38
Care of Common Childhood Diseases

Care of Common Childhood Diseases Auto Saved]

Embed Size (px)

Citation preview

Neonatal TetanusAng Neonatal Tetanus ay isang

nakamamatay na sakit ng mga sanggol. Ito ay sanhi ng mikrobyong Clostridium Tetani na matatagpuan sa lupa at dumi ng mga tao at hayop.Para sa mga bagong silang na

sanggol ang mga mikrobyong ito ay maaring pumasok sa umbilical cord partikular na sa mga sumusunod: 1. Kapag ang ginamit na instrumento sa pagputol ng umbilical cord ay hindi pinakuluuan o kaya naman ay hindi napanatiling malinis 2. Kapag ang cord ay hindi pinutol na malapit sa katawan ng sanggol 3. Kapag hindi napanatiling malinis at tuyo ang bagong putol na cord 4. Kapag ang cord ay nabahiran ng abo, powder at iba pang dumi.

Mga Palatandaan at SintomasAng unang sign ng tetanus sa bagong

anak na sanggol ay kadalasang lumalabas tatlong araw pagkatapos lumabas ang sanggol.Ang sanggol ay iyak ng iyak at

nahihirapan sa pagsuso tatlong hanggang limang araw pagkatapos ng unang dalawang araw ng maganang pagsuso ng gatas.Madumi at may impeksyon ang

umbilical cord ng sanggol; at pagkalipas ng ilaw araw ay nagkakameron na ito ng lockjawAng pagkirot/twitch ng facial muscles. Convulsion

Mga Dapat GawinPagnakita na ang mga simptomas ng sakit ay

agad na tumungo sa pinakamalapit na doktor, health center o hospitalTuwing magbubuntis, ang mga nanay ay dapat

na magpabakuna panlaban sa tetanus dahil ang pagpapabakuna ang pinakaepektibong paraan upang maiwasan ang sakit na ito.Siguraduhing malinis ang gagamiting

pangputol ng umbilical cord.Panatilihin malinis at tuyo ang umbilical cord

ng sanggol.

Primary Complex(Childhood Tuberculosis)Ang TB ay isang impeksyong

sanhi ng bakteryang Mycobacterium tuberculosis. Sa baga karaniwan ang sakit na ito pero pwede ring maapektuhan ang ibang bahagi ng katawan.Dura ang karaniwang

pinagmumulan ng mikrobyo ng TB na lumulutang sa hangin. May mga taong nagkaka-TB kapag nakalalanghap ng mga mikrobyong ito. Mayroon namang hindi. Sa ilang tao, ang mga mikrobyo ay nananatili muna nang matagal sa mga baga bago dumami ang mga ito. Ang may mahinang pangangatawan dahil sa kakulangan ng sustansya, dahil sa katandaan o sakit na gaya ng AIDS ay mas madaling nagkaka-TB.

Mga Palatandaan at SintomasAng bata ay palaging pagod at

walang ganang kumain o maglaro. Masakit ang ulo Nilalaganat o may sinat sa hapon May malalang ubo Habang ang TB ay lumalala ito ay kumakalat sa ibat ibang bahagi ng katawan:Lumps sa leeg at sa kilikili na

nagdudulot ng pagsugat o ulcer Nagkakaroon ang bata ng malalang pneumonia Bones and joints Ang hips at tuhod ay namamaga na nagdudulot ng pagkapilay.

Mga Dapat GawinPabakunahan ang mga bata ng

BCG vaccine, isa pagkalabas ng sinapupunan at isa pa kapag 7 taong gulang na ito.Umiwas sa mga TB patients Panatilihing malinis ang paligid

ng tahananPakainin ang inyong anak ng

masusustansyang pagkain.Siguraduhing balanse ang diet ng

mga anak.

DiptheriaAng dipterya ay isang

nakakahawang sakit na may matinding pamamaga ng lalamunan.Sanhi ito ng bakteryang

Corynebacterium diphtheriaeNakakahawa ito sa pamamagitan

ng direct physical contact at sa pag langhap ng hininga ng mga may sakit nito.

Mga Palatandaan at SintomasIto ay nagsisimula sa pagkakaroon

ng siponMataas na Lagnat, pagsakit ng

ulo, at sore throatPamamaga ng leeg Mabaho ang hininga Walang ganang kumain o maglaro Madaling mapagod Nahihirapang sa paghinga Matinding ubo Maari ito kumalat sa puso at

magdulot ng heart failure

Mga Dapat GawinMagpabakuna ng DPT Iwasan ang mga lugar na

maraming taoIlayo ang mga anak sa mga batang

may sakit na ito at huwag ipagamit ang mga gamit nito sa inyong anak

Whooping cough (Pertussis)Ang nagdudulot ng sakit na ito ay ang bakteryang bordatella pertussis Ang karaniwang Target ng sakit na ito ay ang respiratory system. Ang ubo nito ay lumalabas 1-2 linggo matapos maexpose Ang sakit na ito ay tumatagal ng 1-3 buwan Itong sakit na ito ay nakamamatay sa mga sanggol na wala pang isang buwan. Maiiwasan ito sa pagpapabakuna ng DPT

Mga Palatandaan at SintomasMatinding Ubo Malubha pagkatapos ng 2 linggo Pagsusuka matapos umubo Dahil sa kadalasan at kalubahan

ng ubo ang mga mata ay namumula Habang ang lalamunan naman ay pwedeng dumugo Ang mga kuko at labi ng bata ay maaring maging kulay asul dahil sa kakulangan ng oxygen at dahil narin sa nahihirapan itong huminga

Mga Dapat GawinMagpabakuna ng DPT Kumunsulta sa Doktor Iwasan ang matataong Lugar Huwag ipagamit sa bata ang mga

gamit ng may sakit na pertussis dahil nakakahawa ang mga ito.

TetanusIto ay sanhi ng mikrobyong Clostridium Tetani na matatagpuan sa lupa at dumi ng mga tao at hayop. Nagkakaroon tayo nito kung tayo ay nasugatan dahil dito pumapasok ang mga mikrobyong ito. Ang mga sumusunod ay ilang mga halimbawa:1. 2. 3. 4. 5.

Kagat ng hayop tulad ng mga aso at pusa Nabaril at nasaksak Mga sugat na sanhi ng maduduming karayom Sugat mula sa barbed wire Malalim na sugat na sanhi ng ibat ibang bagay tulad ng mga tinik ng halam at pako.

Mga Palatandaan at SintomasSugat na may impeksyon (maaring

nakikita o hindi nakikita)Hirap sa paglunok ng pagkain Pagtigas ng panga (lockjaw) Pagkirot ng mga facial muscles Convulsion

Mga Dapat GawinSiguraduhin kumpleto ng 3 dose

ng DPT vaccine ang inyong mga anak.Kapag nagkaroon ng sugat ang

bata linisin itong mabuti.Gumamit ng maligamgam na

tubig at sabon sa paglinis nitoKumunsulta sa Doktor

PolioIto ay sanhi ng virus (poliovirus) Mga bata 2 taong gulang pababa

ang target ng sakit na ito.Nagdudulot ito ng paralysis,

kadalasan sa mga binti at paa.Lumiliit ang mga paralisadong

bahagi ng katawan.Maari din maparalisa ang itaas na

bahagi ng katawan.Kapag nag set-in na ang virus wala

ng lunas ang paralysis na idudulot nito.

Mga Palatandaan at SintomasUnang signs: Sipon, pagsusuka at

kaunting lagnatPagsakit ng ulo, lagnat, ubo at

kaunting sipon.Panghihina at pagkaparalisa ng

mga muscles. Ito ay maaring lumabas 1 hanggang 7 araw pagkatapos ng lagnat habang wala na ang ibang symtoms nito.Pagkabalisa/Restlessness

Mga Dapat GawinDalhin agad ang bata sa

pinakamalapit na hospitalDahil walang ibang lunas ang

sakit na ito; ang pagpapabakuna ay mahalaga.

Measles (rubeola)Ito ay sanhi ng paramyxo virus Ito ay impeksyon ng respiratory

system Delikado/Malubha ang sakit na ito para sa mga batang undernourished o kaya naman ay mayroong Tuberculosis Maaring makahawa ito sa pamamagitan ng paglanghan ng mga mikrobyo nito. Malubhang nakakawa ang sakit na ito sapagkat 90% ng mga taong walang immunity na nasa paligid ng batang may sakit ay maaring magkaroon nito.

Mga Palatandaan at Sintomas10 araw matapos ang

exposure/contact sa mga taong may sakit na ito, ang bata ay nagkakaroon ng lagnat, mapulang sore eyes at ubo. Ang lagnat ay lumalala. Magkakaroon ng sore sa bibig Diarrhea Magkakaroon ng maliliit na spots sa bibig makalipas ang 2-3 araw. 1-2 ang makalipas magkakaroon ng pulang spots sa hariline sa lowereyelids, sa ilong, palibot ng tenga, tapos buong katawan. Matapos magkarash ang buong katawan nawawala ang lagnat. Nagiging dark o mapula ang balat tapos magiging brown at makaliskis.

Mga Dapat GawinMaiiwasan ito sa pamamagitan ng pagpapabakuna MMR ibinibigay ito sa pagitan ng 9 hanggang 12 na buwan ang edad ng bata. Papahingahin ang bata. Upang maprotectahan ang mga mata sa pagkabulag gamitin ang eye drop na niriseta ng doctor upang maiwasan ang komplikasyon. Painumin ng maraming fluids ang bata (tubit at juice) Bigyan ng spongebath ang bata Apply herbal medicine o kaya gamot para sa lagnat ang bata Para sa ubo steam inhalation at painumin ng maraming tubig. Kung ang may sakit ay sanggol ipagpatuloy ang pagpapasuso Ihiwalay ang batang may sakit hanggat sa maging brown ang mga rash at magsimulan matanggal.

Rubella (German Measles)Ay sakit na dulot ng rubella virus Ay isang acute childhood

infection, kadalasan ay mild lamang at may kasamang kaunting lagnat, pamamaga ng mga lymph nodes at maculopapular rash. Ang pagkakaroon nito habang nagbubuntis ay maaring magdulot ng congenital defects sa sanggol. Ito ay tinatawag din na 3-day measles Ang Rubella can nakakaapekto sa kahit na sino man at ito ay isang mild na sakit lamang. Bihira sa mga sanggol at sa mga taong edad 40 pataas. Kapag masmatanda ang tao masmalala ang mga sintomas nito.

Mga Palatandaan at SintomasNagdadala ng mga sintomas

katulad sa flu o trangkaso Pangunahing symptom nito ay ang paglabas ng mga rash sa mukha at kumakalat sa buong katawan at nawawala din sa loob ng tatlong araw Pamamaga ng lymph nodes Conjunctivitis Pananakit ng ulo Ang Rubella can affect anyone of any age and is generally a mild disease Rare in infants or those over the age of 40. The older the person is the more severe the symptoms are likely to be

Mga Dapat GawinMaiiwasan ito sa pamamagitan ng

pagpapabakuna MMR ibinibigay ito sa pagitan ng 9 hanggang 12 na buwan ang edad ng bata.Kumunsulta sa Doktor

MumpsIto ay idinudulot ng mumps virus Mga Komplikasyon: 1.

2.

Ang mumps sa mga kalalakihan binata man o matanda ay minsan nagdudulot ng pamamaga ng testicles at ito ay nagdudulot ng pagkabaog. Ito din ay nagdudulot ng encephalitis o ang pamamaga ng utak na kung saa y nagdudulot ng pananakit ng ulo, paninikip/paninigas ng leeg, pagsusuka, lagnat convulsion, at pagkawala ng malay.

Mga Palatandaan at SintomasAng unang sintomas ay lumalabas 2-3 linggo matapos maexpose sa sakit, ito ay ang mga sumusunod:Lagnat Masakit na pagnguya o kung

bubuksan ang bibig. May malambot na pamamaga sa ilalim ng tenga malapit sa panga Panghihina ng katawan Nawawala ang pamamaga 1 linngo hanggang 10 araw kahit walang gamutan.

Mga Dapat GawinIhiwalay ang may sakit na bata. Gumamit ng hot/cold compress

upang mabawasan ang pananakit Pakainin ang bata ng malalambot at madaling idigest/tunawin na pagkain, bigyan ng madaming fluids (juice at tubig) Panatilihing malinis ang bibig sa pamamagitan ng pag-toothbrush matapos kumain. Bigyan ng herbal na gamot o gamot para sa lagnat kung meroon ito. Kumunsulta sa Doktor

InfluenzaAng influenza ay dala ng virus na

nagdudulot ng pagbaba ng resistensya ng ating katawan sa mga bakterya.Ang isang taong hindi malusog o

malnourished o kaya naman ay may tuberculosis ay mayroong mataas na probabilidad na magkaroon nito kumpara sa malulusog na tao.Ang virus na ito ay kumakalat sa

pamamagitan ng hangin.

Mga Palatandaan at SintomasPanlalamig Lagnat at pananakit ng ulo Ubo at sore throat Pananakit ng mga kalamnan at

kasu-kasuanPanghihina ng katawan Pagkawala ng gana kumain

Mga Dapat GawinI-isolate ang may sakit Papahingahin ang batang may

sakitBigyan ng spongebath at gamot sa

lagnat Bigyan ng balanseng DietPainumin ng madaming tubig

para sa ubo at siponMagpabakuna Kumunsulta sa doktor kung ang

lagnat ay nanatili ng isang linggo o mahigit pa.

Dengue H-Feverisang febrile disease na madalas sa mga bansang may tropical na klima, ito ay isang malubha at sakit na idinudulot ng flavirus/dengue virus.Ang dengue virus ay dala ng mga Dengue Hemorrhagic fever ay

babaeng Aedes Aegypti okaya naman nang i9Aedes Albopictus mosquito, na nangangat kadalasan tuwing umaga at ito ay kadalasang namamahay sa madidilim na lugar.Ang mga lamok na ito ay

nangingitlog sa malinaw na tubig na maaring naimbak nang hindi sinasadya sa ating mga basyong, bote, hindi ginagamit na timba, drum, banga, bao sa ating bakuran..

Mga palatandaan at SintomasMataas at tuloy-tuloy na lagnat na

tumatagal ng 2-7 arawPamumutla ng balat sanhi ng

mataas na lagnatPagdurugo ng ilong o gilagid Walang ganang kumain Pagkahilo at Pagsusuka Pananakit ng mga kalamnan at

kasu-kasuan

Mga Dapat Gawin:Sundin ang 4S 1. Search and Destroy: Palitan ang tubig sa plorera minsan sa isang linggo Linisan ang alulod ng bubong ng bahay Linisan ang loob at labas ng timba at iba pang ipunan ng tubig Siguraduhing Walang Natitirang tubig ang ilalim ng paminggalan at refrigerator Takpan ang lahat ng Drum at iba pang Ipunan ng Tubig 2. Seek Immediate Consultation Kapag dalwang araw nang nilalagnat, agad na kumunsulta sa doktor 3. Say NO to indiscriminate fogging Mag-fogging lamang kung may dengue outbreak sapagkat ito ay nagdudulot ng komplikasyon sa respiratory system 4. Self Protection Measures Magsuot ng long-sleeved shirts at pantalon Gumamit ng insect repellant

Diarrhea and DehydrationAng diarrhea (pagtatae) ay madalas na pagdumi, pagdami ng dumi, o pagiging matubig ng dumi. Ito ay madalas maging problema ng mga may HIV/AIDS na sanhi ng iba t-ibang dahilan tulad ng inpeksyon dulot ng mga germs, malnutrition, bulate at mga parasite na kadalasan ay nagmumula sa dumi, basura, maduming kamay, tubig at kagamitan na ginagamit sa pag-gawa at pagkain ng pagkain. Kung hindi mawala ang pagtatae pagkaraan ng ilang araw, maaaring maging sanhi ito ng mas malubhang mga problema. Ang pinakamalubhang komplikasyon ng pagtatae ay ang panunuyo ng katawan (dehydration) na dahilan ng pagkaubos ng tubig at ng mga importanteng mineral na kailangan sa maayos na pagtakbo ng katawan (tulad ng sodium at potassium).

Mga Palatandaan at Sintomas ng DehydrationLubog na bunbunan Walang luha, lubog na mga mata Tuyo ang bibig at labi Mabilis ngunit mahina ang pulso Pagkawala ng elastisidad ng balat Biglaang pababawas ng timbang

Kaunti o walang ihi, ang kulay ng ihi ay dark-yellow

Mga Dapat GawinPigilan ang dehydration sa pamamagitan ng: 1.

2.

3. 4.

5.

6. 7.

Umpisahan kaagad ang rehydration sa pamamagitan ng pagpapasuso, o pagpainom ng malinis na tubig at iba pang liquids. Bigyan ng ORESOL, ito ay isang solution na nagpapalit sa mga nawalang fluids at nutrisyon. Drink only clean water Bigyan ng mashed o madaling tunawing pagkain ang bata tulad ng saging, itlog at manok. Huwag hayaang gapangan ng mga ipis, daga, langaw atbp. Ang inyong pagkain. Kumain ng masusustansyang pagkain Panatilihing malinis katawan at ang paligid