5
GIBAGA, Cris Reven L. 2011-07266 CALLAO CAVE, PEÑABLANCA, CAGAYAN Ang Callao Cave ay kuweba na nasa Peñablanca Protected Landscape and Seascape at matatagpuan sa Barangays of Magdalo at Quibal ng bayan ng Peñablanca sa Cagayan (Figure 1, top left) (Peñablanca, 2012). Ito ay may coordinates na 17°42′11.74″N at 121°49′25.5″E at (Callao Cave, 2015) at may layong 24 kilometero hilagang-silangan ng Tuguegarao City at 580 kilometro hilaga ng Maynila (Peñablanca, 2012). Ito ay may taas na 85 metro at may pitong chambers sa loob, ang unang chamber ay ginawang chapel ng mga taga-roon. (Dalton, 2011). Ang Callao Cave ay matatagpuan sa Callao Limestone Formation na gawa sa mga calcarenites (Mijares, 2008). Unang nagsagawa ng survey sa Callao Cave noong 1973 sa pangunguna ni Reynaldo Flores ng National Museum upang makahanap ng paleolithic sites. Nagkaroon uli ng survey at exploration noong Nobyembre 1976 kung saan 35 kuweba at rock shelters ang na-accession (Tobias, 1999). Nagsagawa ng unang excavation sa lugar mula 1979 hanggang 1980 (Figure 1, middle left) sa pangunguna ni Maharlika Cuevas. Nakapaghukay sila ng 4x4 m parisukat na may lalim na 7.5 metro (Mijares, 2005). Dito nakakuha sila ng human bones, animal tooth, fish bone, shells and peanut and seed covers. Sa 53 teeth specimen, 47 dito ay sa tao, isa sa usa at dalawa sa unggoy. Ang edad ng mga ito ay recent period. Napagtanto na marahil ang kuweba ay ginamit na burial site o panirahan/habitational site (Tobias, 1999). Noong 2003, nagsagawa uli ng excavation sa Callao Cave (Figure 1, middle left) sa pangunguna ni Armand Salvador Mijares upang maimbestigahan ang paglipat ng mga taga-roon mula sa huntering at gathering noong Paleolithic patungo sa pagsasaka noong Mid-Late Holocene (Mijares, et al., 2010). Dalawang parisukat na magkadikit sa isa’t isa ang hinukay sa east wall ng bukana ng kuweba. Ang SQ1 ang nasa parisukat sa hilaga at SQ2 naman ang nasa timog. Ang mga cave deposits sa kuweba ay

Arki 1 Paper 1 Callao

Embed Size (px)

DESCRIPTION

archaeology

Citation preview

Page 1: Arki 1 Paper 1 Callao

GIBAGA, Cris Reven L. 2011-07266

CALLAO CAVE, PEÑABLANCA, CAGAYAN

Ang Callao Cave ay kuweba na nasa Peñablanca Protected Landscape and Seascape at

matatagpuan sa Barangays of Magdalo at Quibal ng bayan ng Peñablanca sa Cagayan (Figure 1, top left)

(Peñablanca, 2012). Ito ay may coordinates na 17°42′11.74″N at 121°49′25.5″E at (Callao Cave, 2015) at

may layong 24 kilometero hilagang-silangan ng Tuguegarao City at 580 kilometro hilaga ng Maynila

(Peñablanca, 2012). Ito ay may taas na 85 metro at may pitong chambers sa loob, ang unang chamber ay

ginawang chapel ng mga taga-roon. (Dalton, 2011). Ang Callao Cave ay matatagpuan sa Callao Limestone

Formation na gawa sa mga calcarenites (Mijares, 2008).

Unang nagsagawa ng survey sa Callao Cave noong 1973 sa pangunguna ni Reynaldo Flores ng

National Museum upang makahanap ng paleolithic sites. Nagkaroon uli ng survey at exploration noong

Nobyembre 1976 kung saan 35 kuweba at rock shelters ang na-accession (Tobias, 1999). Nagsagawa ng

unang excavation sa lugar mula 1979 hanggang 1980 (Figure 1, middle left) sa pangunguna ni Maharlika

Cuevas. Nakapaghukay sila ng 4x4 m parisukat na may lalim na 7.5 metro (Mijares, 2005). Dito nakakuha

sila ng human bones, animal tooth, fish bone, shells and peanut and seed covers. Sa 53 teeth specimen,

47 dito ay sa tao, isa sa usa at dalawa sa unggoy. Ang edad ng mga ito ay recent period. Napagtanto na

marahil ang kuweba ay ginamit na burial site o panirahan/habitational site (Tobias, 1999).

Noong 2003, nagsagawa uli ng excavation sa Callao Cave (Figure 1, middle left) sa pangunguna ni

Armand Salvador Mijares upang maimbestigahan ang paglipat ng mga taga-roon mula sa huntering at

gathering noong Paleolithic patungo sa pagsasaka noong Mid-Late Holocene (Mijares, et al., 2010).

Dalawang parisukat na magkadikit sa isa’t isa ang hinukay sa east wall ng bukana ng kuweba. Ang SQ1

ang nasa parisukat sa hilaga at SQ2 naman ang nasa timog. Ang mga cave deposits sa kuweba ay

Page 2: Arki 1 Paper 1 Callao

“undulating” kaya tinanggal ito sa ganitong sequence (Mijares, 2005). Ang upper cultural layer ay Neolithic

deposit at mayroong Chinese glass beads, shell beads, clay lingling-o earrings, brown, red-slipped and

black earthenware sherds, chert and andesite flake tools, human bones and teeth, bat bones at snails

shells. May nahukay din na clay spindle whorl na sinasabi na ginamit sa mga wild ramie na nasa kuweba.

Nakakita din ng 4 na deer teeth, isang wild boar tusk at 9 na pig teeth at na-date ang layers na ito na 3335

± uncal. BP gamit ang accelarated mass spectrometry (AMS) radiocarbon date. Walang nakuhang cultural

materials sa layer na may kapal na 40 cm na syang naghihiwalay sa upper at lower cultural layers. Ang

lower cultural layer ay may lalim na 130 cm at nakakuha dito ng burnt hearth and animal bones at mga

chert flake tool (Figure 1, middle right). Na-date ito na 25,968 +/– 373 uncal. BP gamit ang AMS

radiocarbon date (Mijares, 2005; Mijares, 2008). Napagtanto na hindi nagbago ang technology ng paggawa

ng flake tools sa buong sequence dahil hindi nagbago ang itsura nito; noong 3,500 taon ng nakakaraan,

nag-coexist ang hunter-gatherers sa agricultural population ng Cagayan Valley (Mijares, 2008) at ito ang

oldest human occupation maliban sa Palawan (Mijares, et al., 2010).

Upang higit pang maimbestigahan, nagpatuloy ang excavation sa Callao Cave noong 2007 sa

pagtutulungan ng UP-Archaeological Studies Program, National Museum of the Philippines at Australian

National University sa pangunguna muli ni Armand Salvador Mijares (Figure 1,middle right). Napagpatuloy

ang pahuhukay sa lalim na 130 cm (kung saan natapos ang 2003 excavation). Lumiit ang sukat ng

paghuhukay, naging 2x2m sa SQ1 at 2x1 sa northern portion ng SQ2 (Figure 1, bottom left). Sa lalim na

160 cm mas lumiit ito, tanging ang southern portion ng SQ1 at northern portion ng SQ2 ang hinukay

(Mijares, et al., 2010). Sa pagitan ng lalim na 160 cm at 250 cm, kakaunti lang ang nakita, tanging flake

tools, chert core at deer bones sa layer 11 at deer bones tulad ng scapula at antler bones tulad ng humerus

ang sa layer 12. Mas dumami pa ang buto at ngipin ng usa na nakita layer 13 (255-265 cm ang lalim) at sa

layer 14 (na may lalim na 270-295 cm), nakita ang isang carbonized breccia na mayroong maraming

Page 3: Arki 1 Paper 1 Callao

animal bone kabilang na ang native brown deer at warty pig. Dito nakuha ang kanang ikatlong metatarsal

(MT3) ng isang homonin na ngayon ay tinatawag na Callao Man (Figure 1, bottom right). Sa kabuuan,

mayroong nahukay na 807 bone fragments ng late Pleistocene vertebrate. Ang Callao specimen ay may

National Museum of the Philippines accession number II-77-J3-7691. Basag sa dalawa ang metatarsal at

nakahiwalay ang distal head (Mijares, et al., 2010). Gamit ang laser ablation U-series, nalaman ang edad

nito na 66,700 ± 1000 BP, mas matanda pa sa Tabon Man kaya ito na ang oldest human fossil sa Pilipinas

(Mijares, et al., 2010; Pawlik, 2011). Ayon sa morphological size and range sa metatarsal na ito, maari na

ang Callao Man ay small-bodied Homo sapiens (tulad ng mga Negrito ngayon), Homo habilis o Homo

floresiensis. (Mijares, et al., 2010). Ito ang kauna-unahang Homo na nakita sa Silangan ng Wallace’s Line,

at ang paninirahan ng Callao Man sa Luzon (na hiwalay dati sa Sundaland ng dagat) noong 65,000 years

ago ay patunay na nakakatawid ang mga tao sa dagat noong Late Pleistocene (Mijares, et al., 2010). Ayon

sa website ng UP-ASP, ngayong taon, magsasagawa muli ng excavation sa Callao Cave sa pangunguna

pa rin ni Armand Salvador Mijares mula sa suporta ng Leakey Foundation Research Grant.

Puno nga ng sorpresa ang loob ng Callao Cave. Sana, sa paghuhukay ngayong taon ay makita na

ang skull at iba pang buto ng Callao Man na siyang makakatulong malaman kung ano bang Homo ito

kabilang. Marahil ay mainam na ituloy na lamang ang hukay sa SQ1 at SQ2 at mas palakihin na lang yung

hukay noong 2007. Kung dumaan man sila sa Palawan, baka may makita ding human remains na ganito

katanda dito. Naisip ko din, may posibilidad kaya na sa China sila galing at hindi sa Sundaland? Maaari

kaya na di talaga sila tumawid at napadpad lang sila nang tangayin ng malakas na alon dahil may bagyo?

Nakakatuwa dahil isang Pilipino ang nakakita sa Callao Man at hindi dayuhan. Nakakatuwa din dahil noon

pa man, matatalino at maparaan na ang mga unang Pilipino sa pag-isip kung paano makakatawid ng

dagat. Makakatulong ito sa nasyonalismo natin. Dapat mas suportahan ng pamahalaan ang research sa

Callao Cave at ang arkiyoloji sa Pilipinas upang mas makilala pa natin ang nakaraan ng mga Pilipino.

Page 4: Arki 1 Paper 1 Callao

References:

Researchers discover fossil of human older than Tabon Man. (2010, August 10). Retrieved April 3, 2015,

from GMA News Online: http://www.gmanetwork.com/news/story/197541/news/nation/researchers-

discover-fossil-of-human-older-than-tabon-man

Peñablanca. (2012). Retrieved April 3, 2015, from Official Website of the Provincial Government of

Cagayan: http://www.cagayan.gov.ph/index.php/about-cagayan-home/10-city-and-towns/53-

penablanca

Callao Cave. (2015, February 2015). Retrieved April 3, 2015, from Wikipedia:

http://en.wikipedia.org/wiki/Callao_Cave

Dalton, D. (2011). The Rough Guide to the Philippines. Rough Guides .

Mijares, A. S. (2005). The archaeology of Peñablanca Cave sites, northern Luzon, Philippines. Journal of

Austronesian Studies, 65-93.

Mijares, A. S. (2007). The Late Pleistocene to Early Holocene Foragers of Northern Luzon. Bulletin of the

Indo-Pacific Prehistoric Association, 99-107.

Mijares, A. S. (2008). The Peñablanca flake tools: an unchanging technology? Hukay. Journal of the

University of the Philippines Archaeological Studies Program, 13-34.

Mijares, A. S., Detroit, F., Philip, P., Grun, R., Bellwood, P., Aubert, M., et al. (2010). New evidence for a

67,000-year old human presence at Callao Cave, Luzon, Philippines. Journal of Human Evolution,

123-132.

Pawlik, A. (2011). Have we overlooked something? Hafting traces and indications of modern traits in the

Philippine Palaeolithic. Bulletin of the Indo-Pacific Prehistory Association, 35-53.

Tobias, C. (1999). Archaeological History of Cagayan Province. Hukay. Journal of the University of the

Philippines Archaeological Studies Program.

Page 5: Arki 1 Paper 1 Callao

Figure 1. Top left: The Location of Callao Cave. Top right: Callao Cave, Peñablanca. Entrance hall with excavation area and the Peñablanca formation. Middle left: Location of 1979 and 2003 excavation. Middle right: Flake artefacts from Callao Cave, Peñablanca; Armand Mijares stands in excavation site in Callao Cave. Bottom left: Stratigraphic profile of Square 2, Callao Cave. Layer 14 is the breccia that contained the Callao MT3. Bottom right: The Callao right metatarsal III (II-77-J3-7691).