Upload
others
View
31
Download
1
Embed Size (px)
Citation preview
Republic of the Philippines DEPARTMENT OF AGRICULTURE
NATI O NAL M EAT I NSPECTI O N SERVI CE
1101 Visayas Ave., Diliman, Quezon City (02)9247980/7973
Pagbabawal sa
“ZORRO” o
“SKIN MARKINGSSKIN MARKINGSSKIN MARKINGS” sa baboy gamit
ang matatalim na bagay
⦿ DA - Administrative Order No. 18 s. 2008
Batas na nagbabawal sa di-makataong paglagay ng marka ng pagkakakilanlan sa balat ng baboy sa pamamagitan ng pag-gamit ng kutsilyo o blade.
⦿RA 10536 – Amended RA 9296 (Meat Inspec-tion Code of the Philippines)
Unang paglabag: P50,000.00
Pangalawang paglabag: P75,000.00
Pangatlong paglabag: P100,000.00 at pagbawal magnegosyo ng dalawang (2) taon.
Ipagbigay alam kaagad sa Beterinaryo o sa local na pamahalaan ng inyong bayan o lalawigan ang maling gawaing ito. Maari ring pumunta o tumawag sa tanggapan ng National Meat Inspection Service sa inyong rehiyon.
Paano ka makakatulong upang matigil ang gawain na ito?
Region 1 (075)514-2152
Region 2 (078)846-7428
Region 3 (045)455-3331
Region 4A (043)757-3181
Region 4B (02)927-4877
Region 5 (054)477-0499
Region 6 (033)337-0956
Region 7 (032)345-5974
Region 8 (053)323-8503
Region 9 (062)214-4731
Region 10 (088)855-3472
Region 11 (082)224-2737
Region 12 (083)228-3662
CAR (074)444-9848
CARAGA (085)341-2531
NCR 927-4050
Ano-ano ang mga batas na nagpapatibay sa pagbabawal ng
“skin marking” sa baboy?
Pag-slap ng tattooer sa bandang puwetan o balikat ng baboy para maitatak ang marka ng pagkakakilanlan ng pagmamay-ari nito.
Tatak ng pagkakakilanlan na makikita hanggang sa karne ng baboy.
Paggamit ng “tattoo slapper” para lagyan ang baboy nang pagkakakilanlan na makikita hanggang sa karne nito.
Paigtingin ang Animal Welfare
Tamang Pamamaraan sa pagkakakilanlan sa baboy mula sa farm, auction market o stockyard
Ang mga kataying hayop ay kinakailangan tratuhin sa maayos at makataong pamamaraan kahit sa huling sandali ng kanilang buhay. Ayon sa mga pagsusuri, ang baboy o anumang uri ng kataying hayop na may nararamdamang matinding “stress”, sakit, pagkauhaw, o pagod sa sandali ng pagkatay ay magdudulot ng karneng maputla, malambot at nagtutubig maliban sa mga pasa-pasang laman na maaring
2. Paggamit ng “cable ties” sa paa ng baboy para madaling matukoy ang pagkakakilanlan ng pag-aari nito.
Paglagay ng pagkakilanlan ng baboy gamit ang tattoo slapper
Halimbawa ng baboy na tinatakan ng pagkakakilanlan ng pagmamay-ari na hindi gumagamit ng kutsilyo o cutter.
1. Paggamit ng mga “ear tags” para madaling matukoy ang pagkilanlan ng may-ari ng baboy.
Ano ang “Zorro”?
Ang “Zorro” o ang palatandaan ng pagmamay-ari ng kataying baboy sa pamamagitan ng pagguhit sa balat nito gamit ang matatalim na bagay tulad ng cutter o kutsilyo. Kadalasan, ito ay mga nakaguhit na mga initials ng pangalan ng may-ari na kung saan ito ay mga malalalim na sugat sa balat ng baboy. Samakatuwid, ito ay nagdudulot ng matinding hapdi at sakit sa pakiramdam ng mga baboy.
3. Paggamit ng “livestock marker” para lagyan ng pagkakakilanlan ang baboy bago katayin.
tanggalin at maging sanhi ng pagkalugi ng may-ari.
Kinakailangan ang pagkalingang “TLC” o tender, loving, care at maging “compassionate” sa mga kataying hayop nang ito ay magdulot ng mataas na kalidad ng karne at maiwasan ang ano mang regulatory action na maipapataw sa may-ari ng hayop.
Bago dalhin ang mga baboy sa katayan, kailangan ng palatandaan o pagkakakilanlan sa baboy para hindi mawala o magkapalit-palit ang mga ito sa holding pen. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:
Pagdating sa katayan, ang mga baboy ay kinakailangan matatakan sa pamamagitan ng tattoo slapper na may kaukulang tanda o “code”. Ang code na ito ay nagsasabi kung saan katayan kinatay ang baboy at sino ang nagmamay-ari nito. Makikita lang ang code na ito sa karne ng baboy.