27
Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 4 Salik ng Pagkonsumo 9

Araling Panlipunan...Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling: Salik ng Pagkonsumo Ang modyul na ito ay

  • Upload
    others

  • View
    39

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Araling Panlipunan...Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling: Salik ng Pagkonsumo Ang modyul na ito ay

Araling Panlipunan

Unang Markahan – Modyul 4 Salik ng Pagkonsumo

9

Page 2: Araling Panlipunan...Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling: Salik ng Pagkonsumo Ang modyul na ito ay

Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Salik ng Pagkonsumo Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyulna ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V Ronilo AJ K. Firmo, PhD, CESO V Librada M. Rubio, PhD

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: [email protected]

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Michelle R. Maglaqui Tagasuri ng Nilalaman: Rowel S. Padernal/Angelica M. Burayag, PhD Ramil D. Dacanay/Grace G. Abad Tagasuri ng Wika: Loreto P. Lorido/Rochella C. David Tagasuri sa ADM Format: John C. Paje, EdD/Emily F. Sarmiento, PhD Tagasuri ng Paglapat at Pagguhit: Bryan Balintec/Donnalin Oliveros Tagaguhit: Krislene Ida N. Mercado Tagalapat: Ma. Remalyne G. Cruz, EdD Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V Librado M. Rubio, PhD Angelica M. Burayag, PhD Ma. Editha R. Caparas, EdD Nestor P. Nuesca, EdD

Marie Ann C. Ligsay, PhD Amando P. Yutuc, PhD

Emily F. Sarmiento, PhD

Page 3: Araling Panlipunan...Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling: Salik ng Pagkonsumo Ang modyul na ito ay

9

Araling Panlipunan

Unang Markahan – Modyul 4: Salik ng Pagkonsumo

Page 4: Araling Panlipunan...Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling: Salik ng Pagkonsumo Ang modyul na ito ay

ii

Paunang Salita Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling: Salik ng Pagkonsumo

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Salik ng Pagkonsumo.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul.

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Page 5: Araling Panlipunan...Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling: Salik ng Pagkonsumo Ang modyul na ito ay

iii

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul.

Page 6: Araling Panlipunan...Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling: Salik ng Pagkonsumo Ang modyul na ito ay

iv

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at

sa pagwawasto ng mga kasagutan. 5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang

sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sinoman sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Page 7: Araling Panlipunan...Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling: Salik ng Pagkonsumo Ang modyul na ito ay

1

Alamin

Inihanda ang modyul na ito upang bigyan ka ng pang-unawa tungkol sa

konsepto ng pagkonsumo. Inaasahan ko na matutunan mo kung ano-ano ang mga salik na nakakaimpluwensya sa iyo bilang isang konsyumer.

Pagkatapos mo sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang maisasagawa ang

kabuuang layuning: 1. Nasusuri ang mga salik na nakaaapekto sa pagkonsumo.

Kaugnay nito, ang mga sumusunod na kakayahan ay inaasahan din na iyong maipakikita:

1.1 Nakapagpapaliwanag sa konsepto ng pagkonsumo; 1.2 Naiisa-isa ang mga salik ng pagkonsumo; at 1.3 Napapahalagahan ang kaugnayan ng mga salik na ito sa ating pang-

araw-araw na pamumuhay

Subukin

Panuto: Isulat ang titik ng iyong napiling sagot sa sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang angkop na kahulugan ng pagkonsumo? a. Ito ay tumutukoy sa proseso ng pagbuo ng produkto b. Ito ay tumutukoy sa pagbili o paggamit natin ng mga produkto o

serbisyo c. Ito ay tumutukoy sa paraan ng pagtugon sa ating walang hanggang

pangangailangan d. Ito ay mekanismo upang maging maayos ang pamamahagi at paggamit

ng ating mga pinagkukunang yaman

2. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng konsepto ng pagkonsumo?

a. bumibili b. kumakain c. nagtitinda d. nagse-cellphone

Page 8: Araling Panlipunan...Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling: Salik ng Pagkonsumo Ang modyul na ito ay

2

3. Alin sa mga salik ng pagkonsumo ang HINDI kabilang? a. kita b. presyo c. edukasyon d. demonstration effect

4. Alin sa mga salik ng pagkonsumo ang higit na nagiging motibasyon natin sa

pagbili? a. kita b. presyo c. utang d. panahon

5. Nakadepende sa salik na ito ang dami ng ating mabibibili. Anong salik ng

pagkonsumo ang siyang nagdidikta sa paraan ng ating pamimili? a. kita b. utang c. panahon d. demonstration effect

6. Aling salik ng pagkonsumo ang higit na nakakaapekto sa tuwing mapapabili

tayo ng marami dahil sa sale? a. kita b. panahon o inaasahan c. presyo d. utang o mga obligasyon

7. Marami sa atin ang nagnanais maging protektado laban sa sakit, kaya naman,

sa panahong ito ng pandemya mas madami din ang bumibili ng mga pangangailangang may kaugnayan dito tulad ng face mask at alcohol. Alin sa mga salik ang nakakaapekto sa ating pagkonsumo na ito?

a. demonstration effect b. kita c. panahon o inaasahan d. utang o mga obligasyon

8. Paano maaapektuhan ang pagkonsumo ng taong nawalan ng hanapbuhay

dulot ng COVID - 19? a. Ang kanyang pagkonsumo ay tataas sapagkat sa bahay na siya

palaging kakain b. Ang kanyang pagkonsumo ay bababa sapagkat wala siyang kita upang

ipambili ng pangangailangan c. Ang kanyang pagkonsumo ay hindi magbabago sapagkat hindi naman

magbabago ang kanyang mga pangangailangan d. Wala sa mga nabanggit

Page 9: Araling Panlipunan...Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling: Salik ng Pagkonsumo Ang modyul na ito ay

3

Para sa bilang 9 - 11:

Bottom 30% Food expenditure 58.2% Others 15.6% House rent/ rental value 8.1% Water, electricity, gas and other fuels 7.6% Miscelleneous goods and services 5.3% Transport 5.2%

Source: 2018 FAMILY INCOME AND EXPENDITURE SURVEY

9. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang pinakawasto base sa normal na sitwasyon ng isang pamilya:

a. Ang upa sa bahay ay binubuo ng 15 bahagdan ng gastusin ng pamilya b. Malaking bahagdan ng gastusin ng pamilyang Pilipino ay napupunta

sa pagkain c. Pangatlo sa mga gastusin ng pamilyang Pilipino ay mula sa kuryente,

tubig at iba pang utilities d. Kung pagsasama-samahin ang lahat ng gastusin ng pamilya bukod sa

pagkain, tutumbas ito ng 50 porsyento

10. Ilang porsyento ng kabuuang gastusin ng pamilyang Pilipino ang napupunta sa pagkain?

a. 7.6% c. 15.6% b. 8.1% d. 58.2%

11. Base pa rin sa talaan, sa anong gastusin ng pamilyang Pilipino napupunta ang mahigit 7% ng kanyang kinikita?

a. kuryente, tubig at gas b. pagkain c. transportasyon d. upa sa bahay

12. Sa kautusang ibinaba ng Inter-Agency Task Force on COVID-19 (IATF), simula

Agosto 15 ay ipatutupad na ang kompulsaryong pagsusuot ng face shield sa mga pampublikong transportasyon. Ano ang epekto ng kautusang ito sa pagbili ng tao sa face shield?

a. bababa b. tataas c. hindi angkop d. walang magbabago

13. Ano ang epekto ng pagbubukas ng klase sa iyong pagkonsumo sa mga

kagamitang pang-ekwelahan? a. bababa b. tataas c. hindi angkop d. walang magbabago

Page 10: Araling Panlipunan...Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling: Salik ng Pagkonsumo Ang modyul na ito ay

4

14. Alin ang HINDI TOTOO tungkol sa pagkonsumo? a. Tayong lahat ay konsyumer b. Ang pagkonsumo ay naaapektuhan ng iba’t-ibang mga salik c. Ang pagbabago ng presyo ng mga produkto sa pamilihan ay hindi

nakakaapekto sa ating pagkonsumo d. Ang pangangailangan ang siyang nagtutulak sa atin upang bumili at

gumamit ng mga produkto at serbisyo

15. Ang mga sumusunod ay pawang epekto dulot ng pagpa-panic buying, alin ang HINDI?

a. Napapatatag nito ang ugnayan ng kalakalan ng mga bansa b. Dahil dito, maaaring hindi mo masunod ang iyong badyet c. Ang ugaling makasarili sa pamimili ay lumilikha ng takot at pangamba

sa iba d. Nagdudulot ito ng pansamantalang kakulangan sa mga produkto na

maaaring magresulta sa pagtaas ng presyo

Binabati kita! Kung nasagot mo ng tama ang lahat ng mga katanungan, maaari ka ng magtungo sa susunod na modyul. Kung hindi mo naman nakuha ang lahat ng tamang sagot sa mga tanong, huwag mag-aalala sapagkat ituturo sa modyul na ito ang mga bagay na kailangan mo pang matutunan tungkol sa mga salik ng pagkonsumo.

Balikan

Ipinakilala sa nagdaang aralin ang konsepto ng produksyon at ang mga salik nito. Alam ko na marami kang natutunan mula rito. Halika’t ating balikan ang iyong mga napag-aralan! RAMBOLETRA Panuto: Iayos ang mga letra upang mabuo ang mga konsepto na iyong napag-aralan. Isulat ito sa iyong sagutang papel. 1. R U S N O D P Y K O

2. A L U P

3. A W G A P G A

4. S H R E P E N T U R E N I P E R

5. L I K A P A T

Page 11: Araling Panlipunan...Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling: Salik ng Pagkonsumo Ang modyul na ito ay

5

INPUT - OUTPUT Panuto: Ilagay ang mga produktong nasa loob ng kahon ayon sa kanilang kinabibilangang hanay.

INPUT OUTPUT

Tuklasin

4 PICS 1 WORD Panuto: Gamitin ang mga larawan upang mabuo ang hinahanap na salita.

sapatos tubo gatas puno trigo

asukal keso balat ng hayop mesa tinapay

P K N S O

Page 12: Araling Panlipunan...Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling: Salik ng Pagkonsumo Ang modyul na ito ay

6

Mga Tanong:

1. Anong konsepto sa ekonomiks ang mabubuo mula sa mga larawan? _________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

2. Alin sa mga larawan sa itaas ang nakapagbigay sa iyo ng ideya tungkol sa hinihinging salita? _________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

3. Sa iyong palagay, ano ang ibig sabihin ng iyong nabuong konsepto? _________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

4. Ano-ano ang mga bagay na nakakaapekto sa iyong pagbili? _____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Aralin

1 Salik ng Pagkonsumo

Suriin

Lahat tayo ay bumibili at gumagamit ng mga produkto at serbisyo. Simula sa mga kagamitan sa eskwela tulad ng lapis at papel, kagamitang personal gaya ng cellphone at pabango, mga kailangan natin tulad ng pagkain, damit, tubig at iba pa, ang lahat ng ito ay ating ginagamit sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.

Ang pagbili at paggamit ng mga produkto o serbisyong ito ay tinatawag na pagkonsumo. Ito din ay isang gawaing pang-ekonomiya na tumutukoy sa paggamit ng produkto o serbisyo upang tugunan ang ating mga pangangailangan at kagustuhan.

Page 13: Araling Panlipunan...Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling: Salik ng Pagkonsumo Ang modyul na ito ay

7

Konsyumer ang tawag sa mga taong gumagamit o bumibili ng mga produkto o serbisyo. Dahil tayong lahat ay bumibili at gumagamit ng mga produkto at serbisyo para sa ating mga pangangailangan, tayo ang mga konsyumer.

Ang ating pagbili at paggamit ng mga produkto at serbisyo ay naaapektuhan ng iba’t ibang mga salik. Ano-ano kaya ang mga bagay na nakakaapekto sa iyong pagbili? Kailan ka napapabili ng marami at kailan ang kakaunti? Tayo na’t alamin ang mga ito!

Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo

1. Presyo – ito ay tumutukoy sa halagang katumbas ng produkto o serbisyong ating binibili. Ang salik na ito ay kadalasang nagiging motibasyon natin sa ating pagbili. Ang mga sale sa pamilihan ay nakapaghihikayat sa atin na bumili ng mas marami samantalang ang pagtaas naman ng presyo ng isang produkto o serbisyo ay hindi nakapaghihikayat sa pagbili ng marami.

2. Kita – isa din ito sa mga bagay na nakakaapekto sa ating pagkonsumo. Maaari din nitong limitahan o dagdagan ang pagkonsumo natin sa mga produkto o serbisyo. Ang pagkakaroon ng pagbabago sa kita ay nangangahulugan ng paglaki o pagliit ng pagkonsumo ng isang mamimili.

3. Panahon o inaasahan – ang pagbili sa mga produkto at serbisyo ay naaapektuhan nito. Sa panahon ngayon ng pandemya, mas maraming tao ang bumibili ng mga produkto tulad ng face mask, sabon at alkohol kaysa sa normal na panahon.Ang pagdiriwang o okasyon ay nakakaapekto sa pagtaas at pagbaba ng ating pagkonsumo.

4. Utang o mga obligasyon – ang pagkakaroon ng utang ay nagdudulot ng pagbaba sa ating pagkonsumo. Mas madaming utang na kailangang bayaran, mas kakaunti ang natitirang pambili sa mga produktong ating kailangan.

5. Demonstration effect – kadalasan, tayong mga mamimili ay madaling maimpluwensyahan ng mga bagay na ating nakikita o naririnig. Ang telebisyon, radyo at maging ang social media ay nagiging kasangkapan upang tayo ay mahikayat na bumili. Ang brand endorser na ating iniidolo, magandang taglineat pabalat ng mga produkto ang ilan sa pumupukaw sa ating atensyon upang tayo ay mapabili. Kakaunti naman ang mga bumibili sa mga produktong hindi pamilyar sa atin.

Ang lahat ng ito ay pawang nakakaapekto sa dami ng ating binibili o ginagamit. Ang paglaki o pagliit ng ating pagkonsumo ay nakadepende sa mga salik na ito. Dahil ang ating pagkonsumo ay naaapektuhan ng iba’t ibang mga salik, kailangan nating mas maging matalino sa ating binibili at ginagamit. Dapat ay lagi nating isasaalang-alang ang kahalagahan at ang paggamit natin sa mga produkto o serbisyo na ating bibilhin.

Page 14: Araling Panlipunan...Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling: Salik ng Pagkonsumo Ang modyul na ito ay

8

Mga Tanong:

1. Ano ang pagkonsumo? 2. Sino ang tinatawag na mga konsyumer?. 3. Bakit may pagkonsumo? 4. Ano- ano ang mga salik na nakakaapekto sa ating pagkonsumo? 5. Alin sa mga salik na binanggit ang higit na nakakaapekto sa iyong pagbili?

Ipaliwanag ang iyong sagot.

Pagyamanin

CONCEPT DEFINITION MAP Panuto: Mula sa mga impormasyong iyong natutunan tungkol sa pagkonsumo, buuin ang Concept Definition Map gamit ang modelo sa ibaba. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

Ano ito?

___________________________________________________________________________

PAGKONSUMO

Ano ang mga kahalagahan

nito?

Ano-ano ang mga bumubuo

dito?

_________________________________________________

___________________________________________________

_______________________________________________

_________________________________________________

___________________________________________________

_________________________________________________

___________________________________________________

Page 15: Araling Panlipunan...Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling: Salik ng Pagkonsumo Ang modyul na ito ay

9

KonsumoGraph!

Panuto: Buuin ang graphic organizer sa pamamagitan ng paglalagay ng tamang halimbawa ayon sa salik ng pagkonsumo na kinabibilangan nito.

1. Pagbili ng marami kung ito ay naka-sale. 2. Paggamit ng facemask upang magsilbing proteksyon sa panahong ito ng

pandemya. 3. Pagbili ng mga kagamitang pang-eskwelahan sa panahon ng pasukan. 4. Pagkonsumo gamit ang credit card. 5. Pagtangkilik sa mga produktong ineendorso ng isang sikat na artista. 6. Pagbili ng mas marami dahil nakatanggap ng bonus. 7. Paghahanap ng alternatibong produkto upang makamura. 8. Pagkonsumo ng mga pamilyang nawalan ng trabaho dulot ng community

quarantine. 9. Pamimili ng mga nauusong damit. 10. Pagbaba ng pagkonsumo dahil sa mga bayarin tulad ng kuryente, tubig at

upa sa bahay.

FAMILY FEUD

Panuto: Isulat ang mga hinihingi sa bawat aytem. Gamiting gabay ang mga ibinigay na halimbawa.

1. Magbigay ng tatlong bagay na unang binibili ng iyong ina kapag siya ay nagkapera (hal. bigas). _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________

2. Ano-ano ang madalas mong bilhin tuwing pasukan? (hal. papel)

_____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________

SALIK NG PAGKONSUMO

PRESYO KITA PANAHON/INAASAHAN

UTANG/ OBLIGASYON

DEMONSTRATION EFFECT

Page 16: Araling Panlipunan...Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling: Salik ng Pagkonsumo Ang modyul na ito ay

10

3. Ano-ano ang mga una mong napapansin sa isang tvcommercial? (hal. modelo) __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________

4. Sa anong mga lugar sulit mamili? (hal. palengke) __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________

5. Anong mga bayarin ang hindi mo pwedeng ipagpaliban? (hal. bayarin sa kuryente) __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________

ANONG SALIK NGA BA ‘YON?

Panuto: Mula sa gawain sa itaas, isulat mo kung anong salik ng pagkonsumo ang tinutukoy sa bawat bilang.

1. __________________________________________________________________________

2. __________________________________________________________________________

3. __________________________________________________________________________

4. __________________________________________________________________________

5. __________________________________________________________________________

Page 17: Araling Panlipunan...Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling: Salik ng Pagkonsumo Ang modyul na ito ay

11

BASA-SURI

Panuto: Basahin at unawain ang talata. Sagutin ang mga katanungan dito sa iyong sagutang papel o portfolio.

Ang Wais na si Aling Gloria Isinulat ni Michelle R. Maglaqui

Si Aling Gloria ay

isang praktikal na ina. Sa

lahat ng pagkakataon ay

lagi niyang inuuna ang

pangangailangan ng

kanyang pamilya kaysa

sa luho niya. Ang suweldo

ng asawa ay kanyang

pinagkakasya upang

sumapat sa isang buwang

pangangailangan ng

buong pamilya. Ang

paglilista para sa lingguhang badyet ay talaga namang

nakakatulong sa kanya. Mayroon din siyang mga suking tindera na

hindi siya kayang pahindian kapag siya ay tumatawad na. Kaya

naman, malimit siyang tawaging ‘ang wais na si Aling Gloria’.

Madaling araw pa lamang ng Sabado ay namamalengke na

siya. Nagpupunta sa kanyang mga suking tindera at doon ay

nakikipagtawaran na. Laging tinitiyak na sariwa ang isda, karne at

gulay na binibili, na siyang ihahain para sa pamilya. Kung ang

presyo naman ay tumaas, siya ay hindi nag-aalala sapagkat may

alternatibo naman siya. Iniiwasan din niya ang pangungutang

upang hindi na mabawasan pa ang badyet para sa kanyang

pamilya. Tunay nga na si Aling Gloria ay isang wais na ina, hindi

siya basta-basta nagpapadala sa panghihikayat ng iba.

Sinisigurado niya na ang bawat sentimong kanyang gagastusin ay

para sa kapakinabangan ng kanyang buong pamilya. ‘Yan si Aling

Gloria, ang wais kong ina.

Page 18: Araling Panlipunan...Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling: Salik ng Pagkonsumo Ang modyul na ito ay

12

1. Ilarawan si Aling Gloria bilang isang wais na ina.

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

2. Ano-ano ang mga pahayag na nagpapatunay na isang wais na ina si Aling

Gloria?

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

3. Sa iyong palagay, may mga bagay ba na nakakaapekto sa pagbabadyet ni

Aling Gloria? Ipaliwanag ang iyong sagot.

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

4. Maglista ng limang katangian ng iyongmagulang o tagapangalaga na maaari

mong maiugnay sa mga katangian ni Aling Gloria bilang isang konsyumer.

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

SURI-TSART

Expenditure Pattern of Filipino Families

Bottom 30% Upper 70% Food expenditure 58.2% 39.5% Others 15.6% 25.6% House rent/ rental value 8.1% 12.9% Water, electricity, gas and other fuels 7.6% 8.3% Miscelleneous goods and services 5.3% 6.8% Transport 5.2% 6.9%

Source:2018 FAMILY INCOME ANDEXPENDITURE SURVEY

Page 19: Araling Panlipunan...Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling: Salik ng Pagkonsumo Ang modyul na ito ay

13

Panuto: Gamitin ang datos mula sa gastusin ng pamilyang Pilipino 2018 at sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Sa anong gastusin ng pamilya napupunta ang malaking porsyento ng kita ng pamilyang Pilipino? _________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

2. Gaano kalaki ang napupunta sa mga sumusunod?

Bottom 30% Upper 70%

a. Pagkain ___________ ____________ b. Upa sa bahay ___________ ____________ c. Transportasyon ___________ ____________ d. Tubig at kuryente ___________ ____________

3. Paghambingin ang gastusin ng mga pamilyang nasa bottom 30% at pamilyang mula sa upper 70%. Magkatulad ba ang kanilang gastusin? Paano nakakaapekto ang mga salik ng pagkonsumo sa mga pamilyang nasa bottom 30% at upper 70%? Ipaliwanag ang iyong sagot. _________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Isaisip

YOU COMPLETE ME!

Panuto: Kumpletuhin ang mga pahayag.

1. Ang pagkonsumo ay isang mahalagang gawaing pagkabuhayan dahil ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________________________________________________________________________________

2. Mahalaga na matutunan ko ang mga salik ng pagkonsumo sapagkat ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Page 20: Araling Panlipunan...Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling: Salik ng Pagkonsumo Ang modyul na ito ay

14

Isagawa

HUWAG MAG-PANIC!

Ayon sa mga eksperto ang panic buying ay maituturing na makasariling pag-uugali sa pamimili. Ito ay bunga ng takot at pagiging likas na gahaman sa pamimili. Ito ay nagreresulta sa pagho-hoard o pag-iimbak ng mga produkto na higit pa sa kailangan. Sa panahon ng krisis tulad ngating nararanasan ngayon, hindi natin kailangan ang ganitong mga gawi sa pamimili sapagkat higit na magdudulot ito ng kaguluhan at paghihirap sa marami. Sumulat ng limang paraan kung paano natin maiiwasan ang panic buying.

1. ___________________________________________________

2. ___________________________________________________

3. ___________________________________________________

4. ___________________________________________________

5. ___________________________________________________

OPINYON MO, ITALA MO!

Dahil sa krisis na kinakaharap ng ating bansa dala ng COVID – 19 pandemic, marami sa ating mga kababayan ang nalugi sa kanilang mga negosyo. Kaya naman hinihikayat ng ating pamahalaan ang pagbili at pagtangkilik sa ating mga lokal na produkto upang matulungan ang ating mga kababayan na makabangon. Magbigay ng mga pamamaraan upang labanan ang kaisipang kolonyal o ang pagkahilig natin sa mga produktong imported.

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Page 21: Araling Panlipunan...Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling: Salik ng Pagkonsumo Ang modyul na ito ay

15

Tayahin

TAMA o MALI.

Panuto: Suriin ang mga pahayag. Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay may katotohanan at MALI naman kung ito ay walang katotohanan. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Lahat tayo ay mga konsyumer. 2. Ang paninigarilyo ay isang halimbawa ng tamang pagkonsumo

pagkonsumo. 3. Ang pangangailangan ang siyang nagtutulak sa atin sa pagbili at paggamit

ng mga produkto. 4. Ang pagkonsumo ay hindi gawaing pang-ekonomiya. 5. Ang mababang presyo ang nagsisilbing pangunahing motibasyon natin sa

dami ng ating bibilhin. 6. Malaki ang naitutulong ng mga artista upang mahikayat ang maraming tao

sa pagbili ng produkto. 7. Mas malaki ang kakayahang bumili ng marami ng mga taong kumikita ng

maliit kaysa sa mga kumikita ng malaki. 8. Tumataas ang pagkonsumo natin sa mga kagamitang pang-eskwelahan sa

panahon ng pasukan. 9. Ang pagbili ng tela at sinulid upang gawing reusable face mask ay isang

halimbawa ng produktibong pagkonsumo. 10. Dahil sa pagkonsumo kung kaya’t may produksyon.

BTS (Bababa, Tataas, Salik)

Panuto: Suriin ang mga pahayag na nasa loob ng kahon. Isulat sa pangalawang kolum kung ang pagkonsumo ay tataas o bababa. Isulat naman sa ikatlong kahon ang mga salik na nakakapekto dito. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Pahayag Bababa o Tataas ang Pagkonsumo

Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo

1. Ang pagbili sa mga kagamitan tulad ng payong, bota at kapote sa panahon ng tag-ulan.

2. Benta sa panindang mantika sa kasalukuyan kung ang presyo nito sa hinaharap ay bababa.

3. Badyet para sa pangangailangan ng pamilya kung maraming pinagkakautangan.

Page 22: Araling Panlipunan...Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling: Salik ng Pagkonsumo Ang modyul na ito ay

16

4. Pagkonsumo sa mga murang produkto.

5. Pangkalahatang pagkonsumo kung tataas ang sahod ng mga panggagawa.

6. Benta sa mga produktong inendorso ng mga sikat at paboritong artista.

7. Pagbili sa mga pamalit na produkto sa pagtataas ng presyo ng mga ito.

8. Konsumo sa kuryente sa panahon ng tag-init.

9. Kakayahan sa pagbili ng pamilya kung ang bawat miyembro ay may trabaho.

10. Buwanang badyet ng pamilya sa pagtaas ng bayarin sa tubig at kuryente.

Karagdagang Gawain

Panuto: Pumili ng isa sa mga salik at ilarawan ang epekto nito sa iyong pagkonsumo sa pamamagitan ng akrostik. Gamiting gabay ang rubrik sa ibaba sa paggawa ng iyong akrostik.

S ______________________________________

A ______________________________________

L ______________________________________

I _______________________________________

K ______________________________________

Page 23: Araling Panlipunan...Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling: Salik ng Pagkonsumo Ang modyul na ito ay

17

Kraytirya (KKK)

Napakahusay (5 puntos)

Mahusay (3 puntos)

Nalilinang (2 puntos)

Nagsisimula (1 puntos)

Kahusayansa pag-uugnay ng mga natutunan sa aralin

Kumpleto at komprehensibong nailalarawan at naiuugnay ang mga natutunan

Kumpletong nailalarawan ang mga natutunan

May ilangkakulangansanilalaman ng akrostik. May ilangmalingimpormasyon.

Maramingkakulangansanilalaman ng akrostik

Kaangkupan ng mga salita

Malikhaingnailalahad ang nilalaman ng akrostik Maaayos ang daloy. Wasto at angkop ang mga salitang ginamit sa paglalarawan.

Maayosnanailalahad ang akrostik. Nauunawaan ang nilalaman

Hindi gaanongmaayosna nailalahad ang akrostik. Hindi gaanongnauunawaan ang nilalaman

Hindimaayosnanailahad. Hindi gaanongnauunawaan ang nilalaman

Kagalingan sa sa paglalarawan

Organisado, malinaw, simple at may tamanpagkakasunod-sunod ang presentasyon ng ideya.

Malinaw at maayos ang presentasyon ng mgaideyasasulat. Malinaw ang daloy ng paglalahad ng kaisipan.

Maayosnapresentasyon ng mgaideya. May bahaging di-gaanongmalinaw.

Hindi maayos ang presentasyon ng mgaideya. Maramingbahagi ang hindimalinawsapaglalahad ng kaisipan.

KabuuangIskor (15 puntos)

Page 24: Araling Panlipunan...Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling: Salik ng Pagkonsumo Ang modyul na ito ay

18

Susi sa Pagwawasto

TUKLASIN PAGKONSUMO

1.Answer may vary 2.Answer may vary

SURIIN Gawain 1: Inaasahang sagot

1.Ang pagkonsumo ay tumutukoy sa pagbili o paggamit sa mga produkto o serbsyo.

2.Tayong lahat ay konsyumer. 3.Dahil tayo ay may pangangailangang

kailangang tugunan. 4.In any order: presyo, kita, panahon o

inaasahan, utang o mga obligasyon, demonstration effect.

5.Answer may vary

SUBUKIN: 1.B 2.C 3.C 4.B 5.A 6.C 7.C 8.B 9.B 10.D 11.A 12.B 13.B 14.C 15.A

BALIKAN: : RAMBOLETRA

1.PRODUKSYON 2.LUPA 3.PAGGAWA 4.ENTREPRENEURSHIP 5.KAPITAL

INPUT-OUTPUT In any order Input Output Tubo Asukal Gatas Keso Puno Mesa Trigo tinapay Balat ng hayop

Sapatos

Page 25: Araling Panlipunan...Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling: Salik ng Pagkonsumo Ang modyul na ito ay

19

ISAISIP: Answer may vary ISAGAWA: ANSWER MAY VARY TAYAHIN: Gawain 1: Tama o Mali

1.TAMA 2.MALI 3.TAMA 4.MALI 5.TAMA 6.TAMA 7.TAMA 8.TAMA 9.TAMA 10.TAMA

Gawain 2: BTS (Bababa, Tataas, Salik)

Pahayag Tataas o Bababa

Salik

1. TATAAS PANAHON/INAASAHAN 2. BABABA PANAHON/INAASAHAN

3. BABABA UTANG O MGA OBLIGASYON

4. TATAAS PRESYO 5. TATAAS KITA 6. TATAAS DEMONSTARTION

EFFECT 7. BABABA PRESYO 8. TATAAS PANAHON/INAASAHAN 9. TATAAS KITA 10. BABABA UTANG O MGA

OBLIGASYON KARAGDAGANG GAWAIN: Answer may vary

PAGYAMANIN: Concept Definition Map Mga Inaasahang Sagot: Ano ito? Ang pagkonsumo ay tumutukoy sa pagbili/paggamit sa mga produkto o serbisyo upang tugunan ang pangangailangan ng tao. Anu-ano ang mga bumubuo dito? Kita, presyo, panahon o inaasahan, utang o mga obligasyon at demonstration effect Ano ang mga kahalagahan nito? Answer may vary KonsumoGraph Presyo - #s 1 & 7 Kita - #s 6 & 8 Panahon o inaasahan - #s 2 & 3 Utang o mga obligasyon - #s 4 & 10 Demonstration Effect - #s 5 & 9 Family Feud Answer may vary Anong salik nga ba ‘yon?

1.Kita 2.Panahon o inaasahan 3.Demonstration effect 4.Presyo 5.Utang o mga obligasyon

Basa-suri Answer may vary Suri-Tsart

1.Pagkain 2.Pagkain 58.2 % 39.5%

Bahay 8.1% 12.9% Transpo 5.2% 6.9% Tubig 7.6% 8.3%

3.Answer may vary

Page 26: Araling Panlipunan...Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling: Salik ng Pagkonsumo Ang modyul na ito ay

20

Sanggunian

A. Aklat

Kagawaran ng Edukasyon. Ekonomiks Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral. Pasig City: Vibal Group, Inc., 2015, pp. 60 -71.

Imperial, C., Antonio, E., Dallo, E., Samson, MC. and Soriano, C. Kayamanan IV

Ekonomiks Workteks sa Araling Panlipunan para sa Ikaapat na Taon sa Sekundaya. Manila: Rex Book Store, 2005, pp. 136 – 142.

Viloria, E., Cruz, N., Rillo, J. and Lim, A. Ekonomiks Batayang Aklat para sa Ikaapat

na Taon. Quezon City: SD Publications Inc., 2000, pp. 89 – 98.

B. Website

https://theconversation.com/the-game-theory-of-panic-buying-and-how-to-reduce-it-134107

https://www.pna.gov.ph/articles/1080915

http://www.psa.gov.ph/infographics/subjectarea/Income%20and%20Expenditures

https://theconversation.com/the-game-theory-of-panic-buying-and-how-to-reduce-it-134107

Page 27: Araling Panlipunan...Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling: Salik ng Pagkonsumo Ang modyul na ito ay

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education Region III-Learning Resources

Management Section (DepEd Region III-LRMS)

Office Address: Diosdado Macapagal Government Center Maimpis, city of San Fernando (P)