2
JudithD.Matienzo Nobyembre 18,2010 Kursong Rizal Bulag na Pagdakila Ang akdang Bulag na Pagdakila ay isinulat ni Renato Constantino na isang mananalaysay, nagsulat siya ng mgaakda tungkol sa impluwensya ng mga Kastila sa ating kultura. Karagdagan pa rito, tinutuligsa niya ang katotohanang si Rizal angdapat na maging Pambansang Bayani. Tumanggi si Rizal na pumanig sa mga pwersang mapanghimagsik at matindi niyang kinondena ang mga kilusan ng masa pati na rin ang mga lider nito.Ipinagpasiyang tangkilikin si Rizal sa pamamagitan ng pagpapatibay ng mga sumusunod na batas sa Philippine Commission: 1.Batas Blg. 137 – bumubuo sa distritong politico-militar ng Morong na tinawag na lalawigan ng Rizal. 2. Batas Blg. 243 –nagpahintulot ng isang pambayang abuloy para sa pagtatayo ng isang bantayog bilang parangal kay Rizal sa Luneta. 3. Batas Blg. 345 – nagtakdang ang anibersaryo ng kanyang kamatayan ay araw ngpagdiriwang. Hindi kailanman nagtaguyod ng Kasarinlan si Rizal, sa halip ay humingi ng reporma sa pamamagitan ng publisidad, ng edukasyon, at panawagan sa konsensya ng bayan. Karagdagan pa rito ay tinangkilik

Bulag na Pagdakila

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Bulag na Pagdakila

JudithD.Matienzo Nobyembre 18,2010

Kursong Rizal

Bulag na Pagdakila

Ang akdang Bulag na Pagdakila ay isinulat ni Renato Constantino na isang mananalaysay, nagsulat siya ng mgaakda tungkol sa impluwensya ng mga Kastila sa ating kultura. Karagdagan pa rito, tinutuligsa niya ang katotohanang si Rizal angdapat na maging Pambansang Bayani.

Tumanggi si Rizal na pumanig sa mga pwersang mapanghimagsik at matindi niyang kinondena ang mga kilusan ng masa pati na rin ang mga lider nito.Ipinagpasiyang tangkilikin si Rizal sa pamamagitan ng pagpapatibay ng mga sumusunod na batas sa Philippine Commission:

1.Batas Blg. 137 – bumubuo sa distritong politico-militar ng Morong na tinawag na lalawigan ng Rizal.

2. Batas Blg. 243 –nagpahintulot ng isang pambayang abuloy para sa pagtatayo ng isang bantayog bilang parangal kay Rizal sa Luneta.

3. Batas Blg. 345 – nagtakdang ang anibersaryo ng kanyang kamatayan ay araw ngpagdiriwang.

Hindi kailanman nagtaguyod ng Kasarinlan si Rizal, sa halip ay humingi ng reporma sa pamamagitan ng publisidad, ng edukasyon, at panawagan sa konsensya ng bayan. Karagdagan pa rito ay tinangkilik siya ng mga Amerikano bilang pambansang Bayani sapagkat hindi siya kumontra sa mga patakarang kolonyal ng Estados Unidos.

Para sa akin, hindi naman tama na bulag an gating pagdakila. Kaya siguro ito nasabi niRenato Constantino ay dahil sa iba ang paraan na naiisip nila para sa pagkamit ng kasarinlan ng bansang Pilipinas. Ngunit ano ba talaga ang pinakamabisang paraan upang makamtan ito na hindi inilalagay ang buhay ng mga Pilipino sa alanganin? Wala nang hihigit sa ginawang paraan ni Rizal-ang pagsulat. Dahil dito, naniniwala ako na hindi palaging emosyon ang dapat pairalin sa paghahangad ng kalayaan. Dapat ay mag-isip pa rin tayo.