4
1

Ang Kapatiran sa Islam - Ayah€¦ · ng Pananampalataya, kabilang dito: at isang tao ay kanyang mamahalin ang kanyang kapatid sa pananampalataya na walang ibang dahilan sa pagmamahal

  • Upload
    others

  • View
    13

  • Download
    1

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ang Kapatiran sa Islam - Ayah€¦ · ng Pananampalataya, kabilang dito: at isang tao ay kanyang mamahalin ang kanyang kapatid sa pananampalataya na walang ibang dahilan sa pagmamahal

1

Page 2: Ang Kapatiran sa Islam - Ayah€¦ · ng Pananampalataya, kabilang dito: at isang tao ay kanyang mamahalin ang kanyang kapatid sa pananampalataya na walang ibang dahilan sa pagmamahal

2

Ang Kapatiran sa Islam

Kahulugan ng kapatiran sa Islam.

ito ay isang uri ng biyaya na ipinagkaloob ng Allah sa puso ng mga tunay

na mananampalataya at mga alipin niya na mayroong tunay na takot sakanya.

Sinabi ng Allah:

تى تن تم تز تر بي بى بن بم بز بر ئي ئى ٱٱ

٣٠١: عمران آل

“ At inyong alalahanin ang biyaya ng Allah sainyo sapagkat kayo noon ay

magkakaawayat kanyang pinag-isa ang inyong puso na magkakasama,at sa

pamamagitan ng kanyang biyaya ay naging magkakapatid kayo sa

pananampalatayang Islam”.

Ito rin ay tumutukoy sa lakas na pananampalataya na nararamdaman ng

isang tunay na mananampalataya sa pagmamahal niya at paggalang at

pagkakaroon ng tiwala sa kanyang kapatid na mananampalataya.

Sinabi ng Allah:

٣٠: الحجرات ضح ضج صم صخ صحسم سخ سح سج خم خج ٱٱ

“Katotohan ang mga mananampalataya sila ang tunay na

magkakapatid”.

At sinabi ng Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم

مرواه البخاري ومسل .(لا يؤمن أحدكم حتى يحب لأخيو ما يحب لنفسو)

“Katotohanan na hindi magiging kompleto ang pananampalataya ng bawat isa

sa inyo hanggat kanyang mahalin ang kanyang kapatid sa pananampalataya

katulad ng pagmamahal niya sa kanyang sarili”.

Page 3: Ang Kapatiran sa Islam - Ayah€¦ · ng Pananampalataya, kabilang dito: at isang tao ay kanyang mamahalin ang kanyang kapatid sa pananampalataya na walang ibang dahilan sa pagmamahal

3

Mga kagandahan o kainaman ng Pagkakapatiran sa Islam.

1. Ang kanilang Mukha ay magkakaroon ng liwanag sa kabilang buhay:

Hadeeth na inulat ni Abu Dawud ng ang Propeta صلى الله عليه وسلم ay nagsabi:

“Katunayan ng mayroon sa mga alipin ng Allah na sila ay hindi kabilang

sa mga hanay ng mga propeta o mga Sugo ng Allah o mga shuhada(uri

ng mga tao na namatay sa landas ng pakikibaka para sa Allah)ngunit

kaiingitan sila ng mga Propeta at ng mga Shuhada ng dahil sa katayuan

ng ipagkakaloob sa kanila ng Allah .at sino ang mga taong yaon o sila

mahal na Propeta? at kanyang sinabi: Sila ang mga tao na nagmahalan

Alang-alang sa Allah na wala silang ugnayan sa bawat isa(hindi magka

anu-ano) at walang kayaman ang namamagitan sakanila..sinusumpa ko

Sa Allah tunay na ang kanilang mga mukha ay may bakas ng liwanag at

sila ay nasa liwanag ng Allah,Sila ay hindi natatakot kapag ang mga tao

ay natatakot at Sila ay hindi nalulungkot kapag at mga tao ay

nalulungkot.

1. Ipagkakaloob sa kanila ang kapatawaran ng Allah sa kanilang

pagkakasala.

Sinabi ng Propeta صلى الله عليه وسلم: “Katotohanan ang isang Muslim kapag nagkita

sila ng kapatid niyang Muslim at kanyang kinuha ang kamay nito ay

mabubura ang kanilang kasalanan katulad ng paglaglag ng dahon sa

punong kahoy kapag itoy natamaan ng malakas ng ihip ng hangin

maliban na lamang na ipapatawad sakanila ang kanilang pagkakasalah

kahit ito man ay kasing dami ng bula ng dagat”. ( inulat ni tabaraniy)

2. Sila ay kabilang sa mga Uri ng tao na pasisilungin ng Allah sa kabilang

Buhay.

Sinabi ng Propeta صلى الله عليه وسلم: “Katunayan ang Allah ay kanyang tatawagin sa

kabilang buhay:nasaan ang mga taong nagmamahalan alang-alang

saakin sa araw na ito sila ay aking pasisilungin sa aking lilim sa araw na

kung saan ay walang lilim na masisilungan maliban sa aking lilim”.

(hadeeth na inulat ni Muslim)

3. Sila ay kabilang sa mga minamahal ng Allah:

Sinabi ng Propeta صلى الله عليه وسلم: “Inubliga ko ang pagmamahal ko sa mga taong

nagmamahal alang-alang saakin”. (hadeeth na inulat ni Imam Malik)

Page 4: Ang Kapatiran sa Islam - Ayah€¦ · ng Pananampalataya, kabilang dito: at isang tao ay kanyang mamahalin ang kanyang kapatid sa pananampalataya na walang ibang dahilan sa pagmamahal

4

Sinabi ng Propeta صلى الله عليه وسلم: “May isang lalaki na bumisita sa kanyang

kapatid sa pananampalataya sa isang malayong lugar, nagpadala ang

Allah ng isang anghel habang siya ay patungo duon,tinanong siya san ka

paroroon? ako ay pupunta sa lugar ng aking kapatid,mayroon kabang

kailangan sakanya? sabi niya wala maliban na lamang na siya ay aking

minamahal alang_alang sa Allah, at sinabi ng Anghel; tunay na ako ay

isinugo ng Allah para sayo upang iparating na ikaw ay minamahal ng

Allah katulad ng pagmamahal mo sa iyong kapatid”.

4. Makakamit nila ang Hardin Paraiso at Habag ng Allah:

Sinabi ng Propeta صلى الله عليه وسلم : “Sinuman ang bumisita sa kanyang kapatid na

may sakit o bumisita sa kanyang kapatid,tunay na mayrong magandang

balita para sakanya, na magsasabi napakabuti mo at mabuti o

mabiyaya ang iyong pagbibisita at inihanda ng Allah saiyo ang kanyang

Paraiso”.

5. Makakamit nila ang tamis ng Pananampalataya.

Sinabi ng Propeta fdfa:tatlong uri ng tao na mapapasakanila ang tamis

ng Pananampalataya, kabilang dito: at isang tao ay kanyang mamahalin

ang kanyang kapatid sa pananampalataya na walang ibang dahilan sa

pagmamahal niya maliban na lamang para sa Allah.

Mga kondisyon ng tunay na Kapatiran sa Islam:

● Nararapat na ito ay maging Ikhlas (dalisay para lamang sa Allah).

● Nararapat na ito ay mayroong kasamang paniniwala o

pananampalataya at Takot sa Allah.

● Nararapat na ito ay alinsunod sa kapamaraan ng Relihiyong

Islam,katulad ng pagtutulungan sa papapalakas ng Iman at gawaing

kabutihan.

● Nararapat na magkaroon ng Pagpapayuhan para Allah sa bawat isa.