11
BALITA VOLUME 2 ISSUE NUMBER 3 1

ALITA - mmpm.newsmmpm.news/wp-content/uploads/2017/09/MMPM-Vol-2-Issue-3_PART … · buhay—ito ang mga panganib na kinakaharap ng mga mamamahayag. ... LATHALAIN. VLUME 2 ISSUE NUMBER

  • Upload
    vannhu

  • View
    245

  • Download
    1

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: ALITA - mmpm.newsmmpm.news/wp-content/uploads/2017/09/MMPM-Vol-2-Issue-3_PART … · buhay—ito ang mga panganib na kinakaharap ng mga mamamahayag. ... LATHALAIN. VLUME 2 ISSUE NUMBER

BALITAVOLUME 2 ISSUE NUMBER 3

1

Page 2: ALITA - mmpm.newsmmpm.news/wp-content/uploads/2017/09/MMPM-Vol-2-Issue-3_PART … · buhay—ito ang mga panganib na kinakaharap ng mga mamamahayag. ... LATHALAIN. VLUME 2 ISSUE NUMBER

BALITA VOLUME 2 ISSUE NUMBER 3

2

PAGBUBUSAL sa bibig at pagkitil sa buhay—ito ang mga panganib na kinakaharap ng mga mamamahayag.

Sa katunayan, ayon sa pag-aaral na isinagawa ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) na inilabas noong Oktubre 7, 2016, isang mamamahayag ang pinapatay kada limang araw.

Sa Pilipinas, hindi lamang ang malayang pamamahayag ang pinapatay kundi pati na rin ang mga nagsusulong nito. Ayon sa Committee to Protect Journalists (CPJ), pangatlo ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming pinapaslang na mamamahayag. Ito ang nais wakasan ng Administrative Order No. 1 (AO 1), na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Oktubre ng nakaraang taon.

PRESIDENTIAL TASK FORCE ON MEDIA SECURITY

Sa pamamagitan ng AO 1, nilikha ang Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) na may mandatong protektahan at itaguyod ang seguridad at ang mga karapatan ng mga mamamahayag o ang tinatawag na media workers. Ayon kay Presidential Communications and Operations Office Undersecretary Jose ‘Joel’ Egco, ang Executive Director ng task force, “Ang kalayaan sa pamamamahayag ay isa sa pinakamahalagang haligi ng ating demokrasya... Itinuturing natin na ang bawat pag-atake (sa mga mamamahayag) ay pag-atake sa kalayaan sa pamamahayag.”

Para kay Egco, ang AO 1 ang magiging “gamot sa sakit” ng bansa na itinuturing na

Ang Administrative Order No. 1 ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang malinaw na polisiya ng ating pamahalaan upang

pangalagaan ang press freedom, ang mga nasa media at maging ang mga mensahe na inihahatid nila sa sambayanan.

isa sa pinakadelikadong lugar sa buong mundo para sa isang mamamahayag. Dagdag pa ni Egco, “Gusto nating mabago ang sitwasyon, ang environment—from being the most dangerous to the safest.”

Binubuo ang task force ng sumusunod na mga miyembro mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan:

1. Chairperson: Secretary, Department of Justice

2. Co-Chairperson: Secretary, Presidential Communications Operations Office Members

3. Secretary, Department of the Interior and Local Government

4. Secretary, Department of National Defense

5. Solicitor General6. Executive Director, Presidential

Human Rights Committee

7. Chief of Staff, Armed Forces of the Philippines

8. Director General, Philippine National Police

9. Director, National Bureau of Investigation

Bilang executive director ng task force, pamumunuan ni Egco ang mga miyembro o ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensyang ito. Bukod pa rito, may mga “observers” at “resource persons” din na iimbitahan mula sa Commission on Human Rights at sa opisina ng Ombudsman.

Maging ang malalaking media organizations sa bansa ay magsisilbi ring resource persons ng PTFOMS kabilang na ang National Press Club, National Union of Journalists in the Philippines, Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas, Publishers Association of the Philippines Inc., at ang Philippine Press Institute.

MANDATO NG TASK FORCE Hindi basta-basta ang responsibilidad

na nakaatang sa balikat ng Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) pero para kay Egco na isang batikang mamamahayag, handa silang harapin ang mga ito para mabigyan ng proteksyon ang media workers. Isang pribilehiyo aniya ang mabigyan ng ganitong uri ng resposibilidad dahil maituturing na “phenomenal” ang AO 1.

Ayon kay Egco, “This is the only country na may ganitong task force, na ang malinaw na polisiya ng pamahalaan ay pangalagaan ang press freedom—not only the members of the press or the messengers but also the messages.”

Maituturing aniya na “pro-active” at “preventive” ang mandato ng task force dahil kung ikukumpara sa mga naunang task force na binuo para tutukan ang media

Presidential Task Force on Media Security: Proteksyon para sa mga mamamahayag NI DANI MEI MANUEL

PCOO Undersecretary Jose ‘Joel’ Egco

LATHALAIN

Page 3: ALITA - mmpm.newsmmpm.news/wp-content/uploads/2017/09/MMPM-Vol-2-Issue-3_PART … · buhay—ito ang mga panganib na kinakaharap ng mga mamamahayag. ... LATHALAIN. VLUME 2 ISSUE NUMBER

BALITAVOLUME 2 ISSUE NUMBER 3

3killings, ayon kay Egco, “Ang mandatong ibinigay ng AO 1, huwag mo nang hintayin na may mangyari. Harassment pa lang, threat pa lang, intimidation or any violence na nangyari sa media, dapat pasukin ng task force.”

Dalawa ang pangunahing tungkulin ng task force. Pagbabahagi ni Egco, “On the left hand, we are trying to solve the previous murder cases. Iyong right hand naman, gumagalaw to protect the living.”

Bukod pa rito, may iba pang tungkulin ang PTFOMS:

1. Imbentaryo ng mga kaso. Kabilang sa mga kasong isasama sa imbentaryo ang mga kasong hindi pa nareresolba, ang mga kasong under investigation, ang mga kasong nasa preliminary investigation, ang mga kasong kasalukuyang nililitis, at mga kasong under appeal.

2. Imbestigasyon ng mga kasong hindi pa nareresolbahan. Bibigyan

ng prayoridad ng task force ang mga nasabing kaso sa pamamagitan ng pagtatalaga ng special investigation teams para imbestigahan ang mga ito.

3. Monitoring ng mga kaso. Magtatalaga ang task force ng special oversight team na bubuin ng mga investigator at mga prosecutor na siyang susubaybay sa mga development ng mga kaso.

4. Tumanggap at mag-monitor ng mga ulat tungkol sa “media workers in danger” at magbibigay ng proteksyon sa mga ito

5. Imbestigasyon at prosekusyon ng mga bagong kaso. Bubuo rin ang task force ng isang special team ng investigators at prosecutors na siya namang tututok sa mga bagong kaso upang magkaroon ng mabilis na imbestigasyon at prosekusyon ng mga may sala.

6. Tumanggap ng mga reklamo at

aksyunan ang mga ito7. Tumulong sa pagbibigay ng witness

protection.

LOCAL TASK FORCE COUNCILSSa kasalukuyan, nakikipagdayalogo

rin ang PTFOMS sa mga lokal na opisyal upang magkaroon ng local task force council sa bawat probinsiya sa buong bansa. Paliwanag ni Egco, “Iikutin ang lahat ng probinsiya sa buong Pilipinas para buuin nila ang local task councils… Ire-require natin sila na mag-submit ng strategic plans kung paano mape-prevent ang media killing sa mga probinsiya.”

Ayon kay Egco, ang pagbuo ng task force na ito ang unang hakbang tungo sa pagbabago upang magkaroon ng proteksyon ang mga mamamahayag sa bansa. Aniya, “Nagsisimula pa lang tayo... Malayu-layo pa ang lalakbayin natin. But still, this is the crucial first step.”

‘Dapat kasama rin ang pamilya ng taga-media’

Ni Rosalie Catacutan-Periabras

Ikinatutuwa ng mga taga-media na may aktibong mekanismo ang Duterte administration para mapangalagaan sila. Gayunpaman, sana raw ay kasama rin ang kanilang pamilya sa mga pangangalagaan ng task force dahil kalimitan ay tina-target din ang mga mahal nila sa buhay ng mga taong nasasagasaan nila sa pagtupad ng tungkulin.

“WELL, it’s nice na may ganoon [Administrative Order No. 1 para sa proteksyon ng media] kasi may

active part from the government to protect us.” Ito ang bungad ni Louella Desiderio, reporter ng Philippine Star nang makausap ng Masa Para sa Masa tungkol sa isyu. Dagdag pa niya, “Pero feeling ko kulang iyon in terms of information

dissemination. Kasi kung wala itong interview na ito, I do not know na meron palang ganito na in case na may mangyari sa amin ay meron palang way na the government is actually providing a mechanism para ang mga katulad namin [media practitioners] can seek protection.”

Sinabi rin ni Desiderio na makikita at mararamdaman ang resulta ng A.O. No. 1 kung mapoprotektahan din ang pamilya ng mga taga-media sapagkat kadalasan na kapag pinagbabantaan sila dahil sa kanilang pagtupad sa tungkulin ay nasasangkot din ang kanilang mga mahal sa buhay.

Paliwanag niya, “I think ang deficiencies ay ‘yung doon sa violence kasi parang limited. Kasi parang kailangan ba na diretso ‘yung threat na puwedeng papatayin o puwedeng kinidnap ka, ganoon lang ba? O, ‘yung mga threat na kunwari during a press conference ay pinagbantaan ka, is that counted? ‘Yung verbal lang,

is that counted? O sa text or maybe by phone? Maybe they need to expand that. It’s good to know na may task force na mangangalaga sa media, but siyempre we’ll find out kapag na-implement na.”

Louella Desiderio, Reporter, Philippine Star

LATHALAIN

Page 4: ALITA - mmpm.newsmmpm.news/wp-content/uploads/2017/09/MMPM-Vol-2-Issue-3_PART … · buhay—ito ang mga panganib na kinakaharap ng mga mamamahayag. ... LATHALAIN. VLUME 2 ISSUE NUMBER

BALITA VOLUME 2 ISSUE NUMBER 3

4

ISANG pangako na sana’y matupad. Ganito kung ilarawan ni GMA-7 broadcast journalist Howie Severino

ang pinirmahang Administrative Order No. 1 ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Oktubre 11, 2016, na magtataguyod at puprotekta sa mga karapatan at seguridad ng mga mamamahayag sa bansa.

Ayon kay Howie, kahit pa nilagdaan ng Pangulo ang naturang A.O., gaya niya ay marami pa rin sa kanyang mga kasamahan sa industriya ang hindi nakadarama ng kaligtasan mula sa

‘MASARAP ISIPING MAGIGING TOTOO NA ANG PAGRESPETO SA TAGA-MEDIA...’

mga banta ng kapahamakan, lalo na ngayon na nauso na ang social media, na ginagamit ng marami upang manakot, magbanta at mang-insulto. Kung iisipin ay mas nakakatakot ito, dahil karamihan ng mga gumagawa nito ay karaniwang nakatago ang pagkakakilanlan.

Tulad ng ibang mamamahayag, hindi nakaligtas si Howie sa mga pagbabanta.

“Nakaranas din ako ng lahat ng iyon, tulad ng maraming mamamahayag ngayon. Marami sa amin ay nakakatanggap ng mga pagbanta, mga di namin alam... mga di namin kilala

na mga nagpapadala sa amin ng mga threats,” pagsasalaysay niya sa Mula sa Masa Para sa Masa.

Nang tanungin naman siya sa kung ano ang mga kinakatakutan niya bilang isang mamamahayag, sinabi niya na, “May fear po kami na maaari kaming saktan, dahil ayon sa aming obserbasyon ay minsan o madalas, hindi po iginagalang ang due process... ang prinsipyo na ‘you’re innocent until proven guilty.’”

Dagdag pa niya, “Ako’y kinakabahan din at nababahala na baka balang-araw ay hindi lamang po mga suspected criminals ang saktan o patayin, baka pati ang mga mamamayahag o mga kritiko ng mga nasa kapangyarihan ay saktan din.”

Kaya naman natuwa siya nang pirmahan ni Pangulong Duterte ang AO No.1 dahil ayon kay Howie, kahit papaano ay may panghahawakan na silang pangako na puprotekta sa kanilang mga karapatan bilang mamamahayag. Ang hiling na lamang niya ay maipatupad ito nang maayos.

“Alam naman natin na madali namang magpangako, mas mahirap magpatupad ng pangako. Kaya makikita natin kung itong pangakong ito na pagbubuo ng isang task force na iimbestigahan ‘yung mga paglabag sa karapatan ng mga mamamahayag ay ipapatupad. Masarap isipin na baka maging totoo ‘yung pagrespeto sa aming mga karapatan at sa karapatan ng bawat mamamayan... now and forever,” pagtatapos niya.

Para sa beteranong mamamahayag na si Howie

Severino, sa paglabas ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa media protection, may

panghahawakan na silang pangako na mangangalaga sa kanilang mga karapatan.

GMA 7 Broadcast Journalist Howie Severino

Ni Johara Maligang

LATHALAIN

Page 5: ALITA - mmpm.newsmmpm.news/wp-content/uploads/2017/09/MMPM-Vol-2-Issue-3_PART … · buhay—ito ang mga panganib na kinakaharap ng mga mamamahayag. ... LATHALAIN. VLUME 2 ISSUE NUMBER

BALITAVOLUME 2 ISSUE NUMBER 3

5LATHALAIN

NAGKAROON ang Mula Sa Masa Para Sa Masa ng pagkakataon

na makapanayam ang kilalang “Mom Blogger” na si Noemi Lardizabal Dado ukol sa pananaw niya sa Administrative Order No. 1, o ang Creating The Presidential Task Force on Violations of the Right to Life, Liberty and Security of the Members of the Media at masaya siya para rito dahil nararamdaman niyang karamay ng mga mamamahayag si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa pag-aaral niya ng nasabing Administrative Order, nais namang makakita ni Dado ng awareness na siyang magmumulat sa mga mamamahayag upang maiwasan nila ang ma-harass.

Pagbabahagi niya ay minsan na siyang nakaranas ng harassment sa kanyang hanapbuhay. Aniya, "I experienced being stalked because of my strong opinion about this politician. But then my article was publicized that's why the

‘BEING CRITICAL IS NOT

BEING OFFENSIVE’ Isang paraan upang maging balanse ang

pagbabalita ay ang iprisinta ang magkabilang panig at maging parehas at responsable.

Maging kritikal sa isyu at hindi sa personalidad.

threat vanished."Dagdag pa niya, ang

pananakot ay isa sa mga malalaking hamon sa mga mamamahayag na minsan ay umaabot sa punto na pati ang kanilang pamilya ay naaapektuhan na rin. Ang mga harassment na ito ang naging dahilan upang mag-iba siya ng taktika sa pagsusulat.

Aniya, "What I did was I tried to balance my views. Before, hard-hitting talaga ako. So, ang ginawa ko, I presented both sides and in the middle I'd make a stand. So, in that way, I presented both sides at hindi lang ako tira nang tira. I make sure that being critical is not being offensive, not choosing one side alone."

Sa kabila ng ipinasang Administrative Order, hindi pa rin ganap na ligtas ang pakiramdam ng Mom Blogger. Aniya, marami ng tao, lalo na sa social media, ang anonymous at madali para sa mga ito ang manakot. Kaya naman nang tanungin kung ano ang payo niya sa mga gustong maging media practitioner, sinabi

niyang, "Try to be fair and responsible, present both sides. And make sure you check your facts; it is good to have an opinion but your

opinions should be based on facts. And if you wanna be critical, be issue-based. do not attack the personality—just the issue."

Noemi Lardizabal Dado, blogwatch.ph

Ni Patrisha Bagalso

Page 6: ALITA - mmpm.newsmmpm.news/wp-content/uploads/2017/09/MMPM-Vol-2-Issue-3_PART … · buhay—ito ang mga panganib na kinakaharap ng mga mamamahayag. ... LATHALAIN. VLUME 2 ISSUE NUMBER

BALITA VOLUME 2 ISSUE NUMBER 3

6

DRAFT NG ‘SOCIAL MEDIA POLICY’ INILABAS NG PCOO

MATAGUMPAY na idinaos ng Presidential Com-munications Office (PCOO) ang kanilang kau-na-unahang Social Media Policy Town Hall sa

Bahay ng Alumni sa University of the Philippines noong Pebrero 23.

Ang pagtitipon na pinamagatang #AllMediaPH ay di-naluhan ng mga maiimpluwensiyang personalidad pag-dating sa instructional media, public relations and com-munications, at maging sa social media.

Sa harap ng mga media practitioners at bloggers, sin-abi naman ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na, “Social media has been successful in developing a new generation of readers and reactors. As a media practitioner myself and one who likes to tinker with the vast possibilities of technology and the inter-net, I have seen the evolution of blogging.”

Ayon pa sa Kalihim ay malaki ang impluwensiya ng so-cial media sa pulitika sa ating bansa. Aniya, “Bloggers are very passionate about making their positions known on certain issues; as a result they are able to inspire a fol-lowing that can go up as high as 400,000 to four million. Things can be so heated up in the blogosphere or Twitter or FB (Facebook).”

Isa sa mga highlight ng naturang event ay ang paglal-abas ng draft ng Social Media Policy ng PCOO. Nakasaad sa draft na kasama ang traditional media ay kinilala rin ng PCOO ang social media bilang kaagapay sa pagpa-pabuti ng kanilang communications strategy.

Ang nasabing draft ng Social Media Policy ay alinsu-nod sa Section 24, Article II of the 1987 Constitution. Isinasaad dito na kikilalanin ng Estado ang mahalagang papel ng komunikasyon at impormasyon sa pagpapa-tatag ng bansa. Sinasang-ayunan din nito ang Executive Order No. 4 (s. 2010) na tumutukoy sa layunin ng PCOO na palawakin ang alintuntunin at pamamaraan ng pag-papakalat ng impormasyon at paggawa ng bagong me-dia strategies.

Ni Johara Maligang

Kasama rin sa policy ang pagbuo ng Social Media Office. Maglalatag din ng mga alintuntunin ukol sa opisyal at pansariling gamit ng social media para sa mga empleyado ng PCOO, at magtatakda ng mga patakaran sa pamamahala ng mga nilalaman at pagpapatatag ng isang framework para sa social media accreditation.

Nagbigay-kulay rin sa okasyon ang mga resource speakers na galing sa iba’t ibang sektor at interest groups na nagbahagi ng kani-kanilang mga pananaw at opinyon, kabilang sina Arpee Lazaro ng Change.org, Al Alegre ng Foundation for Media Alternatives, Noemi Lardizabal-Dado ng Blog Watch, Rose Beatrix Angeles ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA), Carlos Mun-da ng MindaNation, Stella Estremeras ng Sun Star Davao, Antonio Contreras ng De La Salle University, Juned Sunido ng UP College of Science at Atty. Jose Jesus Disini ng Disini & Disini Law Office.

PCOO Secretary Martin Andanar

Page 7: ALITA - mmpm.newsmmpm.news/wp-content/uploads/2017/09/MMPM-Vol-2-Issue-3_PART … · buhay—ito ang mga panganib na kinakaharap ng mga mamamahayag. ... LATHALAIN. VLUME 2 ISSUE NUMBER

BALITAVOLUME 2 ISSUE NUMBER 3

7

PCOO Secretary Martin Andanar

SA simpleng pagsisiwalat ng katotohanan sa pamamagitan ng pagbabalita, maraming mamamahayag ang naging puntirya ng di

matigil-tigil na pananakot at pagbabanta. Higit lalo na ang mga komentarista na hindi lamang basta balita kundi opinyon ang inihahatid sa publiko kaya mas maraming personalidad at isyu ang kanilang natatalakay.

Isa sa mga humaharap sa mga bantang ito ang komentaristang si Prof. Antonio Contreras.

Contreras is a lot of things. Full professor siya sa De La Salle University, kolumnista sa isang national broadsheet, radio host ng isang political commentary show, active blogger at political analyst na ilang beses nang na-feature sa telebisyon.

Dahil sa presensya niya sa lahat ng media platforms kung saan walang takot siyang

Mabigat na kalaban ng taga-media ang kasong libel lalo na kung

freelancer. Para kay Prof. Antonio Contreras, mahalaga na ang

pamahalaan ay may ayudang legal sa mga mamamahayag na nakakasuhan

sa pagtupad sa kanilang tungkulin.

‘DAPAT MAY FREE LEGAL ASSISTANCE FOR MEDIA PEOPLE’

Ni Mich Nabrenagpapahayag ng opinyon ukol sa mga kritikal na isyu, hindi na nakapagtataka kung bakit minsan na siyang naging target ng paninira at banta sa buhay.

Ayon kay Contreras, “’Yang danger, it comes with the territory. It’s the risk of spelling out the truth. ‘Yung nag-bomb threat sa akin, hindi mo seseryosohin kasi marami namang ganyan sa facebook.”

Aniya, para sa katulad niyang hindi naman sumasabak sa field, ang pinakatulong na maihahatid ng task force ay ang pagtatayo ng isang direct desk kung saan madaling maidudulog ng mga mamamahayag, hindi lamang ang mga banta sa kanilang seguridad, kundi maging ang banta sa kanilang kalayaan dahil sa mga malisyosong libel suits.

Dito maaaring pumasok ang Presidential Task Force on the Protection of the Media. Sa pamamagitan ng task force, matatanggap at mamo-monitor lahat ng ulat at complaints ukol sa media workers na nahaharap sa peligro dahil sa kanilang trabaho. Mula rito ay magpapadala ng tulong ang task force alinsunod sa mga batas

at regulasyong umiiral sa bansa.Saad ng propesor, “Hindi lahat ng media

kayang magbayad ng abogado kaya dapat may free legal assistance for media people na pwedeng puntahan. Of course, pag na-libel ka naman, ‘yung kumpanya naman ang sasagot sa ’yo. Ngayon kung freelancer ka, kawawa ka. Therefore kung freelancer ka, dapat meron kang special protection na meron kang pupuntahan na opisina. ‘Yun ‘yung dapat ma-amplify na kautusan.”

‘PROTEKSYON LABAN SA LIBEL DAPAT ISAMA SA SAKOP NG A.O. NO. 1’HINDI na bago ang mga

balita ng pananakot at pagpatay sa mga

mamamahayag sa bansa. Ngunit ang hindi madalas mabalitaan ay ang harassment na pinagdaraanan nila dahil sa malisyosong pagsasampa ng libel suits laban sa kanila.

Ayon kay Stella Estremeras, Editor-in-Chief ng Sun Star Davao, libel pa rin ang pinakaepektibong harassment tool na ginagamit laban sa kanilang mga mamamahayag. Not a stranger to threats against her life, lalo na noong 2010 elections, inamin ni Estremeras na natural lang na natatakot siya kapag nakatatanggap ng death threats pero ang mas malaking bantang kinakaharap niya at ng iba pang mga mamamahayag ay ang baseless libel cases.

Aniya, “Of course, meron namang journalists who ‘deserve it’ but most of the time, libel is

used as a threat. You don’t even have to commit it and yet you can be sued for it as long as the person is named in your newspaper. I’ve experienced that. Pati ‘yung lawyer nagtatanong ng, ‘Anong kaso?’ Ang sabi ko, ‘Wala po, pero galit sa akin ‘yan, eh.’”

Sa ilalim ng Artikulo 353 ng Revised Penal Code of the Philippines, maaaring makasuhan ang isang tao ng libel kapag: 1)nagpahayag siya ng anumang paratang, totoo man o hindi, na maaaring makasira sa reputasyon ng isang tao, buhay man o yumao na; 2) ang paratang na ito ay na-publish; 3) makikilala ang taong tinutukoy sa paratang; at 4) malisyoso ang ginawang pagpaparatang.

Ang parusa ay maaaring

pagkakakulong ng anim na buwan hanggang anim na taon o multa ng P200 hanggang P6,000, o parehong multa at

pagkakakulong.Bagama’t sa ilalim ng

Supreme Court Administrative Circular 8-2008 ay preferred ng korte na multa na lang imbes na pagkakakulong ang ipataw na parusa sa sinumang mapapatunayang guilty ng libel, hindi pa rin maiibsan ang takot at istorbong dala sa mga mamamahayag kapag sinasampahan sila ng kasong ito lalo na kung wala namang ni gahibla ng basehan ang mga nagsasampa.

Mas pinalala pa ang problemang ito sa gitna ng katotohanang hindi lahat ng mga journalists ay mayayaman at kayang harapin ang

gastusing kaakibat ng pagdepensa sa kasong isinampa ng mga kumpanya o personalidad na may malalalim na reserba ng pera para ituluy-tuloy ang kaso.

Pahayag ni Estremeras, “If government will offer for the protection of media workers, we would really appreciate kung kahit ‘yung libel man lang ay ma-expedite.”

As it is worded, hindi sakop ng kasalukuyang Administrative Order No.1, series of 2017 ang pagbibigay ng assistance para sa mga mamamahayag na humaharap sa malisyoso at walang basehang libel suits. Ngunit matatandaang malaki ang pagpapahalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mamamahayag. Kampanya pa lang ay ipinangako na niyang gagawing prayoridad ang pagde-decriminalize ng libel. Ito, kasama ng AO 1, ay indikasyong hindi titigil ang Pangulo para paigtingin ang proteksyon sa mga taga-media.

(Mich Nabre)

Pinakaepektibong paraaan ng harassment sa media ang

pagsasampa ng kasong libel sa mga mamahayag. At hindi iyon sakop ng Administrative Order

No. 1.

Prof. Antonio Contreras, De La Salle University

LATHALAIN

Page 8: ALITA - mmpm.newsmmpm.news/wp-content/uploads/2017/09/MMPM-Vol-2-Issue-3_PART … · buhay—ito ang mga panganib na kinakaharap ng mga mamamahayag. ... LATHALAIN. VLUME 2 ISSUE NUMBER

BALITA VOLUME 2 ISSUE NUMBER 3

8

EDITORYAL

INIULAT ni Catherene S. Valente ng pahayagang The Manila Times noong

Marso 17, 2017 na batay sa report ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) ay malaki na ang improvement sa seguridad ng media workers sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil na rin sa mga ipinatutupad na kautusan para matiyak ang mas ligtas na kapaligiran para sa mga mamamahayag.

Kabilang sa mga kaso na hinahawakan ng binuong task force ay may kinalaman sa pananakot, panggigipit at pananakit sa mga taga-media. Ito ang unang pagkakataon na ang pamahalaan ay nagdokumento at kumilos laban sa mga mapanganib na insidente na iniuulat ng mga mamamahayag na naging biktima na ng karahasan sa pagtupad nila sa tungkulin.

Patuloy si PTFoMS Executive Director Undersecretary Joel Sy Egco pagtanggap ng mga reklamo ng mga nagaganap na pag-atake sa mga mamamahayag.

Ang task force ay pinamumunuan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre III

SEGURIDAD NG TAGA-MEDIA SA ILALIM NG DUTERTE

ADMINISTRATION, LUMAKASat co-chairman si Presidential Communications Secretary Martin Andanar. Sa mga ginaganap na pagpupulong ay kabilang ang National Union of Journalists of the Philippines, National Press Club, Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas, Philippine Press Institute, Publishers Association of the Philippines at ang Center for Media Freedom and

Responsibility.Sa ilalim ng Adminsitrative

Order No. 1, ang nilikhang task force on media security ay inaatasan na agad kumilos sa unang sensyales pa lang ng initimidasyon. Hindi gaya sa mga naunang administrasyon na nagkakaroon lang ng imbestigasyon pag napaslang na ang isang mamamahayag.

Ang pagbaba sa ngayon

ng bilang ng intimidasyon sa mga mamahayag ay iniuugnay sa pagiging mapagmatyag ng task force sa kalagayan ng mga taga-media at sa kanilang maagap na pagtugon sa mga naiuulat na pagbabanta sa kanilang hanay.

Ang mga death threat ay agad na iniimbestigahan at kung kinakailangan ay binibigyan ang nakatanggap ng proteksyon mula sa pulisya.

Layunin ng PTFoMS na mapigilan ang mga pananakit, pagbabanta at pagpatay sa mga taga-media sa pamamagitan ng mga mabilisang solusyon na kaakibat ng Operational Guidelines ng ahensya.

Sa kasalukuyan, ang ahensya ay may 174 lumang kaso sa kanilang imbentaryo ng mga kaso ng pagpatay sa mga mamamahayag simula noong 1986 hanggang May 2016.

Umaasa rin ang task force na sa ilalim ng Duterte administration ay mawawala na ang taguri sa Pilipinas na isang lugar na hindi ligtas ang mga mamamahayag, at sa halip, isang bansa kung saan ang paghahatid ng balita at katotohanan ay malaya at walang takot na nakararating sa sambayanan.

BENJIE REDONDO FELIPEEditor-in-Chief

DEAH RICACHOOperations Officer

KATE AGNAAdministrative Assistant

JOHARA MARIE MALIGANG Editorial Assistant

FAY ZAIRENE MANIAULArt Director

KC CORDEROManaging Editor

RICO IBARRAHENRY VERIDIANO

Photographers

CEZAR ZEAProductionCoordinator

CARLO VALENZUELAVINCE ANDREW ONG

PATRICIA DELARALayout Artists /

Cartoonists

DANI MEI MANUELROSALIE CATACUTAN-PERIABRAS

KATHERINA DELGADOMICH NABRE

PATRISHA BAGALSOWriters/Reporters

TONIE CABIGTINGVIRNARD GABISON

ANGEL SAGALESResearchers

Printing: GEORGE APACIBLEDistribution: Philippine Information Agency

HAROLD CLAVITE - Director GeneralANGELO VILLAR - Deputy Director General

Ang MULA SA MASA PARA SA MASA ay inilalathala ng Presidential Communications Office at may tanggapan sa: 3rd Floor, Philippine Information Agency, Visayas Avenue,

Diliman, Quezon City

Ang lahat ng nilalaman ng pahayagang ito ay hindi maaaring gamitin ng s

inuman sa anumang porma nang walang pahintulot ng tagapaglathala.

Ang MULA SA MASA PARA SA MASA ay libreng ipinamamahagi ng Presidential Communications Office.

May karampatang parusa sa sinuman na mahuhuling nagbebenta ng anumang bahagi, kopya/mga kopya nito.

Sa mga nais makipag-ugnayan sa aming patnugutan, Tumawag lang sa telephone number: (02) 9204336

E-mail: [email protected]: Mula sa Masa Para sa Masa

Panggigipit sa taga-media

DUTERTEADMINISTRATION

OPINYON

Page 9: ALITA - mmpm.newsmmpm.news/wp-content/uploads/2017/09/MMPM-Vol-2-Issue-3_PART … · buhay—ito ang mga panganib na kinakaharap ng mga mamamahayag. ... LATHALAIN. VLUME 2 ISSUE NUMBER

BALITAVOLUME 2 ISSUE NUMBER 3

9OPINYON

PTK NISEC

MASARAP at masaya ang magkaroon ng kolum sa

pahayagan. Kailangan nga lang ng mahabang oras, pananaliksik, pakikinig sa mga mambabasa at ang mismong pagsusulat na ng artikulo. Sa uri ng aking trabaho bilang Communications secretary, aminado akong kapos ang aking oras para magsulat na mae-enjoy ko ang aking oras.

Sa aking kolum sa Inquirer, napagkasunduan na i-share sa ibang Cabinet members ang aking espasyo. Sa ganitong paraan ay makapaghahatid din sila ng mga impormasyon at ideya sa mga mambabasa.

Posibleng may kumontra sa ganitong set up lalo na ang mga kritiko ng Duterte administration. Pero isa itong “democratic virtue” sa mga government officials na laging makipagtalakayan sa publiko. Posible rin na hindi kayong sang-ayon sa aming mga sasabihin pero puwede namang pagmulan iyon ng usapan.

Hindi kami magle-lecture, gusto lang naming makipaghuntahan, ‘ika nga. Isang pantay na usapan, matino at may paggalang. Puwede tayong magtalo at hindi natin kailangan na laging sang-ayon sa isa’t isa.

Ang ating lipunan sa ngayon ay kapos sa matapat, mapagkakatiwalaan at

Sa panahon ngayon kung saan ang mga “character assassins” ay nagtatago sa mga pekeng

pangalan sa social media, kailangan ang lakas ng loob

para magpahayag ng mga ideya, maglathala ng opinyon kasama

ang tunay na pangalan at larawan.

disenteng pag-uusap. Lagi kasing naroon ang tsansa na bumatikos lalo na sa malawak at walang pagkakakilanlan na espasyo ng social media. Madali ang manlait, magmura at kung anu-ano pang negatibong pagkontra. Maraming kritiko ang walang mukha. Ganito ang gawain ng mga barbarong naninirahan sa espasyong digital.

Habang nagma-mature ang ating demokrasya at umuunlad ang social media tungo sa pagkakaroon ng mas malakas na iisang kabutihang asal, posible ang pagkakaroon ng malinis na tagisan ng mga ideya. Papunta na tayo sa ganoong sitwasyon. Pansamantala, kailangan nating manaig sa mundong punung-puno ng mga walang mukhang kritiko.

Sa panahon ngayon kung saan ang mga “character assassins” ay nagtatago sa mga pekeng pangalan sa social

media, kailangan ang lakas ng loob para magpahayag ng mga ideya, maglathala ng opinyon kasama ang tunay na pangalan at larawan. Kaya hanga ako sa mga opinion writers na kayang ilagay ang kanilang mga pangalan laban sa mga birada ng mga anonymous.

Kalakaran na ang mga policymakers ay dapat ding marunong magpahayag. Kailangan nilang humalo sa mundo ng mga ideya at makipagtalakayan o kaya ay matibay na maipaglaban

ang mga patakaran na kanilang isinasagawa. Ang administrasyon na aming pinaglilingkuran ay naninindigan sa isang transparent government. Ang mga ideya na magbibigay-linaw sa aming mga polisiya ay kailangang malaman ng publiko para kanilang unawain—o kaya ay iargumento.

Mahirap ipaunawa sa mga “know-it-all” sa mundong ito na kaming mga nasa pamahalaan ay may mga ideya rin na nais

MATAPAT NA USAPAN

naming ibahagi. Kailangan naming panghawakan ang mga ideyang ito. Mayroon din kaming karapatan na makipagtalakayan sa publiko. Ang mga mamamayan sa isang demokratikong bayan ay mas mapaglilingkuran nang mabuti kung bibigyan sila ng oportunidad na makinig sa lahat ng panig ng diskurso.

Walang may monopolyo sa espasyo para sa political debate, kasama na ang EDSA People Power Monument. Makasisira iyon sa pagbubuo ng kulturang demokratiko. Ang pagiging malawak ng

kaisipan ang pamantayan ng malayang demokrasya. Makikipagtalo ako sa anuman ang sasabihin mo, pero ipaglalaban ko hanggang kamatayan ang karapatan mo na ipahayag ang nais mo.

Ang kabuuan ng demokratikong tradisyon, sa paglipas ng panahon, ay umiinog batay

sa kamalayan ng publiko. Dito, ang mga makatwiran at mahinahong mamamayan ay nakikilahok nang may bukas na isipan. Ang nag-iisang layunin na mas mapaganda pa kung anuman ang ating nalalaman at subukan ang ating opinyon sa arena ng malayang debate ang nagpapasigla sa huntahan ng mga mamamayan. Hindi tayo dapat lumahok sa talakayan kung wala tayong mukha at nagtatago sa ibang pangalan. Makipagtalakayan tayo nang may matapat na kaisipan.

Page 10: ALITA - mmpm.newsmmpm.news/wp-content/uploads/2017/09/MMPM-Vol-2-Issue-3_PART … · buhay—ito ang mga panganib na kinakaharap ng mga mamamahayag. ... LATHALAIN. VLUME 2 ISSUE NUMBER

BALITA VOLUME 2 ISSUE NUMBER 3

10

“BREAD and butter ng mga nasa media ang trabaho nila, so, kailangan may protection sila.” Ito ang agad na pahayag

sa Mula sa Masa Para sa Masa ni Darwin G. Amojelar, reporter ng Manila Standard, nang aming makapanayam ukol sa media protection.

Ayon pa kay Amolejar, ang maging bahagi ka o daan upang maghatid ng balita, maglahad ng katotohanan at maging boses ng taumbayan ay isang malaking pribelihiyo ngunit may kaakibat na mga responsibilidad.

“Ang maging isang media practitioner ay isang propesyon na hindi lamang tiyaga at sipag ang kailangan. Higit sa lahat, ito ay nangangailangan ng tapang sa paghahanap ng katotohanan,” dagdag pa niya.

At kadalasan, sa kanilang paghahanap ng katotohanan, kahit buhay nila ay nalalagay sa panganib at laging nakatapak ang isang paa sa hukay.

Nabanggit namin sa kanya ang Administrative Order No. 1 na nilagdaan ni Pangulong Duterte na naglalayong protektahan ang mga mamamahayag laban sa karahasan at harassment—maging ito ay physical, verbal o emotional.

Ayon kay Amojelar, “I’m happy kasi I’m more secured now kasi ‘yung government ay may ibinibigay na protection. May isang group na tumitingin kung ano ‘yung magsu-

Alam ng mga taga-media ang importansya ng

Administrative Order No. 1 na magbibigay ng proteksyon

sa mga taga-media. Gayunpaman, dahil sila ang sakop nito, nais din nilang malaman kung hanggang

saan ang kayang ipagkaloob na proteksyon sa kanila ng

nasabing kautusan.

Ni Rosalie Catacutan-Periabras

‘Siguro dapat lang na malaman kung gaano ka-extended ang ibibigay na protection...’

support sa mga media lalo na pag may problema sila at may mga nae-encounter na threat.”

Ngunit may ilang mga bagay siyang nais makita sa AO. Aniya, “Siguro maging specific lang sila kung ano ‘yung support nila, at kung gaano ka-extended ang kanilang assistance na ibibigay, like, kung kasama ba

ang lawyer... ang protection sa family. Siguro kailangan din ‘yung hotline sa media para at least kung may emergency threat, may madaling kokontakin. Kunwari, nasa isang coverage ang isang media practitioner, kung may isang hotline na pwede silang i-text para at least ay mamo-monitor kung nasaan ang mga taga-media na kailangan ng alalay.”

Darwin G. Amolejar, Reporter, Manila Standard

LATHALAIN

Page 11: ALITA - mmpm.newsmmpm.news/wp-content/uploads/2017/09/MMPM-Vol-2-Issue-3_PART … · buhay—ito ang mga panganib na kinakaharap ng mga mamamahayag. ... LATHALAIN. VLUME 2 ISSUE NUMBER

BALITAVOLUME 2 ISSUE NUMBER 3

11LATHALAIN

MAG-IISANG taon na ang nakalilipas nang lisanin ko ang aking

minamahal na paaralan upang lumabas sa mas malaki at totoong mundo na pinili ko—ang mundo ng pagbabalita. Kagaya ng marami, isa rin ako sa mga nangarap na maging bahagi ng propesyon na ito. Kaya naman napakasuwerte ko dahil nakadalaw ako sa aking alma mater at nakapanayam ang isang tao na humubog sa akin upang makapasok sa larangan na ito.

Miyerkules, Pebrero 22, 2017 sa College of the Holy Spirit Manila (CHSM), nagkaroon ako ng pagkakataon upang makuha ang opinyon ni Prof. Jonathan Montes, media faculty sa CHSM sa loob ng mahigit sampung taon, ukol sa Administrative Order No. 1 (Creating the Presidential Task Force on Violations of The Right to Life, Liberty and Security of the Members of the Media ).

Isa si Prof. Montes sa naniniwala na ang media ay may malaki at mahalagang ginagampanan sa ating lipunan. Para sa kanya, ang sinuman na nagmamahal at tumatanggap sa katotohanan—kahit gaano man ito kasakit at kapait—ay maaaring mapunta sa propesyon ng paghahatid ng balita. At dahil na rin sa naipasang Administrative Order No. 1 o ang proteksyon ng pamahalaan sa mga taga-media ni Pangulong Rodrigo Duterte, nararapat lamang para sa kanya na ang bawat isa ay magbalita nang tapat at walang kinikilingan dahil protektado na sila ng pamahalaan.

Masaya rin si Prof. Montes dahil noong una pa lamang niyang nabasa ang nasabing Administrative Order ay batid na niya na malaking tulong ito para sa mga kapwa niya taga-media upang mabigyan sila ng hustisya at karapatan na makapagpahayag nang malaya basta’t sila ay naghahatid ng katotohanan.

Ayon kay Prof. Montes, “It’s the President’s will that he wanted to prioritize the media. He knows that being a President is something very risky. He knows that it would require him to express something that can be controversial and media

people are the one to reflect all these. That’s why he needs to make that protection; he needs to establish that these people as long as they are performing their job, as long as they are on the side of truth, they are protected by the government.”

Gayunpaman, nakikita rin niya na maaari itong abusuhin ng ilang mga taga-media lalo na’t alam nilang protektado na sila ngayon ng pamahalaan. Maaari rin aniya na dumating sila sa punto na malabag ang kalayaang makapagpahayag nang wasto at maisip na maaari na nilang gawin ang gusto nilang gawin nang walang limitasyon. May posibilidad din para sa kanya na masalungat ng nasabing A.O. ang ilang media organizations kabilang na ang media press club sa kani-kanilang code of ethics na nakasanayan, at maari rin umano itong maging duplikasyon o pag-uulit lamang ng umiiral na etika sa iilang organisasyon.

Hindi rin maiiwasan, ayon pa kay

Prof. Montes, ang mga sabwatan na nagaganap sa iilang mga taga-media at mga makakapangyarihang tao sa ating lipunan na nagiging ugat ng salungat na pagbabalita.

Nabanggit din niya na wala pa siyang natatanggap na kahit anumang banta bilang media professor at media practitioner. May mga pangyayari aniya na posibleng mapunta sa pagbabanta, kagaya na lamang ng pagkakaroon ng limitasyon sa pagbabalita ng isang pangyayari na hindi pa nailalabas ninuman sa publiko, at sa mga bagay na hindi dapat isapubliko.

Mungkahi naman niya na sana ay mas maging malawak pa lalo ang sakop ng nasabing A.O. Nararapat aniya na magkaroon din ng isang batas na nagbibigay-halaga sa tinatawag na citizen journalism kung saan ang lahat ay pwedeng makapagbalita na protektado rin ng pamahalaan. Kapag naisakatuparan umano ito, ang bawat isa ay magkakaroon ng lakas ng loob

Ni Angela Sagales‘MEDIA PROTECTION’ HINDI DAPAT ABUSUHIN

Napakaganda ng naging inisyatiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paglalabas ng Administrative Order No. 1 na

magbibigay ng proteksyon sa mga taga-media. Obligasyon naman ng mga nasa propesyon na ito na huwag abusuhin

ang nasabing kautusan para sa kanilang sariling kapakinabangan.

upang makapagpahayag ng mga nakikita nila sa kanilang paligid na hindi naman lahat ng taga-media ay nagkakaroon ng pagkakataon na matunghayaan.

At bilang tagataguyod ng hustisya at katotohanan, mensahe ni Prof. Montes sa Pangulo na sana ay magbuo ito ng tulay na mag-uugnay sa mga tao na sumasalungat sa Chief Executive at sa administrasyon upang magkaroon ng isang maayos na ugnayan ang bawat isa sa ating lipunan na ginagalawan.

Samantala, dalawang estudyante naman ang nakapanayam ko mula pa rin sa CHSM. Pareho silang walang ideya kung ano ang nasabing Administrative Order No. 1. Nang aking ipaliwanag kung ano ang nilalaman nito ay naging masaya sila na binigyan ng ganitong importansya ng pamahalaan ang mga taga-media at ang mga katulad nilang nangangarap na maging bahagi nito balang araw.

Para sa dalawang estudyante, mas ramdam na nila ang kaligtasan ngayon sa kabila ng kaliwa’t kanang mga banta at insidente na naririnig nila na kinahaharap ng mga nasa media Ayon pa sa kanila, mas magiging kampante at komportable na sila ngayon sa pagsasabi ng katotohanan nang walang kinikilingan dahil alam nilang nasa likod na nila ang ating pamahalaan.

Prof. Jonathan Montes, Media Faculty mula

sa College of the Holy Spirit Manila