Upload
vuongmien
View
214
Download
0
Embed Size (px)
Citation preview
Robert Angel Mercurio
MPS sa NAT, muling umangat!
BUTIL
selebrasyon.
Isa pa sa nagpatingkad sa
selebrayson ang Search for
Mr. and Ms. Alumni 2012 na
pinanalunan nina Arcel Gam-
bol at Daisy Daquiaog na
pawang kasapi ng batch ‟86.
Ang Alumni Homecoming
sa CRVS ay ginaganap sa
tuwing apat na taon. “I‟m
looking forward for home-
c o m i n g 2 0 1 6 , ” a n i
Gaspacho -●
Nagkulay-pula sa
tingkad ang selebrasyon
ng Claveria Rural and
Vocational School sa
kanyang ika-40 Aniber-
saryo sa naganap na
Grand Alumni Home-
coming noong ika-26 ng
Agosto 2012 na isina-
gawa sa CRVS Ground.
Sa temang, “CRVS @40:
Proud of Her History, Confi-
dent of Her Destiny”, pinasi-
nayaan ang engrandeng se-
lebrasyon ng isang misa at ng
mala-sawang motorcade na
umabot mula Barangay Pata
hanggang sa bayan ng Sta.
Praxedes. Kanya-kanyang
sasakyan ang bawat batch na
bumuo sa mahabang parada .
Si Rev. Fr. Samuel N.
Agcaracar, SVD ang nanguna
sa ginawang misa bago ang
ginawang motorcade. Si Fr.
Agcaracar ay kasapi ng
Batch „86.
Hinirang naman si Ginang
Ernaline-Martinez Gaspacho
bilang Pangulo ng Gene-
r al Alu mni A ssoci at ion
(GENALA) ng CRVS. Mata-
t andaa ng s i Gi nang
Gaspacho din ang dating
nakaupong pangulo at
nanguna sa pag-oorganisa sa
Muling tumaas ang Mean
Percentage Score (MPS) ng
Claveria Rural and Vocation-
al School sa National
Achievement Test (NAT)
kumpara sa nakamit nitong
marka sa nakaraang taong
pampaaralan.
Nakapagtala ang mga nasa
ika-apat na taon ng markang
47.83 , pinakamataas sa na-
kalipas na limang taon. Mata-
tandaang nakapagtala ang
ika-apat na taon ng MPS na
45.79 sa nakaraan, mas
mataas ng 2.04 porsyento
ngayon. -◙
Seryoso Ka Ba? Lulong…..
3
Kulom O, Sama ka Na
3
Tambayang Masaya! Kaibigan
4
Kolum TANOD….
3
Lathalain “LOUIE”
5
MPS sa bawat asignatura:
Ingles 50.65
Agham 36.68
Matematika 44.4
Filipino 51.54
Araling Panlipunan 54.43
Grand Alumni Homecoming, binigyang kulay ang ika -40 Anibersaryo ng CRVS
Sa Isyung Ito...
Rodalyn B. Gapusan
Volume XIII, Issue 1 June 2012-March 2013
Ang Opisyal na Pahayagang Pampaaralan ng Claveria Rural and Vocational School
Pahina 2
Editor-in-Chief
Robert Angel C. Mercurio
Associate Editor
Rodalyn B. Gapusan
Field Editors
News Editor Christine Balanay
Feature Editor Frances Jane Tapuro
Literary Editor
Jeslie Ann Balatico
Sports Editor Cristel Gay Calaramo
Managing Editor
Leah Balanay
Circulation Manager Melvin Damo
Cartoonist
King Llonel Bermudez Head, Reportorial Staff
Renafe Taylan Field Reportes:
Lloyd Pascua Frances Dale Viloria
Eric John Pagdilao April Joy Realin
Jinky Miguel Laarni Miguel
Junalyn Erece Chloie Claire Gawayon
Cathryn Villanueva Princess Jeramei Piga
Faulette Grapes Castilico Princess Colobong
Charilyn Joyce Asuncion Jean Pearl Caoili
Lay-out Artist: Allan Tomas Filipino Critic
Corazon T. Valdez English Critic
Melanie C. Palacay Adviser
Teddy A. Balintec
Consultants:
Prospero R. Valdez, Sr.
Fe V. Agcaoili Luz R. Balanay
Dahil sa pagbabago ng mga ku-
rikulum ng taong ito,ay naka-
pagdudulot ng napakalaking kalitu-
han na,hindi alam ng karamihan ang
kanilang kinalulugaran. Sa pagla-
layong madagdagan ang antas ng
edukasyon,ang mga kurikulum na ito
ay ipinanukala ng DepEd mula sa
aprobasyon ng Presidente.
Subalit,marami ang hindi nakaaalam
nito. Anu-ano nga ba? Ito ba'y naka-
tutulong sa marami?
Kasalukuyang binubuo ng
tatlong kurikulum ang paaralan;una
rito ang Understanding by Design
(UBD), K+12 at STVEP
(Strengthened Technical Vocational
Education Program) ng TECHVOC.
Sa K+12, magsisimula ang
isang mag-aaral sa Kindergarten at
pagkatapos anim na taon sa Elemen-
tarya at magiging anim na taon ang
dating apat na taon sa hayskul .
Nangangahulugang magkakaraon
dito ng Junior at Senior hayskul.
Bukod pa rito ay nasasaad din na
maaari nang makapagtrabaho ang
mga magsisipagtapos mula sa ku-
rikulum na ito. Sinimulan lamang
noong Hunyo 2012.
Samantala sa Understanding
by Design o UBD,nabibigyan ng
pagkakataon ang mga estudyante na
matuto sa pamamagitan ng sariling
pag-eksplika na mga aralin.Dito na-
huhubog ang kakayanan ng mga es-
tudyante na matutuhan ang isang
aralin base sa kanilang sariling
pagkakaintindi.Subalit,mayroon pa-
ring ambag ang mga guro sa pama-
magitan ng pagpapaliwanag at pag-
puna sa maling eksplikasyon ng mga
ito.Karamihan sa sakop nito ngayon
ay ang ikalawa at ikatlong taon.
Sa STVEP na-
man,napapangkat ang mga es-
tudyante sa mga “majors” base sa
kanilang interes at sa larangang ka-
nilang naipasa sa isang pagsusulit.
Layon nitong hubugin ang kaalaman
at kakayahan ng mga estudyante sa
isang larangan at pag sapit nila sa
ikaapat na taon ay magpapa-assess
na sila para sila’y makakuha ng Na-
tional Certificate mula sa TESDA.
Kung bubusisiing
mabuti,lalo pa't nagkakahalu-halo
ang mga ito,sadya ngang na-
kalilito.Kung kayat’ nag-iiwan ito ng
malaking tanong. “Kung aalisin na
ang UBD sa susunod,kailan sasaila-
lim ang mga nasa K+12 sa STVEP?
Ang kawalan ng sapat na
eksplenasyon sa mga nasabing usa-
pin ay nagdudulot ng napakalaking
katanungan at kalituhan sa marami.
Hindi kaya nalilito ang mga guro sa
mga nagkakabanggaang kurikulum?
Hanggat walang sapat na pagpapali-
wanag ang DepEd,talagang malilito
ang marami.Ikaw ano ang masasabi
mo?Hindi ba't nakalilito?
EDITORYAL
Pabagu-bagung Kurikulum, nakalilito!
Tagaambag ng
Ginintuang Butil
Ang Ginintuang Butil
Marami sa atin ang nagsasabing ang
salitang “lulong” ay tumutukoy sa mga
taong nahuhumaling sa paggamit ng
droga. Subalit, kung tutukuyin ang
pangkalahatan , ang salitang ito ay tu-
mutukoy rin sa mga taong nahumaling
gawin ang isang bagay. Bakit kaya hin-
di mo basahin ang kolum na ito. Pero
bago yan, babala. Bato-bato sa langit,
ang tamaan dapat magalit!!!
1.Cartoons. Hindi maikakaila na
marami pa rin ang mahilig sa cartoon
shows gaya halimbawa ng Phineas and
Ferb at Tom and Jerry. Base sa datos na
tala ng isang grupo ng mga estudyante,
9 sa bawat 10 estudyante, edad mula 13
pataas ay mahilig pa rin sa panonood ng
cartoons. Bagaman hindi ito isang kasa-
lanan, alalahanin naman sana natin na
matatanda na po tayo para sa ganyang
mga bagay. Bakit hindi mo subukang
manood na History Ch. O Discovery
Ch., sa gayong paraan nag-enjoy ka na,
natuto ka pa.
2.Computer Games.Isa nga ito sa
kinahuhumalingan hindi lamang ng
mga kabataan, maging mga may
katandaan. Ang mga larong ito ay may
napakalaking epekto hindi lamang sa
kalusugan, kundi maging moralidad ng
tao. Maaaring magkaroon ng kom-
plikasyon sa bituka ang isang taong
nahumaling dito dahilan sa nalilipasan
sya ng gutom. Maaari ding magka-
kanser ang isang tao dahil sa eksposasy-
on nito sa radiation mula sa monitor.
3.Facebook at Social Networks. Isa
rin ito sa mga tinuturong dahilan kung
bakit marami ang laging wala sa klase
lalong-lalo na kung araw ng mga pro-
gram sa paaralan. Dahil sa mga social
networks gaya ng FACEBOOK, TWIT-
TER, atbp, napababayaan ng mga es-
tudyante ang kanilang pag-aaral. Simple
lang naman ang ibig sabihin nito. Hindi
ba, na naaabuso na ang internet at bina-
bago nito ang ugali ng tao. Tanong:
Bakit ano ba ang meron sa facebook na
wala ang libro? O sa cellphone??
4.Teleserye. Ito ngayon ang pina-
kaitinuturong suspek kung bakit napa-
karami ang laging huli sa pagpasok.
Ang sobrang panood ng mga ito ang
nakapagpapapuyat sa mga estudyante.
Kung kayat nalilimutan nila ang kanil-
ang mga takdang aralin, mga leksyon at
iba pa. Bakit kaya ganoon na lang ang
hilig ng marami rito?. Ang masasabi ko
lang, kontrolin sana natin ang pan-
onood. Kahit isang beses lang sa isang
linggo ay dapat sapat na, nang di natin
napabayaan ang ating pag-aaral.
5.Sigarilyo at Alak. Alam nating
lahat na marami ang naninigarilyo at
umiinom ng alak kahit sa murang edad.
Hindi naman sa nakikialam pero inyong
alalahanin ang maaaring epekto ng mga
ito sa katawan. Ang paglaki ng tiyan ay
isang batayan kung umiinopm ang
isang tao. Samantala, ang amoy usok na
hininga't pawis ay isa namang indikas-
yon na naninigarilyo ang isang tao.
Kapag ito'y nagpatuloy, tataas ang
bilang ng mga taong may TB, Kidney
Failure at kanser. Kaya isipin ninyong
mabuti ang kahihinatnan ng inyong
buhay kapag nagbibisyo kayo. Ang
tuloy-tuloy na pagbibisyong ito ang
bumabago sa minsang sinabi ni Rizal na
“tayo ang pag-asa ng bayan”. Para bang
tayo na rin ang sumisira sa ating bayan.
Mag-isip-isip ka, bago ka maagang
mawala.
Ito ay lima lamang sa mga bagay
na kinahuhumalingan ng tao. Hindi
lamang ito nagpapaalala sa pagkawala
ng moralidad ng tao, kundi maging ang
nawawalang disiplina sa marami.
Muli ating tandaan na mayroon
tayong utang sa ating mga magulang na
dapat nating pagbayaran. Kahit sa
kaunting paraan man lamang
mabigyang katuturan ang kanilang mga
sakripisyo. Kahit sa ating grado man
lang maipakita natin na may kapalit ang
kanilang pagod. Hanggang dito na
lamang. Ako si MAR, na nagsasabing
“Disiplina ang kailangan, para sa ma-
gandang kinabukasan”. -◙
HellowWw Philippines!! Muzta
na fellow CRVS'ians?? How are you mga kabarkadz? First of all, I want to
express my warmest greetings to all,
baguhan at sa mga nagbaba-
guhan.....jejejeje......(guezz who........?).Welcome sa inyong lahat
dito sa Claveria Rural And Vocational
School, I hope nasiyahan kayo sa na-
pakagandang iskul namin. Siguro inip na inip na kayo sa
tsismis ko 'no? Well, relax lang guyz at
makikita niyo... ah este malalaman niyo
rin. Una sa lahat, I would like to ask you a question. Howz your sem-
break??. Siguro ang iba jan ine-enjoy
na nila ang panonood ng tv lalo na sa
cartoonz...jajaja... bagay pang matandang tulad niyo... Pero bakit kaya
yong mga iba jan walang kaeksa-
excited ang vacation nila?!! Sabi kasi
ng iba bitin ang bakasyon nila!! Hay naku, ang mga ito talaga, hindi na
nakunteto sa isa... Guzto pa ng timer...
Pero kahit ganun, may mga iba jan na
enjoy na enjoy sa pagpipiknik sa tabi ng bahay nila..jaja...'di na nakahanap ng
ibang venue...nakzz naman!! pero 'diba
ang saya, hanep ang feeling pag sem-
break!!! Baling naman tayo sa kabilang
tsismisan. Napansin niyo ba yong iba't
ibang kurikulum natin ngayon? Nai-
intindihan niyo ba? Yes or yes?? Kasi naman may tatlomg kurikulum tayong
nakalilito. Una ay ang K-12 program na
ang mga freshmen o new bie ay
tinawag na grade-7. Pangalawa ay ang UBD (Understanding By Design) kung
saan ako kabilang ngayon. At ang huli
ay ang STVEP,kabilang dito ang 3rd
year and 4th year. Hay naku... anu bang mga ito??? Talagang nakalilito anu???
Alam ba ninyo?? hindi
ninyo alam 'nu???...jaja.... Sa mga na-
kalipas na programa dito sa school na-tin, may mga unforgettable dramas na
nagaganap na para bang sina Daniel at
Thomas. Akalain mo?. Gumagawa ng
eksena during the program... Nakzz naman mga papansin talaga, inawat na
nga babalik pa!! Hay naku. 'Yan tuloy
diretso sa guidance office...
Seryoso
Pahina 3 kolum
ka ba? Oh, Sama
ka na!
- sundan sa pahina 4
Laarnie at Jinky Miguel
Ang Ginintuang Butil
ni MAR
LULONG...
Tambayang
Excuse me me po. Makikiechos lang po sandali. Bago ko po simulan, gusto ko lang paalalahanan ang mga DEAR kong mamba-basa na may nagliliparang mga bato(haha!! Oy tumingala siya!!) Ingat lang baka matamaan ka. Ah sige sige eto na ang mga iba't ibang paglalarawan sa mga ECHOSERANG kaibig-an. 1. Kasama mo sa kahit anong trip- Sila 'yung kasama mo sa LAUGH3P, na kung saan asa-han mo may pagjojoinforce3'an ng grupo hanggang magkapikonan;sa FOOD3P na umaabot sa punto na uutang ng pamasaheng pauwi kase naman ipinambili na lahat ng food. At siyempre sa FIELD3P na kung minsan pa'y aakalain mong papasok sa pribadong skul. Pano naman kase? With matching blouse uni-form?? Hanep ah!! 2. Daig pa ang magulang mo kung pagalitan ka- Pakikialaman ang problema mo sabay sesermunan ka kapag nalaman nila na kasa-lanan mo at matatapos sa mga katagang ba-bagabag sa konsensya mo. Tapos ikaw pa 'tong may ganang magalit kasi naman pahiya ka!! ahah?? 3. Ireredi ang braso sa mga hampas mo tuwing masaya kayo- Uutusan ka na magpatawa hanggang sa hindi mo namama-layang hahampasin ka na lang para tumigil ka na kasi sumasakit na tiyan nila sa kaka-tawa.Divae?? 4. Kukuha ng pagkain mo kahit di mo naman inaalok- Dati-rati di ka pinapansin mamaya tatabi sa'yo tapos kukwentuhan ka tapos ikaw naman 'tong magaling(kabaliktaran) di mo napapansin 'yung isang kamay niya dumudu-kot na sa hawak mong “LAI-LAI”.Tapos pag napuna mo, sasabihan ka na lang ng,”Bakit kaya mas masarap ang pagkain pag hinihingi?”( hinihingi nga ba?)Hay naku!! 5. Kasabwat mo sa mga kalokohan- Sila 'yung magpapasama sa'yo para mag-CR daw, 'yun pala para makita lang 'yung crush niya. Naku! Lumang palusot na 'yan.! At mas masahol pa jan, sila 'yung katulong mo sa pagpreprepare ng KODIGO para sa long test. Tapos pag na-check na 'yung papel, Aba bongga!! Akalain niyo kayo 'yung “TOPNOTCHERS”?? Booomm!!! 'Yun oh!.. 6. Gumagamit ng gamit mo na akala nila gamit nila- Sila 'yung hindi na mag-dadala ng mga drawing materials kasi naman si fiendship for sure magdadala. Share! Share! Feel at home sa bahay niyo- Sila 'yung tipo ng tao na sisiyatin bawat anggulo ng bahay niyo. Tapos kung nasan ka andoon din sila, naka-buntot sila tapos makikiechos pa sa mga
makikita. Tamah ako divae?? 7. Mas excited pa sa'yop pag birthday mo- Next month pa 'yung birthday pero isa isa na silang bumabati ng “HAPPY BIRTHDAY” SABAY ngingitian ka tapos tatanungin ka kung ano handa mo hanggang umabot sa punto na sila na 'yung magdedesisyon tapos ikaw tagapakinig na lang. Infairness,,.. 8. Mas kinikilig pag anjan 'yung crush mo- Sila 'yung titingin sa'yo pag nakitang padating 'yung crush mo o di kaya'y nakitabi sa'yo. Tapos palihim kang kikilitiin sabay mag-tatawanan hanggang mapikon ka na. Kalerkee!! pero aminin kinikilig ka rin??!! Ayihh!!! 9. Hindi ka pakokopyahin sa mga seatworks- Sila 'yung nag-aastang magulang mo pero ayaw kang maispoiled na kahit alam nila na hindi mo na talaga alam 'yung sagot sa tanong, di ka pa rin pakokopyahin. Instead, ituturo lang 'yung solusyon o di kaya'y bibigyan ka ng clue o di kaya ikukwento 'yung binasang sa-naysay na binasa. Tama yan dapat ang pagka-kaibigan nagtatapos kapag sinimulan na ang talakayan,.. Sungit!!! 10. At siyempre, mahal na mahal mo kahit di mo naman syota- Sila 'yung madalas na rason ng away niyo ng syota mo kasi naman kung magshungaan kayo akala niyo kayo lang ang tao sa mundo. Kasi naman si 'boyfrend/girlfrend naaout of place na,. Hay ,. buhay nga naman parang life,. Haha!! Naku! For sure maraming natamaan. Sa mga nadaplisan, pasensya na ginagawa ko lang trabaho ko- ang mapangiti kayo. Sa mga natamaan ng sapol, sige magreact kayo para malaman ng katabi niyo na kayo 'yung mga echosera at loving fren ng bayan.Hehe! Haixxt!!! Oh pano ba 'yan?? hanggang dito na lang nakayanan ko. Next time ulit(kung may susunod pa). Ingats na lang!! BYe!!!;) -◙
Pahina 4 kolum
Masaya!
- O, Sama… mula sa pahina 3
Bakit kaya sa school na year na 'to ang daming mga pusong napana ni Kupido? Kahit saan ka lumingon sa mga classrooms, corridors, sa mountain, sa labas ng campus, even sa mga CR's at iba pang magaganda at masikretong lugar sa CRVS, may mga eksenang tulad nina Daniel at Katerina na sweet na sweet na nagdedate na nakaholding hands at naglalabas pa ng mga matatamis na salita at iba pa jan, hay naku grabe talaga... May kissing scene pang nakaharap sa media... Ang mga ito talaga oo... hindi na nahiya! At ang karamihan sa kanila eh ang mga very very young na estudyante!! Ang lupet nuh?? May naamoy ba kayo? May naririnig din ba kayong parang gumagamit ng Fuego? Hay naku, ang mga taong 'to talaga, kung magbisyo parang maraming pera at alam maghanap ng money. At kung makipag-usap abay na V-fresh o kaya naka Max para daw di maamoy at di mahalata ng kausap lalo na kung yong gf nya.Hmmpp... Pero 'di nila alam, may nakabis-to sa kanila, kaya yan tuloy nakipag-meet kay Ma'am Guidance!!! hahaha... Dapat kasi galin-gan niyo ang pagtatago para walang makasilip sa inyo!... jejeje... Jowks lang! Well, dako naman tayo sa isa ko pang chika... Sa school year na 'to, mayroon na tayong official na uniform na dapat nating isuot everyday kung papasok tayo sa school. Pero bakit kaya palagi nalang akong nakakakita ng mga colorful shirts na para bang naiiba sa amin. Guzto ba nilang sumikat o magpasikat sa madlang pipol? Toinkzz... Maka Showtime hah!! Nakzz... Ang mga taong 'to talaga, 'di niyo ba alam na jan nanggagaling ang marami ninyong fines?!! 'Di na kayo natuto!! Wala ba kayong napapansin during our flag raising ceremony? 'Di ba ang daming kulang sa inyong linya??!! At ang iba pa jan saka lang dumarating during the first period. Hay naku..., eh anu pa matututunan nila kung palagi silang late??!! Alam niyo, advice ko sa inyo, bawas-bawasan niyo ang panonood ng Walang Hang-gan at Wiltime Big Time para di na kayo ma-puyat at makakapag reviiw pa kayo!! Anu?!! Deal or No Deal? Of course deal kayo 'di 'ba?!! Sino ang pinaka idol mong artista ngayon? Siguro marami sa inyo ay si Daniel Padilla anu? Dahil ang pananamit, pananalita at mga awitin niya halos ginagaya niyo na maging ang hairstyle niya di niyo pinalampas. Hay naku, ang dali niyong sumunod sa uso. Pero ang hindi niyo alam eh, may mga uso ngayon na hindi natin dapat tularan dahil ang iba nasusubrahan naman!.. Ang mga iba naman jan, paggising sa umaga hanggang sa pagtulog,
te...te...te...tecks....ting ang ginagawa. Bawas-
bawasan naman natin ang paggamit ng CP. Kahit nagdidiscuss ang guro hala sige... pindot
lang ng pindot kaya nakakukuha nang maba-bang grades. Siguro nasa line of 6 o 7 ang grades... ingat ka diyan baka manalo ka sa BINGGO!! Jokes lang.....jejejeje.... CRVS'ians...Maalala niyo pa ba ang CVTSSA na naganap noong Setyem-bre 20-21? Ang mga iba jan, 'di niyo na sig-uro maalala 'nuh?!..... Siguro kasi inanod na ng dagat ang isip niyo dahil sa kaliligo niyo, baka pati libag niyo inanod na rin!!...jokes... Thanks goodness dahil nasa ikalawang pwes-to ang CRVS.... Grabe, napagod talaga ang mga mata ko sa panonood... hehehe… ◙
Ang Ginintuang Butil
Halaw sa mga bungisngis ni
Frances Jane Tapuro
Disiplina sa sarili? Ano ba ito? Ang disiplina sa sarili ay pinakamahalagang pag-uugali na-tin ,at di natin namamalayan na ito ay nawa-wala na. Sobra nating sinasaktan ang ating mga guro ,sinusumbatan ng maling salita na hindi naman dapat ,ang mga regulasyon at patakaran ng paaralan ay inaabuso narin natin, kahit di tama ginagawa narin para lang ma-pansin ng iba. Mga CRVSians gising!,hindi pa huli ang lahat para magbago. Bilang kinatawan ng Ginintuang Butil narito kami para mag-ulat , sa mga nang-yayari ngayon sa CRVS. *Isang porsientong pag-aaral, 99 porsientong inspirasyon Kabaliktaran na ngayon, dapat 99 porsientong pag-aaral at isang porsientong inspirasyon. Ay mga kabataan nga tala-ga ,kahit saang parte ng CRVS mapa corri-dor,classroom,at kahit mga cr's at sa bundok ay ginagawa naring “dating place” ng magkasintahan. Kahit sa recess time pa makikita mo sa paligid na may nag-uusap ng sobrang lambing ,at may pahawak hawak pa ng kamay . At syempre sa lunch time , mas matindi pa hindi lang holding hands at minsan may kissing scene pa, na siyang dahilan ng pagpunta sa guidance office ,at doon narin
malalaman na walang requirements na nai-pasa,dahil sa pakikipagkita at baka na rin yong pambili ng proyekto ay naibigay/ gina-
wang panlibre sa gf/bf. Ay mga estudyante nga naman tala ga, di mapigilan ang kanilang sarili , ba ta pa tayo hindi pa huli ang pag-ibig na yan , mag-aral muna tayo para sa ating kinabukasan. Mga Reporters Kapag tumunog na ang bell , anong ipinapahiwatig nito?diba next subject?Oo, next subject nga, at kapag lumabas na ang guro , lahat na ng estudyante tatayo at makikipag-tsismisan, at para bang mga report-ers, na totoo lahat ng sinasabi . At pagdating ng guro hindi pa sila tumitigil hanggat di sila napapagalitan, (hindi pa tayo pwedenng mag-ing reporters tandaan nyo yan), at hindi pa kuntento kahit ang guro ay nagtatalakay ng leksyon , nakikipag-usap parin sa katabi , at kapag pinasagot walang alam at walang nakulkuha sa exam ( yan ang napapala ng tsismosa at tsismoso). Huwag tayong salita ng salita ng mga bagay na di-natin alam kung may katotohanan, dahil mayroon din namang nasasaktan. *Inom tayo Dyan! May mga estudyateng umiinom (ng alak) , pero sana hindi na kayo pumasok kapag nakainom , para dina kayo magkaroon ng istorya. May mga estudyanteng nalaman nam-ing sa tanghali sila ay uminom para mawala ang problema (daw) , at sila ay pumasok parin,
pina x-ray upang malaman ang kaniyang sakit. Naging palagian ang pagpunta nila sa Tuguegarao. At sa huli, doon na nalaman ang katotohanan. Meron pala siyang Cancer at sa stage 4a na ito, na kung saan ito ang terminal case ng sakit at mahirap agapan. Hindi makapagsalita ang lahat dahil sa pagkabigla. Wala silang masabi. Natulala at mangiyak-iyak na ang lahat. Hindi nila
Sa mga araw na siya ay nabubuhay pa, kita sa mga mata niya ang saya gayundin sa mga galaw at tawa niya . Hindi mo aakalaing siya ay may itinatagong karamdaman. “Louie” kung siya ay tawagin. Babae man at bading, lagi siya noong habulin. Masasabing siya ay masayahing tao dahilan sa kahit anong sen-yales ng kalungkutan ay 'di mo mahahalata. Mula pa noong siya ay 1st year hanggang sa siya ay magtatapos na sana. Halikayo at ating subaybayan ang kwento niya. Noong una ay regular siyang pu-mapasok. Subalit, simula ng naramdaman ang 'di matukoy-tukoy na sakit, halos isa o dalawang beses na lamang siyang pumapasok sa eskwela sa loob ng isang linggo. Dahil na
rin ito sa laging pagkaka-ospital. Sabi ng doktor, UTI lang ang sakit niya. Pero kung UTI, kailangan bang mag-absent ng ga-noon? Disyembre ng taong 2011, halos hindi na siya pumapasok. Isang araw biglaang sumakit ang kanyang tiyan at hindi tumigil ang hapdi nito. Agad siyang dinala sa pinakamalapit na ospital. Ayon sa mga doktor, isa itong acute apendisitis o ang inplamasyon sa mga parteng appendix ng ating colon. Dahil dito, inirekomenda ng doktor na siya ay dalhin na sa Cagayan Valley Medical Center o CVMC. Agad nga siyang dinala roon. Apat na pain reliever ang nainject sa kanya pero walamg epekto sa kaniya. Pagdating sa Tuguegarao, agad siyang
TanodTanod Precious Mae Failano at
Faulette Grapes Castilico
Pahina 5 kolum
at ayon sa nalaman namin nagkunwari daw pumunta sa clinic para matulog,, pinagdahi-lang mga estudyanteng ito na may sakit, at silay nahihilo , yun pala gusto lang nilang umiwas sa klase at dahilan pa nila na masa-ma ang kanilang pakiramdam, yun pala may tama !, at gusto nilang makaiwas ng klase. At may mga tao namang , kapag nasaktan , umiinom ng alak pampatanggal ng sakit ng loob , ito ang nangyari sa isang 3rd year student. Noong naghiwalay sila ng gf niya , siya ay naglasing at pumasok sa paaralan .Wow! Parang aksyon drama ang ginawa niya . Umiyak na parang baliw at pinag-iinitan lahat ng mga kaklase ng gf niya at higit sa lahat hinahanap ang lalaking karibal niya dahilan ng break-up nila. Huwag kayong maglasing kapag nasaktan , dapat kayong mag-usap ng masinsin ng gf/bf mo nang di rin kayo matawag na baliw.....Ok?? *Hellow Txtmate Ano ba ang gamit ng cell-phone?.Diba ito ay pangemergency?.Oo, ngunit kahit di na importante ang cellphone ginagamit na rin.....Kunwaring may kukunin sa bag yun pala,nagpipindot sa keypad ng cellphone para itxt ang gf/bf na may ta-wagan pa!!!!Mageexcuse sa guro na magbabanyo ngunit dun pala sa sasagutin ang tawag ni txtmate!!!At pag may exam
WOW!! itlog ang makukuha,zero!!naman...
*Precious Heart Romances
Akala ninyo nagbabasa ng leksy-
on/seryoso sa pagbabasa ng libro yun pala
Ang Ginintuang Butil
LOUIE lathalain
Junalyn Erece
… sundan sa pahina 11
...sundan sa pahina 11
Pahina 6 Ang Ginintuang Butil lathalain
DADANG’s FOTO -FUNTASYA
ni Rodalyn “Dadang” Gapusan Ganda ng Lelang ko, winner!
Lolobo pa kaya pisngi ko gaya nito?
Ohh, anong balak mo sa bola?
First Kiss, naaah!
“Happy” trip!
Pormang panalo!
“Walang himala!
Maubusan na tayo ng pinggan, takbo”
Hay, sarap matulog sa
buhangin, gudnayt! “Ang bayan kong Pilipinas, ready…. sing…..”
Pahina 7 Ang Ginintuang Butil lathalain
Joyce Joyce Joyce kokoko FO-TO!
ni Charilyn Joyce Asuncion
...at ang nanalo ay, chan-chararan!!!!! Ang
mga Girl Scouts!
Nakuuu...Baho naman kili-kili mga
„toh! Naligo ba kayo?
Uyy, may natapakan kang tae,
iwwww….
She loves me… she
loves me not...
Hmmp… tulugan ko
na lang kayo!
Magandang umaga ,
magandang umaga…
Ayyy, seryoso!
Ready… say PUWIT!
Ang mga chen-cheneling Lumapit ka dito‟t ikaw lulutuin ko..bwa
hahahahaha….
Isang grupo ng representante mula
sa Rural Health Unit(RHU) ng Claveria ang nagdaos ng talakayan tungkol sa Re-
productive Health Bill noong ika-19 ng
Agosto, 2012 na pinamumunuan nina
Gng. Amelia Perdido at Gng. Jelita Esteban.
Ang talakayan ay nahati sa tatlong
paksa ;sina Bb.Eden Chona Agrida at
Bb.Genine Blanche Galano ang nagbigay kaalaman tungkol sa mga pagbabagong
nagaganap sa mga nagdadalaga at nag-
bibinata;samantalang binigyang linaw
naman nina Bb. Imma Marie Yamat at Bb. Alysa Quindiagan ang tungkol sa
pagbabagong emosyonal at sosyal sa mga
kabataan;at tinalakay naman nina G.
Fillamor Rangpas Jr. at G. Noland Naceno ang tungkol sa sex education.
Sobra-sobra ang pasasalamat ng
grupo dahil sa aktibong partisipasyon ng
mga estudyante tungkol sa paksang ti-nalakay.Ang nasabing talakayan ay nag-
aasam na mabuksan ang isip at saloobin
ng mga kabataan tungkol sa naturang
programa ng ating gobyerno. -◙
Idinaos ang Araw ng mga Guro sa
bulwagan Claveria Rural and Vocational
Schoolnoong ika-5 ng Oktubre, 2012 bilang
pagbibigay pugay sa mga guro.
Kasabay sa pagdiriwang ng buong mundo sa
Buwan ng mga Guro mula ika-5 ng Setyembre
hanggang ika-5 ng Oktubre , nakiisa ang CRVS
sa espesyal na pagdiriwang na ito. Bilang
pagkilala sa naging ambag ng mga guro, isang
simpleng programa ang inihanda ng Supreme
Students Government.
Sa nasabimg programa , binigyang pagka-
kataon ang mga estudyante na ipakita ang kani
lang pagmamahal sa mga guro ng paaralan. Nag-
bigay ang ilan ng mga bulaklak at kards bilang
pasasalamat sa kanila. Samantala nagpaabot
naman ng mensahe ng pasasalamat ang apat na
piling estudyante mula sa ibat-ibang kurikulum.
Tampok naman sa nasabing programa ang
pagbibigay parangal sa mga guro na ibinase sa
isang survey na inlunsad ng SSG. Pinarangalan
sina:
G. Allan Tomas at Gng. Arcelie
Bumagat sa Student's Choice
Award ;
Gng. Leonor Roxas at G. Wilfredo
Manaday sa Most Inspiring
Award;
Gng. Melanie Palacay at Gng. Luz
Balanay sa Most Approachable
Award at;
Gng. Daisy Gapusan at Gng Elvira-
nida Manuel sa Most Loved
Award.
Ang World Teacher’s Day ay idinaraos
tuwing ika-5 ng Oktubre kada taon. - ◙
Kinoronohan sina Melvin Damo at Charilyn Joyce Asuncion bilang Ginoo at Binibining CRVS 2012 sa Claveria Rural and Voca-tional School Gymnasium noong ika-30 ng Agosto 2012 bilang pagdiri-wang sa ika- 40 Anibersaryo ng paar-alan. Si Melvin Damo ay nasa ikaapat na taon sa seksiyon na Indus-try na nasa pangangalaga ng buti-hing tagapayo na si Gng. Elviranida Manuel. Si Charilyn Joyce Asuncion naman ay nasa Grade 7 Faith mula naman sa pangangasiwa ni G. Edwin Lagalo. Sinundan naman sila ng mga naggagandahan at naggagwapuhang
mga prinsepe at prinsesa. Sila ay sina Allan Garcia (Grade-7 Trust) at Ma. Jhoanne Tuazon (IV-Perseverance) bilang 1st Prince at Princess; Jezrel Pascua (III-Love) at Desiree Jane Paleracio (III-Charity) bilang 2nd Prince at Princess; Bryan Cotacte(III-Charity) at Charis Lei Antonio(III-Love) bilang 3rd Prince at Princess at; Raymart Arizabal(III-Diligence) at Rose Ann Naval(Grade-7 Trust) bilang 4th Prince at Princess. Ang nalikom na pondo mula rito ay ginamit sa mga programa at proyekto para sa paaralan. -◙
Pahina 8 Ang Ginintuang Butil KAMPUS BALITA
Araw ng mga Guro, idinaos! Cristine Balanay
Damo, Asuncion, bilang Ginoo at
Binibining CRVS 2012 Cristel Gaye Calaramo
RH Bill, binigyang-
linaw! Frances Jane Tapuro
ESTU-BOT (Estudyanteng Robot)
Leah Balanay
Ang grupong pinangunahan ni
James Carlo Ferer ay naglunsad ng ikalawang lebel ng Robotics sa
Claveria Rural and Vocational School
noong ika-24 ng Setyenbre, 2012.
Ang naturang programa ay nagsimula sa taong 2009 bilang star-
gazing na kung saan nabibigyang
pagkakataon ang mga kabataan sa pag-
tuklas sa ganda ng kalangitan. Ito ay pinangasiwaan G. Jojo Petalino.
Ang nasabing programa ay
naglalayong maranasan ng mga
kabataang Pilipino ang mga teknolo-hiyang nauukol sa mga robots at para
magising ang kanilang interes sa
larangang ito. -◙
Ang tagapayo ng Ginintuang Butil habang
nagpapakitang-gilas noong World Teachers’Day
Pahina 9 Ang Ginintuang Butil KAMPUS BALITA
Ito ang panalo!
RIVERA, binigyang kulay ang
Nutrisyon 2012 Frances Jane Tapuro
“Ang nutrisyon ay kayamanan, mahalaga ito
kaninuman,” ani Rivera sa kanyang talumpati sa pagdaraos ng Buwan ng Nutrisyon na ginanap sa
CRVS gymnasium noong ika-9 ng Agosto,
2012.
Sa temang “Pagkain ng Gulay Ugali-in,Araw-Araw itong Ihain”, binigyang diin ni
Bb. Leilani Joy B. Rivera, isa sa mga bagong
guro ng paaralan ang tamang pagkain ng gulay
at ugaliin itong ihain sa hapag-kainan. Nagbigay kulay sa pagdiriwang ang
Ginoo at Binibining Nutrisyon 2012 na
pinanalunan nina Jenifer Ibarra bilang Ginoong
Nutrisyon at Joceliza Guliman bilang Binibining Nutrisyon. Si Ibarra ay mula sa III-Benevolence
at si Guliman naman ay mula sa IV-Industry.
Ang poster at slogan contest naman ay
ginanap isang araw bago ang selebrasyon para maipakita ito sa lahat. Maayos ding naisakatu-
paran ang vegetable jingle at nutrition booth
pagkatapos ng ibang parte ng programa. -◙
Mga Pumasa sa NC 1 at 2 Pumalo sa 96.94%
Nakapagtala ng 96.94 na porsyento ang mga pumasa sa Assesment ng Technical Education Skill Develop-ment Authority (TESDA) noong ika 19-21 ng Pebrero 2013 na ginanap mismo sa paaralan ng Claveria Rural and Vocational School. Sa siyamnapu’t walong (97) mga estudyante at isang (1) guro, tatlo (3) ang hindi pinalad na makakuha ng National Certificate sa halip ay Cer-tificate of Completion lamang. “Masaya ako kahit may tatlong nakakuha ng COC, basta para
sa akin pasado silang lahat,” ani Gng. Roxas na nagsilbing tagapagsanay ng Dressmaking. Ang assessment ng mga estudyante sa TESDA ay isinasagawa sa lahat ng Technical-Vocational na paaralan sa buong bansa. Nagbibigay ng subsidy ang kagawaran ng Technical-Vocational Education para walang babayaran ang mga mag-aaral na sasailalim sa nasabing assessment. Ang talahanayan sa baba ay nagpapakita ng kabuuang resulta ng nasabing assesment::
KATEGORYA FOODS
TECHNOLOGY HORTICUL-
TURE ANIMAL
PRODUCTION DRESS-
MAKING AGRI-CROP
PRODUCTION
Porsyento ng pumasa
100% NC-II 100%NC-II 100 NC-II 81.25% NC-
II 100% NC-I
NC Passers 31 15 17 13 19
COC Passers - - - 3 -
Tagapag-sanay
Leilani Joy Rivera
Betty Baylon
Elviranida Manuel
Cirilo Viloria Leonor Roxas
Romeo Gapusan
Assessor Petra
Aridao Harriet
Ilustrado Belarmino Addulam
Carmelita del Mundo
Angela Cadag
Robert Angel Mercurio at Rodalyn Gapusan
Astig talaga
ang Pasko! Rodalyn Gapusan
Isang makulay na Pasko ang idina-os sa Claveria Rural and Vocation-al School noong ika-11 ng Disym-bre 2012 na pinangunahan ng Globe Telecommunications. Isang malaki at masayang paligsahan at patimpalak na idina-os. Ipinakita ng mga es-tudyante ang kanikanilang mga talento at galing sa pag-arte at pagpapatawa, pag-awit, pag-sasayaw at maging sa pagkompos ng iba-ibang mga awitin Panalo si Crystal Dancel sa Vocal Solo. Hindi naman nagpahu-li ang mga nasa ikalawang taon sa pagpapakita ng talento sa Folkdancing. “Age Doesn't mat-ter”
naman ang pinatunayan ng mga Grade-7 na nagwagi sa Christmas Medley at Skit. Angkin parin naman ng mga ika-apat na taon ang korona sa Ballroom Dancing. Samantala ,hindi parin binitawan ng IV-Industry ang koro-na nang hakutin nila ang lahat ng parangal sa Most Decorative, Most Symbolic, Best Christ-mas Tree, at Best Lantern. Abot tenga ang ngiti ni Gng Elviranida Manuel sa natanggap nilang paran-gal. Ang nasabing selebrasyon ay ginanap ala-una ng tanghali.-◙
Failano, pinangunahan
ang SSG Robert Angel Mercurio
Nanguna si Precious Mae Failano(III-Benevolence) bilang Presidente ng Su-preme Students Government sa katatapos na Eleksyong Pampaaralan na ginanap noong ika-15 ng Pebrero, 2013. Sa botong 150, hindi inaasahan ni
Failano na siya ang maluluklok sa posis
yon. Maliban sa kanya pasok din sa lista-
han sina: Laarni Miguel (Vice President) ;
Margie Tabieros (Secretary); Eric Jhon
Pagdilao (Treasurer); Claire Abigail Agahot
(Auditor); Farrah Faye Tamayo(P.I.O);
...sundan sa pahina 10
Page 10 Ang Ginintuang Butil literari
SIYA, IKAW at
AKO...
Jislie Ann Balatico
SIYA na minsa'y inibig ko Sa kanya ko minsa'y ipinagkatiwala ko ang puso
Nangarap at bumuo ng plano Nangakong magmamahalan kahit saan tutungo
SIYA'Y lumayo at umiwas
Ngunit nangakong siya ri'y babalik Mawasak man ang puso't damdami'y umalis
sinabing hihintayin siya hanggang makabalik.
Sa kanyang paglisa'y,mundoy nagdilim Hindi kinayang mawala sa'king piling
Idagdag pa ang mga problemang walang sawang dumarating
Relasyong iningatan,biglang nawala na rin.
IKAW na dumating nang mundo ko'y magulo at sa kalungkuta'y naging karamay ko
Luha'y walang sawang pinahid mo IKAW ang muling nagbigay buhay sa mundo.
Sa iyong pagdating buhay ay nag-iba
Binuhay mo muli ang nawalang pag-asa Ngunit ang mga ito'y panandalian lang pala
Dahil sa puso mo kami ay dalawa.
AKO na nagtanga-tangahan Hindi na natuto't naging sunog-sunoran Walang ilang sinisisi kundi sarili lamang
AKO na naging manhid at nagtiwala ng lubusan.
KAIBIGAN... Justin Faye Balatico
Di ko alam kong pa'no magsimula Basta't alam ko kaibigan kita
Araw-araw ikay kasama Di alam kong sa'n hahantong ang tawanan at saya.
Kaibigan kita yan ang totoo
Kailanmay di kita niloko O di kaya'y biniro
Dahil di naman ako ganung tao.
Sana'y di magbabago Ang kabutihang loob mo Dahil di rin magbabago
Ang turing ko sayo.
Hindi ako magbabago Sa turing ko sa iyo
At lagi mong tatandaan Na may nag-iisang ako na nag-aabang.
Panambitan ni AMA!
Robert Angel Mercurio
“Ang mundo na sadya kong ginawa, Mga tao ang sya kong itinakda
Nang dito sa mundo'y may mangalaga Mga bagay-bagay na aking nilikha.”
“Subalit ano na ang nangyayari? Kay dami na sa mundo'y mapag kunwari.
Ang mga puno inyong sinira, Ang mga hayop binubulabog nyo pa.”
“Bakit ang lahat ba ay hindi sapat?
Kulang pa ba ang lahat-lahat? Alalahanin ninyo ang mundo ay 'di nyo pag-aari,
Sapagkat ito'y hiram lang sa batang marami.”
“Oh mga anak kong iniibig,bakit? Hindi ba kayo nag-aalalang magkasakit?
Oh mga anak ko,Sana naman magising kayo At dinggin mga panambitin ng Ama nyo.”
CLAVERIA... JFB
Bakit ika'y nilisan pa?
Bakit pinagpalit pa sa iba?
Mas malinis ka nga
Kung sa iba'y ikukumpara.
Ang dagat mong payapa
Na maraming naaakit pumunta
Alon nito'y musika
Sa mga malungkot na tainga.
Mga binata't dalaga
Pati na may asawa
Mababait sila sa kapwa
Mapagbigay at puso' malambot pa.
Pagmasdan ang mga dalaga
Ka hihinhin nila
Kaya mga binata
Lalong humahanga.
Hindi tulad ng lungsod
Langhap mo'y puro usok
Basura sa lahat ng sulok
Nakikita'y puro alikabok.
Magkasanggang
DAAN!
Leah Balanay
Sa daang mapalad,
Maraming lumakad;
Sa daang makipot,
Kaunting pumasok.
Hindi na nasuring ang daang mapalad
Ay daang patungo sa kapahamak;
Sapagkat kautusang ipinatutupad,
Maraming tradisyong sa pagano tulad.
Hindi na natantong sa daang makipot
Dalisay na aral lamang ang sinisunod;
Kung may tiisin man at pagpapasakop,
Kalitasa'y ipagkaloob.
Gumising at bumangon
Habang may panahon...
Landasin ang daan
Patungo ikapagtatamo ng buhay
nawalang hanggan.
...Failano mula sa pahina 9
Renalyn Roque(Peace Officer); April joy Realin(4th year Chair-person); Genevie Pante (3rd year Chairperson) at si ; Faulette Grapes Castilico (2nd year Chairperson) . Nagpasalamat naman
ang mga bagong halal sa walang
sawang pagsuporta sa kanila ng
mga estudyante ng paaralan at
nangako na gagawin ang lahat
para sa ikauulad ng paaralan.
Umaasa naman ang mga out-
going na mga opisyal na mai-
pagpatuloy ang kanilang mga
nasimulan.
Page 11 Ang Ginintuang Butil
...Louie mula sa pahina 5
Marso ng taong kasalukuyan, napa-
karaming tao ang nagpakita sa kaniya ng suporta at
pagmamahal. Mga kaklase, mga kaibigan, mga guro at mga mahal niya sa buhay ang dumalaw at bumisita sa
kaniya. Sa katunayan, ginawaran siya ng diploma bilang pagkilala at pagtupad sa kaniyang kahilingan ng kani-
yang minamahal na paaralan, ang CRVS.
Sa parehong buwan ding iyon, may inirekumenda ang kaibigan ng kaniyang ama na isang
gamot na di ko na babanggitin ang pangalan ng naturang gamot o produktong iyon. Dahil sa gamot na ito, in-
ihinto ang pag-inom niya ng gamot sa kaniyang tiyan at
sinubukan ang gamot na inirekumenda. Umepekto ang gamot sa unang araw ng kaniyang pag-inom. Kaarawan
noon ng kaniyang kapatid, sa kabila ng pagsasayang
iyon, paulit-ulit na nawalan ng malay si Louie. Dahil ssa hindi alam ng kaniyang ina ang gagawin, agad niyang
pinauwi angt lahat sa kanilang bahay. Nagtungo kasi ang mga kapatid niya sa may dagat upang ipagdiwang
ang kaarawan ng isa sa kanila.
...TANOD! Mula sa pahina 5
nagbabasa ng pocket book.Kaya pala pangiti ngiti na parang baliw dahil kinikilig sa binabasa at sa huli akala mo maraming lessons na pumasok sa isip niya yun pala,ang pumasok sa kukute niya ehh ano?.Mga kiligest
moment ng romantic love story na binasa ni-ya.Huwag kayo masyado magbasa baka mainlove kayo sa mga tauhan ng kwento.
*Sigarilyo ngah??
Ang paninigarilyo ay di maganda sa ating katawan,sabi nga nila ngunit bakit hindi ito sapat para sa mga estudyante.Kahit hindi na makarecess basta may pangsigarilyo sila at kun-wari gustong magbubble gum di kaya'y maglolli-pop dahil gusto lang nilang di maamoy ngunit naamoy parin.Ang smoking place nila ay iba-iba,kahit sa CR pa.At may mga estudyanteng na-tawag ang kanilang mga magulang dahil nakita ng isang guro ang kanilang ginawa.Anu ba ang mai-bibigay ng sigarilyo?mag-isip nga kayo.
Sa buwan ng Mayo, nagsimulang nagpahi-watig ng pamamaalam ni Louie. Ika-6 ng naturang buwan,
nagpabuhat siya sa ama mula sa umaga hanggang gabi. Sa
gabing iyon halos wala ng tulugan ang mag-anak. Kinabu-kasan, nagpaalam ang kanilang ama para bumalik sa
kanyang trabaho. Dahil sa wala ang ama, ang kapatid ni-
yang babae at ang kaniyang ina ang nagsilbing tagabuhat at tagahilot niya.
Martes ng araw na iyon, noon nang siya'y buhatin para ihiga sa kama. Subalit, nangyari na ang pina-
kakinatatakutan ng lahat. Biglang tumirik ang kaniyang
mga mata at nawalan ng ulirat. Hindi magkandamayan sa pag-iyak ang kaniyang ina't kapatid. Sila'y nagdasal para sa
kaniya. “AMEN”, yan ang huling salitang binanggit niya
bago siya nalagutan ng hininga. At sa mga oras na iyon, nasilayan ng kaniyang mag-anak ang kaniyang huling ngiti,
na nagpapahiwatig ng pasasalamat sa pandinig ng Diyos sa kaniyang panalangin. Bagama't masakit, nagpapasalamat
pa rin ang kaniyang pamilya dahil nagkaroon sila ng ma-
bait, gwapo at matulungin na anak at kapatid. Siya si MARK LOUIE, isang mapagmahal
na anak at kapatid, kaibigan at masayahing tao. -◙
*Sugalan sa may Kabundukan
Hindi niyo ba napapansin na may mga es-tudyanteng nakikiflag ceremony ngunit pagdating ng unang klase sa
umaga wala na sila?.Saan kaya sila pumupun-ta?.Base sa mga nalalaman ko,ang mga estudyante ay pumupunta sa bundok para magsugal.Ang ating mga magulang ay naghihirap para lang mabigyan tayo ng pang araw-araw na baon,ngunit ano ba ang ginagawa ng iba jan,sinasayang at pinapatalo sa sugal.Meron bang magandang naidudulot nito?meron nga pero kunti lang mas malaki ang nawawa-la sayo kaya sa mga pumupunta sa bundok na mag-sugal,dapat niyong isiping mabuti ang dulot nito sa inyo.
*Ito ay naisulat para sabihin sa lahat ng estudyante na hindi pa huli ang lahat para baguhin ang lahat ng negatibong pag-uugali natin hanggat maaga pa…
Hanggat may mga tiwaling mga estudyante at hindi tama ang kanilang ginagawa, mananatili kaming nandito at nagbabantay…
Kami ang inyong mga lingkod… kami ang mga TANOD!!! -◙
Page 12 Ang Ginintuang Butil isports
CRVS Table Netters, umangat
sa CVTSSA Olympics Princess Jeremei Piga
Walang nakahadlang sa pagkapanalo ng
dalawang manlalaro ng CRVS Table Tennis Dou-bles Girls sa Championship Match laban sa CSAT
sa nakaraang CVTSSA Olympics na ginanap sa
Claveria School of Arts and Trade noong ika-20
ng Setyembre 2012. Naangkin nina Junalyn Erece at Novelyn
Castillo ang korona bilang kampeon sa laban sa
ipinamalas nilang galing sa paglalaro.Sa unang
laban kontra kina Janica Ragsac at Cecille Pacio ng ASJ, nagawa nilang talunin ang huli sa score
na 2-1.
Naging madali para kina Erece at Castillo
ang huling laban nila sa CSAT na galing din sa panalo laban sa CNHS. Liksi at talas ng isip ang
kanilang ipinamalas para igupo ang kalaban sa
iskor na 2-0.
“Nakalilitong istratehiya ang naging susi sa aming tagumpay,” ani Erece sa isang ambus
interbyu, “Tiwala sa sarili ang aming sandata,”
dagdag naman ni Castillo.
Matatandaang hawak ng CSAT ang korona sa Table Tennis Doubles sa mga babae sa
nakaraang CVTSSA Olympics na ngayon ay ha-
wak ulit ng CRVS.
Mga iskor:
Score Set 1 Set 2
CRVS 13 11
CSAT 10 7
Castillo, panalo sa
takbuhan
Chloie Clare Gawayon
Pinangunahan ni Claridel Castillo
ang paligsahan sa larangan ng pagtakbo sa layong 100 metro sa naganap na CVTSSA
Olympics noong ika-20-21 ng Setyembre
2012 na ginanap sa Claveria School of
Arts and Trades grounds. Bakas sa kanyang mukha ang
magkahalong pagod at saya matapos ni-
yang talunin ang dating manlalaro ng Pal-
arong Pambansa at pambato ng CSAT na si Rhea Calasag. Bagaman mas matatanda
ang kanyang mga katunggali, pinatunayan
niyang kaya niyang makipagsabayan
kahit siya ay baguhan pa lang. “Talagang pinag-igihan ko talaga
ang laban. Alam kong mas matatanda sila
pero hindi ito hadlang upang ako ay kani-
lang madaig,” ani Castillo sa isang inter-byu.
Si Castillo ay nagtala ng 14.31
segundo kontra sa 14.35 na segundo ni
Calasag.-◙
Naval, angat sa laban! Ma. Therese Estorquia
Matagumpay na nasungkit ni Reynald Naval ang korona sa kampyonato sa Badminton Boys Singles sa idinaos na CVTSSA Olympics na ginanap sa Claveria Municipal Gymnasium noong ika-20-21 ng Setyembre 2012. Sa mga nakalilitong pleysing at naglala-kasang mga ismas ni Naval, nagawa niyang sung-kitin ang korona sa kampyonato. Ang pinaghalong ingat at diskarte sa paglalaro ay nakatulong rin sa kanya. Bagaman mahigpit ang labanan, hindi ito nagpadaig, sa halip ay pinag-igiyan niya ito. Dumagdag pa sa tensyon ang malalakas na hiya-wan ng magkabilang panig . Wala namang masabi ang tagapagsanay ni Naval na si G. Edwin Lagalo. Si Naval ay nasa ikatlong taon.
Matamis na tagumpay!
Renafe Taylan
Pinangunahan ni Christian Llord Tamayo ang Triple Long Jump sa hanay ng mga kalalakihan sa nakaraang CVTSSA Olympics na ginanap sa Claveria School Arts of Trades (CSAT) noong ika-20-21 ng Setyembre ,2012. “Hindi ko inaaasahang mangyayari ito.Ako'y baguhan lamang sa larong ito kaya't hindi ako umasa na manalo”,ani Tamayo mata-pos ang laro. Sa liksi at bilis ng mga galaw ni Tamayo,nagawa niyang patumbahin ang mga katunggali baga-man siya'y baguhan lamang sa laro at masyadong maliit kumpara sa mga naglalakihan niyang mga kala-ban.Walang ibinigay si Tamayo na pagkakataon sa mga katunggali para makabawi. -◙
Manding at Galano,Nagwagi
sa Throwing Events!
Jean Pearl Caoili
Nanguna si Froilan Manding sa discus throw habang si Eugine Galano naman sa Shot-put noong nakaraang CVTSSA Olympics na naga-nap sa ground ng Claveria School of Arts and Trades (CSAT) noong ika-21 ng Setyembre 2012. “Masaya ako kasi nanalo sila at hindi ako nagkamali sa pagpili sa kanila dahil alam kong makakaya nila ang paligsahan na ito” ani ni coach nilang si Ginoong Romeo Gapusan,ang tagapag-sanay ng dalawa. Hindi akalain ni Manding na siya ang mananalo sa discus throw noon.Hindi rin nakapaniwala ang kanyang mga kalaban sa mala-uwak na lipad ng kanyang hagis. “Ang layo ng kanyang hagis, hindi ko talaga maabot.” pahayag ng isa niyang kalaban na pam-bato ng CSAT. Naging maganda rin ang laro sa shotput dahil wala rin nakatalo kay Galano kahit todo lakas at kayod ang hagis ng kanyang mga kalaban. Dito, maraming “foul” ang kanyang mga
katunggali dahil hindi nila alam ang wastong paghagis ng shot-put. Muling pinatunayan ni Galano ang kanyang husay sa paghagis ng shotput at discus dahil siya ang nanalo noong nakaraang Dual Meet.At inaasahan niyang magtagumpay muli sa darating na VARDSSAA Olympics.Samantalang mas pinili ni Manding ang makisali sa Basketball.
CRVS, pumangalawa! April Joy Realin
Muling nakuha ng Claveria Rural and Vocational School ang ikalawang pwesto sa CVTSSA Olym-pics na naganap sa Claveria School of Arts and Trades noong ika 20-21 ng Setyembre, 2012.
“Tiyaga lang „yan,” sabi ni Mr. Prospero Valdez, ang OIC ng CRVS.
Samantala, nanguna sa CVTSSA Olympics ang CSAT, su-munod ang CRVS, pangatlo ang Academy of St. Joseph na sinundan ng Claveria National Highschool.
Matatandaang pumangatlo ang paaralan kontra sa ASJ noong nakaraang CVTSSA Olympics.
Pahina 13 Ang Ginintuang Butil
Ang Ginintuang Ani
Pahina 14 Ang Ginintuang Butil
IV-diligence
Jun-Jun R. Agbayani Julius V. Andres Reymark G. Arizabal Prince Norman L.
Bermudez
Jerick M. Calleja Mark Anthony T. Cariño Clark Kevin C. Molina
Erwin A. Puerto Mark Jayson Quilala Michael A. Ramos R-Jay S. Rombaoa
Jhon Claive S. Rompon Edgar B. Simon, Jr. Kae John Q. Tabieros Marvin Q. Tabieros
Clark Jessiekeil G. Viloria
Pahina 15 Ang Ginintuang Butil
IV-diligence
Ivy Claire E. Acquebay Losley M. Agbayani Leah D. Balanay Jeslie Ann B. Balatico
Mariz N. Bumalbal Angelica Fate R. Castillo Sudi A. De la Cruz
Fearl Blessy A. Gapas Rodalyn B. Gapusan Marlyn Marcos Minette S. Miguel
Clineth Yvon A. Nebab Cherry Mae S. Quilala
Maria Cristina R. Quismundo
Joanna Carmella R. Castillo
Arvin Lee B. Sacramed
Pahina 16 Ang Ginintuang Butil
IV-industry
Jun-Jun R. Agbayani Julius V. Andres Reymark G. Arizabal Prince Norman L.
Bermudez
Jerick M. Calleja Mark Anthony T. Cariño Clark Kevin C. Molina
Erwin A. Puerto Mark Jayson Quilala Michael A. Ramos R-Jay S. Rombaoa
Jhon Claive S. Rompon Edgar B. Simon, Jr. Kae John Q. Tabieros Marvin Q. Tabieros
Clark Jessiekeil G. Viloria