5
I. Pamagat: Sugal ng Pag-ibig ni Rustica Carpio II.Tauhan: 1. Lian Cruz - Isang ina na inabuso ng kanyang asawa. Araw-araw siyang nagtitiis sa pananakit at pang-aalipin nito. 2. Lito Cruz - Asawa ni Lian-Chiao. Isa siyang batugan at sugarol na asawa. 3. Shalan - Ang bunsong anak ni Lian-Chiao na tatlong taong gulang 4. Anjo - Panganay na anak ni Lian-Chiao na may tatlo o apat na taong tanda niya kay Siao-lan. III. Tagpuan. Sa bahay nila Lian Cruz. IV.Banghay: Ang maputing ulap sa maaliwalas na langit ay matingkad na nakukulayan, parang bahaghari. Mabilis na papunta sa kanluran ang lumulubog na araw. Dahil tapos nang magalaba, mabagal na tumayo si Lian sa tabi ng balon. Sandali siyang napapikit nang maramdamang tila may mga bituing lumilipad sa harap niya, gustong mawala ang mga bituing nakahihilo. Si Shalan, ang anak niyang babae na tatlong taong gulang ay hubad na nakaupo sa tabi ng palanggana at naglalaro ng tubig. At si Anjo naman na mas matanda ng tatlo o apat na taon kay Shalan ang siyang tumutulong sa mga gawaing bahay. Habang tinutulungan ni Anjo ang kanyang ina, naitanong niya kung luto na ba ang kanilang hapunan. Nakapukaw kay Lian ang huling sinabi niyon. Bigla siyang kinabahan. Kahit mayroon pang kaning lamig na natira sa pananghalian, lulutuin pa ang mga gulay. Kapag walang nakain, pag-uwi ang asawa niyang sugarol, tiyak na may mangyayari. Abala si Lian sa pagluluto nang dumating ang kanyang asawang si Lito. Si Lito na walang alam kundi humilata sa kama sa kuta ng opyo at magmadyong araw-araw sa kapitbahay. Sa tono ng pananalita ni Lito alam ni Lian na mainit nanaman ang ulo ng kanyang asawa dahil sa pagkatalo

Book Report Sa Filipino

Embed Size (px)

DESCRIPTION

book report

Citation preview

Page 1: Book Report Sa Filipino

I. Pamagat: Sugal ng Pag-ibig ni Rustica CarpioII. Tauhan:

1. Lian Cruz - Isang ina na inabuso ng kanyang asawa. Araw-araw siyang nagtitiis sa

pananakit at pang-aalipin nito.2. Lito Cruz

- Asawa ni Lian-Chiao. Isa siyang batugan at sugarol na asawa.3. Shalan

- Ang bunsong anak ni Lian-Chiao na tatlong taong gulang4. Anjo

- Panganay na anak ni Lian-Chiao na may tatlo o apat na taong tanda niya kay Siao-lan.

III. Tagpuan. Sa bahay nila Lian Cruz.IV. Banghay:

Ang maputing ulap sa maaliwalas na langit ay matingkad na nakukulayan, parang bahaghari. Mabilis na papunta sa kanluran ang lumulubog na araw. Dahil tapos nang magalaba, mabagal na tumayo si Lian sa tabi ng balon. Sandali siyang napapikit nang maramdamang tila may mga bituing lumilipad sa harap niya, gustong mawala ang mga bituing nakahihilo. Si Shalan, ang anak niyang babae na tatlong taong gulang ay hubad na nakaupo sa tabi ng palanggana at naglalaro ng tubig. At si Anjo naman na mas matanda ng tatlo o apat na taon kay Shalan ang siyang tumutulong sa mga gawaing bahay.

Habang tinutulungan ni Anjo ang kanyang ina, naitanong niya kung luto na ba ang kanilang hapunan. Nakapukaw kay Lian ang huling sinabi niyon. Bigla siyang kinabahan. Kahit mayroon pang kaning lamig na natira sa pananghalian, lulutuin pa ang mga gulay. Kapag walang nakain, pag-uwi ang asawa niyang sugarol, tiyak na may mangyayari. Abala si Lian sa pagluluto nang dumating ang kanyang asawang si Lito. Si Lito na walang alam kundi humilata sa kama sa kuta ng opyo at magmadyong araw-araw sa kapitbahay. Sa tono ng pananalita ni Lito alam ni Lian na mainit nanaman ang ulo ng kanyang asawa dahil sa pagkatalo nito sa sugal. Pagkatapos kumain ni Lito ay humingi ng pera si Lian para sa mga meteryales na gagamitin niya sa panganganak. Sa halip na bigyan siya ng kanyang ay umalis ito at nagtungo nanaman sa kapitbahay upang magsugal ulit. Walang magawa si Lian kundi tahimik na pagtiisan ang hindi makatwiran at kung minsan ay malupit na pakikitungo nito sa kanya.

Malalim na ang gabi nang biglang sumakit ang tiyan ni Lian. Kahit na malakas ang hangin, pinilit ni Lian na lumabas ng bahay at magtungo sa kapitbahay upang puntahan ang sugarol niyang asawa. Nang marating na ni Lian ang lugar ng sugalan, kahit na nakita na siya ng kanyang asawa, wala pa rin itong pakialam sa kanya. Sunod-sunod kasi ang panalo ni Lito sa sugal. Kung hindi pa pinilit ng may bahay si Lito na tulungan ang kanyang asawa, ipagpapatuloy pa niya ang kanyang paglalaro ng sugal.

Umiyak ang mga anak ni Lian ng malaman na dadalhin siya sa hospital. Malamig na kumislap ang mga bituin sa langit. Malakas ang ihip ng hangin. Isang munting ilaw ang mabagal na kumikilos sa daan. Si Anjo, pangko sa likod ang umiiyak at inaantok na kapatid, mabagal at atubiling naglalakad patungo sa kanilang luma at hungkag na bahay…

Page 2: Book Report Sa Filipino

Nakarating si Lian sa ospital, bitbit ni Anjo ang mga gamit. Hindi nila kasama si Lito dahil sa inis nito ng awatin siyang magsugal. Binigyan lamang ng kauting pera si Lian ni Lito, mabait ang doktor na nagpa-anak sa kanya kaya nakaraos din siya sa panganganak. Kinabukasan ay umuwi na si Lian at Anjo at nakita nila na galit na galit si Lito dahil hindi makapag-sugal. Umalis kaagad si Lito sa bahay ng makita sila na dumating na. Hindi man lang pinansin ang bago nilang baby. Habang naglalakad ay nahagip ng sasakyan si Lito, malalala ang tama kaya sinugod siya sa ospital. Sinisi ni Lito si Lian sa nangyari. Mabuti na lang at mabait ang nakasagasa kay Lito at sinagot lahat ng gastos ni Lito. Lalong naging malupit si Lito sa kanyang asawa, pati na ang mga anak niya ay napapabayaan niya. Isang araw, nahuli at nakulong si Lito dahil sa laki ng utang niyang natalo sa sugal at nahulihan din siya na gumagamit ng bawal na gamot. Huli na ang pagsisisi ni Lito humingi siya ng tawad sa kanyang mga anak at kay Lian. Matagal siyang makukulong at hiniwalayan na din siya ni Lian dahil sa labis na pabaya niya at pananakit din sa kanya. Umuwi ng probinsiya sia Lian kasama ang mga anak at doon nag bagong buhay.

V. Kasukdulan :

Habang namamahinga si Lian-Chao. Biglang naramadaman niya ang pagsakit ng kanyang mga tiyan. Ito ang hudyat na manganganak na siya. Sa kadahilanang wala ang kanyang asawa, nagpumilit siyang bumangon dala-dala ang gasera para puntahan ang kanyang asawa sa sugalan. Walang buwan nang gabing iyon. Kaya naman naapakadilim ng daan lalo na nung namatay ang kanyang gasera. Narating din sa wakas ni Lian ang sugalan. Pagkapasok niya, hindi man lang nag-alala ang kanyang asawa kundi nag-iinis pa ito sa kanya dahil istorbo daw siya sa pagsusugal niya. Ngunit wala ring nagawa si Lito nang pilitin siya ng may bahay na tulungan niya ang asawa niya.

VI. Kakalasan Bagama’t hindi na gaanong humihilab ang tiyan niya, balisa si Lian. Bigla siyang nakakita

ng ilaw na mabilis na papalapit sa dako nila. Bahagyang kumislap ang munting ilaw, dahil marahil sa hangin. Habang papalapit iyon, ay nakita niya si Anjo pangku-pangko ang nakababatang kapatid. Kapwa sila umiiyak at namumula na ang kanilang mga mata. Nang malaman ni Anjo na dadalhin ang kanilang ina sa ospital. Lalo siyang nalungkot at luhaan ang kanyang mga mata. At sa isang tahimik na gabi, si Anjo, pangko sa likod ang umiiyak at inaantok na kapatid, mabagal at atubiling naglalakad patungo sa kanilang luma at hungkag na bahay.

VII. SuliraninAng pagwawalambahala ni Lian sa kalupitan ng kanyang asawa o sa pang-aabuso nito.

Hindi naman dapat siya aabot sa ganitong kundisyon, kung ipinaglaban niya ang kanyang karapatan. Hindi rin namam natin masasabi na ang suliranin ay ang pang-aabuso ni Lito dahil alam naman nating walang mang-aabuso kung walang magpapaabuso.

Page 3: Book Report Sa Filipino

IV. Simbolismo: Para sa akin ang larong mahjong ang sumisimbolo sa akdang ito. Dahil sa larong ito, dito

nakabatay kung anu ang magiging kondisyon ni Lito na nakakaapekto naman sa kanyang pamilya. Kung mamalasin siya sa larong ito. Ang galit at inis niya ay ibubunton niya sa kanyang asawa. Ang pinakamasa pa’y dahil dito namumuhay sila tahanang pinamumunuan ng isang sugarol.

Page 4: Book Report Sa Filipino

Ipapasa ni:Ipapasa kay:

Mikee Charlene M. Suede. Ms. Tabinas.