6
GIBAGA, Cris Reven L. 2011 – 07266 Exercise 5 Ang aking ikinapanayam ay si Ricky Patricio, 40 taong gulang at taga Southville 8B, San Isidro, Rodriguez, Rizal. Siya ay isang minero, mayroong asawa at tatlong anak. Naganap ang panayam hapon ng ika-9 ng Mayo, 2015 sa kanilang tahanan. Naririto ang aking panayam sa kanya. Ano po ang tattoo ninyo?

Anthro 10 -Exer 5 Final

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Anthro 10 exercises

Citation preview

GIBAGA, Cris Reven L. 2011 07266Exercise 5

Ang aking ikinapanayam ay si Ricky Patricio, 40 taong gulang at taga Southville 8B, San Isidro, Rodriguez, Rizal. Siya ay isang minero, mayroong asawa at tatlong anak. Naganap ang panayam hapon ng ika-9 ng Mayo, 2015 sa kanilang tahanan. Naririto ang aking panayam sa kanya. Ano po ang tattoo ninyo? Ang tattoo ko ay simbolo ng Guardian. Bakit po kayo nagpatattoo ng Guardian? Dahil ako ay kasapi ng Guardian simula pa noong 2010. Ilang taon na po iyang tattoo ninyo? Limang taon na. Simula noong maging miyembro ng Guardian. Bakit po sa kanang balikat nakalagay? Pinili niyo po ba na dyan? Hindi, lahat ng tattoo ng miyembro ng Guardian ay nasa kanang balikat. Ano po ang disenyo ng tatoo niyo? Triangle siya, nakasulat ang salitang Guardian sa dalawang gilid, yung L sa gitna at nangangahulugan na Luzon at yung bansag sa amin o AKA sa baba. Sa balikat lang ba po may tattoo ang mga Guardian? Meron din sa pagitan ng hinlalaki at hintuturo sa magkabilang kamay. Yung sa kaliwa ay yung GPII na tumutukoy sa acronym ng Guardians at sa kanan naman ay yung MG o Magic Group o antas kung saan ka kaanib Paano po kayo naging bahagi ng Guardian? May nag-aya sa amin na sundalo na kapitbahay namin dati. Eh halos lahat ng lalaki doon ay sumali, kaya sumali na din ako. Yung sundalo ding ba yun ang nagtatttoo sa inyo? Hindi, noong tatattooan na kami, may kasama silang talagang nagtatatttoo. Noong sumali kayo sa Guardian, tinattooan ba kaagad kayo? Hindi, dumaan muna kami ng training bago maging miyembro. Saan po kayo nagpatattoo? May kasama po ba kayo? Doon ako nagpatattoo sa amin sa Sitio Anginan. Kasama ko pa nga noon yung Tatay ko eh.

Masakit po ba ang magpatattoo? May pampamahid po ba? Walang pampamanhid. Di naman gaanong masakit yung pagtatattoo sa balikat. Sa una lang. Mas masakit pa nga yung kagat ng langgam. Yung tattoo niyo po sa kamay, hindi rin po masakit? Medyo mas masakit siya kesa doon sa pagtattoo sa akin sa balikat. Ano po ang ginamit sa pagtattoo po sa inyo? Para yung maliit na dynamo na may motor. May ink din na kasama. May bayad po ba ang pagpapatattoo? Wala. Libre siya Matapos po ba yung paglagay ng tattoo, sumakit po ba? Hindi. Ordinaryo na uli ang pakiramdam ko. Ano po ang reaksyon ng pamilya nyo noong nakita nila na may tattoo na po kayo? Wala naman. Ok lang sa nanay ko. May parang tattoo po kayo sa bandang ibaba ng tattoo ng Guardian, part din po ba yan ng tattoo ng Guardian? Hindi. Pinagpratisan lang ako ng kaibigan ko. Sabi niya kasi, marunong daw siya. Ano po ang ibig sabihin ng disenyong ng tattoo na yan? Wala siyang design. Trip-trip lang. May iba pa po ba kayong tattoo? Meron. Yung aking pangalan na RICKY sa gilid ng kanang kamay ko. May balak pa po ba kayong magpatattoo uli? Ano pong design at saang bahagi po ng katawan? Wala na akong balak. Dumi lang yun sa katawan. Masaya po ba kayo sa tattoo niyo ngayon? Oo naman, dahil miyembro pa rin ako ng Guardian hanggang ngayon.

Insights:Akala ko noon, ang tattoo lang ay kung maibigan mo lang, o di kaya ay dahil galing ka sa preso. Unang beses kong makakita ng isang samahan o organisasyon na tinatattooan ang mga nagiging miyembro. Parang bersyon siya ng sanduguan sa Katipunan. At tulad din doon, mayroon din silang mga bansag. Hindi lang pala mga pangalan, disenyo ng bulaklak o hayop ang pwedeng ipatattoo kundi pati yung kinaaaniban mo na grupo. Akala ko rin ay pare-pareho lang ang sakit ng mararamdaman mo kung magpapatattoo ka sa ibat-ibang bahagi ng katawan. Hindi pala dahil mas masakit daw sa kamay kaysa sa balikat. Hindi rin pala sobrang sakit kahit na walang anestisya. Noong naghahanap ako ng makakapanayam, gusto ko sana yung maraming tattoo sa katawan, pero natakot ako. Siguro dahil doon sa epekto sa akin ng pinapakita ng midya na ang mga may tattoo ay karaniwan ay siga o laging mainit ang ulo. Sa kaso ni kuya Ricky, hindi naman. Akala ko rin, biro lang yung may mga tattoo na parang mali ng disenyo o pinagtripan lang. Pero hindi pala dahil yung kay kuya Ricky ay walang disenyo o kahulugan talaga. Siguro yun ang naging dahilan kung bakit nasabi niya na dumi lang iyon sa katawan at ayaw niya nang magpatattoo pa. Hindi nya na rin pinatanggal ito marahil mas gugustuhin nila na lang na ibili ng pagkain sa bahay kaysa pangtanggal lalo na at mababa ang kita niya. Nasanay na rin siya siguro at akala din siguro ng iba, may kahulugan sa kanya yung tattoo na yun. Iba-iba rin ang nagiging dahilan ng mga tao kung bakit sila nagpapalagay ng tattoo. Sa kasong ito ay para mapakita na bahagi siya ng isang pangkat. Kahit na magkakaiba ng dahilan, nararapat pa rin na igalang at irespeto ang desisyon nyang ito dahil katawan niya naman yun. Sabi nga nila, kung inggit ka, gumaya ka.