32
Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 7: Yamang Tao sa Asya - 7

Araling Panlipunan · Unang Markahan – Modyul 7: Yamang Tao sa Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi

  • Upload
    others

  • View
    510

  • Download
    39

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Araling Panlipunan · Unang Markahan – Modyul 7: Yamang Tao sa Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi

Araling Panlipunan

Unang Markahan – Modyul 7:

Yamang Tao sa Asya

-

7

Page 2: Araling Panlipunan · Unang Markahan – Modyul 7: Yamang Tao sa Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi

ii

Araling Panlipunan– Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 7: Yamang Tao sa Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Nicolas T. Capulong, PhD.,CESO V

Ronilo AJ K. Pirmo, PhD, CESO V

Librada M. Rubio, PhD.

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III

Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: [email protected]

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Gilbert C. Francisco / Leopoldo M. Galman

Tagasuri ng Nilalaman: Angelica M. Burayag PhD / Virgilio L. Laggui PhD /

Eva Fe Taclibo PhD / Rizaldy Aglipay

Tagasuri ng Wika: Edwin T. Marcos EdD / Marie Anne Ligsay PhD /

Benedict Viola / Anastacia M. Victorino PhD

Tagasuri sa ADM: Jovannie B. Belmonte

Tagasuri ng Paglapat/Pagguhit: Jovannie B. Belmonte

Tagaguhit: John Lexter R. Payumo /Maesie T. Dela Peña

Tagalapat: John Joseph V. Barrientes / John Carlo S. Carpio /

Lawrence A. dela Cruz

Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V

Librada M. Rubio PhD

Angelica M. Burayag PhD

Nestor Nuesca EdD

Gregorio C. Quinto, Jr. EdD

Rainelda M. Blanco PhD

Agnes R.Bernardo PhD

Virgilio L. Laggui PhD

Page 3: Araling Panlipunan · Unang Markahan – Modyul 7: Yamang Tao sa Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi

iii

7

Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 7:

Yamang Tao sa Asya

Page 4: Araling Panlipunan · Unang Markahan – Modyul 7: Yamang Tao sa Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi

iv

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 7 ng Alternative

Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Yamang Tao sa Asya.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga

edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang

gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang

itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,

panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa

mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,

bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang

mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga

pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang

kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang

mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan

at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang

sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at

gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa

modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode

(ADM) Modyul ukol sa Yamang Tao sa Asya.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.

Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at

magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na

ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga

kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay

nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala,

panulong o estratehiyang magagamit sa

paggabay sa mag-aaral.

Page 5: Araling Panlipunan · Unang Markahan – Modyul 7: Yamang Tao sa Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi

v

Ang modyul na ito ay ginawabilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin

nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.

Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga

dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung

ano na ang kaalaman mo sa aralin ng

modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng

tamang sagot (100%), maaari mong laktawan

ang bahaging ito ng modyul.

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral

upang matulungan kang maiugnay ang

kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay

ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad

ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na

suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

pagtalakay sa aralin. Layunin nitong

matulungan kang maunawaan ang bagong

konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawaing para sa

malayang pagsasanay upang mapagtibay ang

iyong pang-unawa at mga kasanayan sa

paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot

mo sa pagsasanay gamit ang susi sa

pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip

Naglalaman ito ng mga katanungan o

pupunan ang patlang ng pangungusap o

talata upang maproseso kung anong

natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong

sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman

o kasanayan sa tunay na sitwasyon o

realidad ng buhay.

Tayahin

Ito ay gawain na naglalayong matasa o

masukat ang antas ng pagkatuto sa

pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Page 6: Araling Panlipunan · Unang Markahan – Modyul 7: Yamang Tao sa Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi

vi

Karagdagang

Gawain

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong

panibagong gawain upang pagyamanin ang

iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang

aralin.

Susi sa Pagwawasto

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat

ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang

marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel

sa pagsagot sa mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing

napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at

sa pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang

sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,

huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka

rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino

man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa

iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng

makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa

kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa

paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Page 7: Araling Panlipunan · Unang Markahan – Modyul 7: Yamang Tao sa Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi

1

Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito

ay upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling

Panlipunan Baitang 7.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:

Nasusuri ang komposisyon ng populasyon at kahalagahan ng yamang tao sa

Asya sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan sa kasalukuyang panahon.

Sa modyul na ito, pag-aaralan mo ang konsepto ng yamang tao sa Asya at

ang maidudulot nito sa kaunlaran ng kabuhayan at lipunan ng mga Asyano.

Nahahati ito sa tatlong aralin:

Leksyon 1 – Komposisyon ng Populasyon sa Asya

Leksyon 2 – Sanhi at Bunga ng Paglaki ng Populasyon sa Asya

Leksyon 3 – Tungkulin ng Yamang Tao sa Pagpapaunlad ng Kabuhayan at

Lipunan ng Isang Bansa

Kapag natapos mo na ang Modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. nasusuri ang komposisyon ng populasyon sa Asya;

2. natutukoy ang kahalagahan ng yamang tao sa Asya;

3. natatalakay ang sanhi at bunga ng paglaki ng populasyon sa Asya at

4. naipaliliwanag ang kahalagahan ng yamang-tao sa Asya sa pagpapaunlad ng

kabuhayan at lipunan sa kasalukuyang panahon.

Mga Tala para sa Guro

Kailangang gumamit ng mga pamprosesong tanong upang maiugnay ang natapos na aralin tungo sa bagong aralin. Ituro ang konsepto ng araling ito sa pamamagitan ng mga malikhaing pamamaraan na makikita sa mga gawain sa modyul na ito. Makikita rin sa huling bahagi ng modyul na ito ang mga rubric na gagamitin sa pagmamarka sa ilang mga gawain.

Page 8: Araling Panlipunan · Unang Markahan – Modyul 7: Yamang Tao sa Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi

2

Subukin

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa inilaang sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa dami ng tao sa isang lugar o bansa?

A. populasyon C. komposisyon

B. sensus D. distribusyon

2. Alin sa mga sumusunod na bansa ang may pinakamaraming tao sa Asya maging

sa Daigdig?

A. Pilipinas C. Indonesia

B. China D. India

3. Alin sa mga sumusunod na bansa ang pangalawa sa may pinakamaraming tao

sa kontinente ng Asya?

A. Pilipinas C. Indonesia

B. China D. India

4. Alin sa mga sumusunod na bansa ang may pinakamaliit na bilang ng mga taong

naninirahan sa kontinente ng Asya?

A. Bhutan C. Macao

B. Brunei D. Maldives

5. Pang-ilan ang Pilipinas sa listahan ng mga bansa sa Asya na may

pinakamaraming taong naninirahan?

A. pangatlo C. pangpito

B. panglima D. pangsiyam

6. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa bahagdan ng dami ng anak na

maaaring isilang ng isang babae?

A. population density C. fertility rate

B. population growth rate D. migration

7. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa dami o kapal ng bilang ng tao na

naninirahan sa isang lugar?

A. population density C. fertility rate

B. population growth rate D. migration

8. Alin sa mga sumusunod na rehiyon sa Asya ang may pinakamataas na bilang ng

populasyon?

A. Timog Asya C. Gitnang Asya

B. Silangang Asya D. Timog Silangang Asya

Page 9: Araling Panlipunan · Unang Markahan – Modyul 7: Yamang Tao sa Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi

3

9. Alin naman sa sumusunod ang tumutukoy sa rehiyon sa Asya na may

pinakamababang bilang ng populasyon?

A. Hilagang Asya C. Gitnang Asya

B. Silangang Asya D. Timog-Silangang Asya

10. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa bahagdan ng bilis ng pagdami ng tao sa

isang bansa sa loob ng isang taon?

A. population density C. fertility rate

B. population growth rate D. migration

11. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa paglipat ng isang tao ng lugar o kanyang

panirahan?

A. population density C. fertility rate

B. population growth rate D. migration

12. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa bahagdan ng populasyon na marunong bumasa o sumulat?

A. land area C. urban population

B. median age D. literacy rate

13. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa lawak ng lupain na sakop ng isang lugar

o bansa?

A. land area C. urban population

B. median age D. literacy rate

14. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa porsyento ng populasyon na naninirahan

sa urban areas o mga lungsod?

A. land area C. urban population

B. median age D. literacy rate

15. Sino sa sumusunod ang nagsabing “ang yamang tao ang pinakamahalagang

kayamanan ng isang bansa?

A. Ho Chi Minh C. Jose Rizal

B. Dalai Lama D. Mao Zedong

Mahusay! Kung marami kang nasagot sa bahaging ito ng modyul ay

madali mong maiintindihan ang nakapaloob ditong aralin. Kung mababa

naman ang nakuha mong marka ay dapat pagsumikapang mas maintindihan

pa ang aralin sa pamamagitan ng pagbabasang mabuti sa mga teksto at

pagsasagawa ng mga dinesenyong gawin.

Page 10: Araling Panlipunan · Unang Markahan – Modyul 7: Yamang Tao sa Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi

4

Aralin

1 Yamang Tao sa Asya

Mahalaga ang mga likas na yaman ng Daigdig. Kabilang sa

mga likas na yaman na ito ang yamang tao. Ang kontinente

ng Asya ay nabiyayaan ng maraming yamang tao na maaari

nitong magamit upang mapaunlad ang kabuhayan at

lipunan ng mga Asyano. Halina at ating tuklasin ang

yamang tao sa Asya.

Balikan

Mahal Kita, Asya!

Panuto: Alamin natin kung paano sabihin ng mga pangkat etnolinggwistiko ang

salitang “mahal kita”. Narito ang talahanayan na nagpapakita ng ilang mahalagang

kaalaman sa mga pangkat. Ilagay sa unang kolum ang pangalan ng pangkat na

akma sa pinagmulang rehiyon, kontribusyon at wika. Pumili ng sagot mula sa loob

ng kahon. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Arabo Indonesian Tajik

Kyrgyz Indo-Aryan Manchu

Korean Eskimo Japanese

Pangkat

Etnolinggwistiko

Pinagmulang

Rehiyon

Mga Kontribusyon Paano nila sabihin

ang “mahal kita”?

1. Silangang

Asya

Pag-gawa ng Hanji, ang

pinakamahal na papel

sa mundo

Saranghamnida

2. Timog Asya

Hinduismo,

Matematika, Algebra at

Astronomiya

Main tumase pyaar

karata hoon

3. Timog-

Silangang Asya

Wayang kulit na papet

at telang batik Aku cinta kamu

Page 11: Araling Panlipunan · Unang Markahan – Modyul 7: Yamang Tao sa Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi

5

4. Kanlurang

Asya

Kape, pag-imbento sa

zero at bumuo sa

sistema ng decimal.

uHibbuka/uHibbuki

5. Silangan Pag-iimprenta,

porselana, tsaa at sutla Bi shimbe hairambi

6. Gitna

Pagpapastol at pag-

gawa ng alak na mula

sa binurong gatas

Men seni suyom

Sa Asya ang salitang “mahal kita” ay maaaring maisalin sa halos

dalawang-libong magkakaibang wika. Kung gaano kadami ang mga

pangkat-etnolinggiwistiko, ganoon din kayaman ang wika. Sa Pilipinas

pa lamang ay mayroon na tayong walong (8) mga pangunahing

dayalekto. Hindi ito nakapagtataka sapagkat malaki ang kabuuang

populasyon ng Pilipinas na umabot na sa lagpas isang daang milyon.

Ang Asya ay tahanan ng napakaraming mga pangkat

etnolinggwistiko na mayroong iba-ibang wika at etnisidad. Bawat

pangkat ay may rehiyong pinagmulan at mga kontribusyon sa

pamayanan. Ang mga pangkat-etnolinggwistiko ay ang bumubuo sa

populasyon sa Asya.

Tuklasin

Panuto: Basahin at unawain ang tula. Maaari din itong bigkasin nang malakas

upang maramdaman ang ipinararating na mensahe. Matapos nito ay sagutin ang

mga tanong at isulat ito sa iyong sagutang papel.

Ang Asya ay katulad ng malawak na langit,

Ang bituin ay mga taong iba-iba ang mga lahi,

Tayong mga Pilipino ay mga Asyanong kayumanggi,

Kulay man ay iba-iba, may layuning minimithi.

“Ang mga Asyano, Kayamanan ng Asya”

Gilbert C. Francisco

Ang pinakamalaking kontinente, ang ngalan ay Asya,

May samu’t saring tradisyon at mayamang kultura,

Dito nagsimula ang mga unang sibilisasyon,

Dito din umusbong, mga pangunahing relihiyon.

May limang rehiyon din na sa Asya matatagpuan,

Ang Silangan, Gitna, Timog at Kanluran,

At ang bansang Pilipinas, kung ang mapa ay titingnan,

Ito ay bahagi ng magandang Timog Silangan.

Page 12: Araling Panlipunan · Unang Markahan – Modyul 7: Yamang Tao sa Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi

6

Pag-unawa sa Binasa

Panuto: Ating suriin ang tula, Subukin nating sagutin ang mga katanungan ukol sa

nilalaman nito. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ano-anong mga lahi ang nabanggit na mula saTimog Asya?

A. Sri Lankan, Hapones at Pakistani

B. Arabo, Lebanese at Palestino

C. Hindu, Mongol, Kazakhs

D. Sri Lankan, Pakistani, Hindu

2. Ano ang pagkakasunod-sunod ng mga rehiyon sa Asya ayon sa ayos na may

pinakamaliit hanggang sa may pinakamalaking populasyon?

A. Gitna, Kanluran, Silangan, Timog-Silangan, Timog

B. Gitna, Kanluran, Timog-Silangan, Silangan, Timog

C. Gitna, Timog-Silangan, Kanluran, Silangan, Timog

D. Gitna, Silangan, Timog-Silangan, Kanluran, Timog

Ang Asya ay katulad ng malawak na langit,

Ang bituin ay mga taong iba-iba ang mga lahi,

Tayong mga Pilipino ay mga Asyanong kayumanggi,

Kulay man ay iba-iba, may layuning minimithi.

Sa Timog ng Asya, ang mga tao’y pinakamarami,

Naroon ang mga Hindu, Sri Lankan at Pakistani,

Pangalawa ang Silangan sa may maraming populasyon,

Koreano, Mongol, Tsino at Hapones ay naroon.

Ang lupang Timog-Silangan, pangatlo sa listahan,

Pilipino, Thai, Malaysian, dito matatagpuan,

Kanlurang Asya ang pang-apat sa dami ng mga tao,

Tahanan ng mga Iraqi, Arabo, Lebanese at Palestino.

Gitnang Asya’y may pinakakaunting bilang ng naninirahan,

Kazakhs, Tajiks, Uzbeks, Kyrgyz at Turkmen ay nariyan,

Sa wika, itsura at mga gawi ay nagkakaiba,

Mga Asyano na pinagbuklod ng lakas at pagkakaisa.

Sa limang mga rehiyon, yamang tao ay mahalaga,

Sila ang bumubuo sa mga manggagawa at pamilya,

Sangkatauhan ay kayamanang sa Diyos pa nagmula,

Nasa tao ang kinabukasan at pag-unlad nitong Asya.

Page 13: Araling Panlipunan · Unang Markahan – Modyul 7: Yamang Tao sa Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi

7

3. Saan inihalintulad ang dami ng populasyon ng Asya?

A. Mga buhangin sa dalampasigan

B. Mga bilang ng rehiyon sa Asya

C. Mga manggagawa at pamilya

D. Mga bituin sa langit

4. Sa binasang tula, bakit sa isang langit inihalintulad ang Asya?

A. Dahil ang Asya ang pinakamalawak na kontinente

B. Dahil ang Asya ay binubuo ng maraming lahi at pangkat etniko.

C. Dahil ang Asya ay nahahati sa limang rehiyon pang-heograpiya.

D. Dahil ang Asya ang pinagmulan ng ibat-ibang sibilisasyon.

5. Sinabi sa tula na ang yamang tao ay mahalaga, sa paanong paraan ito

ipinaliwanag ng tula?

A. Ang yamang tao at ang kanilang lakas pag-gawa ang susi sa pagkakaroon

ng kaunlaran sa Asya.

B. Ang yamang tao ay mahalaga sapagkat mataas ang bilang ng populasyon

sa Asya.

C. Ang yamang tao at ang kanilang lakas pag-gawa ang gagamitin ng Asya

upang maging pinakamakapangyarihang kontinente.

D. Ang yamang tao ay mahalaga sapagkat pinamataas ng mga tao ang

demand sa pagkain.

Suriin

Ayon kay Mao Zedong, ang tao ang pinakamahalagang

kayamanan ng isang bansa. Ang yamang tao ay katulad rin ng mga likas

na yaman na nagbibigay ng kalinangan at kontribusyon sa isang estado.

Ang populasyon ay tumutukoy sa dami ng tao sa isang lugar o bansa. Ang

proseso ng census ay isang kapaki-pakinabang na instrumento. Ito ay paraan ng

pag-alam at pagtatala sa laki ng populasyon ng mga bansa, kabilang na ang

komposisyon nito at ang distribusyon.

Page 14: Araling Panlipunan · Unang Markahan – Modyul 7: Yamang Tao sa Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi

8

Batay sa State of World Population 2018 ng United Nations Fund for

Population Activities (UNFPA) na makikita sa website ng Population Commission

(PopCom) ng Pilipinas, ang Asya ang nangunguna sa mga kontinente bilang may

pinakamaraming yamang tao. Ang Asya ay may kabuuang populasyon na halos apat

na bilyong katao noong taong 2018. Tinataya na ayon sa datos ng UNFPA ay

nadagdagan ng halos 40 milyon ang kabuuang populasyon sa Asya kada taon. Ang

buong kontinente ay may antas ng pagtaas ng populasyon na 1.0% bawat taon.

Sa limang rehiyon, ang Timog Asya ang may pinakamaraming populasyon.

Sinusundan ito ng Silangan, Timog Silangan, Kanluran at pinakamaliit ang

populasyon sa Gitnang Asya.

Isinasaad din sa ulat na 52.35% ng kabuuang populasyon ng daigdig ay

nanggaling sa Asya. Sa sampung tao sa daigdig, halos anim sa kanila ay Asyano.

Patunay dito ay ang dalawang (2) bansa na may pinakamalaking populasyon na

matatagpuan sa Asya, ito ay ang China at India.

Mahalagang mapag-aralan at masuri ang katangian ng populasyon ng mga

bansa sa Asya. Sa pag-aaral na gagawin ay kinakilangang mabigyang kahulugan

ang mga pangunahing salita na karaniwang ginagamit sa pagtatayang implikasyon

ng populasyon sa pag-unlad ng kabuhayan ng isang lugar.

Narito ang mga mahahalagang salitang dapat matutunan:

1. Ang population growth rate ay ang bahagdan ng bilis ng pagdami ng tao

sa isang bansa bawat taon. Ang karaniwang growth rate sa Asya ay 1.0 %.

2. Ang population density ay tumutukoy sa dami o kapal ng populasyon.

Nakukuha ito sa pamamagitan ng paghahati ng kabuuang bilang ng

populasyon sa kilometro kwadradong lawak ng teritoryo ng bansa. Ang

karaniwang population density sa Asya ay 150 tao kada kilometro kwadrado

3. Ang land area naman ay ang lawak ng lupain o teritoryo ng isang bansa. Ito

ay masusukat gamit ang unit na kimlometro kwadrado (km²).

4. Ang mga migrants ay tumutukoy sa mga taong lumilipat ng lugar

panirahan habang ang migrasyon ay ang pandarayuhan o paglipat ng lugar

o tirahan.

Page 15: Araling Panlipunan · Unang Markahan – Modyul 7: Yamang Tao sa Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi

9

5. Ang fertility rate ay ang bahagdan ng dami ng anak na maaaring isilang

ng isang babae. Ang global average fertility rate sa buong mundo ay 2.5.

6. Ang median age ay ang edad na naghahati sa populasyon sa dalawang

magkapantay na grupo. Ang kalahati ng buong populasyon ay mas bata sa

median age at ang kalahati ay mas matanda sa median age. Ang karaniwang

median age sa buong Asya ay edad na 32.

7. Ang urban population ay ang porsiyento ng populasyon na naninirahan sa

urban areas o mga lungsod. Ang karaniwang urban population sa mga

bansa sa Asya ay 50.9 %.

8. Ang life expectancy ay tumutukoy naman sa inaasahang haba ng buhay

ng tao.

9. Ang Gross Domestic Product o GDP naman ay ang kabuuang panloob na

kita ng isang bansa sa loob ng isang taon. Ang unemployment rate ay

tumutukoy sa bahagdan ng populasyon na walang hanapbuhay o

pagkakakitaan.

10. Literacy rate naman ang tawag sa bahagdan ng populasyon na marunong

bumasa at sumulat.

ANG TALAHANAYAN NG POPULASYON SA ASYA

Ang talahanayan sa ibaba ay naglalaman ng mahahalagang

impormasyon sa katangian ng populasyon sa ilang bansa sa Asya.

Inihanay ang sampung bansa na may pinakamalaking populasyon at

sampung bansa na may pinakamaliit na populasyon.

Pag-aralan kung paano nagkaiba- iba ang mga populasyon sa

ibat-ibang bansa at alamin ang mga katangian nito.

SAMPUNG BANSA SA ASYA NA MAY PINAKAMALAKING POPULASYON

Bansa Populasyon

(2018) est.

milyon

Growth

Rate

(2010-

2018)

Density

(P/Km²)

Land

Area

(Km²)

Migrants

(net)

Fert.

Rate

Med.

Age

Urban

Pop %

1. China 1,415 0.50 % 150 9,388,211 -348,399 1.6 38 61%

2. India 1,354 1.20 % 455 2,973,190 -532,687 2.3 28 35%

3. Indonesia 266 1.20 % 147 1,811,570 -98,955 2.3 30 56%

4. Pakistan 200 2.00 % 259 770,880 -233,379 3.3 23 35%

5. Bangladesh 166 1.10 % 1,275 130,170 -369,501 2.1 28 39%

6. Japan 127 -0.10 % 348 364,555 71,560 1.5 48 92%

7. Philippines 107 1.60 % 356 298,170 -67,152 2.9 26 47%

8. Vietnam 97 1.10 % 310 310,070 -80,000 1.9 32 38%

9. Iran 82 1.20 % 50 1,628,550 -55,000 1.6 32 76%

10. Turkey 81 1.60 % 105 769,630 283,922 2.0 32 76%

Page 16: Araling Panlipunan · Unang Markahan – Modyul 7: Yamang Tao sa Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi

10

SAMPUNG BANSA SA ASYA NA MAY PINAKAMALIIT POPULASYON

Bansa Populasyon

(2018) est.

Growth

Rate

(2010-

2018)

Density

(P/Km²)

Land

Area

(Km²)

Migrants

(net)

Fert.

Rate

Med.

Age

Urban

Pop %

1. Brunei 400,000 1.40 % 70 5,270 0 1.8 32 80%

2. Maldives 400,000 2.50 % 1,333 300 11,370 2.0 30 35%

3. Macao 600,000 1.39 % 21,645 30 5,000 1.2 39 N.A.

4. Bhutan 800,000 1.40 % 21 38,117 320 2.0 28 46%

5. Cyprus 1,200,000 0.80 % 130 9,240 5,000 1.3 37 67%

6. Timor-Leste 1,300,000 2.20 % 87 14,870 -5,385 5.3 21 33%

7. Bahrain 1,600,000 2.90 % 2,105 760 47,800 2.0 32 89%

8. Qatar 2,700,000 5.20 % 233 11,610 40,000 1.9 32 96%

9. Armenia 2,900,000 0.20 % 102 28,470 -4,998 1.6 35 63%

10. Mongolia 3,100,000 1.80 % 2 1,553,560 -852 2.7 28 67%

Source: State of World Population 2018. United Nations Funds for Population Activities

(UNFPA) https://popcom.gov.ph/wp-content/uploads/2019/06/State-of-the-World-

Population-2018.pdf

PAGSUSURI SA KATANGIAN NG POPULASYON NG ISANG BANSA

Sa pagsusuri ng datos mula sa talahanayan, kinakailangang

maintindihan ang lahat ng mga bahagi nito. Ang populasyon ay may

kaugnayan sa growth rate, density, land area, migrasyon, fertility rate,

median age at urban population. Gamitin nating halimbawa sa pagsusuri

ang mga datos ng populasyon patungkol sa Pilipinas.

1. Population growth rate o yearly change growth rate

Ipinapakita sa talahanayan na ang Pilipinas ang pampito sa may

pinakamataas na populasyon sa Asya sa taong 2018. Ang kabuuang bilang ng mga

tao rito ay lagpas 106 milyon. Ang bahagdan ng bilis ng pagdami ng tao sa bawat

taon (population growth rate) ay 1.60 %. Mas mataas ito kung ikukumpara sa

pangkaraniwan na estimated annual growth rate na 1.0 %.

Ang populasyon ay magiging mataas kapag ang population growth rate o

yearly change growth rate ay mananatiling mataas sa mga susunod na taon. Ang

mataas na bahagdan ng growth rate ay nangangahulugan na mas mabilis ang

pagdami ng mga tao.

2. Sukat ng lupain o land area

Ang kabuuang sukat ng teritoryo ng Pilipinas ay 298,170 km². Pang

dalawamput-dalawang pwesto ito sa limamput-isang bansa sa Asya.

Ang populasyon ng mga bansang may malaking sukat ng lupain ay higit na

may mas mataas na posibilidad na magkaroon ng mataas na populasyon kaysa sa

mga bansang may maliit na sukat ng lupain. Kapag mas malawak ang sukat ng

lupain, mas maraming tao ang maaaring manirahan.

Page 17: Araling Panlipunan · Unang Markahan – Modyul 7: Yamang Tao sa Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi

11

3. Population density

Kung pantay-pantay na ikakalat ang 106 milyon na mga tao sa Pilipinas ay

masasabing may 356 na tao sa bawat isang kilometro kwadrado (km²). Ito ang

tinatawag na population density.

Kapag mataas ang populasyon at maliit ang sukat ng lupain ng bansa, ang

population density ay mataas. Ang mas makapal na populasyon ay

nangangahulugan na dumarami ang mga taong matatagpuan sa isang kilometro

kwadrado ng lupain. Kapag mataas ang populasyon at malaki ang sukat ng lupain

ng bansa, ang population density ay mababa. Ang maliit na populasyon ay maaari

ding magresulta sa mababang population density. Ang lawak ng lupain ay may

malaking epekto dito.

4. Migrasyon

Ang Pilipinas ay may datos na -67,152 migrants. Ang negatibong bilang na ito

ay nangangahulugan na mas marami ang mga taong lumabas kaysa sa pumasok sa

loob ng bansa noong taong 2017. Karamihan sa mga taong lumalabas ng Pilipinas

ay upang magtrabaho sa ibayong dagat.

Ang populasyon ay mas magiging mataas kapag malaki ang bilang ng mga

dumadating na migrante sa isang bansa. Ang bilang ng mga migranteng

permanenteng maninirahan sa isang bansa ay madaragdag sa populasyon nito.

5. Fertility Rate

Ang fertility rate sa mga Pilipinas ay 2.9. Malapit ang numero sa batayan na

2.5 na global average fertility rate. Nangangahulugan ito na katulad sa karaniwan

ang dami ng mga anak ng mga kababaihan sa Pilipinas.

Ang populasyon ng isang bansa ay mas magiging mataas sa paglipas ng mga

taon kapag nanatili ding mataas ang fertility rate ng kababaihan sa bansa.

6. Median Age

Ang median age sa Pilipinas ay 26. Ang numero ay nangangahulugan na ang

kalahati ng populasyon ay mas bata sa edad na 26 at ang kalahati pa ay mas

matanda sa edad ding ito. Nais ipahiwatig ng datos na ang kabuuang populasyon ng

Pilipinas ay bata pa.

Ang pagkakaroon ng batang populasyon ay nangangahulugan na mas marami

ang magiging bilang ng lakas paggawa ng bansa. Mas marami din ang mga bubuo

ng pamilya para sa susunod na henerasyon ng populasyon.

7. Urban population

Sa pagsusuri ng urban population, 47 % ng mga tao sa Pilipinas ang

naninirahan sa mga siyudad na industriyalisadong lugar. 53% ng populasyon ang

nakatira sa mga rural at liblib na mga pook. Kaunti na lamang at magiging kalahati

na ng buong populasyon ang nasa pook urban at kalahati sa pook rural.

Ang populasyon na may mataas na porsyento ng urban population ay

nangangahulugan na naaakit ang karamihan ng mga tao sa mga trabaho,

oportunidad at paraan ng pamumuhay sa mga siyudad.

Page 18: Araling Panlipunan · Unang Markahan – Modyul 7: Yamang Tao sa Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi

12

MGA DAHILAN NG MABILIS NA PAGLAKI NG POPULASYON

Maraming dahilan kung bakit mabilis lumaki ang populasyon ng isang bansa.

Ngunit ayon sa State of Philippine Population Report 5 (2012), pangunahin sa mga

ito ang mga sumusunod:

a. Mataas na Fertility Rate

Ayon sa mga pag-aaral, ang pagkakaroon ng mahigit sa isang anak

ng mga pamilya nang higit sa kanilang plano ang nagdudulot ng paglobo

ng populasyon. Sa Pilipinas noong taong 2008, nasa 3.3 % ang Total

Fertility Rate kumpara sa Wanted Fertility Rate na 2.4 % lamang. Ibig

sabihin mas marami ang naipapanganak kaysa sa naiplano ng mga

pamilya. Ganito rin ang kalagayan sa maraming bansa sa Asya.

Tinitignang dahilan nito ang pagkakaroon ng kakulangan sa

pagtugon sa pangangailangan ng mga pamilya sa Family Planning. Sa

Pilipinas, ayon sa Family Health Survey ng Philippine Statistics Authority

noong taong 2011, mayroong 19.3% ng pamilyang Pilipino ang wala o

kulang ang access sa Family Planning. Ang kakulangang ito ay

nagdudulot ng pagtaas ng fertility rate na nagreresulta sa pagtaas ng

populasyon.

b. Unmanaged Urbanization

Ang pagdagsa ng mga tao sa mga lungsod ay nagdudulot rin ng

mabilis na pagtaas ng populasyon. Dahil karamihan sa oportunidad ay

makikita sa mga kalungsuran, ang mga tao sa kanayunan ay lumilipat sa

pag-asang gagaan ang kanilang pamumuhay. Mayroong pinapalad na

makahanap ng trabaho ngunit maraming pagkakataon na nakakadagdag

lamang sila sa siksikan ng mga tao sa mga lungsod na nagreresulta sa

pagtaas ng populasyon.

Ang ilan pa sa mga dahilan ng pagdami ng populasyon ay ang kultura ng

isang bansa, maaagang pag-aasawa at pagkakaroon ng makabagong teknolohiya.

Mayroong ilang kultura na mas pinapanigan ang pagkakaroon ng malalaking

pamilya. Pinaniniwalaan na magdudulot ito ng kasaganahan sa pamilya. Ang

maagang pag-aasawa naman ay nagreresulta sa maagang pagkakaroon ng anak.

Samantala ang pagkaroon ng makabagong teknolohiya lalo sa larangan ng medisina

ay magdudulot upang mas marami pa ang humaba ang buhay. Ang lahat ng ito ay

nagreresulta sa pagtaas ng populasyon sa isang bansa.

MGA BUNGA NG MABILIS NA PAGLAKI NG POPULASYON

Ang mabilis na paglaki ng populasyon ay nagdudulot ng maraming epekto sa

buhay ng mga tao. Kaakibat nito ang mga suliraning may kaugnayan sa sumusunod:

a. Pabahay

Ang mas malaking populasyon ay nangangahulugan ng mas maraming

pabahay na kinakailangan. Mas malaking hamon kung malaki ang

populasyon at maliit ang lupang sakop ng isang bansa.

Page 19: Araling Panlipunan · Unang Markahan – Modyul 7: Yamang Tao sa Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi

13

b. Hanapbuhay

Mas maraming trabaho ang kakailanganin ng mas malaking

populasyon. Kapag hindi ito nasolusyunan ay magreresulta ito sa

malawakang kawalan ng trabaho. Kung matutugunan naman ito ay

magdudulot ng mas maraming lakas paggawa na makatutulong upang

mapaunlad ang isang bansa.

c. Kalusugan

Ang mas malaking populasyon ay nangangahulugan na mas maraming

kinakailangang siguruhing malusog at nabibigyan ng mga basic health

services. Kapag hindi ito natugunan ay marami ang magkakasakit o hindi

kaya ay mamamatay.

d. Edukasyon

Mas maraming kailangang pag-aralin sa isang bansa na may malaking

populasyon. Mas maraming pondo ang kakailanganin upang maipatupad

ito.

e. Kabuhayan

Isa na siguro na maaaring maging masamang epekto ng pagkakaroon

ng malaking populasyon ay ang isyu ng kahirapan. Kapag hindi

natugunan ang pangangailangan ng malaking populasyon sa edukasyon,

kalusugan, hanapbuhay at pabahay, magreresulta ito sa kahirapan.

f. Kapaligiran

Upang matugunan ang mga pangangailangan ng dumaraming bilang

ng tao, nasasakripisyo o naaabuso ang ating kalikasan. Nagbubunga ito

ng iba’t ibang klase ng polusyon gaya ng polusyon sa hangin, tubig, lupa

at marami pang iba. Ang pagputol ng puno sa ating mga kagubatan o

deforestation ay sumisira sa tirahan ng mga hayop.

Ilan lamang ang mga ito sa mga epekto ng pagkakaroon ng malaking

populasyon. Mayroong itong positibo at negatibong epekto at nasa ating mga kamay

kung paano natin mas magagamit ang yamang tao para sa ikauunlad ng ating

ekonomiya at lipunan.

Kailangan nating malaman ang bilang ng populasyon sa Asya at

mga bansa nito sapagkat tayong mga Pilipino ay mga Asyano rin. Ang

population growth rate, land area, median age, fertility rate, migrasyon

at urban population ay may kaugnayan sa pagdami ng kasalukuyang

populasyon. Ang bilang ng populasyon ay nakaaapekto naman sa pag-

unlad ng isang bansa.

Ang mga bagay na nagaganap sa kabuuan ng populasyon kagaya

ng pagtaas ng estado ng pamumuhay at kahirapan ay maaaring

maranasan rin ng isang indibidwal na katulad mo.

Page 20: Araling Panlipunan · Unang Markahan – Modyul 7: Yamang Tao sa Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi

14

Pagyamanin

A. Datos na Kailangan, Ibibigay ang Kasagutan

Panuto: Siyasatin ang mga datos na nakaulat sa talahanayan tungkol sa katangian

ng populasyon sa Asya. Gamit ang talahanayan, ibigay ang mga hinahanap na

kasagutan sa bawat bilang.

1. Ibigay ang tatlong bansa sa Asya

na may pinakamalawak na sukat ng lupain o land area.

____________________________________________________________________________

2. Ibigay ang tatlong bansa sa Asya

na may pinakamaliit na population density.

__________________________________________________________________________

3. Ibigay ang tatlong bansa sa Asya na may pinakamataas na fertility rate.

____________________________________________________________________________

4. Ibigay ang tatlong bansa sa Asya na may pinakamababang growth rate.

____________________________________________________________________________

B. Fill in the Blanks!

Panuto: Buoin ang mga pangungusap at gawin itong impormatibo sa pamamagitan

ng paglalagay ng nawawalang salita sa bawat patlang. Piliin ang tamang sagot sa

loob ng kahon sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

China Pilipinas Asya

Brunei Japan

1. Ang kontinente ng _______________ ay may kabuuang populasyon na

halos apat na bilyon noong taong 2018.

2. Ang bansang _______________ ay may negatibong population growth rate.

3. Sa 49 na mga bansa sa Asya, ang bansang _______________ ang may

pinakamalaking populasyon.

4. Ang bansang _______________ ang may pinakamaliit na populasyon sa buong

kontinente ng Asya.

5. Ang _______________ ay nasa ika-pitong pwesto sa mga bansang may

pinakamataas na populasyon sa Asya.

Page 21: Araling Panlipunan · Unang Markahan – Modyul 7: Yamang Tao sa Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi

15

C. Kumpletuhin Mo!

Panuto: Sa pag-aaral na iyong ginawa sa katangian ng populasyon ng Asya, nabatid

mo ang kalagayan ng mga bansa at ang kasalukuyang lagay ng populasyon nito. Sa

kabila ng mataas na bilang ng yamang tao sa kontinente, mayroong mga suliranin na

kinakaharap ang mga bansa nito sa patuloy na paglaki ng populasyon. Ang Timog

Asya ang tinaguriang pinakamataong rehiyon sa kontinente. Ilarawan ang kalagayan

ng populasyon sa Timog Asya sa pamamagitan ng pagpuno ng mga impormasyon sa

tsart sa ibaba.

D. Pag-ugnayin Mo: Mababa o Mataas?

Panuto: Tukuyin ang kaugnayan ng populasyon sa iba’t ibang katangian nito.

Kumpletuhin ang ugnayan sa pamamagitan ng paglalagay ng salitang mababa o

mataas sa mga patlang.

1. Kapag kakaunti ang bilang ng mga anak ng kababaihan, _______________

ang fertility rate ng populasyon.

2. Kapag maraming tao sa isang bansa ang may hanap-buhay, _______________

ang unemployment rate.

3. Kapag dumarami nang mabilis ang populasyon, _______________ ang growth rate

ng populasyon ng isang lugar o bansa.

4. Kapag malaki ang populasyon at maliit lamang ang sukat ng lupain ng bansa,

_______________ ang population density.

5. Kapag mataas ang populasyon sa mga siyudad ng isang bansa, _______________

ang porsyento ng urban population.

Populasyon sa Timog

Asya

________

________

________

________

________

________

________

________

________

________

________

________

________

________

________

________

________

________

Page 22: Araling Panlipunan · Unang Markahan – Modyul 7: Yamang Tao sa Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi

16

E. SANHI-BUNGA

Panuto: Punan ang tsart sa ibaba ukol sa sanhi at epekto ng pagkakaroon ng

malaking populasyon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

F. Tao’y Kayamanan, Ating Pahalagahan

Panuto: Basahin ang maikling sanaysay na tumatalakay sa Pilipinas at sa

populasyon nito. Pagkatapos ng pagbasa ay sagutin ang mga katanungan sa

pamprosesong tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Sanhi

___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Bunga

_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Ang Mga Pilipino

Sabi ng marami, kahit saang bahagi ka ng mundo magpunta ay

makakakita tayo ng Pilipino. Mula sa maunlad na lupain ng Hilagang

Amerika, sa mga abalang lungsod ng Japan, sa mayayamang estado ng Middle

East at kapatagan ng Africa hanggang sa malalayong isla ng Fiji, Samoa at

Faroe Islands, tiyak na may Pilipino tayong matatagpuan. Sa dami ng bilang

ng ating populasyon, hindi nakapagtataka na marami din sa ating mga

kababayan ay lumalabas ng bansa upang maghanap ng ikabubuhay.

Page 23: Araling Panlipunan · Unang Markahan – Modyul 7: Yamang Tao sa Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi

17

Pamprosesong Tanong:

1. Paano nakatulong sa Pilipinas ang pagkakaroon nito ng maraming populasyon?

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

Maraming mga dayuhan ang pumipili sa mga Pilipinong manggagawa

dahil sa ating mga natatanging ugali. Ang mga Pilipino ay kilala sa ating

bansa at sa mundo bilang maabilidad at masipag sa trabaho. Ang mga Pilipino

ay kilala rin sa pagiging isa sa mga pinakamasayahing lahi sa mundo. Tayo ay

maasikaso sa panauhin, may pagpapahalaga sa pamilya at may paggalang sa

kapwa tao. Marami sa mga Pilipino ang nakangiti pa rin at patuloy na

bumabangon sa gitna ng mga pinagdaraanang pagsubok.

Kapag ang yamang tao ang pag-uusapan, ang Pilipinas ay biniyayaan

ng marami nito. Kabilang sa ating yamang tao ang nasa 2.2 milyong OFW o

Overseas Filipino Workers. Sila ang mga itinuturing na bayani ng makabagong

panahon. Ang tumataas na populasyon ng mga OFW ay masasabing

mahalaga para sa ekonomiya ng ating bansa. Maraming pamilyang Pilipino

ang nasusuportahan ng mga pera o remittances na kanilang ipinapadala sa

Pilipinas. Ayon sa ulat ng POEA (Philippine Overseas Employment

Administration), nakapagpapadala ang lahat ng mga OFW ng 31 bilyong

dolyar sa bansa kada taon. Ang halagang ito ay 10 % ng kabuuang GDP o

Gross Domestic Product ng Pilipinas.

Sa taong 2020, ipinahayag din ng POEA na ang mga bansang may

pinakamaraming mga OFW ay ang Saudi Arabia, U.A.E., Singapore, Hong

Kong at Qatar. Ang mga trabahong karaniwang pinapasukan ng mga Pilipino

ay may kinalaman sa larangan ng healthcare services, domestic services,

construction at hotel and restaurant management. Ang pagbibigay ng

trainings at mga kasanayan sa mga Pilipino upang makapagtrabaho sa

abroad ang isang paraan ng pamahalaan upang mapaunlad ang ating bansa.

Tinatayang sa mga healthcare workers pa lamang, 19,000 na professional nurses ang lumalabas ng bansa kada taon. Sa lahat ng bansang naapektuhan ng COVID 19 pandemic, may 92, 700 na mga Pilipinong nars ang patuloy na nagsisilbing frontliners at direktang nag-aalaga sa mga pasyente. Maraming buhay ang nailigtas nang dahil sa kanila. Ang kontribusyong ito sa daigdig ng mga mamamayang Pilipino ay hindi matutumbasan.

Ang pagkakaroon ng malaking populasyon ay hindi hadlang upang malugmok sa kahirapan ang ating bansa. Sa determinasyon ng mga Pilipino, bawat isa ay makahahanap ng mas malawak na oportunidad upang mapa-unlad ang pamumuhay.

Ang yamang tao ng bansa ang nagbigay dito ng lakas paggawa na naglilingkod hindi lamang sa Pilipinas ngunit pati na rin sa ibat-ibang dako ng daigdig.

Page 24: Araling Panlipunan · Unang Markahan – Modyul 7: Yamang Tao sa Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi

18

2. Ano ang mga hakbang na ginawa ng mga tao/mamamayan upang magamit nila

sa tama ang lakas sa pag-gawa? Paano sila nakapag-ambag sa GDP ng Pilipinas at

sa lipunan?

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

3. Kailangan ba ang yamang tao sa pagpapaunlad ng bansa at ng Asya? Bakit?

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

Isaisip

Puno ng Karunungan

Panuto: Sa bawat bahagi ng puno, ilagay ang mga bagay na iyong natutunan mula

sa aralin. Gamitin mo bilang gabay ang mga katanungan sa ibaba. Isulat ang iyong

sagot sa sagutang papel.

1. Sa iyong pananaw, ano ang natutunan mo sa kasalukuyang

komposisyon ng populasyon sa Asya?

2. Ano ang mga suliranin na maaaring maidulot ng malaki at lubhang

dumaraming populasyon?

3. Ano ang halaga ng populasyon sa pagpapaunlad ng kabuhayan at

lipunan?

1

2

3

Page 25: Araling Panlipunan · Unang Markahan – Modyul 7: Yamang Tao sa Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi

19

Isagawa

Millenial Ka, Mahusay Ka!

Panuto: Ikaw, bilang kabataan ng makabagong panahon ay nabibilang sa

kasalukuyang populasyon ng bansa. Kasama ng iba pang mga kabataan, kayo ang

lilikha ng panibagong henerasyon at pag-asa para sa Pilipinas. Ang millennial na

katulad mo ay may gagampanang mahalagang papel sa pag-unlad ng lipunan at

bansa.

Pagmasdan mo at suriin ang larawan. Ibigay mo ang mensahe ng larawang

ito sa iyo sa pamamagitan ng isang slogan. Gamiting gabay ang rubric sa susunod

na pahina. Isagawa ang iyong slogan sa hiwalay na papel o sa sagutang papel.

Page 26: Araling Panlipunan · Unang Markahan – Modyul 7: Yamang Tao sa Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi

20

Tayahin

Panuto: Basahin ang sumusunod na pahayag at piliin ang titik ng tamang sagot.

Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Anong rehiyon sa Asya ang may pinakamaliit na populasyon?

A. Gitnang Asya C. Kanlurang Asya

B. Timog Asya D. Silangang Asya

2. Anong bansa ang itinuturing na may pinakamalaking bilang ng populasyon sa

Asya at maging sa buong daigdig?

A. India C. China

B. Saudi Arabia D. Iraq

3. Ilang bahagi ng populasyon ng Daigdig ang matatagpuan sa Asya?

A. kulang sa kalahati C. lagpas sa kalahati

B. kalahati D. kabuuan

Kraytirya Di – Pangkaraniwan

4

Kahanga – hanga

3

Katanggap – tanggap

2

Pagtatangka 1

1. Paksa Angkop na angkop at

eksakto ang kaugnayan sa

paksa

May kaugnayan sa paksa

May maliit na kaugnayan

Walang kaugnayan

2. Pagkamalik-hain

Gumamit ng maraming kulay at kagamitan na may kaugnayan

sa paksa

Gumamit ng kulay at iilang kagamitan na

may kaugnayan sa

paksa

Makulay subalit hindi

tiyak ang kaugnayan

Hindi makulay

3. Takdang Oras

Nakapagsumite sa mas

mahabang oras

Nakapagsumite sa tamang oras

Nakapagsumi-te ngunit huli sa itinakdang

oras

Higit sa isang linggo ang kahulihan

4. Kalidad ng ginawa

Makapukaw interes at

tumitimo sa isipan

Makatawag pansin

Pansinin ngunit di -

makapukaw ng isipan

Di - pansinin, di -

makapukaw ng interes at

isipan

5. Kalinisan Maganda, malinis at

kahanga – hanga ang

pagkakagawa

Malinis Ginawa ng apurahan ngunit di -

marumi

Inapura ang paggawa at

marumi

Page 27: Araling Panlipunan · Unang Markahan – Modyul 7: Yamang Tao sa Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi

21

4. Anong terminolohiya ang tumutukoy sa kapal ng tao sa isang lugar o bansa?

A. land area

B. fertility rate

C. population growth rate

D. population density

5. Ang ____________ ang bumubuo sa lakas paggawa ng bansa. Ito ay patuloy na

dumarami at ang sinasabing may hawak ng kapalaran at kaunlaran ng bawat

bansa. Alin ang tinutukoy ng pahayag na ito?

A. migrante C. populasyon

B. Asyano D. pamahalaan

6. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa salaping ipinadadala ng mga OFW na

nakatutulong sa pagtaas ng GDP ng Pilipinas?

A. salary C. remittances

B. expenses D. revenues

7. Ang mataas na _______________ ng populasyon ay indikasyon na maraming tao

ang may kakayahang bumasa at sumulat. Alin sa mga sumusunod ang

kukumpleto sa pahayag na ito?

A. life expectancy C. unemployment rate

B. migrasyon D. literacy rate

8. Alin sa sumusunod ang nakapagpapabago sa populasyon dahil sa

magkakaibang bilang ng mga taong pumapasok at lumalabas sa isang bansa?

A. life expectancy C. unemployment rate

B. migrasyon D. literacy rate

9. Kapag mataas ang literacy rate ng isang bansa mas may malaking tsansa na

makahanap ng trabaho ang mga tao rito. Alin sa mga sumusunod na panukat

ang bababa ayon sa pangungusap?

A. life expectancy C. unemployment rate

B. migrasyon D. literacy rate

10. Sa Timog Asya, may mataas na _______________ ang populasyon kaya naman

mahaba ang inaasahang itatagal ng buhay ng mga tao roon. Alin sa mga

sumusunod ang tinutukoy ng pahayag?

A. population density C. fertility rate

B. literacy rate D. life expectancy

11. Kung ang populasyon ay may mataas unemployment rate, ano ang direktang

epekto nito na lubos na magiging suliranin ng ekonomiya ng isang bansa?

A. kahirapan C. kriminalidad

B. kakulangan sa pagkain D. pagtaas ng presyo ng bilihin

12. Alin sa sumusunod ang mabilis na makapagpapadami ng populasyon ng isang

lugar o bansa?

A. kapag mababa ang life expectancy

B. kapag mataas ang fertility rate

C. kapag mataas ang GDP

D. kapag mababa ang growth rate

Page 28: Araling Panlipunan · Unang Markahan – Modyul 7: Yamang Tao sa Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi

22

13. Alin sa mga sumusunod ang HINDI suliraning dulot ng malaking populasyon?

A. kahirapan

B. kakulangan ng pagkain

C. pagdami ng lakas paggawa

D. trapiko at polusyon

14. Sa mga nakalipas na taon, maraming Pilipino ang nangingibang bansa. Ano ang

dahilan nito?

A. Ang mga Pilipino ay gustong mamasyal sa ibang bansa.

B. Sa paglipas ng taon, maraming Pilipino ang pinipiling mag-aral sa ibang

bansa.

C. Ang migrasyon o pag-alis ng mga Pilipino ay nangyayari upang mabawasan

ang bilang ng tao sa Pilipinas at nang sa ganoon ay maging masagana sa

pagkain.

D. Ang pag-alis ng mga Pilipino patungo sa ibang bansa ay oportunidad para

sa kanila upang makahanap ng trabaho.

15. Bilang kabataan, ano sa palagay mo ang dahilan kung bakit ang mga tao ay

isang uri ng yaman na dapat pahalagahan?

A. Ang mga tao ang siyang nagproprodyus ng mga pagkain at hilaw na

materyales sa ekonomiya.

B. Ang mga tao ang bumubuo sa lipunan at ang sanhi sa pagdaloy ng

ekonomiya ng bansa.

C. Ang mga tao ang manggagawa at prodyuser na nagpapaunlad sa bansa.

D. Ang mga tao ay may kakayahan na magkapamilya at magkaanak kaya

sila ay mahalaga.

Magaling! Ako ay lubhang nagagalak sapagkat

hindi mo sinukuan ang pagbabasa at pagsasagot sa ating

modyul. Dahil dito handa ka nang harapin ang mga

susunod pang paksa sa susunod na markahan. Kung

iyong nanaisin, maaari mong ipagpatuloy ang pagsasagot

sa mga karagdagang gawain na mas magpapalalim sa

iyong pag-unawa sa aralin. Muli ang aking pagbati!

Page 29: Araling Panlipunan · Unang Markahan – Modyul 7: Yamang Tao sa Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi

23

Karagdagang Gawain

Panuto: Kung mabibigyan ka ng pagkakataon na maglakbay, ano ang isang bansa

sa Asya na gustong-gusto mong mapuntahan? Pumili ng isang bansa at mula sa

iyong napili ay suriin mo ang kalagayan ng populasyon nito. Ilahad ang kalagayan

ng populasyon ng bansa sa pamamagitan ng:

• growth rate

• density

• land area

• migrants

• fertility rate

• median age

• urban population

Criteria 1 2 3 Puntos

Nilalaman Ang populasyon ng bansa ay nasuri gamit ang isang katangian lamang ito.

Ang populasyon ng bansa ay nasuri gamit ang dalawa hanggang tatlong katangian nito.

Ang populasyon ng bansa ay nasuri gamit ang apat at higit pang katangian nito.

Daloy ng kaisipan ng pagsusuri

Ang daloy ng kaisipan sa pagsusuri ay hindi lubhang maayos at may kakaunting kaugnayan lamang.

Ang daloy ng kaisipan sa pagsusuri ay maayos at magkakaugnay subalit hindi malinaw ang konklusyon.

Ang daloy ng kaisipan sa pagsusuri ay maayos, magkakaugnay at may konklusyon.

Pagkama-katotoha-nan

Ang mga ginamit na impormasyon ay hindi lahat hango sa aktwal na datos.

Ang mga ginamit na impormasyon ay totoo subalit may ilang datos na hindi totoo o

walang batayan.

Ang lahat ng impormasyon na inilahad ay batay sa makatotohanang

datos.

Kabuuan

Page 30: Araling Panlipunan · Unang Markahan – Modyul 7: Yamang Tao sa Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi

Susi sa Pagwawasto

SUBUKIN 1. A

2. B

3. D

4. B

5. C

6. C

7. A

8. A

9. C

10. B

11. D

12. D

13. A

14. C

15. D

PAGYAMANIN A.

1.Tatlong bansa na may

pinakamalaking land area 1.China 2.India 3.Kazakhstan

2.

3.Tatlong bansa na may pinakamaliit na population density

4.1.Mongolia 2.Kazakhstan 3.Turkmenistan

5.Tatlong bansa na may

pinakamataas na fertility rate

6. 1.Afghanistan

2.Timor Leste 3.Yemen 7.

8.Tatlong bansa na may pinakamababang growth rate 1.Lebanon 2.Japan 3.Georgia

PAGYAMANIN

B. 1. Asya 2. Japan 3. China 4. Brunei 5. Pilipinas

C.

May kanya-kanyang sagot

TAYAHIN

1. A 4. D 7. D 10. D 13. C

2. C 5. C 8. B 11. A 14. D

3. C 6. C 9. C 12. B 15. B

ISAGAWA

May kaniya-kaniyang

gawa

ISAISIP May kaniya-kaniyang

sagot

PAGYAMANIN D.

1. MABABA 2. MABABA 3. MATAAS 4. MATAAS 5. MATAAS

E.

May kanya-kanyang

sagot

TUKLASIN 1. D 2. D 3. B 4. D 5. A 6. A

BALIKAN

1. Korean

2. Indo-Aryan 3. Indonesian 4. Arabo 5. Manchu

6. Kyrgyz

PAGYAMANIN

F.

May kanya-kanyang sagot

KARAGDAGANG GAWAIN

May kaniya-kaniyang gawa

Page 31: Araling Panlipunan · Unang Markahan – Modyul 7: Yamang Tao sa Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi

Sanggunian

Blando, Rosemarie C., et.al., 2014. Araling Panlipunan: ASYA: Pagkakaisa sa Gitna

ng Pagkakaiba. 1st ed. Pasig City, Philippines: Department of Education

Bureau of Learning Resources.

"K To 12 Gabay Pangkurikulum Araling Panlipunan Baitang 1-10". Department of

Education, 2016. https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2019/01

/AP-CG.pdf.

"Most Essential Learning Competencies (MELCs)". Learning Resource Management

and Development System, 2020. https://lrmds.deped.gov.ph/pdf-

view/18275.

"Project EASE: Yamang Tao Sa Asya". Learning Resource Management and

Development System, 2014. https://lrmds.deped.gov.ph/pdf-view/6013.

"SPPR 5 Seeking A Healthy Balance Population, Health, And Environment

Integration". Population Commission, 2012. https://popcom.gov.ph/state-of-

the-philippine-population-report/

“State of World Population 2018”. United Nations Fund for Population Activities

(UNFPA), 2018 https://popcom.gov.ph/wp-content/uploads/2019/06/State-

of-the-World-Population-2018.pdf

Page 32: Araling Panlipunan · Unang Markahan – Modyul 7: Yamang Tao sa Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education – Region III Learning Resource Management Section (LRMS) Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: [email protected]