57

Chiara tagalog w- transitions. After the Beatification.ppt

Embed Size (px)

Citation preview

  • Kung gaano kadaling matutunan ang alphabet, dapat ganoon din kadali sa pagsasabuhay ng Ebanghelyo.

  • Nararanasan ko ang isang malalim na ugnayan kay Hesus na Pinabayaan. Hindi madaling tanggapin ang paghihirap na ito, pero ngayong umaga, pinaliwanag ni Chiara Lubich sa mga bata na kailangan nilang mahalin si Hesus.

  • Jesus, kung gusto mo ito, ito rin ang gusto ko

  • Wala na akong maibibigay pa. Ngunit mayroon pa akong puso, at sa pamamagitan nito, maaari pa akong magmahal.

  • Kung papipiliin ako kung gusto kong makalakad pa o makarating sa langit, mas pipiliin kong makarating na sa langit.

  • ialay ang paghihirap ko kay Hesus dahil gusto kong makibahagi sa kanyang paghihirap sa Krus.

  • Mama Mary, pagalingin mo ako. Pero kung hindi ito ang gusto ng Diyos, tulungan mo akong huwag sumuko at mawalan ng pag-asa. Tulungan mo akong matupad ang aking mga pangako sa Kanya.

  • Mga kabataan ng kinabukasan, hindi na ako makakatakbo pero gusto kong ipasa sa inyo ang apoy gaya ng sa Olympics. Iisa lamang ang buhay natin kaya mabuhay tayo ng mabuti.

  • Ang beatification ritesni Chiara Luce Badanosa Shrine of our Lady of Divine Love sa Roma.

  • Ang mga magulang ni Chiara Luce,sila Ma. Teresa at Ruggero Badano.

  • Mga kabataan sa ibat-ibang panig ng mundo

  • Ang pagdiriwang sa Paul VI Hall sa Vatican

  • Ang mga kabataangdumalo sa Thanksgiving Mass sa Basilica of St. Paul Outside the Walls.

  • Torn with a SmileMoments of love, spelled out her life

    Her icons of faith simply grew in time.

  • Her open smile, her pure heart,

    This luminous masterpiece of love.

  • And all she did was give it all up in the darkness of the night.

    And all He did was turn her world of pain and bring in light.

  • She looked up high, a light shone in her eye, as priceless as a diamond.

    She was torn with a smile.

  • A trail of light, she left behind,

    A living miracle, a life.

  • Her calm ways in all of her days,

    serene and free, showed her brilliant gaze.

  • And all she did was give it all up in the darkness of the night.

    And all He did was turn her world of pain and bring in light.

  • She looked up high, a light shone in her eye, as priceless as a diamond.

    She was torn with a smile.

  • Her pain never showed.

    Her face always seemed to glow.

  • A life lived to the full,

    Taken only by heavens pull.

  • She stayed strong, holding on, with her closest friends.United always and forever, till the very end.

  • Her spotless soul, never lost control till the end of time.

    She was torn with a smile.

    **Si Chiara Luce Badano ay pinanganak sa Sasselo, Italy noong Oktobre 29, 1971.

    **Isang anak ng truck driver si Chiara, at nag-iisang anak lang siya

    ** 11 years din ang hinintay ng mga magulang niya na magka-anak sila, kaya nang dumating si Chiara, sobrang saya nila.

    **Lumaki si Chiarang masigla at normal. Ibinahagi ng kanyang Ina: Minsan, umuwi si Chiara na may dalang mansanas. Tinanong ko siya, saan nanggaling yan. Sinabi niya, pinitas ko sa puno ng kapitbahay.

    ** Pinaliwanag ko na hindi tama ang kumuha ng mga bagay ng walang permiso, na kailangan niyang magsorry sa aming kapitbahay. Sa una, ayaw ni Chiara kasi nahihiya siya.

    **Pero tinanong ko siya, anong mas importante, ang pagsorry o pagkain ng mansanas? Kaya binalik ni Chiara ung mansanas at nagsorry siya. Kinagabihan, nagdala ng isang kahong mansanas ang kapitbahay namin, sabay sabing: May natutunang mahalagang bagay ngayon si Chiara.

    **Sa school, nagkaroon sila ng assignment ng paggawa ng sulat para kay Baby Jesus. Hindi siya humiling ng mga laruan. Sa halip, hiniling niya kay Baby Jesus na pagalingin niyo po si lola at lahat ng mga taong may sakit.

    **Malaki rin ang pagmamahal niya sa mga nakakatanda at masaya siyang tinutulungan ang mga ito. Dito ay kasama niya ang kanyang lola.

    **May katigasan din ang ulo niya minsan. Pero kahit sa mga sandaling ito handa siyang makipagkasundo. Isang araw, inutusan siya ng mama niya na linisin ang mesa. Ayaw ko, sabi niya sabay talikod. Pero bigla siyang tumigil at sinabing: Mama, naalala ko sa Gospel, may magkapatid na inutusan ng papa nila. Sabi nung isa ok pero hindi naman nagpunta. Ang sabi naman ng isa, hindi pero. Mama, paki suot po sa akin ung apron. At sinimulan niyang linisin ang mesa.

    **Ang mga ganitong karanasan ni Chiara ay patunay na pinalaki siya ng kanyang mga magulang sa isang maka-Kristiyanong paraan. Natutunan niya rin ito sa kanilang parish priest na laging nagtuturo ng Katekismo sa mga bata. Laging bukas ang kanyang puso sa pagmamahal.

    **Sa kanyang First Communion, nakatanggap siya ng isang regalo- ang Ebanghelyo. Masayang-masaya siya. Para sa kanya, ito ay isang katangi-tanging libro na may mga extraordinaryong mensahe.** Sinabi niya: Kung gaano kadaling matutunan ang alphabet, dapat, ganoon din kadali sa pagsasabuhay ng Ebanghelyo.

    **Noong September 1980, sa edad na 9, nakilala niya ang mga kabataan ng Focolare. Namangha siya kung paano nila sinasabuhay ang Ebanghelyo sa konkretong paraan, at ninais niya rin gawin ito. Sinimulan niyang mahalin ang mga kaibigan at mga taong nakakasalamuha niya. Noong 1981, kasama ng mga magulang niya, dumalo sila sa FamilyFest, isang malaking pagtitipon ng mga pamilya sa Roma. Ito ay nagdulot ng malaking pagbabago sa kanilang pamilya.

    **Lumaking maganda, aktibo at palakaibigan si Chiara. Noong 1985, lumipat ang kanyang pamilya sa Savona, upang maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa highschool.

    ** Kilala si Chiara sa kanyang paaralan at marami siyang naging kaibigan.

    ** Mahilig din siya sa sports. Magaling siya sa tennis, swimming, mountain-climbing** Mahusay din siyang umawit at sumayaw.

    **At minsan din niyang pinangarap na maging isang flight attendant.

    **Pero, gaya nating mga estudyante, nahirapan din siya sa studies niya kahit na masipag siyang mag-aral. May mga subjects siyang hindi maipasa, at napakahirap para sa kanya ang mga sandaling yon.

    **At kahit na bukas ang kanyang ugnayan sa kanyang mga magulang, nagkakaroon din sila ng mga hindi pagkakaunawaan. Madalas na issue nito ay ang pag-uwi niya ng late o ang pagsama sa kanyang mga kaibigan sa mga coffee shops pag gabi. Umabot sa punto na kailangan nilang gumawa ng kompromiso bilang pamilya para magkasundo.

    **Pero isa sa mga pagbabago sa buhay niya ay nangyari noong 1988. Sinamahan niya ang isang grupo ng mga bata sa congress nila sa Rome, nang malaman niya na bumagsak pala siya sa Math. Nalungkot siya, pero alam niya na hindi niya pwedeng talikuran ang responsibilidad niya sa mga bata.**Mula sa Roma, sumulat siya sa kanyang mga magulang: Mahal kong Mama at Papa, napakahalaga ng sandali ito para sa akin. Nararanasan ko ang isang malalim na ugnayan kay Hesus na Pinabayaan. Hindi madaling tanggapin ang paghihirap na ito, pero ngayong umaga, pinaliwanag ni Chiara Lubich sa mga bata na kailangan nilang mahalin si Hesus.

    **

    Naging malalim rin ang ugnayan niya kay Chiara Lubich, ang nagtatag ng Focolare. Sa katunayan, parang ina na ang turing niya dito. Sa mga sulat niya, lagi niyang panimula: Mahal kong Mama. Sa kanyang hiling, binigyan siya ni Chiara Lubich ng bagong pangalan: Luce o liwanag.Mula sa kanyang pagkabata, parati niyang sinasagot ang tawag ng Diyos sa pamamagitan ng pagmamahal sa kapwa. Pero meron pang hinihingi ang Diyos sa kanya na mas higit pa- ang kanyang oo bilang kanyang Kabiyak.17 years old siya noon. Habang nagtetennis, naramdaman niya ang isang matinding sakit sa balikat. Cancer sa buto. Sa video na mapapanood natin, makikita natin kung paano sinagot ni Chiara Luce, muli, ang pagmamahal ni Jesus sa kanya.

    **Yes video

    **Osteogenic sarcoma, isang seryosong uri ng bone cancer. Nang marinig ito ni Chiara Luce, kalmado at walang luha niyang sinabi, Jesus, kung gusto mo ito, ito rin ang gusto ko.At dito nagsimula ang kanyang paglalakbay tungo sa kabanalan. Madalas na siyang nasa ospital, pero kahit may sakit siya, patuloy pa rin siyang nagmamahal.

    **Isang araw, sa halip na magpahinga, sinamahan niyang maglalakad ang isang depressed na batang babae. Kahit na sobrang sakit ng likod niya, sinabi pa rin niya, May panahon ako para magpahinga mamaya.

    **Malapit rin sa puso niya ang mga bata sa Africa. Nung nalaman niya na may kaibigan siyang pupunta dun para sa isang misyon, agad niyang binigay ung mga ipon niya, at sinabing: Wala na akong maibibigay pa. Ngunit mayroon pa akong puso, at sa pamamagitan nito, maaari pa akong magmahal.

    **Mabilis na kumalat ung kanser, pero sinisikap ni Chiara Luce na mabuhay ng normal at masaya. **Sa katunayan, nang minsan siyang bisitahin ng kanyang mga kaibigan sa ospital ng Turin, isa sa kanila ang nagsabing: Nung una, akala ko dinalaw namin siya para pagaanin ang kanyang loob. Sa halip, kami ang nakatagpo ng kapayapaan. Naintindihan namin na mas higit namin siyang kailangan. Ang buhay niya ay parang isang magnet, inaakit kami patungo sa kanya.

    **Sinabi din ng isang medical staff, Sa kanyang mga ngiti at matang nagniningning, ipinakita niya sa amin na walang kamatayan. Tanging buhay lamang.Sa susunod na video, maririnig natin si Chiara Luce nang tinawangan niya ang mga kabataan ng Focolare sa kanilang congress. Ibinahagi niya ang mga medical treatments niya, at kung papaaano, sa pamamgitan ng karanasang ito, siya nagkaroon ng isang malalim na ugnayan sa Diyos.

    *We can put here instead the phone message of Chiara Luce to the Gen, describing her treatments and her relationship with God.***Mabilis na kumalat ang kanser at wala nang maaari pang gawin ang mga doktor. Naapektuhan na rin ang mga paa niya. Pero sinabi niya, Kung papipiliin ako kung gusto kong makalakad pa o makarating sa langit, mas pipiliin kong makarating na sa langit.

    **Tinanggihan na rin niya ang mga morpina at pain relievers. Nawawala ang kalinawan ng aking pag-iisip. Iisa lamang ang maaarin kong gawin: ialay ang paghihirap ko kay Hesus dahil gusto kong makibahagi sa kanyang paghihirap sa Krus.

    **May mga panahong hiniling niya sa kanyang mga magulang na huwag tumanggap ng mga bisita at kaibigan na gusting dumalaw sa kanya. Noong una, hindi nila ito maintindihan. Pero isang araw, pinaliwanag niya: hindi ibig sabihin na wala akong malasakit sa kanila o akoy nalulungkot. Itoy dahil sa minsan, nahihirapan akong bumaba at umakyat muli mula sa kung saan akoy nananahan na.Ito ang Paradiso na nararanasan ng mga taong malapit sa kanya.

    *Sa kanyang liham kay Maria: Mama Mary, pagalingin mo ako. Pero kung hindi ito ang gusto ng Diyos, tulungan mo akong huwag sumuko at mawalan ng pag-asa. Tulungan mo akong matupad ang aking mga pangako sa Kanya.

    ***Kasama ng kanyang ina, pinaghandaan nilang mabuti ang kanyang kasal, ang araw na makikita na niya si Hesus. Sabi niya gusto niya ng isang simpleng puting damit; siya rin ang pumili ng mga kanta, pati na rin mga bulaklak at Mass readings. Sabi niya, Sa aking libing, nais kong huwag umiyak ang mga tao. Sa halip, gusto kong kumanta sila. Mama, pag akoy hinahanda mo na, wag kang iiyak. Gusto kong sabihin mo sa sarili mo, makikita na ni Chiara Luce si Hesus.

    **At pinakasalan ni Chiara Lucesi Hesus noong Oktobre 7, 1990, saksi ng kanyang mga magulang.Ang kanyang mga kaibigan ay nasa labas ng kanyang silid. Ang kanyang mga huling salita ay, Ciao. Maging masaya kayo dahil masaya ako.Halos dalawang libong katao ang dumalo sa kanyang libing. Kahit na ang mga taong walang paniniwala ay nandun din.

    **Pero bago tuluyang pumunta si Chiara Luce sa Paradiso, nag-iwan din siya ng mensahe para sa atin: Mga kabataan ng kinabukasan, hindi na ako makakatakbo pero gusto kong ipasa sa kanila ang apoy gaya ng sa Olympics. Iisa lamang ang buhay natin kaya mabuhay tayo ng mabuti.

    *Into the light************