-pareho, Walang pagbabago. Sa sobrang simple ay nakakabagot, Sa una’y komedya, sa huli’y iyakan. Tulad ng kwento ng My Girl, Princess Hours at Stairway To Heaven. Isa pang kapansin-pansin, mga labing dampi lamang ang hantungan. Tuwing mga labi’y magtatagpo, Iikot ang kamera at ika’y mahihilo.

Page 3: Alin Ang Dapat Tangkilikin; Koreanobela, Mexicanobela o Sariling Atin?

Hindi ka man lamang kikiligin sa bawat tagpo, Sapagkat kahit paghawak sa kamay’y bigo. Lakambini: Tunggalian ng dalawa’y puspos at walang puknat. Walang gatol at lutlutan ay pag-ulos at pag-salag. Ngunit si Jang Geum ng Silangang Asya’y di pa nahihiya, Pagkat siya’y magsisimula pa lamang sa pag-uuya. Ating siyang handugan palakpakang masagana. Jang Geum: Aking mga katalo’y palabiro palang labis. Ako’y kinalaban ng walang patumpik-tumpik. Ngunit di ba nila naisip, Sariling bakura’y walisin. Pagkat akin nang titirahin, Kanilang butas sa pinilakang tabig. Parental Guidance ay dapat na pairalin, Pag ang eksena ay nagiging kapana-panabik. Mga uhaw na Mehikano na sabik sa pagibig, Mga mata ng bata, nakamasid parati. At dili nama’y di paaalpasin. Paikot-ikot na kwento, mga kababawan sa takilya. Isipin mo isang sikat na artista, Insecure kay Bakekang? Sa una lamang maganda, Pagdaka’y gulo-gulong istorya. Inuulan na ng mais, dila’t matang nakikita, Kakaibang palabas dapat bang ibandera? Lakambini: Ang tatlong dilag nga’y tunay na kahanga-hanga, Ating mga tagapakinig inyong napapanganga. Yaman din lamang ito’y inyo nang nasimulan, Ating ipagpatuloy inyong pakikipagtalastasan. Bakekang: Sa aking muling pagsasalita’y dala pari’y tapang, pagmamalaki sa bayan. Aking pagtatanggol inyo sanang dinggin. Di tunay aming nobela’y hango lamang sa inyong panig. Kami’y may orihinal at natatanging sining, Na di kayang arukin ng inyong makabanyagang isip. Di rin tunay na kwento nami’y ningas kugon lamang, Pagkat mga ratings nami’y abot langit kung pumayagpag. Kaya’t kayong mga mapanghamak, Di nararapat na patulan. Marimar: Ikaw na Pilipina sadyang kay mangmang, Pangit ka na nga hindi mo pa alam. Iyan ang realidad ng buhay, Dapat maghirap bago magtagumpay. Iyan ang totoo at di iyang lumilipad mong mulawin. Isa ka pang Koreanang kumakain ng di luto, Hindi mo ba tanto na di na so ang pacute? Bukas na ang isipan ng mga manonood, Di na dapat mahiya kaya pag-hahalikan ay dapat nang ipanood. Jang Geum: Hindi kakayanin ng aking panlasa,

Page 4: Alin Ang Dapat Tangkilikin; Koreanobela, Mexicanobela o Sariling Atin?

Kababawan ng pagpapaliwanag at halimbawa ng kahihiyan. Makinig ka, Anupa’t Bayang aking pinaggalingan, May paggalang sa babae at konserbatibo ang isipan. At para sa iyo Binibining Pilipinas na parang kulot na buhok ang storya, Ang layunin ng aking kwentong pagkamatay ng mga tauhan, Ay upang ipamalas na magpasa walang hanggang kamatayan, Pag-ibig na hindi mapapantayan. Bakekang: Aking kaibigang Koreana, Ako’y naniniwala. Pag-ibig na wagas, Ay di lamang sa kamatayan naipapamalas. At sa’yo namang binibining Marimar, Tunay ako’y sang-ayon na ang paghihirap ay realidad ng buhay, Ngunit akin lamang banghay ng inyong nobela di masamang baguhin ang kulay. Marimar: Sa’yong Pilipinang kay bait, nobela ko’y di dapat baguhin. Tunay na agos ng buhay aking pinagpapalagay, At sa’yo Jang Geum, Mahalay man ngunit nais ko lamang maipakita, Ang wagas na pag-ibig. Mali ang inyong pinapalagay, Na nais ko’y sirain ang isipan ng mamamayan. Jang Geum: Katunggaling Marimar, Ika’y maging malumanay. Pag-ibig ay dalisay, Di kailangang maging mahalay. O kabataaang pag-asa ng bayan, May takdang panahon upang malaman ganyang bagay. At kay Bakekang na laki sa init, Iba’t ibang paraan aming ginagamit. Upang tapusin aming nobelang kapana-panabik, Huwag lamang ituon ang pansin sa mga istoryang trahedya ang sinapit. Lakambini: Itigil na ang laban, kayo’y aking inaawat. Naigting na saguta’y baka lalo lang umalab. Iba’t-ibang pinaggalingan, Ngunit isang pinaglalaban. Ang kagalingan ng inyong palabas. Ay pare-parehong may gilas. At ngayo’y aking sasabihin, ang pagpapasya’y di akin. Sa ating mga tagapakinig, yaong sagot inyo nang isipin. “Koreanobela, Mexicanobela at sariling atin…” Muli, magadang umaga kayo’y aking binabati.