22
PNTC Colleges (Quezon City Campus) 39 Aurora Boulevard, Quezon City PABASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK PAMANAHUNANG PAPEL SA FILIPINO Ang Epekto ng Social Media sa Wikang Filipino sa mga Mag-aaral ng PNTC sa Unang Antas Ipinasa kay: Prof. Armenio L. Gallardo, M.A. Ed. Ipinasa nina: Mdn Charles Lordwin D. Magtibay Mdn Ramir Gem Dula Mdn Lawrence Reyes Mdn Bill Andrew Bernandino Mdn Renz Francis Dela Cruz

Ang Epekto Ng Social Media Sa Wikang Filipino Sa Mga Mag Aaral Ng PNTC Sa Unang Antas

Embed Size (px)

DESCRIPTION

PABASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIKPAMANAHUNANG PAPEL SA FILIPINOAng Epekto ng Social Media sa Wikang Filipino sa mga Mag-aaral ng PNTC sa Unang Antas

Citation preview

Page 1: Ang Epekto Ng Social Media Sa Wikang Filipino Sa Mga Mag Aaral Ng PNTC Sa Unang Antas

PNTC Colleges(Quezon City Campus)

39 Aurora Boulevard, Quezon City

PABASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK

PAMANAHUNANG PAPEL SA FILIPINO

Ang Epekto ng Social Media sa Wikang Filipino sa mga Mag-aaral ng PNTC sa Unang Antas

Ipinasa kay:

Prof. Armenio L. Gallardo, M.A. Ed.

Ipinasa nina:

Mdn Charles Lordwin D. Magtibay

Mdn Ramir Gem Dula

Mdn Lawrence Reyes

Mdn Bill Andrew Bernandino

Mdn Renz Francis Dela Cruz

March 2015

Page 2: Ang Epekto Ng Social Media Sa Wikang Filipino Sa Mga Mag Aaral Ng PNTC Sa Unang Antas

Talaan ng mga Nilalaman

Kabanata I: Ang Suliranin ... Sanligan Nito

Panimula

Batayang Teoretikal

Balangkas Konseptwal

Paglalahad ng mga Suliranin

Mga Pagpapalagay Kaugnay ng Pag-aaral

Kahalagahan ng Pag-aaral

Saklaw at Limitasyon

Katuturan ng mga Terminolohiyang Ginamit

Kabanata II: Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Lokal na Pag-aaral

Lokal na Literatura

Kabanata III: Disenyo ng Pananaliksik at Pamamaraang Ginamit

Disenyo ng Pananaliksik

Respondente

Instrumento ng Pananaliksik

Tritment ng mga Datos

Kabanata IV: Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos

KABANATA I

Page 3: Ang Epekto Ng Social Media Sa Wikang Filipino Sa Mga Mag Aaral Ng PNTC Sa Unang Antas

Ang Suliranin... Sanligan Nito

Panimula

Bago pa dumating ang mga Kastila sa ating bansa, ang ating mga

ninuno ay mayroon ng sariling sistema ng pagsusulat, ito ay tinatawag na

Alibata. Sa paglipas ng panahon, ito ay napalitan ng alpabetong Filipino na

atin ngayong kasalukuyang ginagamit.

Ayon sa kasaysayan ng Pilipinas, natuklasan ng mga Kastila noong

1521, na mayroong humigit kumulang dalawang daang dayalekto ang

ginagamit ng mga Pilipino. Sa mga dayalektong ito, ang Tagalog ay ang

pinakalaganap sa bansa at ito ay itinalaga bilang opisyal na wika sa

kapuluan ng Luzon.

Sa pagdating ng mga Amerikano sa bansa, kanilang pinalaganap ang

wikang Ingles, subalit tinuturo pa rin ang wikang Tagalog. Sa panahong ito,

nagkaroon ng pagpapasya sa paghirang ng Wikang Pambansa sa ilalim ng

saligang batas at ang wikang Tagalog ang itinalaga. Pinili ang wikang ito

dahil ito ay ang wikang pinakamadaling pag-aralan, madaling maunawaan,

may pinakamayaman na talasalitaan, panitikan at pinakalaganap sa buong

kapuluan. Sa kasalukuyan, ang wikang Tagalog ay tinatawag na wikang

Filipino.

Ayon kay Dr. Alfonso Santiago, may iba’t-ibang klase ang wikang

Filipino. Ito ay ang Puristic Tagalog, ang Taglish o Enggalog at ang

Bertaglish. Ang Puristic Tagalog ay wikang nililikha sa halip na humihiram.

Ang Taglish o Enggalog naman ay pinaghalong Tagalog at English habang

ang Bertaglish naman ay binubuo ng Bernakular, Tagalog at English.

Ayon naman kay Gonzales taong 1977, ang mga Pilipino ay nagsasalita

ng bersyon ng Taglish para sa layuning pang-sosyolinggwistika at hindi dahil

sa hindi alam ang sistemang pangwika.

Page 4: Ang Epekto Ng Social Media Sa Wikang Filipino Sa Mga Mag Aaral Ng PNTC Sa Unang Antas

Ang wika ay nagsisilbing instrumento sa pagkakaroon ng mas

epektibong komunikasyon at pundasyon ng mabuting pakikipagtalastasan at

pakikipag-ugnayan. Ito ay sumisimbolo sa mga bagay na nagbibigay ng

kahulugan, interpretasyon at kabuluhan sa pamamagitan ng mga salita at

simbolo na ating nakikita, naririnig at nababasa.

Ang pagiging daynamiko o nagbabago ay isa sa mga makabuluhang

katangian ng wika. Ito ay dahil sa paglipas ng panahon at pagkakaroon ng

pagbabago sa kapaligiran at dahil na rin sa malikhaing pag-iisip ng tao na

nagsisilbing dahilan ng pagkakaroon ng mga bagong salita.

Sa pag-usbong ng moderno at makabagong teknolohiya, nagkakaroon

ang mga tao ng mga bagong kaalaman dahil sa pananaliksik at malikhaing

pag-iisip. Isa sa mga produkto ng makabagong teknolohiya ay ang

pagkakaroon ng mga Social Media.

Ang pagkakaroon ng mga Social Media ay may iba’t-ibang dahilan. Ang

pagkakaroon ng mas mainam na komunikasyon ay isa na rito. Ang Facebook

ay isang Social Media site na ginagamit sa buong mundo. Sa pamamagitan

nito, nakakakapag-usap ang mga gumagamit nito kahit saan mang dako ng

mundo naroroon.

Malaki na ang naitulong ng Facebook sa mga tao, ngunit hindi sa wika.

Dahil, madalas napapalitan ang orihinal at tamang pakabaybay ng mga

salita. Halimbawa, sa halip na sabihing “dito” ay “d2” nlang ang ginagamit.

Habang may mga bagong lenggwahe naman ay nabubuo katulad ng Jeje

Language o Jejemon, Gay Language o Bekimon at iba pa. Nagkakaroon din

ng bagong salita tulad ng “gg” na ang ibig sabihin ay good game, selfie, at

iba pa. Ang paggamit ng mga bagong grupo ng mga salita ay nabubuo din

tulad ng edi wow!, rak na itou at pusuan tayo.

Page 5: Ang Epekto Ng Social Media Sa Wikang Filipino Sa Mga Mag Aaral Ng PNTC Sa Unang Antas

Ang mga nabanggit na suliranin ang nagtulak sa mga mananaliksik

upang tuklasin at alamin ang kalagayang pangwika sa mga mag-aaral nang

dahil sa paggamit ng Social Media.

Layunin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay may layunin na matugunan ang mga suliranin

ng mga mag-aaral sa pagkakaroon ng sapat nakaalaman sa ating sariling

wika. Ang pagmulat sa isipan ng mga mag-aaral tungkol sa kalagayan ng

wikang Filipino sa panahon ng makabagong teknolohiya ay isa rin sa layunin

ng mga mananaliksik. Buhat sa pag-aaral na ito, magkakaroon ng kaisipan

ang mga mag-aaral kung paano gamitin ng tama at wasto ang ating sariling

wika, ang wikang Filipino.

Paglalahad ng Suliranin

Page 6: Ang Epekto Ng Social Media Sa Wikang Filipino Sa Mga Mag Aaral Ng PNTC Sa Unang Antas

Ang pag-aaral na ito ay isang deskriptibong pagsusuri sa mga epekto

ng social media sa mga mag-aaral ng PNTC sa unang antas. Ito rin ay

naglalayong tugunan ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang epekto ng social media sa wikang Filipino sa mga mag-aaral

ng PNTC?

2. Ano-anong wika ang kadalasang ginagamit ng mga mag-aaral sa social

media?

3. Bakit iniiba ng mga mag-aaral ang mga salita sa wikang Filipino sa

Social Media?

4. Paano maiiwasan ang mga masasamang epekto ng social media sa

wikang Filipino?

Batayang Teoretikal

Page 7: Ang Epekto Ng Social Media Sa Wikang Filipino Sa Mga Mag Aaral Ng PNTC Sa Unang Antas

Ang pag-aaral na ito na may pamagat na Ang Epekto ng Social Media

sa Wikang Filipino sa mga Mag-aaral ng PNTC sa Unang Antas ay nakabatay

sa mga sumusunod na teorya:

Ang Teoryang Eureka na naglalahad na ang wika ay sadyang

inimbento. Ayon kay Boeree(2003), ang paglikha ng mga ideya ay mabilis na

kumakalat sa iba pang tao kung kaya’t nagkakaroon ng pangalan o

katawagan ang mga bagay-bagay.

Ang Teoryang Hey you! na tinatawag ding teoryang kontak. Ayon kay

Revesz, nagmula ang wika sa mga tunog na nagbabadya ng pagkakalilanlan

at pagkakabilang. Iminungkahi ng linggwistikang si Revesz na bunga ng

interpersonal na kontak ng tao sa kanyang kapwa tao ang pagkakaroon ng

wika.

Ayon kay Rene Descartes, ang tao ay hindi pangkaraniwang hayop

kung kaya’t likas sa kanya ang gumamit ng wika sa aangkop sa kanyang

kalikasan bilang tao. Mayroong aparato ang tao lalo na sa kanyang utak

gayundin sa pagsasalita upang magamit sa mataas at komplikadong anta

sang wikang kailangan niya hindi lamang para mabuhay bagkus

magampanan ang iba’t ibang tungkulin nito sa kaniyang buhay.

Balangkas Konseptuwal

Page 8: Ang Epekto Ng Social Media Sa Wikang Filipino Sa Mga Mag Aaral Ng PNTC Sa Unang Antas

Saklaw at Limitasyon sa Pag-aaral

Ang Epekto ng Social Media sa mga Mag-aaral sa Unang Antas ng PNTC Colleges

Pananaliksik

Wikang Filipino

Mga Teorya

Sarvey

Mga Epekto ng Social Media

Page 9: Ang Epekto Ng Social Media Sa Wikang Filipino Sa Mga Mag Aaral Ng PNTC Sa Unang Antas

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa pagsusuri ng mga epekto ng

paggamit ng social media sa wikang Filipino sa mga mag-aaral ng PNTC.

Nakatuon ang pag-aaral na ito sa pagkakaroon ng mga pagbabago sa

wikang Filipino dahil sa paggamit ng social media. Pinagtutunan din ng

pansin ang pagkakaroon ng iba’t-ibang lenggwahe na ginanagamit sa social

media ng mga mag-aaral.

Ang pagbasa at pananaliksik, pagsisiyasat at pakikipagpanayam ay

isinagawa ng mga mananaliksik upang magkaroon ng kaalaman sa

suliraning napili. Ilang piling mag-aaral sa unang antas ng PNTC Colleges ang

nilapitan ng mga mananaliksik at hiningian ng impormasyon batay sa

nasabing paksa.

Kahulugan ng mga Terminolohiya

Page 10: Ang Epekto Ng Social Media Sa Wikang Filipino Sa Mga Mag Aaral Ng PNTC Sa Unang Antas

Magkakaroon ng mas madaling pag-unawa sa pag-aaral na ito kung

malalama ang mga kahulugan ng mga salita. Kaya’t minarapat ng mga

mananaliksik na bigyang kahulugan ang mga sumusunod na terminolohiya

na ginamit sa pag-aaral.

Social Media – mga website at application na nagpapahintulot sa mga

gumagamit upang lumikha at magbahagi ng nilalaman o upang

lumahok sa mga social networking.

Teknolohiya – ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan,

makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng

suliranin ng tao.

Filipino – ang pambansang wika ng Pilipinas.

Alibata/Baybayin – ay isang lumang paraan ng pagsulat ng mga

kayumangging Pilipino bago nakarating sa kapuluan ang mga

dayuhang Kastila.

Ingles – isang wika na nagmula sa mga wikang Alemanya na isang

sangay ng Indo-Europeong Pamilya ng mga wika.

KABANATA II

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Page 11: Ang Epekto Ng Social Media Sa Wikang Filipino Sa Mga Mag Aaral Ng PNTC Sa Unang Antas

Lokal na Pag-aaral

Batay sa pananaliksik na isinagawa ni Prima Jesusa Q. Batoon na pinamagatang Isang Mungkahing Gabay sa

Dayuhang Literatura

Social Media in Higher Education: A Literature Review and Research Directions

Charles H.F. Davis III

Social Media and Literature

Dayuhang Pag-aaral

Ang wika ay bunga ng pangangailangan. “Necessity is mother of all invention. Sa paniniwalang ito, ang mga bagay gaya ng damit, tirahan at pagkain, pangunahing pangangailangan din ng tao ang wika kung kaya’t naimbento ito batay kay Plato

Kabanata III

Disenyo ng Pananaliksik

Page 12: Ang Epekto Ng Social Media Sa Wikang Filipino Sa Mga Mag Aaral Ng PNTC Sa Unang Antas

Upang matugunan ang mga suliranin na nakatala sa pananaliksik na ito, ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng pagsisiyasat. Ang mga katanungan na nakapaloob sa isinagawang pagsisiyasat ay makikita sa susunod na bahagi ng presentasyong ito.

Respndente

Sa isinagawang pagsisiyasat, mayroong 50 mag-aaral na kasalukuyang nag-aaral sa unang antas sa PNTC Colleges ang hiningian ng mga mananaliksik ng mga impormasyon batay sa nasabing paksa.

Ang Epekto ng Social Media sa mga Mag-aaral sa Unang Antas sa PNTC Colleges

(Pagsisiyasat)

I.Social Media

Page 13: Ang Epekto Ng Social Media Sa Wikang Filipino Sa Mga Mag Aaral Ng PNTC Sa Unang Antas

A. Ano ang dahilan mo sa paggamit ng Social Media?

Paglalaro Pananaliksik Pampalipas-oras Pakikipagkomunikasyon

B. Sa isang araw, ilang oras ka gumagamit ng Social Media?

1-3 oras 4-6 Oras 7-9 Oras 10 o mahigit pa

II. Wika

A. Anong wika ang ginagamit mo sa Social Media?

Filipino Ingles Parehas (Taglish)

B. Sa paggamit ng Social Media, iniiba mo ba ang baybay ng mga salita?

Oo Hindi

C. Naisusulat mo ba ng tama ang baybay ng mga salita?

Oo Hindi

Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos

Dahilan ng paggamit ng Social Media

Page 14: Ang Epekto Ng Social Media Sa Wikang Filipino Sa Mga Mag Aaral Ng PNTC Sa Unang Antas

Paglal

aro

Panan

aliksi

k

Pampali

pas-oras

Pakiki

pagko

munikasyo

n0

306090

98

6286 78

Bilang oras ng paggamit ng Social Media ng mga mag-aaral

Page 15: Ang Epekto Ng Social Media Sa Wikang Filipino Sa Mga Mag Aaral Ng PNTC Sa Unang Antas

52%32%

16%

1-3 Oras 4-6 na oras 7-9 na Oras 10 o mahigit pa

Wikang ginagamit sa paggamit ng Social Media

Filipino; 72

Taglish; 28

Bilang ng mag-aaral na nagbabago o nagpapalit ng baybay ng mga salita

Page 16: Ang Epekto Ng Social Media Sa Wikang Filipino Sa Mga Mag Aaral Ng PNTC Sa Unang Antas

100%

OoHindi

Pagsulat ng tamang baybay ng mga salita.

54%46%

OoHindi

Kabanata IV

Page 17: Ang Epekto Ng Social Media Sa Wikang Filipino Sa Mga Mag Aaral Ng PNTC Sa Unang Antas

Natuklasan, Kongklusyon at Rekomendasyon

*Paglalagom

Ang pag-aaral na ito na may paksang ANG EPEKTO NG SOCIAL MEDIA SA MGA MAG-AARAL SA UNANG ANTAS NG PNTC COLLEGES ay tumatalakay sa kalagayan ng wikang Filipino sa panahon ng makabagong teknolohiya. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, matutuklasan kung bakit nakakaapekto ang Social Media sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa wikang Filipino.

Natuklasan

Sa maikling panahon ng pananaliksik sa paksang ANG EPEKTO NG SOCIAL MEDIA SA MGA MAG-AARAL SA UNANG ANTAS NG PNTC COLLEGES ay natulasan ang mga sumusunod:

1. Ang paglalaro ay ang pangunahing dahilan kung bakit gumagamit ng Social Media ang mga mag-aaral, pumapangalawa dito ang paggamit bilang pampalipas-oras pangatlo ang pakikipagkomunikasyon at ang huli ay ang pananaliksik.

2. Pumapatak sa isa hanggang tatlong oras ang kadalasang oras ng paggamit ng Social Media ng mga mag-aaral.

3. Ang wikang Filipino ang karaniwang wika na ginagamit ng mga mag-aaral sa social samantalang may iba din namang gumagamit ng Taglish o pinaghalong Filipino at Ingles.

4. Lahat ng mga mag-aaral ay nagpapalit ng baybay ng mga salita sa paggamit ng Social Media.

5. Mahigit limangpung porsyento ng mga mag-aaral ay naiisulat pa rin ng tama ang mga baybay ng mga salita sa panahon ng pag-aaral.

Kongklusyon

Page 18: Ang Epekto Ng Social Media Sa Wikang Filipino Sa Mga Mag Aaral Ng PNTC Sa Unang Antas

Ang wika ay isa sa mga pinamahalagang imbensyon ng tao. Ito aymay mga katangian na tumutulong sa pagkakaroon ng magandang pakikipag-ugnayan ng mga tao. Ito ay may malaking kontribusyon sa pag-unlad at pagkakaroon ng mga makabago at modernong tekonlohiya. Ang Social Media ay bunga ng malikhaing pag-iisip ng tao

Rekomendasyon

Batay sa mga natuklasan at kongklusyon ng mga mananalkskik ay iminumungkahi ng pag-aaral na ito na:

Listahan ng Sanggunian

Apendiks o Dahong Pagpapatibay

Page 19: Ang Epekto Ng Social Media Sa Wikang Filipino Sa Mga Mag Aaral Ng PNTC Sa Unang Antas

Bibliograpiya

Aklat

Tesis

Artikulo

Websayt

Kurikulum Bita